webnovel

Arranged (First Gen series #1)

Hope Aubree Castillo, anak ng mayaman na nagmamayari ng malls at hotels sa pampanga kaso ang kanyang ina ay namatay dahil sa pagkapanganak ni Bree kaya hiniling ng kanyang ina na sa bestfriend niya na iaarrange ang kanyang anak kay Bree. Di nila alam na si Brylan Kai Perez ang tinutukoy nitong anak ng bestfriend. Crush na crush ni Bree si Bry pero ang tanong mamahalin kaya kaya niya si Bree?

Aubwyy · Teen
Not enough ratings
32 Chs

Chapter 22

"Baby, where do you want to go?" 

Tanong ko sa anak ko. Sunday kasi ngayon kaya ipapasyal ko siya.

"Mom, I want to go mall please" Ae

"Sure, baby" 

Pinaliguan ko na si Ae at binihisan na para makaalis na kami.

"Mom, narinig sa usapan niyo ni pretty lola about kay daddy. Uuwi na po ba siya?" Ae

Nagulat ako sa sinabi ng anak ko. Shems, nagmana pa nga kay Asha.

"Ae, diba sinabihan kita na wag kang makikinig sa usapan ng mga nakakatanda sayo" 

"Sorry mom pero narinig ko po kasi pangalan ni daddy e"

Shems, naawa ako sa anak ko. Alam kong gustong gusto na niya makita daddy niya.

"Pinagusapan lang namin ang pagdating ng daddy mo dito" 

Natuwa siya sa sinabi ko dahil dadating yung dad niya.

"Talaga po ba?"

"Yes, kaya dapat behave ka lang" 

Tumango naman siya at ngumiti. 

Sumakay na kami sasakyan at pumunta na sa mall.

"Baby, let's eat first" 

Hindi pa kasi kami naglulunch kaya kakain muna kami.

Pumasok na kami sa restaurant at nagorder na ren.

"Mom, tinanong ko si Ninang Quinn about kay dad sabi niya naiinis daw siya don. Bakit po siya naiinis kay dad?" Ae

Nagugulat na lang ako sa pinagsasabi ni Ae e. Ano na naman ba sinabi ni Quinn dito? Sa totoo lang si Quinn ang pinakanaiinis kay Bry. Alam niyo naman yun ayaw niyang nasasaktan kami pero kasi nung makita niya akong duguan sa may parking lot hindi niya papalampasin yun.

"Don't mind your ninang Quinn" 

Hindi na siya nagtanong ulit kasi nag focus na siya sa food niya.

Nang matapos na kami kumain ay pumunta na kami sa mga toys kasi may bago daw na doll.

"Konti lang bibilhin naten, Ae. Hindi mo naman kasi nalalaro lahat"

Sa totoo lang ang rami na niyang laruan galing kay Mom pero gusto niya paren.

"Mom, looh oh" Ae

Tinuro niya yung malaking doll.

"Mom, Can you take a picture with this doll please" Ae

"Ofcourse"

Pinicturan ko na yung malikot kong anak. Ang galing magpose nitong batang 'to mana kay Asha.

Pagkatapos namin mamili ng mga laruan niya ay lumabas na kami.

"Wow! What a big ferris wheel, Mommy" Ae

Sabay turo sa Pampanga eye.

Labas kasi ng mall dito sa San Fernando Pampanga ay yung Sky ranch Pampanga kaya maganda dito.

Fudge! naalala ko na naman yung nangyare sa amin ni Bry sa Pampanga Eye. 

"Do you want to go in that big ferris wheel?" 

Tumango naman siya at nagtatalon kaya pumunta na kami sa ticket station.

Bumili na ako ng ticket na ride all you can pero...

"Ae!"

Shet nawawala anak ko!

Pinuntahan ko yung Pampanga Eye kasi baka nauna na siya pero wala siya doon. Nilibot ko na ang mga rides pero wala paren kaya tumingin ako sa mga tindahan at ayun nakita ko siya pero may kausap na lalaki.

Pinuntahan ko kaagad si Ae.

"Ae, I told you don't talk to strangers" 

"Pero mommy, Hindi naman siya stranger e. Look oh si daddy"

Huh? Daddy?

Tumingin ako sa lalaking kausap ng anak ko. What the? Brylan Kai Harris?

"I told you, mommy" Ae

Hindi paren ako makapagsalita dahil sa nakita ko shet 

"Hi Bree" Bry