"Mommy, wake up!" Ae
Hay nako keaga aga ee. Ano na naman ba pakulo nila?
Balak pa ata ako sampalin ng anak ko pero...
"Ae, Mommy is awake"
Kaagad kong sinabi kasi ang sakit manampal nito ee mana kay Quinn.
Kaagad na ako tumayo at pumunta na sa cr para mag ayus at mahismasmasan.
Pagkatapos ko mag hilamus ay nag ayus na ako para makakain na sa labas.
"Let's go, Mommy" Ae
"Nasaan Daddy mo?"
Pagkagising ko kasi wala siya e. Bakit ko naman hinahanap yun?
"Nasa labas na po" Ae
Lumabas na kami ni Ae at tinuro sa amin ng bellboy kung saan kami magbrebreakfast.
"Dito na po Ma'am" Bellboy.
Nginitian ko na lang siya at umalis na siya. Nagulat naman ako sa disenyo kung saan kami magbrebreakfast.
"Let's eat" Bry
Iuusod ko na sa yung upuan pero siya na ang nagusod kaya umupo na lang ako.
"Bakit parang bongga naman nito? Haha"
"Don't mind it, let's eat" Bry
Hindi na ako nagtanong kasi mukhang masarap ang mga pagkain na nakalatag sa amin.
Masyado kami nag enjoy ni Ae dahil masarap at ang hangin dito kasi nasa seaside kami.
Nang matapos kami kumain ay naglaro sila sa may seaside. Ako naman ay bumalik sa suite.
Nang bumalik ako ay naligo na muna ako pagkatapos ko maligo ay nagdadalawang isip ako kung mag susuot ba ako ng two piece.
"Isuot ko na lang kaya 'to?"
Sabay turo ko sa one piece. Nagulat ako ng biglang tumunog yung phone ko. Sino kaya 'to?
Quinn Maganda is calling...
Sinagot ko na lang yung tawag.
"Good morning, Bree!"
Jusko, ang lakas naman ng energy nito palibhasa wala ng hangover lagi.
"Bakit?"
"Ouch walang 'good morning Quinn. Nakatulog ka ba ng ayus?' 'Bakit' agad a" Quinn
Napaka arte nitong babaitang ito.
"Boba ka! Bakit ka tumawag?"
"Musta bakasyon niyo diyan?" Quinn
"Ayus lang naman bakit?"
"May nangyare na ba? May kapatid na ba si Ae?" Quinn
Anong kapatid?
"Boba ka! Nandito anak namin"
"Edi kapag wala, may mangyayare talaga?" Quinn
Potspa 'to!
"Napaka boba mo! Kahit wala anak namin, walang mangyayare"
Napaka berde nito ni Quinn ee.
"Asus! Deny pa!" Quinn
"Balakadiyan! Ibaba ko na 'to"
"Uy joke lang eto naman hindi mabiro" Quinn
"Bakit ka ba tumawag?"
"Bawal mangistorbo? Busy ka? Busy ka?" Quinn
"Hindi, nahihirapan kasi ako pumili kung yung One piece ba o Two piece?"
"Gaga! I-two piece mo na para maglaway yang bebelabs mo" Quinn
Hay nako bakit pa ako nagtanong dito?
"Two piece na yan! Two piece na yan! Two piece na yan!" Quinn
Ang kulet nito!
"Oo na, Oo na. Mag twotwo piece na ako jusko ka"
"Enjoy girl! Galingan mo a!" Quinn
"Bano ka!"
Bigla na ako pinatayan ng buang na 'to.
Hay nako makapagbihis na nga lang. Pagkatapos ko magbihis lumabas na ako medyo nahihiya pa ako sa suot ko kaya naka beach dress muna ako.
Pagkapunta ko sa dagat nakita ko na sila agad. Naglalaro sila, ang cute huhu. Nilabas ko kaagad phone ko para kuhanan sila ng picture.