webnovel

Animated Love

Shanelle is a girl who is badly hurt by her ex boyfriend. In order to not be pitied by anyone, she made up a love story of her and a guy who is actually one of her fictional characters which she created through a sketch. Shanelle's story and her fictional character began as this fictional character becomes a real human.

Nev_Zepol · Fantasy
Not enough ratings
63 Chs

Chapter 37

"Is she here to trash this place?" sambit ng isang bata habang pinapanood si Shanelle na I stretch ang kanyang neck.

Lumapit siya kay Chihoon na naka bend ang tuhod at naka position ang mga kamay ready to fight. Nilagay niya ang mga kamao sa harap ng mukha niya saka naglalakad lakad papunta sa tagiliran ng lalake. "Hiyah!" aniya na sinuntok ang braso ng lalake pero ni walang naging reaction ang lalake dito.

Hinahayaan lang ni Chihoon ang babae sa mga ginagawa niyang pagsuntok sakanya. Ni di nga niya ito maramdaman dahil sa sobrang hina nito at parang hangin lang na dumadaan sa katawan niya.

Pumunta na naman si Shanelle sa likod ng lalake saka sinusuntok suntok ang likod niya pero gaya ng dati, wala paring nagiging reaction si Chihoon dito. Bahagya niya lang nililingon ang babae na mukhang nag-eenjoy sa pagsuntok suntok sakanya.

"I don't think she's here to do that," sambit naman ng isang bata.

Sinisipa sipa ni Shanelle ang tuhod ng lalake at ilang suntok na din ang pinapakawalan niya ngunit nanatiling nakatayo lang si Chihoon.

"Is she here to get a boyfriend?" tanong naman ng isang bata sa kasama.

Humarap si Shanelle sa lalake saka malakas na susuntukin na ito ngunit hinawakan ni Chihoon ang balikat niya to bend it down kaya napahawak din si Shanelle sa balikat ng lalake that resulted to their faces being just inches away with each other.

"Woahh!!" sigaw ng mga bata sa eksenang nakikita nila.

The two of them had a staring contest for about a minute or so. Walang nagsalita. Walang gumalaw sakanila. Nanatili lang silang nagpapakiramdaman.

"Is it enough?" kapagkuan ay sambit ni Chihoon ng napagsawa na ng babae ang pagtitig sa mukha niya.

Wala naman sa sariling tumango si Shanelle.

Binitawan na nga siya ng lalake kaya napahiga siya sa floor pero nanatili parin siyang nakatanga sa kawalan.

Tinignan siya ng lalake saka napangiti at tinalikuran na ang babae.

Shanelle's heart is still erratically beating fast. Dahil lang sa simpleng pagdidikit ng katawan nila, she feels like she is the happiest goddess on Earth.

Unti-unti siyang gumalaw para bumangon. Napangiwi siya dahil sa sakit ng katawang natamo. Dahil hirap makatayo, she used her hands para gumulong. Narinig naman niya ang mga tawanan ng mga batang nandun parin at nakaupo na pinapanood siya.

Gumulong siya papuntang harapan nila para kunin ang tinapon niya kaninang jacket. "I-delete niyo lahat ng ala-ala niyo ngayong araw," banta niya sa mga batang nandun ngunit patuloy lang sila sa pagtawa.

Dahil sa sakit ng katawan, Chihoon gives her a piggyback ride pauwi.

"Masakit pa ba ang bewang mo?" tanong ni Chihoon dito habang naglalakad siya na hawak hawak ang binti ng babae. "Saka saan mo nakuha ang blackbelt mo?"

"May benta sa Lazada. Tig 350 kaya binili ko na lang," sagot naman ng babae na nagpatawa kay Chihoon. "bakit ka tumatawa ah? Magaling kaya ako nung elementary ako. Also, why did you use so much force?" aniya na bahagyang piningot ang tenga ni Chihoon. "O baka naman gusto mo lang gamitin ang all-purpose-kiss para gamutin ako?"

"Kung elementary school level ka lang naman wag kang magpanggap na nasa professional level ka na. Saka sabi mo na di ko kailangang maging gentle," sagot naman ni Chihoon dito as he gently hits her butt.

Bumaba si Shanelle sa pagkakabuhat ng lalake. "Aiyo, you dare to hit my---you---!"

Hinarap ng lalake si Shanelle. "Don't you deserve this? You're doing dangerous things on purpose. Di kaya dapat lang na mag suffer ka ng punishment?"

Shanelle chuckles at what he said.

"At bakit ka tumatawa?"

"Monster Chi...sa totoo lang...gusto mo din ako diba?" malawak ang ngiting sambit ni Shanelle. "Dahil may gagawin ka pa, you could have just chosen to ignore me. But you still care so much about me and protect me. So...you must like me a lot."

Nanatiling tahimik si Chihoon ng ilang saglit. No. This is not the way it should be. This is not how we should be.

"Whats wrong?" naging seryoso na ang mukha ni Shanelle sa biglang pananahimik ng lalake.

"I think that...my actions have made you misunderstand," sambit ni Chihoon. "I'm sorry. May di pala ako nasabi sayo. It's about the car accident. The reason I saved you. Things happened so suddenly. I was hesitating whether or not to save you. You lost a lot of blood. When you drew me, the blood on your veins reacted to my body. Ibig sabihin lang nun ang dugo mo ang bumuhay sakin. It was your blood that save me. And as long as I nurture the blood that rescued me, ikaw at ako ay magkakaroon ng connection."

"I-I know pag nasa panganib ako nararamdaman mo yun."

Tumango si Chihoon. "Tama ka. Pag nasa panganib ka nararamdaman ko yun. It's to remind me to save you as soon as possible. At the same time, its to save myself. Dahil once na mamatay ka, it will be only a matter of time before I'll return to dormancy. Pag nangyari yun, kung di ako nakatago, o natagpuan ako ng kaaway ko sa ganoong sitwasyon, then mawawala na ako sa mundo. I'm sorry for making you misunderstand. From the start, I should have made this clear."

Kinagat ni Shanelle ang pang-ibabang labi upang pigilin ang pagtulo ng luha. "SO...all of this is just to protect yourself," aniya sa nanginginig na boses. "Regarding other things...I was just over-thinking." She pursed her lips saka huminga ng malalim. Di na niya napigilan pa ang pagtulo ng luha niya. She was deeply hurt. She thought that somehow may nararamdaman din ang lalake sakanya but then it was all a way to protect himself. He is saving her, protecting her, not for her but your himself. "Dahil sa pamumuhay mo ng madaming taon, ibig bang sabihin nun Nawala na din ang puso mo?"

Chihoon tried to hold her pero lumakad patalikod si Shanelle sakanya. "Wag mo akong lapitan." Tuimgala siya saka huminga ng malalim. "Fine then. I lose." Hinarap niya ang lalake with all her remaining confidence and strength. "I hope na mahanap mo na ang kaaway mo as soon as possible tapos iwan mo na ako. If this is a love that I can't keep, then I don't want it. Kaya wag ka ng mag-alala about me bothering you. Let's go back to the life we had before," aniya saka tinaikuran na ang lalake.

___________

At the police station.

Busy sina Gab, Jackson at Charm sa investigation about the cases they are having. They spend the night in the station.

Jackson was currently asleep with his head leaning down the table. Ngumiwi naman si Charm nang Makita niyang nagdo-drool pa ito habang natutulog. "Are you serious? A big man is sleeping like a child and is even drooling? Milagro na kung makahanap pa yan ng girlfriend," ani Charm.

Tinignan naman ni Gab si Jackson saka napangiti. "Jackson is not bad. Why dont you two try it?"

"Teka, kelan ka pa nagging matchmaker Gabrielle Lee?" Charm said as she rolls her eyes.

"I just think that life is too short. Don't waste time testing each other," nakangiting sambit ni Gab. "If your courageous for one second, then you can hug him for another extra second."

"Sino namang may gustong yakapin yan even for a second? Saka, he goes to blind dates a lot."

Bigla namang may kumatok sa pinto kaya napatingin si Gab at nakitang si Riza pala ang dumating.

"Good morning," nakangiting bati ni Riza sa mga ito.

"Riza, bat ka naparito?" ani Gab.

Binato naman ni Charm si Jackson ng sachet ng kape para gumising at nagising nga ito.

"Ano?" inis na sambit ni Jackson.

"Dumating si Miss Riza," taas kilay na sagot ni Charm.

Dali-dali namang pinunas ni Jasckson ng gild ng labi.

"Kagabi, when I was filming, nadaanan ko ang isang lugar na nagbebenta ng masarap na crab porridge. Plano kong dalhin to sa bahay mo Gab saka sa parents mo pero sabi ng mom mo overtime ka daw ngayon and told me to look after you," sambit ni Riza. "Madami akong binili. Kain na tayong lahat dito."

Lumapit naman si Jackson kay Charm. "Miss Riza is buying breakfast for me?" aniya na tinuro pa ang sarili.

"Hindi para sayo. We are just leeching off Gab," Charm said na bahagyang pinalo ang braso ng lalake saka niya tinignan si Riza. "Miss Riza Salamat dito. Lalabas lang kami para kumain. Mag-usap nalang kayo ni Gab dito."

"Okay, you're welcome," sagot ni Riza saka umupo sa tabi ni Gab habang sina Charm at Jackson ay lumabas na ng room.

Tinignan naman ni Riza si Gab. "Napaka payat mo na ngayon. Di ka na nagmumukhang tao. Mas mabigat ka pa ba sakin?"

Napangiti ng alanganin si Gab. "I can't do anything about it. Ang daming old cases that we need to sort out, tapos yung murder case pa sa villa#56. Di ko alam kung bakit pero lahat ng mga kasong to is somehow connected to Shanshan. Kung hindi sakanya, sa mga taong nakapaligid sakanya." Napailing si Gab. "I have no clue."

"Gab may tinatago ka ba sakin?" seryoso paring nakatingin si Riza sakanya.

"B-bakit mo naman tinatanong yan?" sambit ni Gab na umiwas sa titig ng babae.

"Instinct. Di ko rin alam bat tinatanong ko yun," Riza answered. Feeling niya kasi may mali talaga kay Gab but she can't seem to figure it out. "The look you have now gives off a sad...and helpless feeling."

Napangiti si Gab. "Noong sinabi mo sakin na gusto mong maging disciple ng isang fortune-teller, yung desisyon kong pigilan ka ay tama pala."

Riza pouted. "Maybe. I even have messed up things myself," she said saka napabuga ng hangin.

"Troy seems lighthearted," sambit ni Gab. "Pero nung nakilala ko siya, his thoughts towards love hold a perfection attitude. Kaya pag nakilala niya ang babaeng talagang gusto niya, he'll get serious. He is worthy of reliance."

Nilingon siya ni Riza pero di siya nagsalita.

"Pag-isipan mong Mabuti Riza," patuloy na sambit ni Gab dito. "Sa tingin ko gusto din ni Shanshan na maging masaya ka."

"You sound like you're trying to entrust me a favor," sagot ni Riza.

"Not refuting means accepting," nakangiting sambit ni Gab.

Pinalo ni Riza ang braso ng lalake na nakapagpatawa naman sa huli. "You're talking so much. Kumain ka na nga lang diyan."

___________

Shanelle is shooting a sad scene. Her tears are naturally falling while she is holding the railing of the kiddie park where they are shooting a scene. "You never loved me. You only love yourself," aniya na nilalabas lahat ng natural emotions niya towards Chihoon.

Nakaawang naman ang bunganga ng director at ang mga staffs sa napakagandang pag arte ng babae ngayon. "Okay, Cut!" sigaw ng director. Masaya niyang nilapitan si Shanelle na nananatiling nakatayo doon at tuloy-tuloy parin ang daloy ng luha. "Shanshan, okay na," masaya niyang sambit pero nantiling umiiyak ang dalaga. The director patted her shoulder. "Shanshan?"

Tinignan siya ni Shanelle. "Director," aniya na hilam ng luha ang mukha.

"It's okay. It's okay. Di pa nga ending scene yun pero ang ganda ng projection mo. You gave this drama the best scene," anito sa babae na tuloy lang sa pag-iyak. "Uhmm..this..." umiling siya saka iniwan na ang babae.

Pagkatapos ng scene, dumiretso si Shanelle sa dressing room niya. Nakaupo lang siya sa sofa na yakap yakap ang isang unan. Hanggang sa nakatulugan na niya ang pag-iyak.

Sakto naman nun ang pagpasok ni Jam sa loob ng dressing room. "Shanshan, tara na," aniya na nakapagpagising dito.

"ANo pang gagawin natin ngayon?" tanong niya sa lalake.

"Wala na. uuwi na lang tayo," ani Jam dito.

"DI ba sabi mo may event pa tayong kailngan kong pupuntahan?"

Umupo si Jam sa table at hinarap ito. "Di mo yun tinanggap kasi sabi mo wala kang oras. "

"May oras na ako ngayon. Take it," ani Shanelle na seryosong nakatingin sakanya.

"P-pero sa ibang bansa yun Shan."

"takot ka bang sumakay ng eroplano?"

"Hindi naman. Pero ang event na iyon ay bukas na ng umaga."

"So, Assistant Yu, ano pang hinihintay mo?" taas-kilay na sambit ni Shanelle.

Nagkamot ng ulo si Jam saka kinuha ang phone. "Tawagan ko sila at tanungin kung kailangan nila ng secret guest."

"Dali!" sigaw ni Shanelle dito.

"E-eto na. tatawagan ko na," aniya saka tumayo para tumawag.

Napahinga ng maluwag si Shanelle dahil nagbabadya na naman ang mga luha niya sa pagtulo. Why is this so hard? Why is this so painful? She leaned her head on the sofa again.

__________

Umuwi si Chihoon ng gabing yun pero Nakita niyang madilim ang bahay. Binuksan niya ang ilaw at nilinga ang paligid. There's no Shanelle in the house. Pinatong niya sa table ang biniling milk tea saka gamot para sa sakit ng katawan saka tiningala ang kwarto ni Shanelle pero wala siyang marinig na galaw nito. Nasa loob kaya siya ng kwarto niya?

Umupo siya sa sofa at nanood habang inaantay niya ito. Nakailang palit na siya ng channel pero wala paring lumalabas na Shanelle. Hanggang sa mailipat niya sa channel kung saan nai-interview si Shanelle.

"Your skin is so nice," sambit ng host sakanya na nakapagpangiti sa dalaga. "I heard that you fell in love recently. It seems that Miss Shanelle never hides her relationships in front of others."

Napaayos si Chihoon ng upo ng makita ang mukha ng babae na nakafocus sa camera.

"There's nothing to hide," sagot ng babae. "Hindi naman siya artista so I wont reveal it. I hope that everyone will give us a little space."

"You guys heard it. Let's give Miss Shanelle private space," nakangiting sambit ng host sa camera. "What do you think attracted your boyfriend?"

"Obviously, everything." Napatawa si Chihoon sa sagot ni Shanelle.

"Let's switch then. What do you think is attractive on him?"

"Mmm...handsome, nice body, rich. I can't even count it with one hand," masayang sagot ng dalaga.

"Miss Park's style of speaking is totally different. I like it. Tell us one common thing about you guys."

"I am usually careless. Our toothpaste tube at home has been squeezed so much that it looks like a messed-up candy already. He told me many times and I couldn't listen to it anymore that there was even one time where he squeezed the toothpaste from the bottom cleanly in front of me. Then he said, Miss Park, did you get it now?"

"Wow, a man with OCD."

Naalala naman ni Chihoon ang nangyaring yun in the past.

Naghuhugas ng mukha si Chihoon nang pumasok si Shanelle ng umagang yun. Dumiretso siya sa lagayan ng toothbrush at nilagyan ito ng toothpaste. She squeezed the toothpaste tube from the middle na Nakita naman ni Chihoon.

"Are you really brainless?" sambit ni Chihoon sakanya. "Ilang beses ko bang sasabihin sayo? Don't squeeze the toothpaste tube in the middle. You must squeeze it from the bottom. Di mo ba talaga matandaan yun?"

Nilingon siya ng babae na nakasimangot. "No. why do I always forget it when I go to squeeze it?"

Marahas na kinuha ni Chihoon ang toothpaste sakanya and then he squeezed it cleanly from the bottom in front of her na nakapaggulat sa babae hanggang sa naubos ang laman ng toothpaste tube.

Malalaki ang mga matang nakatingin lang si Shanelle dun at napapaangat ang gilid ng labi niya.

Seryosong lumapit si Chihoon sa babae kaya napalakad ito patalikod hanggang sa napasandig siya sa dingding. "Nakuha mo na ba?" sambit ng lalake dito.

Napaawang naman ang bunganga ng babae saka napatingin sa hawak hawak ng lalake na toothpaste tube. Saka siya tumingin sa mukha ng lalake at napatango ng ilang ulit.

Napapangiti si Chihoon nang maalala yun. Tinignan niya ang wall clock. Wala parin kasing lumalabas na Shanelle. Nasaan kaya siya? Bat di pa siya lumalabas ng kwarto niya hanggang ngayon?

Tumayo siya at sinubukang puntahan siya sa kwarto niya. Kumatok siya dito. "Shanelle, dinalhan kita ng midnight snacks. Lalamig na ito," aniya pero wala siyang narinig sa sagot. "It's your favorite milktea." Wala paring sagot. Kumatok siya ulit. "Shanelle, they are broadcasting your interview. Ayaw mo bang panoorin?" Wala paring sagot. DInama niya ang dibdib at di niya maramdaman ang babae. "Shanelle, wala ka ba diyan? Papasok na ako," aniya kaya binuksan na niya ang pinto at Nakita niyang wala doon ang babae. Binuksan niya ang ilaw pero wala parin siyang Nakita. Nasaan kaya siya? Sabi ni Jam wala naman silang filming schedule ng gabi ah. Pinatay niya ulit ang ilaw at sinara ang pinto.

Bumaba siya at umupo sa sofa. Kinuha niya ang phone. Hinanap niya ang number niya dito pero di niya magawang idial ito kaya si Jam ang dinial niya pero di ito makontak. Napabuga siya ng hangin. Where the hell are you?

__________

Lumipad nga sina Shanelle at Jam papuntang Japan for an event lulan ng eroplano.

Ininom ni Shanelle ang cup of coffee niya pero nakitang wala na itong laman. "Ikuha mo pa ako ng kape," aniya kay Jam na katabi niya sa loob ng eroplano.

"Shanshan, apat na cup na ng kape ang naiinom mo," sagot ni Jam sakanya.

"So what? I already let you sit in the first class. Anong mali sa pagkuha pa ng isang baso?"

"Pero dahil yun sa sold out na ang economy class," pabulong na sambit ni Jam.

Tinaasan siya ng kilay ni Shanelle kaya napangiti nalang si Jam. "SIge na nga ikukuhanan na kita ng isa."

Tumingin si Shanelle sa labas ng bintana. "Jam, may chance kaya na bumalik ang eroplano dahil sa pagsama ng panahon? O di kaya mag crash dahil sa magka malfunction ang makina?"

Biglang nagkatinginan ang mga katabing upuan ni Shanelle dahil sa sinabi ng dalaga. Napaubo bigla si Jam saka nilingon ang mga tao sa mga katabing upuan. Nginitian niya sila ng alanganin saka tumingin kay Shanelle.

"Shanshan, ano ba yang mga sinasabi mo?" bulong na sambit ni Jam dito.

Napatingin naman si Shanelle sa mga taong nakatingin sakanya.