1 Tahak ng Panahong Bata pa lamang

Ako si Andy ipananganak sa isa sa mga pinakamayamang lungsod sa Metro Manila. Ang aking ama ay nagsisilbing sandata ng bayan at ang ina ko ay isang maybahay. Hilig ng aking Ama ang mag sabong kaya ubos ang aming dapat na kakanin at ang aking ina, ginto ang dapat ay nakakabit sa kanyang katawan. Bawat araw na lumipas ang aking ina ang nagtyatyagang kami ay mairaos sa gutom at ginto ang magiging sandalan kapag ganito ang kalagayan.

Ako ay isang College Student sa isang kilalang Unibersidad. Mahiyain pero palakaibigan at mediyo "CHICKBOY". Tinatahak ko ang landas na kailangan ay mawala ang nararamdaman kong hiya mapalitan dapat ng tiwala sa sarili, yung makakatayo sa harap ng maraming tao upang maging matatag at matapang na harapin ang buhay.

Sa edad kong labing walong taong gulang, ako'y mapusok at nais subukan ang lahat. Nakarating ako sa parte ng pag-aaral na makasali sa teatrong aktibidad. Dito ko naranasang makipagrelasyon kay Miss A.

Si Miss A ang tanging babae na napalapit sa puso ko bagamat sya ay mas may edad, balewala ito dahil nais kong sundin ang aking isip at katawan.

Dumating ang pagkakataon na si Miss A ang nakauna sa akin. Hindi munawaan ang pakiramdam. Tuwa ba? o ano nga ba ?

Pero masaya kasi naranasan ko at sa aking pakiramdam, kami ay magkasintahan na.

avataravatar