1 SIMULA

"Astraea. . ." malutong na sampal ang ibinigay ni Astraea sa kasintahan. ". . .sorry."

"Sorry?!" Hindi maka-paniwalang sigaw ng dalaga sa kasintahan. "Ano pang magagawa ng sorry mo kung patay na iyong kapatid ko?!"

"Anak, kumalma ka. Walang kasalanan si Apollo." awat ng nanay niya sa kanya pero parang walang narinig si Astraea at pinagsusuntok niya sa dibdib si Apollo.

"Mamamatay tao ka! Pinagkatiwalaan kitang bantayan ang kapatid ko pero, ano? Pinabayaan mo siya! Pinatay mo si Dwight!" umiiyak siya habang sinusuntok sa dibdib ang binata.

"Sorry." iyon lang ang tanging salita na lumabas sa bibig nito.

"I don't want to see your face anymore. You, murderer." nang sabihin iyon ni Astraea ay isang sampal pa muli ang natanggap ni Apollo bago umalis sa harapan niya ang dalaga.

©BlackPhoenixxxx

avataravatar
Next chapter