webnovel

Aviator's Series#02: Soul Of An Airplane

Delaney Adair Monroeville has a broken family. Her mother left them and go to the man who also had a family. Her hate for her mother will motivate her to pursue her dreams. Even if it takes all her courage to do it.

LeVineDiaz · Teen
Not enough ratings
23 Chs

Kabanata 05

Kabanata 05

Vibes

Pagod na isinandal ko ang likod sa isang mono block chair nang makaupo. Kakatapos lang nang meeting tungkol sa nangyari kanina. Parang naubos agad ang enerhiya ko dahil sa gulat kanina. Hindi ako kinabahan para sa sarili ko, pero para sa mga kasamahan ko iyon naramdaman.

Ipinikit ko ang mga mga mata at iniisip ng mabuti kung bakit hindi agad namin napansin ang mga rebelde kanina. Pero dahil sa matatayog at makakapal na puno sa lugar ay imposible rin naman talaga naming makita ang mga iyon kung nagtatago ang mga ito, pwera nalang kung bumaba pa kami.

"You're beautiful when you close your eyes. But you are more beautiful if you stared it at me."

Agad nagsalubong ang kilay ko nang magmulat ako at sumalubong sa akin ang nakangiting pagmumukha ni Lieutenant Espacio malapit sa mukha ko. Amoy na amoy ko na nga ang mabangong panlalaking pabango nito sa sobrang lapit. Nginisihan ko nalang ito ng pagkatamis-tamis bago hinead-bat saka tumayo at naglakad.

"Aw! Ang sakit noo, Lieutenant," natatawa nitong reklamo kasunod sa akin.

"Mas masakit ba iyon kesa sa puso mo?" pang-aasar ko.

"Mas may isasakit pa iyon kung hindi mo ako titigilan, freshly brokenhearted Lieutenant."

Nakangiti itong sumabay sa akin, hindi man lang pinansin ang sinabi ko.

"Aw! Lagi mo nalang pinapaalala sa akin yan, Lieutenant."

"Stop saying 'aw', you're not a dog, aren't you?" taas-kilay kong saad kaya humalakhak ito, dahilan na ikinalingon ng mga nadadaanan namin kaya sinamaan ko ito nang tingin.

"Ang gwapo ko namang aso, kung ganoon, Lieutenant?" natatawa parin ito.

"You think so? Come on, Dude, walang gwapong aso." Mas lalo itong humalakhak kaya mas naaagaw namin ang atensiyon ng mga nadadaanan namin.

"Shut up, Lieutenant Espacio, you're disturbing them!" I hissed and pointed the group of soldiers na parang may importanteng pinag uusapan.

"Edi hindi ako aso, kasi gwapo ako," pangungulit pa nito at bahagyang ngumuso.

"At nakinig ka pala sa usapan namin kanina, Lieutenant." Mas lalong sumama ang tingin ko dahil sa pang-aakusa nito sa akin.

"Excuse me, hindi ako nakikinig sa usapan ng may usapan. Sadyang malalakas lang ang mga boses niyo at sa malapit ko pa kayo nag chi-chismis!" Lumaki yata ang butas ng ilong ko dahil sa inis.

"Talaga? So gwapo ako kung ganoon." Naiinis kong tiningnan si Lieutenant Espacio na nakangiting-aso.

"Dream on, Dude," pagtatapos ko sa usapan saka binilisan ang paglalakad. Mabuti nalang at hindi na rin ito sumunod at nangulit sa akin.

Agad akong napabuntong hininga pagpasok ko sa quarter at pabagsak na humiga sa kama. Pumasok agad sa isipan ko ang mga nangyari kanina at ang mga pinagdaanan namin sa training. First assignment at muntikan na kami kanina.

Tamad na bumangon ako para makaligo. Pagkatapos magbihis ng isang wash jeans at simpling itim na t-shirt ay lumabas ako sa quarter para makapaghapunan. Naabutan ko sina Talia, Alaister, Lieutenant Espacio at Lieutenant Esperanza sa cafeteria, nagtatawanan habang kumakain. Agad namang kumaway si Talia nang mapansin ako.

"Lieutenant, come over!"

Malapad ang ngiting tawag nito sa akin, pero agad na ngumiwi ako nang tumayo si Lieutenant Espacio at naglakad pa salubong sa akin, with his wide arms open. Aambang yayakap pero agad ko itong tinaasan ng kilay.

Dahil sa ginawa nito ay nagtawanan ang mga nasa mesa, na nagpalingon ng mga nandoon sa gawi namin.

"What the f*ck, Dude!" mahinang singhal ko. Mas lalo pa itong ngumiti sa akin per sinamaan ko ito nang tingin.

"Gusto lang kitang e-welcome, Lieutenant."

"Tss! Welcome my ass," sabay una ko nang lakad at umupo sa tabi ni Talia.

"I heard about what happened earlier. I want to meet that Cadet Del Rosario," natatawang salubong nito.

Kinunot ko ang noo ko para magtanong at agad naman nitong nginuso si Lieutenant Espacio sa tabi ko.

"Tss!" singhal ko. "Pag ba brokenhearted nagiging chismoso?"

Sabay na nagtawanan ang mga kasamahan namin dahil sa sinabi ko, maliban lang kay Lieutenant Espacio na nakanguso sa tabi ko.

"Hindi halatang broken, Lieutenant, kasi dumidiskarte agad." Si Lieutenant Esperanza iyon na ipinagkibit-balikat ko nalang.

May nilapag na tray si Lieutenant Espacio sa harap ko kaya mas lalong tumaas ang kilay ko.

"Kina-career mo ang pagiging broken, Lieutenant," saad ni Alaister.

"For my Lieutenant," natatawang tukoy nito sa pagkain.

"I am not yours, Lieutenant. No one owns me." Kinanchawan ito nina Talia at Alaister kaya ngumuso ito lalo.

Nagsimula na akong kumain nang biglang umingay ang cafeteria. Sabay-sabay na pumasok sina Cadet Del Rosario, Cadet Valdez at Cadet Sanchez. Nagtatawanan ang mga ito, inaani ang atensiyon ng mga kumakain. Nagkibit ako ng balikat nang taasan ako ng kilay ni Talia, at ipinagpatuloy na ang pagkain.

"Hmm.... don't like the vibes." Alaister shrugged her shoulder after she said it. Natatawa itong binalingan ni Lieutenant Esperanza.

"What?" singhal nito.

"The same positive energy ain't no good, huh," natatawa, kaya mas lalong sumama ang mukha ni Alaister.

Nagsimula ang bangayan ng dalawa na tinatawanan lang nina Talia at Lieutenant Espacio, habang tahimik lang akong kumain, hindi na pinansin ang pag-iingay ng dalawa sa harap, at tatlo sa likuran namin.

"Tsamba lang naman niya iyon kanina. Masyadong sipsip," malakas ang boses na saad ni Cadet Del Rosario.

Agad naagaw ang pansin ni Talia doon at mataray na bumaling sa likuran ko. I gave her a half shrugged at hindi na nagkomento pa.

"Let's see for the nex assignment, then."

Si Talia iyon na may nanghahamong boses na ikinailing ko nalang.

----

GorgeousYooo 🍀 💜