1 TADHANA

MIGO's POV

Sabik na sabik ako makita yung bago kong dorm, Sino kaya makakasama ko? Umiinom din kaya sila ng alak? Sana oo para naman may kahati ako sa ambagan.

"Anak mag impake kana para maaga lang maka pag ayos sa lilipatan mo,Yung mga damit mo nialgay ko na sa bag mo yung mga essentials mo ikaw na maglagay dimo ako katulong" Pagmamadaling sabi ng kanyang ina.

"Opo ma malapit napo ako matapos sa paliligo pa sarado nalang yung kwarto ko" sagot ni migo.

Naglalakad na ako para papunta sa dorm ko 10mins nalang nandon nako sa lilipatan kong dorm bigla akong may nakitang 711 at nakita ko ang paborito kong San mig apple Kahit bawal sa dorm pero walang bawal pag gusto ko kaya agad agad akong bumili at tinago ko saaking bag.

Papasok na ako bigla akong hinarang ni manong guard.

"Sir ano po yung nakaumbok sa bag niyo? Bawal po ang alcohol sa school" banggit ng guardiya.

"Ha? A-Ano po yun sir hindi po yan alak ano po fleshlight po!" Sagot ko naman.

Nagulat ako ng tumawa bigla ang guwardiya at pinapasok na ako

Pag pasok ko ay laking gulat ko at may nakita akong lalake katamtaman ang tangkad medyo singkit at mukang taga ibang bansa, Bigla akong tinawag ng babae na may hawak ng susi para sa dorm ko kaya na iwas ang tingin ko sa lalaki.

Pumasok na ako sa dorm at laking gulat ko na yung lalaking nakita ko kanina ay yung lalaking nakapukaw ng mata ko sa baba, Agad ko siyang kinausap

"Hello migo nga pala, Ikaw ba yung makakasama ko sa dorm?"

"Ahh yes, Im from Canada and actually bago lang ako dito sa manila" pangiti niyang sabi.

"Ano pala name mo?" Patanong kong sabi.

"O-ohh im sorry diko sinabi agad umm my name si mikki"

Napatitig lang ako sakanya dahil nakakalusaw ang kanyang ngiti na tila ba anghel ang nasa aking harapan.

Habang nag aayos kami ng gamit biglang may pumasok na lalaki sa dorm at sa pagkakaalam ko siya yung pangatlong lalake na kasama namin sa dorm, Matipuno,Kayumanggi at Makapal ang kilay niya. Bigla siya humiga sa kama na malapit sa bintana at natulog

Hinde na kami nagtaka ni mikki dahil muka namang pagod na pagod ang lalaki kaya pinagpatuloy nalang namin ang pag aayos ng gamit.

"Saang kama ka mikki?" tanong ko sakanya.

"Ako nalang siguro sa gitna" Sagot niya.

Pagkatapos namin mag ayos ay nagpahinga na kami dahil gabi naden kami natapos.

MIKKI's POV

Paalis na ako sa house ni Lola pero bigla niya akong tinawag at may dala siyang plastik ng cookie sobrang saya ko dahil favorite ko ang cookie ng Lola ko hindi lang malambot kundi matamis pa

"Oh apo magiingat ka sa lilipatan mo wag mo akong kakalimutan dalawin dito sa bahay" sambit ni lola.

"Syempre naman po always po akong dadalaw sa house niyo and ill make sure na makakapag bonding po tayo" Pangiti kong sabi.

Habang naglalakad ako sa dorm ay may nakita akong lalaki na nagsusuksok ng alak sa bag niya and hinayaan ko nalang dahil teenagers nga naman ineenjoy lang nila ang life, Habang nakapila ako ay hinarangan ang lalaking nakita ko kanina and sabi tinanggi niya na hindi daw 'yon alak then bigla nalang tumawa ng malakas si manong guard then pinapasok niya na yung guy. Noong nasa loob nako tinitigan ko yung lalaking may dala ng alak at tinitigan niya den ako pero naputol ang titigan namin ng biglang may kumausap sa kanya

"Sir turo konapo sainyo yung room" sabi saken ng babaeng namamahala sa dorm.

"Sure po ate" sagot ko.

Laking gulat ko na ka dorm ko yung lalaking nakita ko sa baba nginitian ko lang 'to at nagpakilala kami sa isa't isa at nag ayos kami ng mga gamit, Biglang may pumasok na Guy na sobrang masculine at astig tignan dali dali siyang humiga sa bed near sa window

"Mikki saang bed ka?" Tanong sakin ni migo.

"Sa gitna nalang ako" sagot ko.

Nakatulog na yung dalawa kong ka room mate at naalala ko yung cookie na bigay ni Lola nilagay ko ito sa ref para makain kopa bukas.

At natulog na ako.

BRYCE's POV

Maago akong nag off sa work ko para maayos ko yung gamit ko sa lilipatan ko na dorm pero Inaya ako ni Tito na mag hakot ng galon ng tubig sa suki namin na si Miss tina sayang den yung dalawang daan pang baon konayun kaya pumayag ako dahil Sabado naman bukas at walang pasok

"Bryce ang hot mo naman talaga mag hakot" banggit ni Miss Tina.

"Nako maam Tina hindi po mahilig makipag espadahan yung pamangkin ko kaya wag ka napo umasa" pabirong sabi ng Tito ko.

"HAHA Miss Tina Straight po ako e" banggit ko.

Pagod na pagod ako pero dumiretso nako sa dorm na papasukan ko pag pasok ko ng kwarto bumungad sakin ang dalawang lalake yung isa moreno yung isa naman ay mistiso na singkit pero dahil sa pagod ko gusto ko nalang matulog at mahiga kaya hinayaan ko nalang muna sila mag ayos at natulog na ako.

avataravatar
Next chapter