webnovel

The White Knights

"NASTASHA!!!"

Napakurap nalang ako mula sa kinatatayuan ko sa hallway na yun nang marinig ko ang dalawang pamilyar na boses na iyon.

And before I knew it, ay doon ko naramdaman ang apat na brasong iyon na pumulupot sa akin.

"HOY MURIS! BITIWAN MO SYA! AKIN SYA!"

"AYOKO! AKO ANG UNANG HUMAWAK SA KANYA KAYA AKIN SYA!"

Oo, hindi ko akalain na makikita ko uli ang dalawang makulit na magkambal na ito kaya natigilan nalang ako sa pagkakayakap nila sa akin.

Ito ang uling beses na nakita ko sila uli after nang insidenting iyon sa pamamahay nila kaya hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.

Yes. They are the Thrym Twins.

"MAS NAUNA AKO NG 5 SECONDS!"

"HINDI! MAS NAUNA AKO NG 3 SECONDS!"

"HINDI! MAS NAUNA AKO NG 1 SECOND!"

"MAS NAUNA AKO NG---ARAY!!!"

Oo, natigil lang ang pagtatalo nila at sabay pa silang napasigaw nang may biglang bumatok sa kanilang dalawa.

Galit na galit namang lumingon ang dalawa sa bampirang nakatayo sa likuran nila at sabay pang sumigaw.

"At sino ang---"

Pero natigil ang sasabihin nila nang sumalubong sa paningin nila ang masamang titig ng babaing yun na may hawak na puting stuff toy sa likuran nila. At kung nakakasunog lang ang titig ay marahil ay sunog na ang magkambal sa tindi ng titig nya sa mga ito.

Si Adelaine.

"Kayong dalawa..." she started in that deadly serious voice.

Agad namang napaluhod ang magkambal dito at parang naiiyak pang nagsalita ang mga ito.

"WAAAAAHHH!!! LOLA!!!"

Pero...

Isa-isa na naman silang binatukan ni Adelaine at sa nagbabagang tingin na iyon ay nagsalita sya.

"At sinong nagsabing pwede nyo akong tawaging lola ha?" she said through gritted teeth. "I can't even stand the fact that my brother has two idiot grandsons to begin with..."

Agad namang naiiyak na nagyakapan ang magkambal nang dahil sa sobrang takot nila sa direct ancestor nila.

"WAAAAAAHHH...! SORRY PO! SORRY PO! SORRY PO! HINDI NA PO NAMIN UULITIN!!!" they chorused.

Pero nabigla ako sa nalaman ko.

Kung ganun...

Kapatid ni Adelaine ang totoong lolo ng magkambal?

Ngayong naisip ko yun ay nalaman ko nga kahapon na hanggang ngayon ay wala paring bloodmate itong si Adelaine.

Pero teka...

"Anong ginagawa nyo dito?" ang takang tanong ko sa magkambal na nakaupo parin sa sahig at nagyayakapan parin.

"Lucian asked for our presence" ang biglang sulpot ng pamilyar na boses na iyon sa likuran ng tatlo.

Nagtaas naman ako ng mukha at nakita ko ang nakangiting mukha ng gwapong bampirang iyon.

Si Lucas.

Pero mas lalo lang nagsalubong ang mga kilay ko nang dahil sa sinabi nya.

Bakit naman sya ipapatawag ni Lucian?

Pero bago pa man ako makasagot ay biglang sumulpot ang boses na iyon sa likuran ko.

"We needed their help in the big battle that is coming to us" ang sambit ng boses na yun at doon ko naramdaman ang paghalik nya sa pisngi ko.

Si Lucian.

Hindi ako makapagsalita.

Tama.

We got only one more day before this place will become a bloody battlefield.

At hindi ko alam kung magiging handa kami sa malaking labanan na mangyayari.

"He will stop at nothing to get all the ten stones of death..."

Yun ang naalala kong sinabi sa akin ni Cornelius at patuloy yun na nagri-replay sa utak ko.

Ganun ba talaga sya ka-desperado na makuha ang natitirang stones of death mula sa katawan ko? How could Raven be so evil? At hindi ko pa malunok hanggang ngayon ang katotohanan that I used to trust him so much before for him to do this to me.

"And we are so pleased to serve you, my lady..." ang sabay na sambit ng tatlong magkakapatid saka sila yumuko.

"Wag nyo naman kaming tanggalin sa action!" ang biglang sulpot ng boses na iyon sa likuran nila.

Sabay kaming napalingon sa direksyon na iyon and what we saw is Maalouf with that big grin on his face.

Pero hindi sya nag-iisa.

All our eyes turned to that man that's been following him.

The man that's standing behind him has this big scar on his left eye. He has this long black hair and he is standing with pride and authority. Nakasuot din sya ng itim na armor but his armor is different from the armors of the Arcadian Knights. I can see from his face that he is one of the most important vampires in this world.

But before I get the chance to speak ay biglang nagsalita si Maalouf.

"Oh by the way, may I have the honor to present to you..." he said. "...the royal King of Maleya, King Nolan"

Nabigla ako sa narinig ko lalo na't hindi ko inaasahan ito.

I know that he is a good friend of my father pero ito ang unang beses na nakita ko sya.

Agad akong yumuko at ganun din ang lahat ng kasama ko maliban kay Adelaine na nanatili lang na nakatitig sa Hari gamit ang walang emosyong mukha nya.

"It's a pleasure to meet you in person, your highness" I greeted him.

"No need for you to greet me with high respect, young mistress" he said in that deep hoarse voice. "I'am here for I know that my good friend needed my help"

Napatayo naman ako ng maayos at napatitig sa kanya.

Sa totoo lang ay may nakakatakot syang aura. Well, afterall, I' am standing in front of a King.

I saw his serious eyes turned to Maalouf.

"And I hope my son didn't bring any trouble to any of you" he said in that deep voice.

Agad namang ngumiti ng napakalaki si Maalouf at napakamot ng batok.

"Ay...syempre, malaki ang naitulong ng gwapo mong anak!" ang pagmamayabang nya. "I' am your son afterall! Wahehehe!"

Hindi ko mapigilang mapangiti ng dahil sa sinabi nya.

Well, afterall, totoo naman ang sinabi nya.

Prince Maalouf did became a really great help to all of us. Isa sya sa mga bampirang masasabi ko na totoong mapagkakatiwalaan ko sa mundong ito. Malaki ang naitulong nya sa aming lahat. Hindi lang sa akin kundi pati narin sa malaking plano na ginawa nilang tatlo nina Light at Lucian.

"Well, I heard your son didn't stop his perverted attitude towards the mistress" ang biglang sambit ni Lucian dahilan para mawala ang ngiti sa labi ni Maalouf. "But because he is a friend of mine, I'll just let it pass"

Agad namang nakatanggap ng malakas na batok sa ulo si Maalouf mula sa ama nang dahil sa sinabi ni Lucian.

"You perverted fool..." his father said in that deadly serious tone. "You dare to treat the young mistress with that kind of attitude. You shall be punished, you brat"

Naiiyak namang napatingin si Maalouf sa nakangiti lang na si Lucian. He looks like he was betrayed by the look on his face.

"How could you do this to me?" he mouthed.

But Lucian just smirk.

"She's my precious bloodmate, afterall" Lucian answered.

Hindi ko mapigilang mapangiti mula sa kinatatayuan ko.

At sa totoo lang ay ito ang uling beses na napangiti ako ng ganito makalipas ang ilang araw.

Everything seems like became a big torture to me na nakalimutan ko na kung paano ba maging masaya ng kahit isang beses lang mula nang makauwi ako. Paano nga ba ako magiging masaya kung ganito kagulo ang naging buhay ko? How can I smile, thinking that my whole life is nothing but a big lie?

"So, minamanyak mo ang Nastasha namin ha?!" ang maangas na lapit ni Kael kay Maalouf.

"Gusto mo na bang mamatay ha?" si Muris naman at try hard nyang pinaangas ang mukha nya. "HUH?!"

But Maalouf just crossed his arms at taas noong nagsalita sa harapan ng dalawang magkapatid.

"Sinabi ko naman sa inyo diba?" ang mayabang na sagot nya sa magkapatid. "Ako ang first and true love ni Annah kaya wala na kayong pag-asa"

Agad namang nagsalubong ang kilay ng magkambal.

"Hindi! Akin si Nastasha!" si Kael.

"Hindi! Akin sya!" si Muris. "Akin si Nastasha!"

Hindi ko na mapigilang mapatawa ng mahina.

But afterall...

Naramdaman ko naman ang pag-akbay sa akin ni Lucian mula sa tabi ko.

"Well, nakakalimutan nyo ata kung sino ang bloodmate ni Annah" ang nakangiting sabi nya.

...I'm just so happy to see them all happy and alive.

Saka ako nagtaas ng mukha at napatingin sa nakangiti nilang mukha.

At ngayon...

Si Light nalang ang kulang para tuluyan ng makumpleto ang sayang nararamdaman ko.

***************

Hindi lang ang Thrym Brothers at si King Nolan ang dumating sa Cytherea noong araw na yun para tumulong sa amin sa nalalapit na pag-atake ng mga Aarvaks.

Maliban sa ilang hukbo ng sundalo na isinama ni King Nolan galing sa kaharian nila ay dumating din si Harun at ang mga tauhan nya galing sa Sorrow.

Harun seems so distant towards me lalo na't iniisip nya na nailagay nya sa peligro ang buhay ko sa pagtawag nya sa mga Arcadian Knights noong nasa Sorrow ako. But then I told him that its okay at nakita kong naging maayos narin sila uli ng kaibigan na si Maalouf.

Well, I can understand him somehow.

Sa nakikita ko sa kanya ay isa talaga sya sa mga bampirang pinaka-loyal sa Titanians. And he only did that dahil akala nya ay yun ang pinakamagandang gawin sa mga panahon na yun so its not big a deal to me.

"There are more likely two hundred of them" Cornelius said in the middle of that meeting.

Nasa loob kami ngayon ng malaking kwartong iyon kung saan nagpupulong kaming lahat. Nakikita kong nandoon din sa kwartong iyon sina Maalouf, ang Thrym brothers, at ang Shade siblings na sina Hildegarde at Cedric. While ancestors are nowhere to be found.

At ngayon ko lang din napansin.

Wala din si Bea.

My brows met.

Saan kaya sya nagpunta?

Oh well. Baka kung saan-saan na naman sya nagpupunta.

Napahinga nalang ako ng malalim mula sa kinauupuan ko habang tahimik na nakikinig nalang sa pinag-uusapan nila. At sa totoo lang ay magulo pa ang utak ko mula sa mga nangyayari ngayon.

Napalingon nalang ako uli sa mga kasamahan ko na nag-uusap sa harapan ko. They seem so serious about this.

At ngayong nakatingin ako sa kanila ay hindi ko maiwasang isipin si Light.

I just can't believe the fact that sooner, I'll get to meet Light again. At hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa oras na iyon.

You should keep your promise.

Ano ba talaga ang ibig sabihin nun?

They are busy planning with their defense pero heto ako at iniisip parin kung ano ang gagawin ko sa oras na nagkita kami uli ni Light.

"Raven leads a battalion of Argon vampires" si Andromeda. "Some of them are loyal to Xander kaya sila naingganyong sumama sa hukbo ni Raven"

After nang magising ang mga Arcadian Knights mula sa ilang taon na pag-kontrol sa kanila ni Raven ay agad na silang bumalik sa paninilbihan ng Cytherea. Kahit na ang ibang Arcadian Knights ay hindi parin sila natatanggap hanggang ngayon nang dahil sa iniisip nila na naging traydor silang anim sa Cytherea. And of course not only the Arcadian Knights but...

"You have no right to meddle in this conversation" si Karlos. "A traitor like you has no place in this house---"

"Kung gusto ninyong magkaroon ng chance na manalo sa labanang ito, you should trust us" Andromeda said through gritted teeth. "Hindi namin ginusto na mapasailalim kami sa mga kamay ni Raven at mas lalong hindi namin ginusto na maging traydor sa samahang ito. We are Arcadian Knights and we bowed to protect the Titanians even if it will cost us our lives"

I think Andromeda has finally met her limit.

It's never been easy for the six of them. Being controlled by an obsessed vampire almost whole their lives at ngayong bumalik na sila sa dating katinuan ay hindi naman sila matanggap ng mga bampirang nasa paligid nila.

"You should trust us..." ang sambit naman ni Zeke.

Nakita ko pa ang tahimik na paghikbi ni Rika mula sa kinatatayuan nya. At ito ang unang beses na nakita ko 'to sa kanya. Throughout our whole journey, Rika just remained silent and brave at the same time. She's young but she's tough. Pero sa tingin ko ay hindi narin nya kinakaya ang mga nangyayari sa kanilang anim ngayon.

Jared patted her head at agad naman syang natigil sa pag-iyak.

Lumapit narin ako sa kanya at tahimik na hinaplos ang mahabang buhok nya. Napalingon naman sya sa akin at mukhang nabigla sya nang makita ako.

But then I smiled.

"Its okay..." I whispered.

Pero matapos ko sabihin yun ay bumalik na naman sya sa pag-iyak at yumakap pa sya sa akin ng mahigpit.

"Its okay..." I hushed. "It's okay..."

Natahimik naman ang buong kwartong iyon pero pinalibot lang ni Karlos ang mga mapanuring mga mata sa anim na Arcadian Knights na katabi ko ngayon.

"How sure are you that Raven has no longer control into their minds?" si Karlos.

"For a million times, I'll tell you that Raven has no longer control in them" Lucian answered him impatiently. "I know that because I' am their leader and between the two of us, it is clear that I know them well more than you do"

Mukhang nagkakapikunan na naman uli ang mga Elders at si Lucian sa issue na ito. Elders has this great trust issues and stuff while Lucian is just protecting his men. At doon sila hindi nagkakasundo. Idagdag pa na pakiramdam ko ay may nagaganap na cold war sa pagitan ng Elders at ni Lucian.

I can feel the grudge that Lucian is feeling towards them lalo na't ang mga Elders ang dahilan kaya kinailangan nyang isakripisyo ang buhay ng mga tauhan nya sa mga panahong hawak parin ako ni Raven.

"Walang magagawa ang away na ito sa mga oras na ito" finally, King Nolan said from his seat. "Ang kailangan nating gawin ay ang pagplano tungkol sa malaking gyera na darating sa atin"

Then his red eyes looked at the six Arcadian Knights that's been standing silently beside me.

"And I think, makakatulong ang mga nalalaman nila sa pagpa-planong ito" he continued in that voice that is full of authority.

"Yes!" Andromeda slammed the table. "That is what we've been trying to do all this time but some people just can't shut the fuck up"

There was a silence.

All I could hear is the harsh breathing that's coming from Andromeda. I think she finally lost it dahil mukhang galit na galit na sya.

"Ang tanging mahalaga lang ngayon ay kung paano nating mapo-protektahan ang Cytherea mula sa mga Aarvaks" Harun suddenly said from his seat. "Yun muna ang pagtuonan natin ng pansin bago ang ibang bagay"

Wala nang nakapagsalita pa sa mga Elders nang dahil doon kaya naupo nalang sila ng mabuti sa mga upuan nila at hindi na nagsalita pa. But I can still see disapproval into their faces.

Nasa ganoon lang kaming posisyon nang bigla nalang bumukas ang malaking pinto ng kwartong iyon.

Sabay-sabay kaming napalingon sa mga bagong dating and what we saw next widened our eyes in shock.

Lalo na nang pumasok sa kwartong iyon ang mga pamilyar na human scents na nanggagaling sa kanilang lahat.

White armors.

Big swords.

And those unfamiliar faces.

Yes, in front of that door, stood those group of people wearing white armors with a big sword in their backs.

And I can clearly smell that familiar human scents that's coming off from them.

Nabigla rin ako nang makita si Bea na nakangisi ng malaki habang kasama ang mga taong iyon na para bang sobrang excited sya sa mga mangyayari.

And before anyone of us could react, the lady with the blond hair who's standing in front of them putted on a smirk and spoke.

"Well, what's a party without the Exodus knights?"

Yes.

They are the Exodus.

to be continued....