1 Prologue

Papunta ngayon sa perya ang isang batang babae, malapit lang kasi ang bahay nila dun kaya tinakbo nya nalang.

Ang Lolo nya kasi ang may ari ng perya at sya rin ang magician don.

Habang tumatakbo ang batang babae ay biglang may sumigaw na batang lalaki..

"Tabi!!!" Napalingon naman sya dun sa lalaking sumigaw pero huli na ng mapansin niyang babangga na ito sakanya

"Aray!"

"Ouch!"

"Ano ba naman yan! Nagkasugat pa yata ako!" Sabi nung batang babae habang hawak ang kanyang binti na nagkaroon nga ng sugat

"Sorry ha..nawalan kasi ng preno yung bike ko eh" lumapit ang batang lalaki sa babae sabay hawak dun sa binti na may sugat

"Aray! Wag mo hawakan!" Naiiyak na sabi nung batang babae

"Sir!" Napalingon naman sila sa isang medyo may katandaan ng babae na tumatakbo papunta sa gawi nila

"Sir Ethan! Anong nangyari? Ayos ka lang?"

"Ayos lang ako manang pero sya po ang nagkaron ng sugat"

"Umupo muna kayo sa bench na yun tapos gamutin kita ha pero kukuha muna ko ng panggamot dyan, hintayin nyo nalang muna ko" sabi sakin nung babae na tinawag nya ng manang kanina bago umalis

"Kaya mo bang maglakad papunta don?" Tanong nya sa batang babae at tumango naman 'yun

Habang papatayo ang babae ay inalalayan nya ito hanggang sa makarating sila sa bench.

"Sorry nga pala kanina ha"

"Ayos lang, alam ko naman na di mo sinasadya yun"

"Ahmm..ano nga pala ang pangalan mo?"

"Lili, ikaw?"

"Nice to meet you, Lili! I'm Felix" at nagshake hands sila pareho na may ngiti sa kanilang labi.

Maya maya ay dumating na rin si manang at agad ginamot ang batang babae...pag medyo mahapdi ay napapaiyak sya kaya naman pinahawak ng batang lalaki ang kamay nito sa babae para daw pag mahapdi daw yung panggagamot ni manang sa babae ay diinan ko lang ang hawak sa kamay nya.

--------------

Simula non ay tuwing magkikita sila ay tinuturuan ng lalaki ang babae na magbike pero madalas ay pumupunta sila ng perya kasama si Manang Olivia.

Lagi rin nilang pinapanood ang Mang Cris ng babae na mag magic.

"Wow! Ang galing!" Sabay nilang sabi at saka nagtawanan

"Sabi sayo eh! Magaling ang Lolo ko sa pag mamagic!"

"Eh ikaw? Marunong ka?"

"Hindi eh! Ang hilig ko kasi ay ang pagddrawing" at tumango nalang sya sa sinabi ko

"Gusto mo makita yung mga drawing ko?" Biglang napalingon ang lalaki sa banda nya at tumango ito habang nakangiti

"Tara!" At saka nila tinungo ang isang tent.

"Eto yung mga gawa ko" at kumuha sya sa box ng mga sample na gawa nya

"Ang ganda! Galing naman ni Lili!" Hawak nya kasi yung drawing ng babae, parang garden tapos maraming bulaklak sa paligid habang papalubog na ang araw ang nakaguhit

"Teka..sino tong nasa gilid ng drawing mo?" Sabay turo sa dalawang bata na nakatalikod habang pinapanood ang papalubog na araw

"Sa tingin mo?"

"Tayo"

"Alam mo naman pala"

"Bakit naman ganito yung drawing mo? Yung nasa paligid natin ay maraming bulaklak tapos may sunset?"

"Mahilig kasi ako sa mga bulaklak tapos hilig ko rin mapagmasdan ang papalubog na araw kaya yan ang naisip kong i-drawing"

"Wag ka mag alala, Lili kasi paglaki natin ay pupunta tayo sa pinaka magandang lugar o sa ibang bansa... tapos pupunta rin tayo sa lugar kung saan maraming bulaklak tapos papanoorin natin ng magkasama ang pagsikat at paglubog ng araw"

"Pangako mo yan ha!"

"Oo naman! Pangako, Lili"

-----

Ilang buwan pa ang lumipas at dumating na ang araw kung saan kailangan na umalis ng pamilya ni Felix at kasama sya.

Pupunta kasi sila sa ibang bansa at dun na maninirahan dahil nandoon ang kanilang tinayong negosyo.

"Felix! Aalis na ba talaga kayo?" Umiiyak na sabi ng batang babae kaya naman nilapitan sya ng batang lalaki at niyakap sya ng sobrang higpit.

"Wag kang mag alala, Lili dahil magkikita pa naman tayo"

"Kelan naman? Baka paglaki pa natin pa yun mangyari" sabay punas nya ng luha na patuloy ang pagtulo

"Kahit anong mangyari, magkikita pa rin tayo pagdating ng panahon at tutuparin din natin ang mga pangarap natin ng magkasabay"

"Promise, Felix?" At hinawakan ng batang lalaki ang magkabilang pisngi ng babae tsaka ito tiningan sa mata

"Promise, Lili" at sa huling pagkakataon ay niyakap nyang muli ang batang babae

"Tara na, anak?" Biglang sabi ng magulang ng batang lalaki kaya napahiwalay sila sa yakap sa isa't isa

Muli ay naiyak ang babae.

"Wag kang mag alala Lili, magkikita pa naman kayo nitong si Ethan" sabi ng Ama ng lalaki kaya naman medyo nakahinga na sya ng maluwag at tumango sya dito

"Mamimiss kita, Felix" sabi ng batang babae sa batang lalaki

"Mamimiss din kita ng sobra, Lili" sagot naman ng batang lalaki sakanya

At nang makaalis na ang batang lalaki kasama ang mga magulang nito, tiningnan lang ito ni Lili habang papalayo at muli ay tumulo ang kanyang luha.

"Sana magkita tayong muli, Felix..di ko manlang nasabi sayo na naging masaya ang buhay ko kasama ka"

Sa kabilang banda naman ay ang batang lalaki na napahikbi na lamang.

"Sana nasabi ko manlang sayo Lili na naging masaya rin ako kasama ka at....gusto kong ikaw din ang makasama ko habang buhay" bulong nya habang nakatingin sa hawak nyang litrato kung saan nandun sila pareho na nakangiti sa kamera at masayang masaya.

avataravatar
Next chapter