webnovel

ASTER UNIVERSITY #1 (The Day She Said Goodbye)

“Hihintayin kita kahit gaano katagal,kahit gaano pa kasakit. Tandaan mo na kapag bumalik ka pa,sisiguraduhin kong hinding-hindi na kita papakawalan pa. Paalam Vi, mahal na mahal kita” - Theo Sage Alvarez

CTL · Teen
Not enough ratings
43 Chs

Capítulo TREINTA Y SIETE

"Grabe 'yon Shawn super tagal mo sa loob ng CR. Sure ka ba na nagbawas ka lang talaga?" Tanong ng mga kaibigan niya ng makapasok siya sa loob ng kotse.

"Alam niyo kung interesado naman pala kayo edi sana sumama na lang din kayo sa akin sa loob." Inis na sagot nito saka kinuha ang cellphone sa bulsa.

"Oh narinig niyo 'yon, huwag ninyong aasarin ngayon si Mr. De Luna dahi kung hindi baka kainin niya kayo ng buhay." Pangaasar ni Lance sa sinabi ng kaibigan.

"Hayaan niyo na siya at least natapos na din yung 'Finding Kubeta Adventure' niya." Dagdag ni Titus saka binilisan ng kaunti ang pag-dridrive dahil hapon na.

"Mukhang gagabihin na tayo ng balik pauwi sa Manila ah" Sabi ni Khiel habnag nakatitig sa bintana.

"Edi makitulog na lang tayo sa inyo." Sagot naman ni Shawn na mukhang naka-recover na sa nangyari.

"Pwede naman kaso baka mahihiya sila Lolo at Lola na patulugin kayo sa bahay namin. Kubo-kubo lang kasi 'yong bahay namin eh. Saka hindi pa 'yon naka aircon."

"Kung makitulog na lang kaya tayo kila Kian?" Suhestiyon ni Titus sa mga kaibigan.

"Pwede naman kaso hindi ba 'yon awkward?" Sabi ni Lance.

"Hindi naman siguro? Saka isa pa isang gabi lang naman tayo mag-stastay eh." Dagdag ni Titus.

Makalipas ang ilang oras ay nakarating na din sila sa boundary ng Pangasinan. At syempre dahil sa katakawan ni Shawn ay napili naman nila munang mag-stop over sa isang bulaluhan na nadaanan nila.

"Late lunch ba 'to or merienda?" Tanong ni Khiel habang nakapila sila para umorder ng pagkain.

"Late lunch lang 'to noh." Agad na sagot ni Shawn na siyang nasa unahan ng pila.

"Magandang Hapon po sir Ano po ang orders niyo?" Tanong ng cashier kay Shawn.

"May group meal po ba kayo?"

"Yes po Sir meron po." Magiliw na sagot ng cashier.

"Ano po ang mga kasama sa group meal?" Tanong naman ni Lance na sumingit sa gitna ni Shawn at Khiel.

"Bale 1 bulalo supreme, 1 miki-bihon lechon pancit, 5 cups of rice, 1 pinakbet, 1 kinilaw na isda at 1 pigar-pigar po." Sagot ng cashier saka inabot ang menu para makita nila ang picture ng group meal.

"'Yan na lang po ang kukunin namin." Sagot ni Shawn saka inilabas ang wallet."Magkano po lahat?"

"Bale 1,055 po lahat Sir. Gusto niyo po ba mag-add ng softdrinks?"

"Sige po. Pa-add na algn ng isang 1.5L ng coke." Sagot ni Shawn saka naglabas ng 1,500 sa kanyang wallet.

"Yung total amount niyo po sir ay 1,120 po."Sabi ng cashier saka tinanggap ang bayad ni Shawn. "May sukli pa po kayo na 380 pesos sir. Hatid ko na lang po sa lamesa niyo kasi wala pa po akong pambarya."

"Huwag na po. Keep the change." Sagot ni Shawn saka inaya ang mga kaibigan na maghanap ng ma-uupuan.

Naisipan nilang magkakaibigan na umupo kung saan malapit ang kotse ni Titus para makita at ma-bantayan nila ito kung sakali mang may mangyari.

"Huwag na po. Keep the change." Panggagaya ince sa sinabi ni Shawn sa cashier.

"Himila may nang libre ngayon oh." Pang-aasar naman ni Khiel

"Huwag niyong masyadong asarin 'yan. Alam niyo na kakabawas lang kaya ayan gutom na gutom." Dagdag ni Titus sa pang-aasar nila kay Shawn.

"'Yan na ang bayad ko sa gas ni Titus at sa oras niyo para maghintay sa akin kanina." Sagot ni Shawn sa mga kaibigan niyang inaasar siya.

"Saka nga pala Khiel ano ba ang gustong pasalubong ng mga Lolo at Lola mo? Nakakahiya naman na dumalaw kami doon ng walang pasalubong." Tanong ni Titus sa katabi.

"Huwag na kayong mag-abala pa. Sigurado naman ako na hindi naman nag-eexpect sina Lolo at Lola ng pasalubong eh."

"We insist." Sabay sabay nilang sagot.

"Kung agnoon edi dumaan na lang tayo ng tinapay or kaya cake doon sa bakery na malapit sa amin." Sagot ni Khiel saka umayos ng upo ng makitang papalapit na ang waiter na may dala ng order nila.

Habang kumakain ay walang imikan silang magkakaibigan. Paano ba naman kasi ay hindi lang pala si Shawn ang nagugutom. Pati na din pala si Titus na pagod sa pagmamaneho mula Manila hanggang Pangasinan.

"Ang sarap ng ulam nila. The best!" Ika ni Shawn saka nag thumbs up. "Worth it 'yong tip ko sa sarap ng pagkain nila."

"Sa sobrang sarap naubos natin lahat. At hindi lang basta ubos, simot na simot pa. Maski yung sabaw ng bulalo nahiya eh." Natatawang sabi ni Titus habang umiinom ng softrdrinks.

"Pahinga muna tayo ng ilang minutes dahil baka kabagan tayo sa sobrang busog. Sabi ni Lance habang hinahawakan ang busog na tiyan.

"Gusto mo ba na ako na lang ang mag-drive ng kotse mo Titus?" Tanong ni Khiel sa kaibigan.

"Pwede din naman kasi mas familiar ka sa daan kaysa sa akin." Sagot nito saka iniabot ang susi ng kotse kay Khiel.

"Gusto ko ng matamis. Pero busog pa naman ako. Paano kaya 'to?" Problemadong tanong ni Shawn sa mga kaibigan.

"Edi doon na lang tayo mag merienda sa bahay nila Kian." Sagot naman ni Titus saka nauna ng tumayo.

"Tara na kaya baka gabihin na tayo eh." Pag-aaya ni Lance habang tinitignan ang oras sa kanyang cellphone.

"3:00 pa lang naman eh." Pagdadahilan ni Shawn pero agad din namang tumayo ng iwanan siya nila Khiel at Lance.

Gaya nga ng suhestiyon ni Khiel, siya na ang nagdrive hanggang sa makarating sila sa kanilang barangay. At dahil gusto ng kanyang mga kaibigan na bilihan ng pasalubong ang kanyang Lolo at Lola ay nag stop-over muna sila sa bakery na kanyang naikwento.

"Bili ka na ng ube macapuno cake, 1 supot ng malunggay pandesal, 1 box ng brownies at 1 box ng ensaymada." Utos ni Shawn kay Lance at Titus saka nagbigay ng 100 pesos.

"Bakit 100 lang?!" Tanong ni Lance

"Ayan ang share ko. Yung iba kayo na magbayad." Sagot ni Shawn saka hinayaan ang dalawang kaibigan na bumaba ng kotse at bumili ng kanyang mga pinabibili.

"Hindi ka ba sasama?" Tanong ni Khiel.

"Busog na busog ako at parang sasabog ang tiyan ko kung naglalakad ako kaya sila na lang ang bahala." Sagot ni Shawn saka tumingin sa bintana upang makita ang ginagawa ng kayang dalawang kaibigan.

Wala naman gaanong tao sa bakery kaya hindi inabot ng sobrang tagal sina Lance at Titus sa pagbili ng mga pasalubong sa Lolo at Lola ni Khiel.

"Sukli ko nasaan?" Tanong ni Shawn sa mga kaibigan ng makapasok sa kotse.

"Andoon sa cashier naiwan." Sarkastikong sagot ni Lance saka isinara ang pinto ng kotse.

"Ok na ba kayo? Tara na?" Tanong ni Khiel bago pinausad ang sasakyan papunta sa kanilang bahay.

Habang nasa daan ay busy lang kaka cellphone sina Lance, Titus at Shawn kaya naman nabigla sila ng may biglang binusinahan si Khiel at itinigal ang kotse sa gilid ng daan. Agad namang tinignan ni Shawn ang dahilan kung bakit huminto at bumusina si Khiel.

"What happened?" Tanong ni Titus na naka-upo sa backseat.

"Si Vi oh may kasama." Sagot ni Shawn saka binuksan ang bintana ng kotse upang tawagin ang atensyon nito.

*****

"Kilala mo ba 'yan?" Iritadong tanong ni Yuki

"Oo kaibigan 'yan ng Kuya ko." Sagot naman nito saka naglakad papalapit kay Shawn.

Hindi na lumapit pa ng husto si Yuki sa 'kaibigan ng Kuya ni Vi' dahil baka mas lalo lang siyang mairita.

*****

"Sino 'yang kasama mo ha?" Agad na tanong ni Shawn.

"Eh ikaw bakit ka andito ha?" Balik na tanong ni VI saka sinilip ang sakay ng kotse.

"Ikaw ahh! Pinagpalit mo na si Theo. Isusumbong kita." Pang-aasar nanaman ni Shawn.

"Bakit ko naman siya ipagpapalit eh hindi naman naging kami saka ano naman ang pake niya sa buhay ko?" Iritadong tanong ni Vi na ikinabigla ni Shawn. "I don't care about someone who I used to like, we don't even have mutual feelings for eachother." Dagdag ni Vi saka ito tinalikuran at naglakad papalapit kay Yuki.

"I think you hit her below the belt." Komento ni Titus saka tinignan ang kapatid na hinahatak si Yuki pabalik sa loob ng bahay nila Kian.

"You shouldn't have said that Shawn." Dagdag ni Lance.

Akmang aalis na sana sila Khiel ng bumukas ang gate ng bahay nila Kian at may sasakyang papalabas. At nakita nila na nasa loob nito Vi ito ay 'yong lalaking kasama niya kania at may isa pang lalaki na mukhang masungit na nakaupo sa backseat.

"Doon na muna tayo sa bahay namin, diba?" Tanong ni Khiel na kumuha sa atensyon nilang magkakaibigan.

"Yes" Sagot nila.

*****

"Why do you look mad Vi?" Tanong ni Iñigo sa backseat.

"Someone just ruined my mood." Sagot nito na nakakunot ang noo.

"Want us to teach him a lesson?" Tanong naman ni Yuki habang nagmamaneho.

"No need. I'm sure he didn't mean what he said." Sagot ni Vi saka tinutok ang aircon sa kanyang direksyon dahi nag-iinit pa din ang ulo niya.

"So paano ba 'yan babalik tayo sa bahay?" Tanong ni Yuki habang nag patuloy lang sa pag-dridrive.

"Kahit saan tayo pumunta. Basta huwag muna tayong bumalik sa bahay nila Kuya Kian." Sagot ni Vi saka sinandal ang likod sa kanyang inuupuan.

*****

Nang makarating sila sa bahay nila Khiel ay agad silang bumaba ng kotse at masiglang binati ang mga Lola at Lolo ni Khiel.

"Magandang Hapon po Lola at Lola" Sunod sunod na sabi nila Shaw, Lance at Titus saka nagmano at isa isang nagpakilala bilang respeto.

"Magandang Hapon din mga hijo. Pagpasensyahan niyo na at hindi namin napaghandaana ang pagdating niyo." Sagot ng Lola ni Khiel saka sila inaya na pumasok sa bahay kubo nila.

"May gusto ba kayong kainin?" Tanong naman ng Lolo ni Khiel ng makapsok sila sa loob ng kanilang bahay.

"Hindi na po Lola, kumain na po kami kanina at medyo busog pa po kami." Sagot ni Titus saka inilabas ang malunggay pandesal na kanilang napamili sa bakery.

"Ito po pala Lolo at Lola pasalubong po namin. Pagpasensyahan niyo na po at ito lang ang nabili namin." Sabi ni Lance saka ini-abot ang dalawang box na may lamang brownies at ensaymada.

"Ito naman po ang pasalubong ko mga Lolo at Lola; masarap po itong ube macapuno cake na ito." Masayang sabi ni Shawn saka ini-abot ang nakabox na cake.

"Aba'y maraming salamat sa mga pasalubong niyo." Masayang sabi ng Lola ni Khiel.

"Salamat sa mga ito mga hijo." Dagdag naman ng Lolo ni Khiel saka kinuha ang mga pasalubong at dinila sa kanilang maliit na kusina.

"Mayroon din ho akong pasalubong sa inyo Lo at La. Mga prutas po ito galing kila Victoria." Sabi ni Khiel saka inilabas ang eco bag na kanyang dala dala na mula pa sa Manila. "Galing ho ito sa mga kasambahay nila Victoria. 'Yong bata po na tinuturuan ko ng part time." Sagot ni Khiel saka ito na mismo ang nagdala ng eco bag sa kusina para hindi na mahirapan pa ang kanyang Lolo.

"Maraming salamat sa pagdalaw ninyo mga hijo. Ngayon na lang muli ako nakakita ng mga bagong kaibigan ni Khiel matapos ang mga nangyari." Malungkot na sabi ng Lola ni Khiel saka isa isang tiningnan ang mga kaibigan ng kanyang apo.

"Huwag po kayong mag-alala Lola. Kami po ang bahala kay Khiel habang nasa Manila siya. Hindi po namin siya pababayaan." Masiglang sabi ni Shawn para maiba ang mood ng Lola ni Khiel.

"Tama po 'yon Lola hindi po namin siya pababayaan. Kung kinakailangan po na magtrabaho kami para lang matulungan siya sa pag-aaral gagawin po namin." Segunda ni Lance sa sinabi ni Shawn.

"Huwag po kayong masyadong mag-alala kay Khiel Lola kung kinakailangan po na i-recommend ko siya sa mga abogadong kaibigan ng mga magulang ko gagawin ko po para lang makahanap agad siya ng trabaho pagkatapos grumaduate." Sabi ni Titus saka nginitian ng matamis ang Lola ni Khiel.

"Maraming salamat talaga sa inyo mga Hijo. Nagpapasalamat talaga ako at matapos ang lahat ng mga nangyari sa amin ay nakahanap pa din ng mga maaasahan at matinong kaibigan ang apo naming si Khiel."

"Kung maaasahan po ang pag-uusapan wala po tayong magiging problema doon Lola pero 'yong pagiging matino medyo hindi po ata ako pasok sa ganoong deskripsyon." Natatawang sagot ni Shawn sabay kamot sa kanyang batok.

"Oo nga po Lola isang matinik na Lover Boy ang isang 'yan." Pang-aasar ni Lance.

"Oh siya kung ganun pala mukhang magiging Lover Boy din 'yong apo ko ah." Pagbibiro ng Lolo nito na kakarating mula sa kusina.

"Sisiguraduhin ko po na hindi ako magiging kagaya ni Shawn." Sagot ni Khiel na kasunod lang ng Lolo nito.

"Grabe kayo ah! Pinagtutulungan niyo na naman ako." Naiinis na sabi ni Shawn saka tumayo at nilapitan ang Lola ni Khiel saka nagpanggap na nagsusumbong.

"Where's the lie though?" Sarkastikong tanong naman ni Titus na ams kinainis ni Shawn.

"Paano ba 'yan hindi naman kayo kasya sa bahay kubo namin may lugar na ba kayo na tutulugan?" Tanong ng Lolo ni Khiel.

"Makikitulog na lang po muna kami sa bahay ng kaibigan namin. Tutal malapit na pong mag-gabi ay bukas na lang kami luluwas pabalik ng Manila." Sagot ni Titus.

"Oh kung ganun siguro pumunta na kayo sa bahay ng kaibigan mo. Mahirap na ang mawala sa daan lalo't na dayo pa naman kayo." Sagot ni Lolo ni Khiel saka isa isang tumayo ang mga kaibigan ni Khiel.

"Paano po ba 'yan Lola kitakits nalang po tayo ule bukas." Sabi ni Shawn saka unang lumabas ng kanilang bahay kubo.

"Ingat po kayo Lolo at Lola." Paalam naman ni Lance saka lumabas at sinundan si Shawn.

"I-tetext na lang kita bukas kung anong oras tayo uuwi." Sabi ni Titus kay Khiel at sak nagpaalam sa Lolo at Lola nito.

*****

"Akala ko ba babalik ka na ng Manila?" Bungad na tanong ng Kuya ni Yuki ng makita si Vi sa kanilang garahe.

"Something came up." Si Yuki na ang sumagot para kay Vi.

"If that's the case then, dito ka na mag hapunan Vi." Aya ni Kelvin kay Vi.

"I'm sorry pero mukhang aalis dina at kami kasi andyan na 'yong kapatid ko." Sagot nito na agad ikinakunot ng noo ni Kelvin.

"You mean andito si Titus?" Gulat na tanong ng isang babae saka siya nilapitan.

"Sino ka?"

"She's your brothers' misery." Sagot ni Iñigo na nagvavape nanaman.

"Well, Nice to meet you Ms. Perez." Sabi ng babae saka inilahad ang kanyang kamay. Pero imbes na si VI ang tumanggap nito ay si Yuki ang nakipag-kamay dito.

"Harm her in anyway andI'll punish you tenfold." Malamig na boses na sagot ni Yuki saka binitawan ang kamay ng babae.

"Chill Yuki, I mean no harm to her." Sabi ng babae saka pumasok sa bahay nila Kian.

"If you want to meet our other friends then it will be a great idea to have dinner with us." Suhestiyon muli ni Kelvin kay Vi.

"If I'll agree to your invitation then, can I invite my brother and his friends?" Tanong ni Vi saka pilyong nginitian si Kelvin.

"Of course, you can invite anyone because you're now part of our family." Sagot ni Kelvin saka ito nginitian at iniwan sa garahe.

"I'm part of your what?" Tanong ni Vi kay Yuki na siyang katabi nito.

"Just call your brother." Sagot ni Yuki saka hinawakan ang kamay ni VI para hilaiin papasok ng kanilang bahay.

*****

"Manang wala pa po ba si Vi?" Tanong ni Titus ng makarating sila sa loob ng bahay nila Kian.

"Wala pa po sir. Pero nag text po siya ngayon ngayon lang na hindi daw po siya magdidinner dito."

"Ha? Eh saan siya mag-didinner?" Tanong muli ni Titus.

"Baka kila Chef Yuki at Iñigo po ule sir." Sagot lang nito sa bumalik ng kusina dahil tinawag siya ng isa pang kasambahay.

"So paano na 'yan? Saan natin hahanapin si Vi?" Tanong ni Lance na komportableng nakaupo sa sofa.

"Baka tatawag din 'yon kay TItus." Sagot ni Shawn habang pinagmamasdan ang mga picture frames sa sala ng bahay nila Kian.

Makalipas lang ang ilang minuto ay nagring ang cellphone ni Titus.

{"We'll have our dinner sa bahay nila Kuya Yuki at Kelvin. I'll message you the address. You can bring Kuya Shawn, Lance and Khiel."}

"Ok. We'll be there." Sagot nito sa kapatid saka binaba ang tawag at muling nagpaalam sa mga kasambahay na hindi sila kakain doon ng dinner.

"Saan tayo kakain?" Tanong ni Shawn ng makapasok sa shotgun seat.

"Kila Yuki at Kelvin De Chavez." Sagot ni Titus na agad ikinagualt ng dalawa.

"Kelvin De Chavez?! Tama ba ang narinig ko ha Titus?" Pagkukumpirma ni Lance sa sinasabi nito.

"As in Kelvin De Chavez na nakalaban namin sa debate na natalo kami?!" Gulat at sarkastikong tanong ni Shawn.

"Yeep siya nga. Si Kelvin De Chavez nga na nag-aaral din sa Aster University."

"Kung nandito si Kelvin edi nandito din 'yung mga kaibigan niya?" Tanong muli ni Shawn na agad nitong sinang ayunan.

"If he is here then my brother would also be here." Mahinang sabi ni Lance na hindi narinig nila Shawn at Titus.

"May sinasabi ka ba?" Tanong ni Shawn sa kaibigan.

"Wala! Ang sabi ko magkikita na naman kayo ni Kelvin na tumalo sa'yo sa debate. Naaalala mo ba 'yon K.O. ka talaga sa kanya eh." Natatawang sabi ni Lance saka tumayo sa kinauupuan.

"Sana lang talaga makalabas pa tayong lahat ng buhay pagkatapos ng dinner." Sabi ni Titus saka naglakad papalabas ng bahay nila Kian.

A/N: Thenkyuu for reading please continue supporting the next chapters :)) stay safe and healthy!!!

Please support my twit acc 🥺👉👈 :

✨@citrinelily17✨

Disclaimer:

This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner.