webnovel

Arranged (First Gen series #1)

Hope Aubree Castillo, anak ng mayaman na nagmamayari ng malls at hotels sa pampanga kaso ang kanyang ina ay namatay dahil sa pagkapanganak ni Bree kaya hiniling ng kanyang ina na sa bestfriend niya na iaarrange ang kanyang anak kay Bree. Di nila alam na si Brylan Kai Perez ang tinutukoy nitong anak ng bestfriend. Crush na crush ni Bree si Bry pero ang tanong mamahalin kaya kaya niya si Bree?

Aubwyy · Teen
Not enough ratings
32 Chs

Chapter 25

Nanggabing umalis siya kaagad ako pumasok sa loob ng kwarto kung saan natutulog si Ae. Niyakap ko siya ng dahan dahan para hindi magising. Hindi paren mawalawala sa akin ang mga luha ko sa mukha. Pero nakaramdam na ako ng pagod at antok kaya natuluyan na akong nakatulog.

Biglang tumunog ang phone ko kaya nagising ako. Shems ansakit ng ulo ko.

Paggising ko pinatay ko na yung alarm sa phone ko pero ang ikinagulat ko wala si Ae sa tabi ko. Dali dali ako lumabas at bumaba pero nakita si Ae masayang nakain sa dining kasama ang daddy niya.

Napatingin sa akin si Bry dahil tumatakbo ako pababa.

"Good morning, Mommy!" Ae

Ngumiti na lang ako sa anak para 'di niya mahalata ang taranta ko kanina.

Umupo na ako sa tabi ni Ae at kumain na ren. Tahimik lang ako kumain at si Bry din siguro dahil don sa nangyare kagabi. 

"Mommy, pupunta ka sa work?" Ae

Ay oo nga pala may mga gawain pa ako sa company.

"Yes, Baby. Hahatid kita bago ako pumunta sa work" sabay ngiti ko sa kanya.

Sa totoo lang ayokong ihatid siya ni Bry.

"Ako na maghahatid sa kanya" Bry

Medyo nataranta ako don sa sinabi niya.

"Huwag na, ipapatawag ko na lang yung driver namin" 

Shems, sana wag niya na ipilit.

"Hahatid ko kayong dalawa" Bry

Magsasalita na sana ako kaso...

"Don't worry, 'di ko siya itatakas" Bry

Siguro nabasa niya yung mukha ko kaya ayoko ihatid niya si Ae.

Pagkatapos ang eksena kanina tumaas na kami ni Ae para magayos. May mga damit kami dito ni Ae kasi dito tumira nung buntis ako, wala kasing magaalaga sa akin sa mansion kaya dito na lang muna ako pinatira ni Tita Bea.

Nang matapos na kami mag ayos ni Ae bumaba na kami. 

"Mommy ihahatid po tayo ni Daddy?" Ae

"Yes, baby kaya behave ka lang mamaya" 

Tumango naman siya at ngumiti. 

"Ma'am nasa labas na po si Sir" Manang

Tumango na lang ako kay manang at lumabas na kami kaagad naman kami nakasakay kay Bry at pinaandar niya na ito.

Unang hinatid namin si Ae. Tuwang tuwa si Ae kasi first time niyang mahatid ng daddy niya.

Papunta na kami sa company ko. Tahimik lang kasi walang balak magsalita pero...

"Bree, sorry nga pala kagabi" Bry

Nagulat ako kasi akala ko 'di na niya papaalala.

"No, It's fine. Ineexpect ko na naman yan" 

Ngumiti na lang ako pero nakatingin paren ako sa kalsada. Ayaw ko siyang tignan. Ang rami ko ng panlalait na narinig ko sa kanya. Makikipag usap na lang ako sa kanya para sa anak namin.

"Kinausap na ako ni Mom about don sa nangyare. Dapat 'di kita sinisi. Sorry Bree" Bry

"Okay lang. Just be good to Ae please. That's all I want" 

Yun naman diba gusto ko?

"Pero-" Bry

"Bry, wala na akong balak ibalik yung arranged marriage na yun" 

Kaagad na ako bumaba kasi kanina pa kami sa tapat ng company ko at gusto kong iwasan si Bry.

Pumasok na kaagad ako sa office ko at ginawa na ang mga kailangan kong gawin na naligtaan ko.

Mga ilang oras na lumipas at maglulunch na pero ang rami ko pang tatapusin kaya mamaya na akong maglulunch.

"Ma'am may bisita ka po" Secretary.

"Papasukin mo" 

Sino kaya 'to?

"Hi mommy!" Ae

Nagulat ako kay Ae.

"Sino naghatid sayo?" 

Pumasok si Bry sa office ko.

"Ako" Bry

Tumango na lang ako.

"Baby, kumain ka na?" 

"Yes, mommy" Ae

Ngumiti siya sa akin at pumunta sa couch kung saan lagi siya natambay pag nasa office ko siya.

"Ikaw? Kumain ka na?" Bry

Nagulat naman ako tanong nito.

"Hindi pa, may aasikasuhin pa ako dito kaya mamaya na" 

Kaagad naman siyang may nilapag sa lamesa ko.

"Buti na lang nagluto ako kasi alam kong 'di ka kumakain sa tamang oras" Bry

Nagluto siya?

"Dapat 'di ka na nagabala may pagkain naman sa baba e" 

"It's my obligation as your husband" Bry

Husband?! Pinagsasabi nito? 

Hindi ko na lang siya pinansin at ginawa na lang ang trabaho ko pero siya binuksan niya yung lalagyan at nakita ko don ang mga niluto niya. 

Inayus niya ang pagkain ko at nilapit sa akin.

"Kumain ka na" Bry

"Ugh! Okay, fine kakain na ako" 

Ang kulit niya kasi

Inubos ko na yung pagkain kaagad kasi naiilang ako sa kanya kasi pinapanood niya ako kumain.

"Mommy, Daddy, Meron po kaming Family day bukas" Ae

"Sasama ako bukas. Wala naman akong gagawin masyado bukas"

"Sorry, baby. Di ako makakasama kasi ang raming work ni mommy" 

Oo maraming akong work atsaka iniiwasan ko si Bry.

Nalungkot naman si Ae sa sinabi ko.

"Nandiyan naman si Daddy para sumama sayo" 

Ngumiti na lang ako sa kanila at ginawa na ang trabaho ko.

"Pilitin mo si Mommy. Magpacute ka" Bulong ni Bry kay Ae pero hindi ko narinig.

"Mommy please" Ae

Nagulat ako ng gawin niya yung Aegyo ni Woozi (seventeen). Sino naman nagturo dito?

Pero shems ang cute ng anak ko Huhu.

"Okay, okay, Fine. I'll go"