webnovel

The Eagle Mark

I was stunned.

I couldn't move from where I stood at mukhang ganun din sya.

Nakita kong natigalgal sya mula sa pagkakatalikod nya sa akin at habang nakahawak parin sya sa damit nya.

Hindi ako pwedeng magkamali.

The mark on his back is clearly a Thrym's family mark.

So that means...

Agad na nanlaki ang mga mata ko at hindi ako makapaniwalang napatitig sa kanya.

And when I was about to say something...

"Nastasha ko! Bakit ang tagal mong bumalik ha? Namimiss na kita---eh? Lucas? Anong---"

Si Kael ang bagong dating at sa tingin ko ay natigilan din sya nang makita ang markang iyon sa likuran ni Lucas.

"Ako nga sabi ang susundo kay Nastasha eh!" ang biglang sulpot naman ng bagong dating na boses na iyon.

Si Muris.

"Ako ang---"

Pero mukhang natigilan din sya nang makita si Lucas at lalo na nang makita ang markang iyon sa nakahubad parin na likuran nya.

For a moment ay natigilan lang kaming tatlo sa kinatatayuan namin at mukhang pare-pareho lang kaming hindi makapaniwala sa nakikita namin ngayon.

Yes.

Lucas has an eagle mark on his back...which means...

Nakita kong napahinga nalang sya ng malalim mula sa kinatatayuan nya at isinuot nalang uli ang nabasang damit.

...that he is a member of the Thrym family.

Maski sina Kael at Muris ay mukhang hindi narin makagalaw mula sa kinatatayuan nila at nanatili lang silang nakatitig kay Lucas.

Napatayo nalang sya ng maayos at napayuko na para bang nahihiya syang humarap sa amin.

"I knew this day would come..." he said.

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko dahil naguguluhan ako. At sa tingin ko ay mas may karapatang magtanong ngayon ang magkambal kesa sa akin kaya pinili ko nalang na manahimik.

"A-anong..." si Muris ang unang nag-react.

Pero maski sya ay mukhang hindi narin makapagsalita sa sobrang pagkabigla.

I heard Lucas sigh.

"Yes. I'am a Thrym" he confirmed.

Saka sya nagtaas ng mukha at tumitig sa aming tatlo.

But what he said next froze us from where we stood.

"And I'am your eldest brother..."

***************

"And I'am your eldest brother..."

Lucas being a Thrym is so hard to take.

But him being the eldest brother of the Thrym Twins is like a bomb that pierced into our ears.

Kung ako na bago palang sa household na 'to ay halos hindi na makapaniwala sa mga nalaman ko ay paano pa kaya ang magkapatid na buong buhay na nilang nakasama ang so called 'butler' nila that turns out to be their eldest brother?

Napahinga nalang ng malalim si Lucas mula sa kinatatayuan nya at napayuko uli.

"I did't told you because I know that you would react like that..." ang hindi nya makatingin na sambit. "And afterall, I don't deserve to be your eldest brother anymore..."

Walang nagsalita.

Pakiramdam ko ay sa laki ng rebelasyon na 'to ay tuluyan ng nanigas ang magkambal sa tabi ko.

"I'am the reason why both of our parents are dead" ang nakayuko paring sambit nya and I can feel pain on his voice. "A-ako ang....ako ang..."

His voice cracked at nakita ko nalang ang butil ng mga luhang yun na isa-isang pumatak mula sa mga mata nya pababa ng sahig. At hindi parin sya makatingin sa amin na para bang nahihiya sya.

"A-ako ang d-dahilan kaya n-nagpunta ng Vedra ang mga m-magulang natin" ang umiiyak na nyang sambit. "Y-you were still 6 months old back then so you won't remember anything...p-pero..."

And now his crying so terribly in front of us.

"...p-pero ako ang dahilan kaya namatay silang dalawa" he cried. "I-I r-ran away from home...and they followed me to Vedra thinking that I'am there...b-but t-the truth is...I'am staying at Maleya...they died...they died because of me..."

Wala paring makasagot sa aming tatlo.

Nagtaas sya ng mukha at ngayon ay kitang-kita ko na ang luhaang mukha nya.

"H-how could I face you? Paano pa ako haharap sa inyong dalawa kung ako ang dahilan ng pagkamatay ng mga magulang natin? K-kung nanduon lang sana ako...k-kung hindi lang sana ako naglayas...ay baka...ay baka..." ang umiiyak parin nyang sabi at hindi na nya maipagpatuloy ang sinasabi nya nang dahil sa sobrang pag-iyak. "...ay baka may magulang parin kayong dalawa...ay baka may magulang parin tayong tatlo..."

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko at alam kong wala akong karapatan na magsalita ngayon so I just remained silent.

Samantalang hindi ko naman makita ang reaksyon ng magkambal dahil nakatitig lang ako sa umiiyak na mukha ni Lucas.

"After their deaths ay pinlano kong wag ng bumalik dito at wag ng magpakita pa sa inyong dalawa..." ang umiiyak parin nyang patuloy. "But after hearing that Muris got sick when you were seven ay hindi ko mapigilang bumalik dito. And so I introduced myself as you r butler. How could I call myself a brother to the two of you----"

"At sa tingin mo ay hindi namin alam?" Kael cut him off.

Nabigla ako sa sinabi nyang iyon kaya napatingin ako sa kanya.

At napakurap nalang ako nang makitang umiiyak narin pala sya sa kinatatayuan nya.

"Sa tingin mo ay hindi ka namin makikilala?" Kael continued.

Nakita kong natigilan si Lucas mula sa kinatatayuan nya at hindi makapaniwalang napatitig sa luhaang mukha ni Kael.

"Matagal na naming alam ang bagay na iyon. Matagal na naming alam na hindi namatay sa kagat ng bampira si Mama at hindi rin namatay sa sobrang lungkot si Papa. Matagal na naming alam na pareho silang namatay sa malaking sunog na nangyari sa Vedra at yun ay dahil sa paghahanap sa naglayas naming kapatid!" ang sigaw ni Kael.

I couldn't move.

So matagal narin palang alam ng magkambal...na kapatid nila...si Lucas?

"Oo! Six months old palang kami nang mangyari yun!" Kael continued. "But from the moment you appeared on our doorstep, we've known from that very moment that you're our long lost brother. Hindi lang kami nagsalita ni Muris dahil hinihintay namin ang pagkakataon na 'to na ikaw na mismo ang magpakilala sa amin. Hinihintay lang namin ni Muris na mapatawad mo ang sarili mo at matuto kang mag-let go ng nakaraan!"

"Gustong-gusto naming sabihin sayo na hindi ka namin sinisisi sa mga nangyari!" si Muris.

At nakita kong umiiyak narin sya habang nakatingin sa natigilan na si Lucas.

"Pero paano namin sasabihin yun sayo kung idini-deny mo parin sa sarili mo na parte ka ng pamilyang ito?!" ang umiiyak nyang sigaw. "Noong gabing nagkasakit ako...hinawakan mo ang kamay ko...and from the moment I felt the warmth of your hands, ay alam kong ikaw nga ang kuya ko. Simula nung araw na iyon at hanggang ngayon ay ramdam na ramdam parin naming dalawa na ikaw nga ang kuya namin!"

Nakita kong napayuko nalang si Lucas mula sa kinatatayuan nya at napahagulgol ng iyak.

"Kahit anong mang mangyari...kahit ilang taon man ang dumaan..." si Kael. "...ay hinding-hindi mo matatanggal ang markang yan na nagsasabing isa kang Thrym...hinding-hindi mo matatanggal ang pagmamahal namin ni Muris sa iyo bilang kuya namin! You're our eldest brother and even death can't change that fact!"

After sabihin ni Kael yun ay mas lalong napayuko si Lucas at mas lalong lumakas ang iyak nya.

"I-I'm sorry..." ang nakayuko at umiiyak na sambit ni Lucas. "I-I'm sorry...I'm so sorry..."

Parang naiiyak narin ako habang nakatingin sa kanya ngayon.

"Ako nalang ang natitira sa kanilang magkapatid...so how could I not care?"

Naalala ko pa ang sinabi nyang iyon sa akin nung huli kaming mag-usap.

Kaya pala ganun nalang ang care nya sa magkambal at yun ay dahil sa sya pala ang matagal ng nawawalang eldest son ng pamilyang ito.

Nakita kong umiiyak na lumapit ang magkambal sa kanya at niyakap sya ng mahigpit.

"Welcome home..." the twins both said. "...kuya"

And after hearing that ay mas lalong lumakas ang iyak nya at napayakap nalang sya ng mahigpit sa magkambal.

"Yes, I'm home..." he said. "...my brothers"

While I stood there at napapunas nalang ng namumuong luha sa dulo ng mga mata ko.

Masaya ako at nagkasama na silang tatlo uli bilang magkakapatid. So in order to get close to the twins ay nagpakilala si Lucas bilang butler nila at hindi bilang ang nawawalang kuya nila. But now I'm happy to see them all get reunited.

Nagtaas ng mukha si Lucas at nang makita ako ay napangiti sya.

Saka sya humiwalay sa magkambal at nakangiting naglakad palapit sa akin.

"Salamat---"

Pero natigil ang sasabihin nya nang biglang may umilaw sa harapan nya.

Nagtataka naman kaming pareho na sabay na napatingin doon.

Nakita kong may kwentas pala syang suot at mukhang iyon ang umiilaw.

Itinaas nya ang kwentas na suot nya mula sa loob ng damit nya.

Pero...

Agad na nanlaki ang mga mata ko sa sumunod kong nakita.

"T-the esylium..." ang hindi ko makapaniwalang sambit.

Yes.

Lucas is the one who's holding the esylium.

"The fourth shall be cast upon from two birds that cries half blood. Mend thy bond and esylium is on hand"

Two birds that cries half blood...

Nanlaki ang mga mata ko nang ma-realize ko ang bagay na yun. So the two birds represents the three brothers. The twins represent the one bird while Lucas represents the another one. And Lucas is not an Alethean. Which means that they are all Corrigans.

Kung ganun...

Ang kailangang ayusin na bond...ay ang bond nilang magkakapatid...and by mending their bond...by finding their eldest brother...ay doon namin makukuha ang esylium.

"Oh? Esylium?" ang takang tanong ni Kael saka sya lumapit sa aming dalawa. "Oh! Tama! Diba ito yung hinahanap mo Nastasha ko?"

Saka nya walang babalang kinuha ang esylium mula sa leeg ni Lucas at bago pa man ako makagalaw ay lumapit na sya sa akin.

"W-wag---"

But I was too late.

Nakangiti na nyang itinaas ang esylium sa mukha ko and before I could move ay nagsimula nang maging blangko ang lahat.

H-hindi...

And the last thing I saw is Kael's confused look before everything went into dark.

to be continued...

1st Esylium: Human World

2nd Esylium: Kingdom of Maleya

3rd Esylium: Sorrow, the city of Argons

4th Esylium: Murrk, the place of Camellia flowers

5th Esylium: The City of Thrym

6th-7th Esylium: I'll show you into the next dreams to come.