1 Unmeant

LUNOX

Nagising ako nang may kumalabog mula rito sa loob ng kuwarto ko. Wala akong ibang nakikita kung 'di ang maliwanag na buwan. Sobrang dilim ng kuwarto ko. Nakalimutan kong nakatulog pala ako ng maaga kanina kaya't nakalimutan kong magpalit ng damit at buksan ang lampara.

"Baka isa lang 'yong bubwit," Saad ko sa isip ko.

Tumayo ako at bubuksan na sana ang lampara pero may natamaan ako mula sa aking paa. Matigas na bagay na hindi ko mawari.

Dala ng kuryosidad, bahagya akong yumuko at hinawakan ang matigas na bagay na 'yon. Pero teka... iba ang hugis nito. Akala ko isang mabigat na kariton lang na dinala dito at 'di ko napansin.

Muli kong kinapkap 'yon pero nang nanlaki ang mata ko nang mapagtanto kung ano ba 'yon.

"Your hands are soft as cotton,"

Tila may isang bomba na pumutok sa loob ng dibdib ko para makaramdam ng kakaibang kaba. Hanggang sa unti-unti akong napaatras. Bigla na ring nanginig ang mga tuhod ko pero hindi pwede, ayokong bumagsak nalang rito gayong may iba pa akong kasama.

Hanggang sa naabot ko ang bukasan ng ilaw. Napapanganga ako sa nakita nang sakupin ng liwanag ang kaninang madilim na kuwarto.

Dahan-dahan tumayo ang lalaki na may puting buhok. Bahagya itong nakataas pagilid, may suot din siyang scarf na pula na tinali niya sa kanyang noo. Mayro'n siyang isang hikaw sa kabilang tenga. Nakasuot siya ng boots na itim at napansin ko rin sa bandang bewang niya ang isang baril.

Lalo akong kinabahan. 'Yung tipong para na akong lalamunin ng kaba ko at hihimatayin nalang ako. Hindi kaya isa sa mga sumugod sa lugar namin kani-kanina lang?! Balak niya ba akong kunin at gumawa ng masama sa akin?! Ito na ba 'yung kinatatakutan nila Ama?!

"Aaaaaaaaaahh!" Napapikit ako ng mariin at tinakpan ang dalawang tenga ko. Ito lang ang tanging paraan para malabas ang takot ko, kailangan marinig nila ako mula dito sa tuktok.

Elena...

"Wa-Wait, don't scream!"

Napadilat ako at nanlaki ang mata nang takpan niya ang bibig ko. Bahagyang kunot ang noo nito habang nakatitig sa akin. Pero kaagad ko siyang tinulak palayo at tinitigan ng masama.

"A-Anong ginagawa mo dito?! Sino ka at paano ka nakapasok?!" Bulyaw ko marahil dahil sa iba't-ibang emosyong nararamdaman.

Tinaas niya ang dalawang kamay niya na parang sumusuko. "Okay, let me explain..." Bumuga siya ng hangin. "I really thought, there was a treasure hidden here on top of palace. That's why I climb up, hoping to find out about golds and luxury. But seems..." Bigla siyang napangisi, "I found more than I expected."

"A-Anong ibig mong sabihin?!"

"I'm not a bad guy, cutie." Saka ito sumandal sa dingding namulsa.

"Umalis ka na! Walang anumang kayamanan dito. Kaya pwede ka nang umalis!" Pero mukhang wala lang sa kan'ya ang pagsigaw ko. Hindi ko na alam ang mararamdaman kapag hindi pa siya lumabas dito.

"Nah, I believe you're the princess they're talking about." Natawa ito, "Hindi ko akalain na matatagpuan kita dito at makikita personally. Wow,"

"Hi-Hindi. Hindi ako prinsesa," Maang-maangan ko. Baka sakaling malinlang ko siya.

"Liar." aniya, "Usap-usapan ka sa baryo namin, sa kabilang isla. Madalas kong naririnig na may magandang prinsesa daw na nakatira sa Whetheria. May ilan pa ngang mga dumalaw rito para makita ka at nati-tiyempuhan ka nga nilang nasa karwahe. Sobrang ganda mo daw, well, ngayon napatunayan ko na, na tama sila. You're beautiful than I thought."

"Wala kang makukuha sa 'kin! Isa lang akong normal na prinsesa. Kaya huwag kang umasa na may makukuha ka sa 'kin na anuman!"

Nagkibit-balikat ito at napahawak sa bewang n'ya, noon ko lang napansin na may nakasukbit na posas doon. Nanlaki ang mata ko. Nagiging praning na ako sa kung anumang ang maging kilos niya.

"Oh, shit. Nakuha ko pala 'to?" Mahinang saad niya sa sarili na parang hindi niya alam na nasa kanya ang isang posas.

"Ga-Gagamitin mo ba sa akin 'yan?" Kinakabahang tanong ko.

Tumingin naman ito sa akin at natawa, "Nakuha ko lang 'to mula sa mga marino na lumusob sa barko namin. Hindi ko inakala na sumabit pala sa 'kin ito. Saka, bakit ko naman gagamitin sa 'yo? Mukha ba akong kidnapper?"

Umiwas ako ng tingin at palihim na napahinga ng maliwag. Mabuti nalang...

"Mahal na prinsesa? Bakit ka sumisigaw? Anong nangyari diyan?"

Narinig ko ang boses ni Elena mula sa likod ng pinto. Doon ako nabuhayan kaya naman bubuksan ko na sana iyon nang mabilis akong pigilan sa kamay ng lalaking ito.

"I'll get caught, don't open it." Utos niya pero nagpumiglas ako.

"Sinabi ko kasi na umalis ka na! Bitawan mo ako!"

"Mahal na prinsesang Lunox?! Sinong kasama at kausap mo?! Buksan mo ito!" Tila naalerto si Elena base sa kan'yang boses kaya naman sa abot ng aking makakaya ay sumigaw ako.

"Tulungan mo ako! Tulong, Elena!"

Nang mapatingin ako sa mukha ng lalaking may hawak sa akin. Bigla itong huminto. Nawalan ng ekspresyon ang mukha n'ya habang nakatitig sa akin.

Sinulyaban ako ng takot dahil sa awra niya.

"Tu-Tulungan mo 'ko, Elena! Hawak n'ya ako at hindi---"

Nagulantang ako nang ikabit nito ang posas sa kamay ko at ang isa ay i-lock n'ya sa sariling kamay n'ya. Ngayon ay tig-isang kamay na namin ang nakaposas sa isa't-isa.

Tinignan ko siya nang 'di makapaniwala. "A-Anong..."

"Fine, I'll take you with me," Matigas na bulalas nito.

"Elenaaaa!"

Mabilis akong hinatak nito papunta sa bintana. Sumampa siya don at mabilis akong binuhat. Pakiramdam ko tatalon ang puso ko nang makita kung gaano kataas ang pinaroroonan namin. Sobrang taas!

"Pwede ba h'wag mo akong isama!" Walang tigil na pagpupumiglas ko pero hindi n'ya ako pinapansin.

Hanggang sa humawak siya sa makapal na lubid na hindi ko napansin kanina. Bababa kami gamit iyon?!

"A-Ayokong sumama sa 'yo ano ba?!" Patuloy ako sa pagpalag.

"H'wag kang makulit kung ayaw mong mahulog." Usal nito at bago pa ako makasagot ay tumalong na ito at nagpadala pababa sa lubid.

Dahil doon ay wala akong nagawa kung 'di ang mapakapit ng mahigpit sa kanya at mapapikit. Ayoko pang mamatay. 'Yun ang paulit-ulit kong sinasabi sa isip.

Gusto ko na ring maiyak dahil tinatangay ako ng isang lalaking hindi ko kilala. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin. Hindi ko alam kung anong mangyayari.

Ama... Ina... tulungan niyo ako.

avataravatar