webnovel

Animated Love

Shanelle is a girl who is badly hurt by her ex boyfriend. In order to not be pitied by anyone, she made up a love story of her and a guy who is actually one of her fictional characters which she created through a sketch. Shanelle's story and her fictional character began as this fictional character becomes a real human.

Nev_Zepol · Fantasy
Not enough ratings
63 Chs

Chapter 26

Masayang napapakanta si Shanelle sa loob ng sasakyan habang pauwi sila galling sa ginawang misyon.

Sumasabay na din si Jam sa pagkanta habang nagda-drive ito. Tahimik namang nakaupo lang si Chihoon sa likod ng sasakyan at malayo ang isip.

Tinignan ni Shanelle si Chihoon mula sa salamin ng sasakyan at napansin na tahimik ito. "Oy, Mosnter Chi, nakuha mo na ang address, bakit para ka paring namatayan diyan?"

"I think it's strange," anito.

Masaya paring naghe-head bang si Shanelle sa saliw ng musika sa loob ng sasakyan. "What's so strange about it?"

"Why did the man who dumped you, still used your birthday as his password?" anito.

Inayos ni Shanelle ang buhok. "Ano namang strange dun? Di mo ba alam na isa na siyang minion ko mula pa pagkabata? Anyway, we grew up together. Naghiwalay man kami, we're still a family," Shanelle shrugged her shoulders.

"Really? He's incredible then," sambit naman ng lalake.

"Gusto mo ba siya? I'll hook you up," Shanelle jokingly asked na nilingon ang lalake sa likod.

"You're the one who got dumped by him," balik namang biro ni Chihoon sakanya.

"Psh," umayos na lang ng upo si Shanelle.

"Kuya Chihoon, bat mo naman nasabi yan? Popular kaya si Shanshan. Madami kayang mga perverts ang tumatawag sakanya gabi-gabi," sambit naman ni Jam na nakapagpatigil sa pagsayaw sayaw ni Shanelle.

Napangiti naman si Chihoon.

Kinutusan ni Shanelle si Jam. "Magtigil ka Jammier. Talagang ginamit mo pa ang mga perverts para ipagtanggol ako. Dahil yun sa katalinuhan ko! Kung di sana sa Plan B ko e di pano pa natin malalaman ang address ng ganon kadali?"

"Pero Shanshan ang Plan B mo ay mag start ako ng sunog sa hallway tapos iti-trigger ang fire alarm," sambit ni Jam that made Chihoon chuckle.

Napatigil na naman si Shanelle sa pagsayaw. "Di na importante ang process. Mas importante ang result diba?" nakangiti paring sambit ng babae.

"Let's go to a midnight snack," sambit naman ni Chihhon na nakapagpangiti sa dalawa.

"I eat many more!" sambit ni Jam na dahilan ng pagkutos na naman sakanya ni Shanelle.

"Di ka na naman pumapasok sa English class mo noh?"

Jam pouts.

_________

"Wahh, I haven't had a midnight snack for so long. Mabuti na lang wala akong shoot bukas," sambit ni Shanelle pagkauwi nila ni Chihoon. "Kelan mo pupuntahan yung jade buyer?"

"Bukas," sagot ng lalake sakanya.

"Isama mo ako sayo" nakangiting sambit ni Shanelle.

"No way," anito at tinalikuran siya.

"Psh," Shanelle pursed her lips.

__________

Kinabukasan, sinusundan ni Shanelle ang sasakyan ni Chihoon papunta sa address ng jade buyer lulan ng isang taxi. Ayaw niya kasi siyang isama kaya sinundan na lang niya ito.

Napansin naman ni Chihoon na parang may sumusunod sakanya kaya bahagya niyang nililingon ang likuran niya. He parked in front of the jade buyer's house saka lumabas sa sasakyan.

Lumabas na din si Shanelle sa taxi at nakangiting nilapitan si Chihoon at niyakap ang braso niya. "Wala akong gustong gawin na di ko magagawa."

Chihoon just shakes his head at hinayaan na lamang ang dalaga sa gusto niya. They walked towards the entrance ng bahay nang may maramdamang kakaiba si Chihoon.

"May problem ba?" tanong ni Shanelle skanya.

Chihoon looks at the place. The door is slightly opened. Mabilis siyang tumakbo papunta sa loob na sinundan naman ng dalaga.

Pagkapasok ni Chihoon Nakita niyang nakahandusay ang mag-asawa na wala nang buhay. He saw the blood dripping from their body. They were killed.

"Bakit ka naman tumakbo ng mabilis?" ani Shanelle na tumabi sa lalake. Bigla namang napalaki ang mata niya sa nasaksihan. "Ahhh!" sigaw nito sa nanginginig na boses.

Niyakap ni Chihoon para di niya makita ang mga bangkay.

_________

Kasalukuyan namang kumakain si Gab habang nanonood ng balita sa TV.

"After receiving an urgent phone call today, we discovered a double murder today in this number 56 cottage. We can see that the police have sealed the entrance already for investigation. Let us interview an officer."

Seryoso namang nanonood lang si Gab sa balita. He gets his phone at denial ang number ni Jackson. "Hello? Nasan ka?"

Nang malaman niya kung nasaan ito, nagmadali din siyang pumunta dun sa crime scene. He showed his ID card sa nagbabantay na pulis saka pumasok sa loob ng bahay. "Anong nangyari?" tanong niya sa isang officer.

Nakita niya ang mga forensic agents na nagkalat sa paligid at ibang officers na tumitingin sa crime scene. he wore his gloves saka lumapit sa bangkay.

"Gab? Bat ka nandito?" tanong ni Charm sakanya habang kinukuhanan ng litrato ang crime scene. "Di ba naka bakasyon ka pa?"

"Wala din naman akong ginagawa sa bahay. I'll better make use of my time helping you," anito saka hinarap si Jackson. "Anong nangyari?"

"Nag deliver ang milkman ng gatas dito ng mga 8 am. Noong napansin niya na walang sumasagot sakanya at Nakita namang nakabukas ang pinto, pumasok na siya. Tapos Nakita ito, kaya tumawag na siya ng pulis." Tumango lang si Gab sa sinabi ni Jackson. "Yung dalawang CCTV cameras near the street were broken. Judging from the crime scene, it seemed to be a planned murder and robbery."

"May napansin bang kakaiba ang mga kapitbahay ng mga biktima?"

"Nagtanong na ako. Wala naman daw sabi nila," pailing na sambit ni Jackson.

"Kuhanin mo ang CCTV footage sa mga malapit sa kapitbahay. Find out the victims' financial situations and background. Hanapin mo din ang taong nakakita sakanila," ani Gab.

"Okay," sagot ni Jackson saka umalis na.

Kinuha ni Gab ang picture frame na Nakita sa crime scene. It was the picture of the victims and a girl.

_________

Nakaupo sina Shanelle at Chihoon sa sofa na lutang. Shanelle was hugging her knees while Chihoon was sitting with his hands folded.

"Mukhang namatay sila dahil satin," sambit ni Shanelle na nanginginig parin ang mga kamay. It's her first time seeing a crime scene and it's too much for her to handle. "They...they didn't threaten any normal people. Bakit sila pinatay?" Nanginginig ang mga kamay na kinuha ni Shanelle ang baso ng tubig ngunit muntik na niya itong mabitawan kundi lang nasalo ni Chihoon ito.

Chihoon puts the bottle down saka hinawakan ang mga balikat ng babae. "Wag kang matakot. Even if a cup will fall, I'll be there to catch it. Walang mangyayaring masama, naiintindihan mo ba?"

Naiiyak na tinignan ni Shanelle ang lalake. "Monster Chi di mo naiintindihan. I've been unlucky since birth. Pag nagsimula ang klase at nabigyan na kami ng mga libro, ang akin lang ang may mga punit ang pahina. Pag pumupunta ako sa store, may mga nababasag at ako ang nagbabayad nun. When I go out for a drive, kahit naka park lang ako dahil sa stoplight, I'll still get hit by a car." Humagulgol na siya ng iyak. "But...but my bad luck has never harm anyone. Never."

"Alam ko. So, this has nothing to do with you, okay?" pag-aalo ng lalake sakanya. He hugs the girl and pats her back lightly.

Kinagabihan, nakaupo si Chihoon sa may balkonahe at nakatingin sa kalangitan. Human suffering is divided into 10 levels. What level is heartache at? The wounds can heal. But the heartache coming in the middle of the night, how can I heal it? Dinama ni Chihoon ang dibdib niya.

He sighs and decided to see Shanelle in her room. Gumagalaw galaw ang ulo nito as if she's having a bad dream. "It's not me. It's not me," she is murmuring in her sleep. "It's not me."

Pinuntahan siya ni Chihoon sa bed niya at tinabihan ito. He lets her head lay on his arms and he gently whisper something in her ears na nagpakalma naman sa babae. He pulled her in his chest at niyakap ito.

"Monster Chi, you're so warm," mahinang sambit ng dalaga.

________

"Boss, na install ko na ang hacker software sa computer ni Professor Lee mula sa kanyang home laboratory," ani Detective Lee sa boss nung tawagan niya ito. "But it was very risky. Muntik pa kaming magpang-abot nung estudyante niya na si Nicolai Troy."

"Nicolai Troy? One day he will exceed his teacher's accomplishements. What a shame. He isn't easy to control."

"Boss, pati si Professor Lee ay di madaling kontrolin. He's looking for that monster himself."

"Even with my pet that I mindfully raise every day, if I don't pay attention for a moment, my hand will still become injured," anito na pinapakain na naman ang kanyang alagang ibon.

"So, hinanda mo na ang ointment for it in advance, isn't it?"

__________

"Daddy, can you see me?" Annie said to her dad as they were video calling.

Nakangiti naman si Professor Lee. "I miss you baby."

"I miss you too. I'm eating well. Mommy said that you're working really hard to cure my sickness. These days, I'm really happy. There are uncles playing with me."

Nakita naman ni Professor Lee ang asawa niya sa background kasama ang ilang mga kalalakihan.

"Mommy, Uncle An told me to send a video message to Daddy," sambit ni Annie sa moomy niya.

Bigla namang may nagpakitang isang lalake sa tabi ni Annie. "Hello professor, aalagaan naming mabuti ang anak at asawa mo dito," anito saka pinatay na ang tawag.

Kinabahan naman bigla si Professor Lee. Alam niyang tauhan ni Boss yun at ginawa nilang hostage ang ex-wife at anak niya. Sakto namang may tumawag sakanya.

"Hello?"

"I sent people to look after your daughter and ex-wife. America is a mess right now. With a daughter that has a disease where she can't touch the sunlight, anong gagawin natin pag may masasamang taong pumasok dun?"

"Wag mong sasaktan ang anak at ex-wife ko," sagot ng professor. "gagawin ko ang research. Wala silang kinalaman dito."

"Of course. If you just don't do unnecessary things. They are my friends. Pag trinaydor mo ako, a mother and a daughter in America will encounter a thief with a gun. That type of probability shouldn't be small, right?"

"D-di ko na hahanapin yung halimaw. I promise. Malalaman ko din kung pano mapapatay ang halimaw na iyon."

"Okay, I will wait for your good news."

__________

Pagbaba ni Shanelle sa hagdan ng umagang yun, Nakita niya si Chihoon na naghihiwa ng mga prutas sa kusina. "You're awake?" tanong nito sakanya pagkalapit niya sa kinaroroonan niya.

"ANong ginagawa mo?" tanong ng babae.

"I made juice according to the recipe," he said na pinakita kay Shanelle ang isang baso ng juice. "There won't be food poisoning."

Shanelle smiles awkwardly. "Wala akong ganang uminom ngayon. You can drink it yourself," anito at tatalikod na sana ngunit nahagip ng lalake ang balikat niya kaya napapikit ito ng mariin. Napilitan siyang harapin ulit ang lalake.

"Fruits and vegetables are good for the body, try it," he said offering the glass of juice he made.

Ngiwing-ngiwi si Shanelle na kinuha ang baso ng juice at pikit matang ininom ito. Kahit sobrang sama ng lasa niyon, pinilit niyang ubusin ang laman ng baso.

"The way you drink fruits and vegetable juice is very careless," sabi ni Chihoon nang Makita ang liquid drops sa paligid ng bibig ng dalaga.

He takes it off using his fingers kaya napalaki ang mga mat ani Shanelle.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ng babae sa simpleng gesture na iyon ni Chihoon and it even made her blush. Lalo na nung Nakita niya itong ngumiti na kita ang dimples niya.

Wala sa sariling tumalikod si Shanelle at naglakad papuntang kwarto niya na halos madapa-dapa na siya sa pag-akyat sa hagdan.

Chihoon blinks his eyes dahil sa di maintindihang galaw ng babae.

Dumiretso si Shanelle sa kanyang banyo. She opened the faucet at ilang ulit na nag hilamos ng mukha. What the hell? What is that feeling all about?

_________

"That is the younger sister of the deceased man. Naka settle down na siya sa Europe pero bumalik dito pagkarinig sa balita," ani Charm kay Gab na ang tinutukoy ay ang babaeng nakatayo sa harap ng puntod ng namatay na mag-asawa.

Gab and Charm is currently walking towards at the pathway of the cemetery para magpunta din sa puntod ng namatay na mga biktima.

"Yung bumalik ka dahil sa namatay mong kapamilya is really tragic," sambit pa ng babae.

"Kinausap mo na ba siya?" tanong ni Gab sakanya.

"Oo. Pero di nila malaman yung cause o motive ng murder."

Lumapit sila sa puntod at nagbigay ugay sa nitso bago hinarap ang kamag-anak ng biktima. "My condolences. Hello Miss Kan. I'm Gabrielle Lee, the detective who is doing the investigation of this case," pagbati ni Gab dito.

Gab ang Miss Kan walked together para ag-usapan ang tungkol sa kaso.

"Maagang namatay ang magulang ko. Kaya my brother and aunt raised me. They were both really honest people," sambit ni Miss Kan. "A couple years ago, my aunt was diagnosed with a disease, at kailangan niya ng surgery. I was also about to study abroad. Kaya kinuha ni kuya yung jade disc from the Ming dynasty at binenta niya ito. Di ko alam na ang perang iyon ang mag co cause para mamatay sila."

"It's only a speculation na burglary nga ang caue," sagot ni Gab sakanya. "Miss kan, kelan ang huli niyong pag-uusap?"

"Last Saturday. I also said that I'll finish the cases I had as fast as I can tapos uuwi na ako para makasama sila. Pero ganito naman ang nangyari."

Gab sighs. "I'll contact you again pag may kailangan pa akong malaman. Salamat sa cooperation."

_________

Inantay naman ni Chihoon si Miss Kan sa hallway ng hotel kung saan siya naglalagi para makausap ito.

"My colleague Detective Lee called me just now. Gusto niyang malaman ang ilang details tungkol sa jade," paninimula ni Chihoon.

Chihoon shows her the picture of the jade. "Yan ba yun?"

Miss Kan looks at the photo saka ngumiti. "Ito nga. This is a treasure passed down in my family. A few years ago, napilitan ang kuya ko na ibenta ito due to financial circumstances. Pero, may kinalaman ba ito sa kaso?"

"There are many things in this world that seem related but are actually tied together. Kailngan kong malaman ang tungko sa jade na ito. For example, where it came from."

"Where it came from? It came in a special way indeed. Nung nandito pa ang father namin, kinukwento niya samin ang tungkol dito ng madaming beses. That was like hundred years ago. At that time, my great-grandfather owned a pawnshop. It was raining a lot on that day. The pawnshop was about to close early. Suddenly, a mysterious guy came to pawn something. And that was this jade. According to my dad, it was a valuable phoenix jade. Hindi sinabi nung lalake kung saan niya kinuha yun kaya half the price lang ang binigay ng great-grandfather namin sakanya na bayad. The box of the jade is also made from Gold phoebe wood na valuable item din. But inside the box is a hidden compartment."

"A hidden compartment?"

"Oo, at Nakita niya dun sa loob ang isang litrato na ayon sa dad namin iyon ang lalakeng nagsanla ng jade na iyon. And then the jade became a dead pawn. Hindi kayang ibenta ng great grandfather ko iyon kaya we just kept it and became the family's heirloom."

"Sino ang nasa larawan?" tanong ni Chihoon.

"May isang matanda dun na nakaupo sa isang silya. Behind her, a young man was standing. They're smiling very brightly. Kung pagbabasehan natin sa edad, we can say that they are mother and son."

"Where's the photo?"

"The old photo was passed down by my grandfather. Nung nabenta na yung jade, my brother kept it. We're keeping it at home. Kung di lang dahil sa hira naming noon, di ibebenta ni kuya yun. He blamed himself for a long time."

"I think that everything that gets passed down happens by chance. When your ancestors passed down the jade, they knew it that the jade has a great value. Naniniwala sila na in the future, magagamit iyon for a good use. Or else, no matter how valuable it is, it would have become a dead object."

Tumango ang babae. "It's weird, pero the way you talked about it makes me feel a lot better. Thank you."

________

"Teacher Troy hinahanap ka ni Professor Lee," sambit ni Arlene kay Troy na nagsusulat sa kanyang experiment notes.

"Bumalik na siya?" tanong ni Troy na tinanguan naman ng babae.

Pinuntahan nga ni Troy ang professor. Nakita naman niya itong naghahakot ng kanyang mga gamit. "Troy," tawag ng professor sakanya.

"Prof, why are you sorting out these materials?" tanong ni Troy dito.

"During this time, di ako makakapunta dito sa center. Pag may kailangan ka, tawagan mo lang ako," sambit ni Pofessor Lee at niagay na sa box ang kanyang mga research materials.

"May tinatago ka ba sakin prof?" tanong ni Troy sakanya.

Di siya sinagot ng matanda. Bagkus inabot niya ang ilang papel dito. It was his medical record. "I want to hide it from you, but I can't. Dahil sa masyado kong pagtatrabaho, naapektuhan na nito ang kalusugan ko. Pag di ako magpapahinga at magpapagaling ngayon, I'm afraid it'll never recover. Last week, di talaga ako nagpuntang business trip. I turned off my phone and stay at home. Madami akong mga iniisip ngayong mga araw. Due to my daughter's genetic disease, I haven't rested all these years. The older she gets, the sicker she is. I can't lose any hope." Hinarap niya si Troy. "Troy, you are an outstanding student of mine. I believe that we will definitely find that dormant corpse."

"Pano mo nalaman na buhay siya prof?" nagtatakang sambit ni Troy.

"I also contacted the witness. Suspetsa ko na noon na nabuhay nga ito. But this kind of theory is too taboo. I think you understand. As a researcher, we never want a scientific discovery to become a social discovery. Of course, I was greedy too. If Shanelle's perfect ligases in her blood came from that dormant corpse, then my daughter's disease can be treated."

"pero, sa ngayon wala na akong clue prof."

Tumango ang matanda. "This kind of life form is mysterious. Wala na din halos akong pag-asa, pero kung hinahanap mo din siya, then please tell me as well." He pats Troy's shoulder.