webnovel

Love is Selfish

I' am not the last Titanian alive.

But I' am the last Titanian to hold the last seven stones of death para tuluyan ng mabuhay uli si Alexander Tybalt sa katawan ni Light.

Raven managed to get the three stones from my parents at naging kasabwat nya ang leader ng mga elders na si Karlos sa pagsasagawa nito. And after he was able to get the three stones ay itinago naman ni Karlos ang katawan ng mga natutulog na mga magulang ko sa isang tagong lugar sa Cytherea. Sya rin ang rason kaya biglang nawala sina Lady Camellia at Demon dahil itinago nya rin ang dalawa habang nasa century sleep silang pareho. He wants all the Titanians dead para sya na ang maging bagong ruler ng Vampire's World.

Now, it's just get more fucked up than what I have expected.

Lucian took the position as the new leader kahit na halatang hindi sya sang-ayon sa pagpapatakbo ng buong Cytherea. Ang gusto lang naman nya ay ang pagsilbihan ang Cytherea at hindi ang patakbuhin ito pero wala na syang nagawa nang ibigay na sa kanya ni Lady Camellia ang position na iyon.

But between him and the Elders?

I'll still choose him.

Not because he is my mate. Pero minsan ay hindi ko narin nagugustuhan ang pagpapatakbo ng mga Elders sa Cytherea. They are just swept away by their pride and power that they thought that they could do anything they want. I didn't mean to be rude pero sa tingin ko ay maganda ng nalaman nila na traydor ang leader nila because after knowing that ay ramdam ko ang matinding shame na nararamdaman nila ngayon.

And that lessen their pride in some ways at nakatulong din yun para matanggap nila si Lucian bilang bagong leader ng Cytherea.

"I don't think I can do this" Lucian said for a million times after inannounce ni Lady Camellia na sya na ang leader ng Cytherea.

Nasa hallway kami ngayon at tahimik na magkaharap.

I think he hasn't gone out from his shock yet.

"Hey" ang malumanay na sambit ko saka ko hinawakan ang magkabilang pisngi nya at pinaharap sa akin. "You'll be fine..."

His beautiful eyes looked at me at doon ko nakita ang unti-unting pagsungaw ng simpleng ngiti na iyon sa labi nya.

"But just so you know...I'm only doing this for you..." he whispered then took my hand and tenderly kissed it.

Ngumiti din ako sa kanya at napatitig sa mala-anghel na gwapo nyang mukha.

"Nandito lang ako, okay? So kaya mo yan" ang nakangiting sambit ko.

He gave me a sweet smile.

"I love you..." he whispered.

"As I love you..."

Nakita ko ang pagkabigla na gumuhit sa mukha nya nang dahil sa sinabi ko. Samantalang nagtataka naman akong napatitig sa kanya.

"What?" I asked.

For a moment ay tumitig lang sya sa akin and then a painful smile drew up on his face.

"I almost thought that it was real..." he whispered.

Guilt.

Yun ang nararamdaman ko ngayon matapos nyang sabihin yun. I know that I love him. Pero bakit parang may kulang?

"It was real..." I tenderly whispered.

Nakita ko ang pagbaha ng sakit sa mga mata nya.

"Was..." he whispered.

I'm speechless.

I know that Lucian is the only man in this world who I can't lied to because he knows everything that's been going inside my head and into my blood. And I hate that. I hate that I can't lie to him that I still love him same as the way I loved him before.

I hate that I can't lessen his pain.

"Its okay"ang sambit nya.

Napatitig naman ako sa kanya at sa totoo lang ay hindi ko na alam kung ano pa ang sasabihin ko.

At nasa ganoon lang kaming posisyon nang bigla naming maramdaman ang bagong dating na presensya na iyon.

Agad naman kaming napalingon sa pinagmulan ng presensya at ang babaing yun na may silver na buhok ang sumalubong sa paningin naming dalawa.

Yes, it's Lady Camellia.

She smiled.

"Can I talk to her?" ang tanong nya kay Lucian.

Agad namang tumango si Lucian.

"Of course, my lady" he said then turned to me. "I'll see you later"

Isang simpleng ngiti lang ang naibigay ko saka ako napangiti sa kanya.

"Okay" I whispered.

Ngumiti din sya sa akin and then he tenderly kissed me on my forehead. Then he turned around and walked away.

Nang makaalis sya ay naiwan akong mag-isa sa hallway na iyon kasama ang lola ko na ngayon ko lang nakilala sa tanang buhay ko. And it seems a little bit awkward for me. I won't lie on that thing.

"You're so lucky to have him..." she suddenly whispered dahilan para mapalingon ako sa kanya.

Ngumiti lang sya sa akin saka tumayo narin sa tabi ko at napatingin sa kawalan. Samantalang napatingin nalang din ako sa kawalan at hindi na nagsalita pa.

"I know that this past few years has been a little hard for you..." she said then looked at me.

I looked at her too but didn't speak a word.

"....and I'm sorry kung hindi ko kayo natulungan ng mga magulang mo. I'm sorry at hindi kita natulungan" she whispered. "But I only did that to catch the culprit who have caused all of this"

Napangiti nalang ako sa kanya. At sa totoo lang ay hindi ko alam kung paano ko ba sya kakausapin.

"O-okay lang po..." ang sambit ko. "At naiintindihan ko naman po kayo eh..."

Isang simpleng ngiti lang ang ibinigay nya sa akin saka napatingin narin sa kawalan.

"All this time I've been trying to talk to him to stop this madness..." she whispered dahilan para magtaka ako. "...but he just won't listen to me..."

That confused me.

Kaya agad akong napalingon sa kanya.

"Who?" I asked.

She turned to me and smiled.

"Alexander..."

And by hearing that name ay bigla nalang bumalik sa akin ang lahat ng emosyon na iyon. Galit, takot, awa, at sakit. Lalo pa na't ang lalaking yun ang dahilan kaya nag-suffer kaming lahat. He killed Alex and now, he took Light's body to kill me in the future.

"Love is a very complicated thing..." she whispered while looking at my face. "We will never know if it was a gift...or a curse to destroy us"

And now that I have come face to face with the woman who have caused Alexander Tybalt to do all of these things ay doon ko naitanong sa sarili ko...kung ganito ba talaga ang nagagawa ng pag-ibig?

Doon ko na nahanap ang boses ko.

"And in the case of Alexander, his love is a curse" I said at doon ko na naramdaman ang pagsakit ng lalamunan ko at namalayan ko nalang na napahawak ako ng mahigpit sa railings na kaharap ko. "His love destroyed him and the people around him..."

Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin ito sa kanya. I don't want to hurt her feelings. Ayoko ring sisihin sya dahil alam kong hindi naman nya ginusto na mangyari ang lahat ng ito. Pero bakit hindi ko maiwasang masaktan sa iisipin na ang generation nila ang dahilan kaya kung bakit nagsa-suffer kaming lahat ngayon?

She looked at me and a simple smile drew up on her face.

"It's not love that he is feeling for me..." she whispered then looked at me directly into my eyes. "It's selfishness."

"Can you talk to him again?" I asked and I know that I sounded desperate just now but this is the only way we could stop this. "Please. Talk to him again."

Pero malungkot lang syang nagbaba ng tingin at napatingin uli sa kawalan.

"I tried for a million times..." she whispered. "...but he won't listen to me"

And after she said that ay doon na ako nawalan ng pag-asa.

Alam kong wala ng makakapigil pa kay Alexander sa balak nyang pagkuha ng mga natitirang stones of death sa katawan ko.

Alam kong wala ng makakapigil pa sa kanya sa tuluyang pagkuha sa katawan ni Light.

Pero may bigla akong naalala.

Tama, now that I have the chance to talk to her ay baka may alam sya sa bagay na ito.

"Umm..." I started.

Pero hindi ko alam kung ano ba ang itatawag ko sa kanya. Dapat ko ba syang tawaging lola or....?

Mukhang napansin naman nya yun kaya nakangiti syang nagsalita.

"Camellia" she said with a big grin on her face. "You can call me on my name. Atsaka mas gusto kong tratuhin mo akong kaibigan mo at hindi bilang lola mo. Hehe"

At nabigla pa ako nang mag-'peace' sign sya sa akin kasama ang nakakalokong ngiti na yun.

"Ah...eh..." ang nagdadalawang isip ko pang sambit. "May gusto lang po sana akong itanong sa inyo"

Her brows met.

"Okay, go on child. I'll listen" she said then grin.

Napatitig naman ako sa mga pulang mga mata nya.

"When my mom draws out all the stones of death from my body ay napunta rin ito sa pitong iba't-ibang lugar..." ang simula ko. "...and then sa lahat po ng memory na nakapaloob sa stones of death...ay bakit po...bakit po si Light ang laging laman ng mga memory ko?"

Tama.

All this time ay napapaisip ako kung bakit si Light ang laging laman ng memory ko?

She looked at me with her red eyes and then she smiled.

"What a mind can't remember can always be remembered by the heart" she answered and that stunned me. "I've learned from Lucian of how important Light is to you. And I've been able to talk to him in the human world at doon ko nalaman na nasa loob ng katawan nya si Alexander..."

Nabigla ako nang dahil sa sinabi nya.

Kung ganun...

Nagkita narin sila ni Light noon sa mundo ng mga tao?

"Your heart yearned for him. And so your memory gave him to you" she said.

I was confused.

Hindi ko maintindihan...

"What the heart wants the most is what the memory is giving us to see. The seven stones of death is running into your blood and into your mind. At nagkataon na si Light ang laman ng dalawang iyon kaya sya din ang laging ipinapaalala sayo ng bawat stones." She said.

I was speechless.

At ngayon ay naitindihan ko na...

My love for Light made me remember him.

I may have not remembered him in the human world and even after I started our journey in looking for the stones. Pero lagi syang ipinapaalala sa akin ng stones of death at yun ay dahil sa alam ng pitong bato na sya ang gusto kong maalala.

Nasa ganoon lang kaming posisyon nang biglang dumating ang masayang boses na iyon.

"HOY BESTFRIEND KONG CAMEL!"

Sabay kaming napalingon sa pinagmulan ng boses at nakita ko ang dalawang ancestor kasama ang Exodus knight na yun na nakangiting kumukuway sa amin.

Sina Adelaine, Edward, at Carlie.

At nang makita sila ay masayang kumuway sa kanila pabalik si Camellia.

"Best! Adelaine! Edward!" she waved back. "You're here!"

I was shocked.

Kung ganun ay magkakilala na sila...at close pa sila?

"Buti naman at tumigil ka na sa pagpapaka-mysterious!" ang patuloy pa ni Carlie. "Akala mo naman kung sinong magandang nagpapaka-mysterious eh hindi naman mysterious!"

"Yeah right" Adelaine said while looking at us. "Mabuti naman at naisipan mo ng magpakita sa apo mo"

"Wahahahahahaha! Wag nga kayong ganyan sa Lola na!" si Edward saka nilingon si Camellia. "Oy! Lola Camellia! Kumusta na ang rayuma mo?! Yung arthritis din ha! Ah! Yung highblood at diabetes mo? Okay na ba?! HAHAHAHAHAHA!"

At doon ay nag-'apir' pa silang mag-asawa habang naiiyak na sila sa kakatawa. Pati si Adelaine na minsan ko lang makitang ngumiti ay halatang nagpipigil naring tumawa ngayon.

Samantalang hindi naman maiguhit ang mukha ni Camellia habang nakatingin sa mga kaibigan.

"Wow ha! Nakakahiya naman!" she said sarcastically. "Nahiya naman ako sa mas bata pa sa akin! Diba UNCLE EDWARD?! BWAHAHAHAHAHAHA!"

At doon ay bigla rin syang sumambulat ng tawa at this time ay si Edward naman ang hindi maiguhit ang mukha. Pero mas sumama pa ang itsura nya nang makitang nakikitawa din ang asawa nyang si Carlie.

"Aish! This brats!" ang pikon nyang sigaw.

Samantalang hindi ko mapigilang mapangiti din mula sa kinatatayuan ko.

Kahit na hindi ko parin maintindihan kung bakit ganito nalang sila mag-usap compare sa ibang bampira ay masaya ako at nakikita ko silang masaya. And to think that they are the most important vampires in this world.

"HOY CAMEL! TARA NA!" ang yaya sa kanya bigla ni Carlie. "MAY NAKITA AKONG PUNO NG BAYABAS SA LIKOD NG BAHAY NYO! TARA! AKYATIN NATIN!"

Kaya nilingon ako ni Camellia at masayang nagsalita.

"Oh sige girl" ang biglang lingon nya sa akin. "Sasamahan ko muna ang mga walang hiyang ito. I'll see you later"

At nabigla pa ako nang bigla nyang halikan ang noo ko. Then she looked at me and gently touched my face.

"I'm just so proud to have you..." she gently whispered.

Then she turned around and walked away.

Pero ngayon ko lang naalala...

"Uh ano..." I whispered.

Bigla naman syang natigil sa paglalakad at nagtatakang napalingon sa akin.

"Yes?" she asked.

I gulped lalo na't kanina ko pa pinag-iisipan kung itatanong ko ba ito sa kanya o hindi.

But I'm just dying of curiosity.

"U-uh...g-gusto ko lang pong itanong...." Ang simula ko. "G-gusto ko lang pong itanong kung nasaan na po ba si Demon?"

And after I asked that ay doon ko nakita ang unti-unting pagkawala ng ngiti sa labi nya. At nakita ko ang biglang paglungkot ng mga mata nya.

Bakit...

Bakit ganun ang naging reaksyon nya nang itanong ko kung nasaan si Demon?

But then she looked up at nabigla ako nang ngumiti din sya kaagad sa akin.

And with that big grin on her face ay masaya syang nagsalita.

"He's taking his time to rest" she said then grin even more. "Don't worry. He will come back when the roses decided for him to do so"

Then she turned around and walked away.

Samantalang naiwan akong nakatulala at hindi maintindihan ang sinabi nya.

"Char best! Kung maka-english ka naman, akala mo rin ang talino mo! Tabi nga!" si Carlie.

"Teka! Tama ba ang grammar ko?!" si Camellia at yun na ang huling narinig ko bago sila nakaalis ng tuluyan.

He will come back when the roses decided for him to do so...

What's that even mean?

***************

Mag-isang naglalakad sa tahimik na hallway na iyon si Bea.

The sun is starting to set at tumatama ang magandang kulay nito sa tahimik na daanan na iyon.

Naramdaman nyang may naglalakad din papunta sa direksyon nya kaya nagtaas sya ng mukha para batiin sana ito. Pero tuluyan ng nanigas ang dila nya at pakiramdam nya ay nanlamig sya nang makilala ang gwapong lalaking yun na kasalubong nya.

Si Cornelius.

At sa tuwing nakikita nya ang gwapong mukha ng lalaking iyon ay hindi nya mapigilang makaramdam ng sakit sa dibdib nya. Lalo na't alam nyang hindi na sya naalala nito.

Yumuko nalang sya para hindi na nya makita pa ito at nagpatuloy nalang sya sa paglalakad.

Hanggang sa malampasan na nila ang isa't isa and for a million times, that scene broke her heart.

Dahil ito sya at lagi nyang nakakasalubong at nakikita ang lalaking mahal but he can't remember her anymore.

"Hey"

Bigla syang natigil sa paglalakad when that deep voice called her from her back.

Yes. Cornelius just called her and that made her cold.

Naramdaman nalang nya ang pag-iinit ng sulok ng mga mata nya at ang pagsakit ng lalamunan nya nang dahil sa sobrang sakit na nararamdaman nya sa dibdib nya.

Pero pinilit parin nyang lingunin ito at ngumiti dito na parang normal lang.

She smiled at him too.

"H-hey..." she whispered.

And now she's wishing na sana ay hindi nalang sya lumingon.

Because now seeing him so beautiful under the beautiful light of the sunset ay pakiramdam nya ay mas nadagdagan ang hapdi sa dibdib nya.

Pero hindi nya inaasahan ang sumunod na sinabi nito.

"I think I've seen you somewhere..." he whispered while looking intently at her face.

Napakurap sya pero pinilit nalang nyang tumawa.

"Hahahaha, i-ikaw n-naman..." she tried to sound normal but she felt her voice cracked. "S-syempre makikita mo ako dahil lagi tayong nagkikita sa council room. Hahahaha, ikaw talaga"

But his red eyes just kept on staring at her face and that made her colder.

"No" he whispered while looking into her eyes. "I think I've met you even before. You're familiar"

You're familiar.

Pakiramdam nya ay mas sumakit ang dibdib nya matapos marinig yun.

Pero ngumiti parin sya.

"If we wouldn't be in this kind of situation, I'll think that you're hitting on me" ang nakangiting sambit nya.

Napangiti din si Cornelius at natatawang napatitig sa kanya.

"You're cute..." he said then grin.

Pakiramdam nya ay namula sya nang dahil sa sinabi nito.

Pero hindi parin nya mapigilang mapangiti.

"No, I'm not cute" she said.

His brows met. "Why?"

She grin and for the first time simula nang magkita sila uli na hindi sya naalala nito ay nakaramdam sya ng saya.

Saka sya namaywang at mayabang na nagsalita.

"Because I'm gorgeous" she said.

Natawa nalang si Cornelius nang dahil sa sinabi nya at hindi narin nya mapigilang matawa narin.

Saka ito biglang tumigil sa pagtawa at napalunok nalang sya nang makitang nakatitig na sa kanya ang seryosong mga mata nito.

He just stared at her with that same stare that he's giving to her before. At pakiramdam nya ay naiiyak sya habang nakatitig uli ang mga matang iyon sa kanya.

"I have this feeling that I have already met you before..." he said then grin. "...but I'm glad that I've got the chance to meet you now..."

Mas lalong humapdi ang sulok ng mga mata nya nang dahil sa sinabi nito. Pero ngumiti parin sya at napatitig dito.

"Why?" she whispered.

"I know it's all so sudden but..." he said then looked at her directly into her eyes and then grin. "I think I like you..."

Naramdaman nalang nya ang isa-isang pagpatak ng mga luha sa magkabilang pisngi nya matapos marinig yun.

And she knows that from this moment, that she'll get the chance to be happy with him, again.

to be continued...