1 Prologue

Christopher's POV

Nagkaroon na ba kayo ng kaklase na nakakairita at nakakainis?

Yung wala pa siyang ginagawa, nakikita mo palang siya parang tumataas na agad ang dugo mo sa galit?

Everytime na nakikita ko siya nasisira na kaagad ang araw ko.

Sabi ng mga kaibigan ko, the more you hate, the more you love pero bakit hate lang talaga ang nararamdaman ko sa kanya, walang love?

Walang love ba talaga or I'm just avoiding it because I don't like the way I am feeling.

Oo naiinis ako sa kaniya pero bakit mas lalo akong naiinis if I've not spoken to her in a day?

Why do I want to always see and hear her?

Why do I miss her pangungulit and pangaasar?

How do I avoid this feeling? I better not see her again. Kakalimutan ko na ang morena niyang balat ang maitim niyang mata ang mahaba niyang buhok at ang amoy niyang parang bulaklak ng sampaguita. Teka teka lang! Ahhh! Get her out of my head! Paano niya nabihag ang puso kong bato? Paano niya nakuha ang loob ng isang Christopher Ibarra ang lalakeng walang pakealam sa mga babae, sa love?

Ano ba yan ang dami kong tanong. Instead of asking questions why dont I just tell you how the lonely Prince fell in love with the beautiful probinsyana girl.

DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

avataravatar
Next chapter