webnovel

Self-struggling

Part 10

....And Thanks to You Gino

Hatinggabi na pero di pa rin dalawin ng antok si Jasmine. Kilikilig kasi siya. My, golly, sobrang sarap kausap ni bisugong binabad sa suka!😂 At habang tinititigan niya, lalong gumagwapo sa paningin niya. Ewan ba niya, kung bakit gwapong-gwapo siya dito, eh hindi naman siya dati mahilig sa mapuputi. Mas type niya ang moreno, yung mala-Daniel Padilla ang dating. Si Gino pinaghalong James Reid na Enrique Gil! Oo na, exagge ako, bakit ba? Sa iyon ang tingin niya sa binata; sobrang gwapo.😍😍😍

"Shit na malagkit! Nai-inlove yata ako kay Bisugo! Erase, erase, erase! Hindi uso sa akin ang salitang love. This is all for fun..."

"Masaya lang ako kasi okay na kami. Mai-enjoy ko na ang bakasyon ko dito. At pagkatapos ng parusa sa akin ni mommy, matatapos rin ang lahat. As if nothing happened..."

Pero bakit may bahagi ng puso niya ang tumututol sa mga naiisip niya. Napahigpit ang yakap niya sa hawak na unan.

____________________________

Tinanghali siya ng gising. Past 2am na kasi ay gising pa rin siya. Lintek na, Gino yan, magdamag na nga niya inisip; sukat sumama pa sa panaginip niya kaya hayan, napasarap ang tulog niya. At nang magising siya, ay past 1pm na pero may ngiti ang kanyang mga labi. Great! What a beautiful day!😃

Jasmine: good afternoon, lola.

Nakangiting humalik siya sa abuela nang makita itong nakaupo sa rocking chair sa may balkonahe. Payapang pinapanood ng lola niya ang magandang tanawin sa labas. Hindi kalakasan ang hampas ng alon sa dalampasigan at may ilang mga batang naglalaro malapit sa dagat. Mabini rin ang hampas ng hangin. Nagyayabang ang sikat ng amang araw at kay ganda ng langit. This is paradise!

"Wow, ha! Kelan pa naging paradise sa kanya ang lugar na ito na kung tawagin niya ay isolated!"

Lola Andrea: Ang ganda 'no? (Nakangiting humarap sa kanya) as beautiful as you.

Jasmine: wow! Binobola mo ako, la. (Naupo siya sa may tabi nito)

Lola Andrea: totoo! You're beautiful. Ano ka ba, maganda ang lahi natin!

At totoo yun, maganda si Sofia kahit na may pagka-old fashioned ito. Si tita isabel at mommy niya ay hindi rin maikakaila ang angking ganda. At si lola Andrea, sa kabila ng katandaan nito ay mababakas pa rin ang angking ganda nung kabataan nito. At siya, perfect! The most beautiful in their clan! Hahaha

Lihim siyang napangiti sa naisip. Ang aga ay inuuto niya ang sarili.

Lola Andrea: nag-almusal ka na ba? Hindi na kita pinagising kanina at mukhang ang sarap ng tulog mo.

Jasmine: Nag-brunch na ko, la. Nakakita ako kanina sa kusina ng pritong tilapia, ginisang gulay at manggang hinog. Nilantakan ko na. (Bahagya siyang natawa)

Lola Andrea: lagot ka, itinabi yun ni Chaling para kay Idro niya! (Pananakot ng agwela)

Jasmine: hala, naubos ko pa naman!

Lola Andrea: (natawa) i was just kidding. Para sa yo talaga yun.

Jasmine: alam mo, la, feeling ko sa yo talaga ako nakamana ng pagkamaldita. (Natatawang sabi)

Lola Andrea: isn't it obvious?! (Natatawa rin)

Matapos makipaghuntahan sa agwela ay nagpaalam siyang lilipat sa resort nina Gino para makipaghuntahan sa binata.

Lola Andrea: ikaw ha, wag mong pinagti-tripan si Gino at mabait na bata yun. (Panunukso ng lola niya)

Jasmine: lola, mabait rin naman ako. Kaya... Bagay kami! (Tumawa sabay takbo palayo sa lola niya ng makitang kukurutin siya nito)

Lola Andrea: ang harot mong bata ka! (Hindi naman galit ang lola niya. Para pa ngang tinutukso siya)

Jasmine: i love you lola (sigaw niya ng makalabas sa bakod ng resthouse) i'll be back before dinner.

Lola Andrea: ganun katagal!?

Jasmine: joke! Uwi rin ako mamaya. I'm just few steps away! (Namimilyang ngiti niya sa lola niya)

___________________________

Mababa lang ang bakod ng resort nina Gino kaya kahit medyo malayo pa siya ay tanaw na niya ito na nakaupo sa isang wooden-wheel-bench roon. May hawak itong gitara at mukhang kumakanta habang tumitipa sa string ng guitar.

"Hmmm, mukhang talented si bisugo!"

Gino: if i die young, bury me in satin

Lay me down in the bed of roses

Sink me in the river at dawn

Send me away with the words of a love song..🎧🎸🎧

Natigil sa pagkanta si Gino nang maramdamang tila may nanonood at nakikinig sa kanya. It was Jasmine. Nakangiting lumapit ito sa kanya at nakiupo sa wooden-wheel-bench na nakaharap sa kanya.

Jasmine: Galing mo palang mag-play ng guitar. And you have a nice voice. Grabeh, super talented ka pala eh.(nagpuntong batangueña siya)

Gino: (smiling) salamat. Napasyal ka?

Jasmine: sisimulan ko na kasi panliligaw ko sa yo. ( ang luwang ng ngiti niya)

Gino: sira! Seryoso, ba't nandito ka?

Jasmine: seryoso naman ako ah.

Gino: katanghaliang tapat, aakyat ka ng ligaw? Ano ka intsik?! (Natatawa)

Jasmine: hindi! In-love! (Saka tinitigan si Gino)

Gino: (sumeryoso) Jas, wag ako, please. We can be friends but we can never be lovers.

Ouch! Basted agad si ako!

Jasmine: (kunyari seryoso rin) bakit? Si Sofia pa rin ba nasa heart mo?

Kita niya yung pagkagulat sa mukha ni Gino.

Jasmine: yeah, i know, once upon a time you courted her.

Gino: matagal na yun. We are friends now and i guess, we are better off that way.

Jasmine: sabi nga niya. Pero ako, hindi better sa akin yun. Gusto ko yung the best! And you know what is the best for me? It's to be your girl!

Gino: Jas, please! Stop!

Jasmine: bakit na naman? Hindi naman kita minamadali. I'll give you time to think until you realize na puwede pala "tayo".

Gino: (he sigh) bakit ba ang kulit mo?

Jasmine: bakit kasi ang gwapo mo?

Gino: wag mo akong pagtripan, Jasmine!

Jasmine: hindi kita pinagti-tripan! Trip lang kita maging dyowa kasi i like you. Anong masama ron?

Gino: kulit! (Naiinis na!)

Jasmine: sungit! (Nakatawa pa rin)

Nahawa sa tawa niya si Gino.

Gino: parang maling nakipag-ayos ako sa yo. Binibigyan mo ko ng sakit ng ulo. (Napahawak sa sentido)

Jasmine: maling sinungitan mo ko nung una nating pagkikita. Eh de sana matagal na tayo naging close.

Gino: (pilit ang ngiti) Oo na lang. Maiwan muna kita rito at ikukuha kita ng maiinom. (Ipinatong ang gitara sa wooden bench at tumayo)

Jasmine: (pinigilan ang isang kamay ni Gino) Don't bother. I'm full, tatapos ko lang kumain sa resthouse.

Gino: saglit lang ako. May kukunin lang ako sa loob.

Jasmine: sama na ko, baka ma-miss kita eh. (Pagbibiro niya)

Gino: No! (Medyo napalakas ang boses) I'm sorry. (Nang ma-realiZe ang ginawi)Please, stay here. Saglit lang ako.

Bagamat nagulat sa pagtaas ng boses ni Gino ay nanahimik na lang.

"Ano ba nasabi ko at biglang nagalit si sungit!?"

"Naku, ka-stubborn naman nitong magiging boyfriend ko?"

"Pero oks lang! Understanding naman ako!"😂😂👊👊

_______________________

Samantala, tila sa naghihinang kumuha ng baso sa cupboard si Gino at itinapat sa water dispenser. Agad niyang tinungga ang tubig. Lumapit siya sa medicine cabinet na nasa gilid at agad kinuha ang gamot na pakay. Humila siya ng silya sa dining table at tila sa nahahapong naupo roon.

"God, give me more strenght..."

Alam niyang naghihintay sa kanya si Jasmine kaya kahit hindi pa masyadong okay ang pakiramdam niya. Tumayo siya at dumampot ng dalawang baso. Kinuha ang juice jar na nasa ref at sinalinan ang mga baso.

"Smile, Gino. Smile as if everything is okay."😟

"Hindi dapat makahalata si Jasmine..."

Abangan...

Enjoy reading. God bless