webnovel

Apo ni Matandang Hukluban (ONE-SHOT)

_OTACOOL_ · Realistic
Not enough ratings
1 Chs

Apo ni Matandang Hukluban

Alden's POV

"WAAAH! Malakas masyado!"

"Hala! Anong gagawin natin?!"

"Kaninong bahay ba 'yun? Kunin niya nalang kaya?"

"Gago! Hindi mo ba alam kung kaninong bahay 'yun?"

"Nakooo. Tama! Kay matandang hukluban 'yun!"

"WAHHHHH~"

Natawa nalang ako sa mga itsura nila.

Naglalaro kami ng baseball tapos napalakas ang tira nung isa, nakabasag daw ng bintana ng bahay ng pinakamasungit na matanda ditto sa probinsya.

"Hoy, Mark! Ikaw ang tumira, ikaw ang kukuha ng bola!"

"Ayoko nga! Pinag iinitan pa ako ng dugo nung matandang hukluban eh!"

"Sino bang matapang sa Baseball team?"

"Si Mikki!"

"Ibang level ang katapangan nun"

"Oo nga. Nakakatakot pang tanungin"

"Sino pa ba?"

Nagtaka naman ako nang bigla silang nagsitinginan sa akin saka ako dinamba, niyugyog at tinutulak tulak.

"Master! We need your help!"

"Master? Kailan pa ako nagging master niyo?"

Bigla naman nila akong binuhat.

"Since now!"

-

"Puta,"

"Sige na, Alden!"

"Why me? Wala naman akong kasalanan eh!"

"Huwag ka nang magreklamo tol. Kaya mo 'yan" inirapan ko nalang si Mikki, 'yung bestfriend ko

Pasalamat ka masyado silang takot sayo eh. Tsk

"Oh sige na. Umalis na muna kayo para kung baka sakaling maghabol si Matandang Hukluban, walang haharang harang kung tatakbo ako" sabay sabay naman silang nag thumbs up

"You're the best"

"After this, I'll put you all in rest", nag akto naman ako na hahabulin ko sila at tumakbo din naman sila kaya naman natawa nalang ako

Nakita ko naman si Mikki na naglakad pabalik sa baseball court kaya naman napa iling naman ako.

Kahit kalian talaga 'tong gagong walang inisip kundi ang baseball at si Aria, 'yung babae niya. Hmp

Huminga na ako ng malalim saka nag door bell.

Honestly, magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako takot kay matandang hukluban. Hindi lang naman kasi siya matandang mayaman, may pagkademonyo din talaga siya magsalita, tumawa at mag isip which creeps everyone out. Including me. -.-

Huminga na ako ng malalim saka nag-doorbell. I could almost kneel with joy nang Makita ko na ang anak lang ni Matandang hukluban ang lumabas. Si Ma'am Stacey, isang teacher sa school naming na nagtuturo sa mga 7th graders.

"Hi po, Ma'am. Napasobra po 'yung pagtira sa bola at mukhang nakabasag pa po ata ng bintana niya"

"Ay nako. Sa likuran ba banda ng bahay? Baka dun sa kwarto ng anak ko napunta"

"Anak niyo po?"

May anak pala si Ma'am? Di halata ah?

"Oo, anak ko. Nandun siya sa kwarto niya ngayon. Halika't kunin natin don, wala si Tatay kaya huwag ka matakot" aniya saka siya tumawa at nagsimula nang maglakad kaya naman sumunod nalang ako

"By the way, siya 'yung kinwento ko sa school na anak kong may disability"

"Ah. Oo nga po pala. Naalala ko na. Kumusta na po siya?"

Walking disability ang meron ang anak niya kung baga. Nakakaawa nga eh since hindi niya maranasang tumakbo o maglakad man lang.

Pero that's okay since mukhang full support naman ang mama niya eh. Ewan nalang kay Matang hukluban. Ahaha

"Okay naman. Pero she's kind of bored staying in this house, together with boring people at dito na rin siya nag aaral which makes me sad thinking na baka wala siyang makilala maski isang kaibigan"

"Well, I'm here naman, Ma'am. Parati po kaming nagpra-practice sa may baseball field na nasa gilid lang ng bahay niyo. Feel free to call me po" napangiti naman siya dun

"Thank you, that would be reassuring"

Nang buksan niya 'yung pinto, parang tumigil ang mundo ko ng Makita ko 'yung babaeng hawak hawak ang bola ng baseball.

Wow. She's..

"Anghel po ba ang anak niyo?" humagikgik naman si Ma'am ng marinig niya 'yung bulong ko

"Nagmana sakin ano?" Nyahaha"

"Mom, I was almost hit by a baseball ba—Sino 'yan?" tanong nung magandang babae nang Makita niya ako

I can't take my eyes of her.

Nakakita ako ng vision na naglalakad siya habang nakasuot ng wedding dress papalapit sa akin at katabi niya si Matandang Hukluban at si Ma'am Stacey.

Nagising nalang ako ng bigla akong tapikin ni Ma'am Stacey.

"Iho, may kukunin lang ako. Tanungin mo na siya para hindi kayo magkasalubong ni tatay mamaya paglabas mo" nanginig naman kaagad katawan ko dun

Imagine'in ko pa lang na magkasalubong kami sa labas, hindi siguro ako makakalaro ulit ng baseball. >.<

Umalis na si Ma'am Stacey kaya naman lumapit ako dun sa anak niya na mukhang kasing edad ko lang din.

"Your soon-to-be groo—Ay este, ako nga pala si Alden. Tatanungin ko lang sana kung nakita mo 'yung bola naming sa baseball. Pero mukhang sayo nga talaga napunta. Pasensya na kung malapit ka nang matamaan. Napasobra ang tira nung ka teammate ko eh at mukhang takot kunin dito ang bola dahil sa lolo mo" bigla naman siyang tumawa

Which made my heart thump.

Boshet. Ang ganda niya talaga! Siya na ata ang pinakamagandang babaeng nakita ko sa buong buhay ko!

Kapag pala ako na ang batter, lalaksan ko din dapat ang pagtira at magpre-presenta ako kaagad na ako ang kukuha para Makita ko ulit siya.

"Lolo's quite repulsive eh. Kahit na maingay siya sa inyo, sa amin naman napaka-unaudible niya"

Imagine, si Matandang Hukluban naging silent? Tae. Siguro, pamilya niya lang ang only exception.

Pero hell, her voice is also very soothing to hear.

Pasalamatan ko nga si Mark sa pagtira dito ng bola at sa mga gago kong teammates na nagpakuha sa akin ng bola. Balak ko pa naman sana silang pag-untugin mamaya, hoho, imamasahe ko sila isa isa!

"I see. Malapit ka lang ba natamaan o natamaan ka talaga? Pagkakarinig ko saknila, nakabasag pa daw ng salamin eh" umiling naman siya saka inabot sa akin ang bola

"'Yung flower pot ko lang ang nabasag. Buti nalang nga at nagbukas ako ng bintana. Haha"

Kinuha ko na 'yung bola sakanya saka nagpasalamat.

"Pasensya na talaga. Ah, sige. Mauna na ako. Mamaya baa maabutan pa ako ni Matanda—ay este. Ng lolo mo" naglakad na ako pero agad din akong napahinto at tumingin sakanya.

"Nag pala, a-anong pangalan mo?" tanong ko sakanya

"Why?" napakamot naman ako ng batok

"I just felt like.. getting to know you. By the way you're really beautiful" napaubo naman ako ng bigla nanaman siyang ngumiti 'yung tipong pakita pa ng dimples

Shet. Puso, huminahon ka.

"I know. Haha. Pero are you really suited to know me? Hindi ako basta basta nagpapakilala eh" saka siya kumindat sa akin kaya naman feeling ko ay namula ata ako

Nakakabaliw 'tong babaeng 'to! Talagang bang napa-blush niya ang isa sa mga bigatan ng school? -///-

Umubo ako saka napahawak sa dibdib ko.

"I'll be honored to know you, really" lumapit ako sakanya saka hinalikan ang right hand niya

Mukha namang nabigla siya kaya naman nagkatitigan pa kami ng ilang sandali pero umiwas siya kaagad saka tumawa.

"You're funny.. and charming" aniya saka nilahad ang kamay niya for a hand shake kaya naman tinanggap ko 'yun

"I'm Tiara. Nice to meet you Alden. Nga pala, pwede mo bang ibigay ang message na 'to sa tumama ng bola sa pot ko?" natawa naman ako pero agad ding tumango

"What is it?"

"Thank you dahil dahil sakanya, nakilala ko na 'yung player ng baseball team ng school niyo na inaabang abangan ko. Haha. Thanks a lot"

Shet. Inlab na ata ako.

Inlab na ata ako sa apo ni Matandang Hukluban.