webnovel

Truth behind Lies

Part 17

....And Thanks to You Gino

Nagising si Jasmine sa mabining haplos ng mga palad sa kanyang buhok. Nang tingalain niya ay ang nakangiting mukha ni Mildred ang natunghayan niya. Bumangon siya sa pagkakahiga

Jasmine: M-mom? What are you doing here? It's only Thursday, May trabaho ka di ba?

Mildred: (nginitian ang anak) Yeah, but my work can wait. Kailangan ako ng anak ko eh.

She needs me now more than ever.

Sukat sa sinabi ng ina, agad nangilid ng luha ang kanyang mga mata. Sinugod niya ng yakap ang ina. Sa balikat nito, umiyak siya ng umiyak. May alitan silang mag-ina pero sa pagkakataong ito, gusto muna niyang isantabi kung anuman yun. Nandito ang ina para damayan siya. Iniwan ang napakahalagang trabaho nito sa maynila para sa kanya. Mahal pa rin pala siya ng mommy niya... At dahil sa isiping yun, napahigpit ang yakap niya sa ina. And her mom was right, she needs her more than ever...

No words. only tears & a tight hugged. Gustong maiyak ni mildred, ang tagal na panahon na pinangarap niya na muling mayakap ang anak. At ngayon nangyari na, ay di niya magawang magsaya. Heartbroken ang anak. Nakatakdang iwan ng lalaking unang nagpatibok sa puso ni Jasmine. Sa higpit ng yakap ng anak at sa tahimik nitong pagluha, ramdam niya ang sakit at hapding nararanasan nito ngayon. Kung puwede lang niyang angkinin ang lahat ng sakit para wag ng masaktan ang anak...kung puwede nga lang. 😭😭

Jasmine: (umalis ng pagkakayakap sa ina at nagpunas ng mga luha) sorry, mom. Ang aga kong nagdrama sa yo. Nabasa ko pa yang blouse nyo. (Bahagya siyang nakaramdam ng hiya sa ina)

Mildred: ano ka ba? Blouse lang yan. Halika nga rito, anak. Na-miss ko yang yakap mo. ( siya na ang humatak kay Jasmine payakap sa kanya)

"Oh how she misses her daughter!"

_________________________

Habang pinagluluto siya ng pancake ng ina ay tahimik niyang pinapanood ang bawat galaw nito. Maganda pa rin ang mommy niya sa kabila ng edad nito. Maraming nagsasabi na magkamukha raw sila ng ina though magkaiba sila ng personality. Ang mommy niya mukhang istrikta, siya bubbly. Pero sabi ni tita Anne, nung kaedaran niya ang mommy niya ay makulit at pilya rin ito. Close sila dati ng mommy niya, nabago lang ang pakikitungo niya dito nung naghiwalay ang mga magulang.

Pagharap ni Mildred upang i-serve ang pancake na niluto para sa anak ay saglit siyang natigilan sa nakitang anyo ng anak. Titig na titig ito sa kanya na para bang ngayon lang siya nito nakita sa napakahabang panahon. Napangiti siya. Nung maliit pa si Jasmine, lagi siya nitong pinapanood kapag nagluluto o nagbi-bake siya. At pag natikman ang luto niya ay pupurihin nito ang gawa niya. Such a sweet daughter! Pero sa hindi niya alam na dahilan, biglang nabago ang pakikitungo nito sa kanya. At hirap siyang sakyan ang mga naging pagbabago ng anak. Kaya madalas nauuwi sila sa away.

Ipinatong niya ang pancake sa mesa at nagsalin ng orange juice sa baso.

Mildred: ubusin mo lahat yan, ha. Sabi ni Kakang Andrea, lately, tamilmil kang kumain.

Jasmine: (nag-slice ng pancake at tinikman) hmmm, di pa rin nagbabago ang pagluluto mo, me. You're really a good cook. Na-miss ko 'tong mga luto mo!

Mildred: (saglit na natigilan) araw-araw kitang pinagluluto nung nasa Manila ka pa. Pero di mo tinitikman.

Si Jasmine naman ang natigilan.

Jasmine: i was mad at you that time, mom.

Mildred: and i wondered why?

Jasmine: ( nakatuon ang tingin sa pancake na nasa plate nang magtanong) bakit kayo naghiwalay ng daddy, mom? Bakit masaya ka pa nung iniwan ka niya? Di ba dapat may "sakit moment", may healing process pero bakit ang bilis mong naka-move on? Is it because from the very start you never loved my dad?

Mildred: (naguluhan sa tinatakbo ng usapan) i don't understand. How can you say that i never loved your dad? He was my first love and probably, my last man...

Jasmine: (mapaklang tumawa) don't lie to me, mom. Nakita ko na masaya ka nung iniwan ni daddy. In fact, nag-celebrate ka pa nung iwan ka niya.

Mildred: (sobrang naguguluhan na) n-nagcelebrate? Bakit ko ipagdiriwang na iniwan ako ng mahal ko? Jas, hindi ko maintindihan ang mga pinagsasabi mo

Jasmine: (medyo naiiyak sa inis sa pagmamaang-maangan ng ina) mom, nakita ko...narinig ko...masaya ka nung iniwan tayo ni daddy! Natatandaan mo yung araw na nagpaalam si daddy na mgbabakasyon sa cebu? Akala ko, totoong bakasyon lng yun pero nung ilang araw na siyang di bumabalik, pinuntahan kita sa kwarto mo para tanungin kung kelan babalik si daddy. Pero hindi na kita natanong nun kasi...( parang may bumara sa lalamunan niya. Lumunok siya ng malalim) andun ka sa room mo, tumatawa, naglalasing at sabi mo: at long last, malaya na ko! Nagawa na niya akong iwan. Finally, nabunutan na rin ako ng tinik.

Mildred: kaya pala! Kaya pala sa akin ka lang galit nung iniwan tayo ng daddy mo. Nagtataka ako, bakit sa akin ka nagagalit, eh ako itong iniwan? Ang daddy mo ang kusang umalis para sumama kay Loida. Jas, mali lahat ng inakala mo. I was not celebrating that time! I was so hurt, deeply hurt that time. Mahal na mahal ko ang daddy mo pero ano ang aking magagawa kung mula't sapul ay di ako nagawang mahalin ng daddy mo!

Bigla ang pagpaling niya sa ina. Ano ang sinasabi nito? Bakit binabaligtad nito ang ama?

Mildred: (mapaklang tumawa) you heard me right, Jas. Your dad never loved me! Nung college kami, sobrang crush ko yang daddy mo pero may girlfriend siya that time, si Loida.

Jasmine: si tita Loida? matagal na silang magkakilala?

Mildred: (tumango) matagal na ring nagmamahalan... Alam kong imposibleng mahalin ako ng daddy mo dahil nakikita ko kung gaano niya kamahal si Loida kaya ako, lihim na lang nagmamahal sa kanya. Pero mapagbiro ang tadhana, kailangan umalis ni Loida para tuparin yung pangarap niyang makapag-aral abroad. Na-grant yung scholarship niya sa Los Angeles. Tutol ang daddy mo sa balak ng tita Loida mo na mag-aral abroad. Pero di nagpapigil si Loida, umalis pa rin siya. Nung nawala siya, dun ako pumasok sa eksena. ( napangiti sa pagbabalik-tanaw) Naging karamay niya ako, kaibigan, tagapakinig sa mga hinaing niya kay Loida at higit sa lahat, babaeng lihim na nagmamahal sa kanya. Akala ko, di matutugunan yung pagmamahal ko sa daddy mo pero nagulat na lang ako nang isang araw, bigla na lang siya nagtapat ng pag-ibig sa akin. Pakiramdam ko noon, ako ang pinakamasaya at pinakamaswerteng babae sa mundo.

Tahimik lang si Jasmine. Nakikinig sa kwento ng ina.

Mildred: Sobrang saya ko nang inaya niya ako magpakasal na kami after our graduation. Walang pagsidlan ang tuwa ko noon. Mabait at mapagmahal na asawa ang daddy mo. Then you came into our lives. Nadoble yung saya. Mas lumalim yung samahan. We felt so blessed. Mahal na mahal ka namin. Si daddy mo, sobrang alagaan ka niya. A perfect father, ika nga. Akala ko wala ng katapusan yung saya. Pero wala namang permanente dito sa mundo.... Nagbalik si Loida. At yung dating masayang samahan, unti-unting nabalutan ng lungkot na naging away hanggang tuluyan ng lumamig yung relasyon. Kasi all those years, si Loida pa rin ang nasa puso ng daddy mo. Mahirap pag rebound ka lang, wala kang panalo sa first&true love.

Jasmine: mom...(wala siyang maisip sabihin)

Mildred: kaya yung nakita mo kong naglalasing at tumatawa sa kwarto ko, hindi ako nagsi-celebrate nun! Sobra akong nasaktan nun, gusto ko na ngang mag-suicide that time. Pero may anak ako, may Jasmine na umaasa sa akin kaya i need to be strong. Kaya ni-reverse psychology ko ang sarili ko, sabi ko, maigi ngang maghiwalay na kami kasi mahirap naman ang one-sided love. Kaya ko nasabi na para akong nabunutan ng tinik...na finally malaya na ko kasi kahit mabait sa akin ang daddy mo, kahit naglalambing pa siya sa akin, ramdam ko naman na parang may kulang. Natakot lang ako magtanong kasi natatakot ako sa magiging sagot niya. Nakakatakot marinig na after 14years of being married to me, di ko nagawang palitan sa puso niya si Loida. (Bagamat nakangiti, may pumatak na luha sa mga mata ng ina)

Jasmine: (sobrang guilty sa nalaman) i'm sorry, mom. I didn't know...Nakaragdag pa ako sa sakit na idinulot sa yo ni daddy.

Mildred: no, it's okay. Alam ko, na mahirap rin para sa iyo na tanggapin na ang dati nating masayang pamilya ay naging watak na. But, Jas, kahit hiwalay na kami ng daddy mo, hindi nangangahulugan yun na di ka na namin mahal. Mahal na mahal ka namin. I can give my own life for you. At alam ko na ganun rin sa yo ang daddy mo. Samahan lang naming dalawa ang nabago pero hindi ang samahan nyong mag-ama. Mananatiling mahal nyo ang isa't isa kahit nasa pagitan nyo pa ang tita Loida mo.

Tumayo si Jasmin mula sa pagkakaupo sa dining set, niyakap ang ina.

Jasmine: i love you, mommy. And i'm sorry. (Tuluyan na siyang naiyak)

Mildred: shhhh, mababasa ang pancake. So stop crying na ha.

Natawa si Jasmine sa biro ng ina. Ang tagal niyang kinimkim ang mga sama ng loob para sa ina ngunit wala pala ang mga iyong saysay!👊👊👊 Kailangan niyang bumawi sa ina. hindi pa naman huli ang lahat, makakabawi rin siya sa ina. Dahil sa nalaman, na-realiZe Niya na napakaswerte niya sa pagkakaroon ng mabubuti at mapagmahal na mga magulang...

Abangan.

Gudnayt. God bless