webnovel

An Ideal Love

What will happen if those people around you are just pretending? Including you? Yes, you can fool everyone but not yourselves Yes, you can deny it using your mouth with lies but your own actions and body will deny it for you. Will Eliana feel the Ideal love she wished with Ethan or it just stays as a simple Deal love? Their love story started in a deal or bet, but why is she expecting it to be real and an Ideal love? (This story may be cliché but I love cliché) -- ‼️ This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. Please do not distribute, reproduced, or transmitted this story in any form or by any means without the permission of the author. PLAGIARISM IS A CRIME.

cutiesize31 · Teen
Not enough ratings
34 Chs

Chapter 19

Eliana's POV

Pagkapasok ko sa Queen's Cafe ay sinalubong ako ni Ate Anne

"Oh anong nangyari sayo? Tsaka akala ko ba day-off ka muna?"

"Napaaway lang, Ate. Tsaka bibili lang ako ng cake"

"Hmm... sa pagkakaalam ko ay hindi ka nakikipag-away"

Hindi ko na lang iyon pinansin saka bumili na ako ng cake dito. Promise ko kasi kay Xander na bibilhin ko ang gusto nyang cake at sinabi nyang yung Sansrival cake dito sa cafe ang gusto nya. Pinagbigyan ko na dahil minsan lang naman ito.

"Ah ehh l-lucy, ikaw m-muna ang bahala dito---" sabi agad ni ate Anne kay ate Lucy. Anong meron?

"Tatakasan mo na naman ba ako, Kristela?"

Kristela? It's ate Anne's first name. Iilan lang ang may alam nyan at hindi ko alam kung bakit.

"Anong meron?" tanong ko kay ate Anne pero nakatitig pa rin sila sa isa't isa ngunit bakas sa mukha ni ate Anne ang gulat at pamumutla habang si Sir Nathan ay mariing nakatingin sa kanya

"Let's talk"

Hinila nya si ate Anne paalis sa counter kaya naman pumalit si Ate Lucy sa pwesto nito. Magkakilala na ba sila dati pa?

Pagkalabas ko sa cafe ay may nakita akong matanda na nahihirapang tumawid kaya naman pinuntahan ko ito saka tinulungan.

"Oh manang dito na lang ho ba kayo?"

"Maraming Salamat, ineng" nilingon nya ako saka nginitian

Saglit akong natigilan nang makita ko ang mukha nito. Parang nakita ko na dati.--Sya! Sya nga! Sya yung nag aalaga kay Ethan noon na kasama pa namin.

"Manang Olivia?" napalingon ito at bakas at pagtataka dahil nakilala ko sya

Hindi pa rin sya nagsasalita kaya hinawakan ko ang kamay nito saka nagsalita at ngumiti "Manang Olivia! Ako to, si Lili!"

"Lili? Y-yung kalaro ng alaga ko noon na si Ethan?"

Tumango tango ako saka ngumiti pero nagtaka ako nang bigla syang nagpalingon-lingon at mukhang may pinagtataguan. Nadala na lang ako nang walang sabi-sabi akong hinila ni Manang Olivia at nagtungo kami sa isang tagong pwesto dito sa looban.

"Ineng, tulungan mo ako. May hinahanap akong bata na inalagaan ko noon bago ako namasukan sa mga Jimenez. Nakokonsensya ako hanggang ngayon dahil naiwala ko ang unica hija ng Dela Franco"

"Unica hija ng Dela Franco? Pero nahanap na po nila si Veronica ah?"

Nagtataka naman ako nitong tinitigan "Nahanap? Saan?"

"Sa San Andres ho nila nakita si Veronica"

"Imposible. Hindi ako sa San Andres naiwala ang unica hija nila" napailing pa ito kaya mas lalo akong naguluhan

"Ito ang tandaan mo, Lili. May ganitong nakasabit sa damit noon si Veronica nang iwan ko sya sa isang tabi at dalawa ito habang ang isang kapares ay na sa akin" saka nya iniabot sa akin ang isang maliit na tela na may nakaburdang letter 'V' "May palatandaan din ako sa kanya para madali ko syang mahanap"

Inabot ko ang maliit na tela saka sinuri at tinandaan "Ano ho iyon?"

"Mayroon syang balat sa bandang batok pati na sa bandang pulsuhan. Kailngan ko na syang makita sa lalong madaling panahon para ibalik sa totoo nyang magulang dahil pinaghahanap na kaming pareho ng masasamang tao na gusto syang kunin at muling ilayo. Pati ako ay madadamay"

"Sino ho ang nagpaplano nyan?"

"Ang dati kong amo. Matagal na panahon ko nang hinahanap si Veronica dahil nakokonsensya na ako sa pagpayag sa utos ng amo ko na dalhin ko sya dito sa Pilipinas"

Bago ko sya matanong tungkol sakung sino ang dati nyang amo ay napatingin kami sa isang sasakyan na hindi kalayuan sa gawi namin.

Isinuot nyang muli ang scarf para takpan ang kanyang mukha "Kailangan ko nang umalis at magtagong muli. Ayokong mapahamak ka pa. Ikamusta mo na lang ako sa dati kong alaga na si Ethan. Wala kang pagsasabihang iba, ipangako mo sakin"

Kahit naguguluhan ay pinili ko pa ring tumango "Opo..pero bakit?"

"Ayokong may madamay pang iba. Sige mauna na ko, Eliana"

"Sandali lang manang--" Sinubukan ko pa syang tawagin pero umalis na ito palayo at sumakay sa isang jeep na nagdaan.

Kung ganoon, sino ang totoong Veronica? Nagpapanggap lang ba si Veronica bilang unica ija ng Dela Franco?

Hindi ko alam kung paniniwalaan ko pa ba si Manang Olivia lalo na't ilang taon na rin nang huli ko syang makita tapos ganito pa ang nangyari.

Napabuntong hininga na lang ako at napailing saka nagpasyang umuwi

Ethan's POV

Nandito ako ngayon sa SB Agency dahil tinawagan ako ni Cedric na pwede ko nang makausap ang boss nya dahil nakakuha na sila ng impormasyon tungkol sa hiningi kong tulong sa kanila.

"Good day, Ms. Sadie Tuazon" inabot ko ang kamay ko para makipag shake hands at tinanggap naman nya ito

Kung titingnan mo si Ms. Sadie, kakabahan ka dahil sa seryoso ito at malalim ang tingin. Makapangyarihan itong tao at ito ang boss ng team nila Cedric na kakilala ko.

"Good afternoon, Mr. Jimenez" naupo naman ako sa tapat nya

"Here are the informations na nakuha namin. Medyo mahirap makuha iyan lalo na at mukhang may humaharang samin. It looks like that it's a big and important secrets"

Inilapag ni Ms. Sadie Tuazon sa harap ko ang isang makapal na folder na naglalaman ng mga impormasyon tungkol sa Dela Franco, kay Veronica, at sa Ledesma.

"The Dela Franco is known as the Top in Business Industry all over the Asia. Maraming gustong baliktarin at patumbahin ito lalo na ang Ledesma. They're so hungry in power and money so they can do everything para lang sa kanila at sa maisagawa ang mga plano nila"

I know about that but I didn't know ganyan pala kauhaw ang mga Ledesma.

"..The CEO of Ledesma Corp., Mr. Steve John Ledesma is also one of the main suspect about the tragedy na nangyari sa mga Dela Franco. Almost 15 years ago nang magkaroon ng sunog sa mansion ng Dela Franco sa America. Isa sa naapektuhan lalo dito ay ang unica ija nila na si Zahra Veronica Dela Franco. Nawala din sya for the past years at balita ko ay natagpuan na sya ng Dela Franco"

Nagbasa-basa pa ako sa mga nakuha nilang impormasyon pero pagdating sa impormasyon kay Veronica ay parang may kulang.

"Kakaunti lang ang impormasyon ang nakuha namin tungkol kay Veronica. It looks like that her other files has been deleted. Nakalagay lang dito ay kung taga saan sya, ilang taon, saan nag-aral, at ang iba pang simpleng impormasyon na mahahanap sa kanya"

"Can you find the other informations? Yung lahat-lahat sana"

Tumango si Ms. Sadie Monclova "Of course, Mr. Jimenez. Just give us a week or two"

"Thank you, Ms. Tuazon. It's so nice to meet you also." She nodded and after that she left.

Napasandal na lang ako sa couch saka napapikit.

Dad didn't have any idea about this plan of mine. Nagkaroon kasi ako ng pakiramdam na Ledesma ang kumuha ng important files sa company at ngayon ay ginagawa ko ang lahat para malaman ang totoo, and of course, I've decided to investigate about my 'fiance' too para may idea naman ako sa nangyari sa kanya sa province kung saan sya natagpuan.

Napadilat ako nang tumunog ang cellphone ko, a sign that someone is calling me

Eliana calling...

"Hello?"

"What do you want? The deal is already done"

"Alam ko, Ethan. Pero pwede bang magpanggap ka lang ulit bilang boyfriend ko ngayon? Promise last na talaga to"

"Why?"

"Birthday ni Xander at inaasahan ka nila ngayon dito"

"Why don't you tell them that we already 'broke up'"

"Last na to, Ethan Pleaseeee.. Tsaka ano naman ang idadahilan ko sa kanila?"

"You caught me with someone?" I suggested

"Sa tingin ko iitakin ka lang ni papa. Tsaka kung totoong boyfriend lang kita, napagulpi na kita. Bugbog sarado ka tsaka wala kang kiss sakin at hihiwalayan na agad kita"

"Arghh!! Fine! And this is the last time I'll pretend, maliwanag ba?"

"Opo! Salamat! Punta ka ha!"

~ Call Ended ~

Nagulo ko na lang buhok ko dahil sa inis.

Fvck! Remember this Ethan..

Pumayag ka hindi dahil sa gusto mo sya at ang halik nya na iyon kundi pumayag ka dahil takot ka maitak

Eliana's POV

Pagkauwi ko ay inayos ko ang nagulo kong buhok dahil sa lakas ng hangin saka tiningnan ang mga bandage sa braso ko.

Sana hindi mapansin nila mama.

"Ate! Wala kang trabaho ngayon?" tumatakbo papalapit sa akin si Xander habang hawak ang laruan nyang bola

"Wala dahil birthday mo diba?" Itinago ko ang box ng cake nya sa likuran ko at ngnitian lang sya

"Anong nangyari sa pisngi mo ate? Namumula tsaka may band aid pa"

Natigilan ako sa tanong nya at naalala kong nakalmot at nasampal nga pala ako sa parteng iyan ni Veronica

"Ahh ehh.. nadapa lang ako tapos nasubsob kanina habang PE class namin" palusot kong sabi

"Mag-iingat ka kasi ate. Ang ganda mo pa naman"

"Kaso tanga?" natawa naman sya saka umiling

"Maganda ka kasi ate tapos makinis ang balat mo. Hindi 'yan bagay na masugatan. Lagot ako nyan kay Kuya Ethan eh" napakunot naman ang noo ko sa huli sinabi nya

"Naku! Nambola ka pa. Tsaka bakit ka naman lagot sa kuya Ethan mo?"

"Kasi ang sabi nya ay kapag wala sya ay ako muna ang Knight in shining armor mo" napangiti na lang ako ng pilit habang sya ay ngiting-ngiti pa kaya tinapik ko ulo nya gamit ang isang kamay ko habang yung isa ay nakatago pa rin sa likuran ko dahil hawak-hawak ko ang cake nya

"Nandyan na ba sila mama at papa?"

"Opo, ate. nagluluto na sila habang si Papa ay sinundo si Lolo sa peryahan" pagkatapos ay nagpaalam na ito para bumalik at magpatuloy sa paglalaro kasama ang mga kaibigan nito kaya pumasok na lang ako sa loob ng bahay

Darating pala si Lolo Cris. Sa pagkakatanda ko ay ito ang kasama namin ni Ethan bukod kay Manang Olivia kapag naglalaro at pumupunta sa perya.

"Oh anak! Nandyan ka na pala. Tulungan mo nga akong iluto ang mga ito" itinuro ni mama ang mga sahog para sa pagluluto ng Caldereta

Inilagay ko muna sa ref ang cake na dala ko saka pumunta muna sa kwarto ko para magpalit. Pinili 'kong mag jogging pants na lang para hindi mapansin ang sugat ko sa binti pero minamalas ako dahil naalala 'kong wala akong long sleeves. No choice ako sa t-shirt!

Nagtungo kaagad ako sa kusina "Ako na po ang bahala sa pagluluto ng Caldereta at Spaghetti"

Aba! Magaling kaya ako magluto ng Caldereta at ng iba pang pasta dish.

"Anong nagyari dyan sa braso mo? Tsaka dyan sa mukha mo? Bakit puro band-aid at namumula?"

Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang hawakan ni mama ang mga sugat at gasgas na natamo ko.

Naku! Wala pa namang pinalalampas itong mama ko

"Umamin ka nga sakin, Eliana. Nakipag-away ka ba?" napayuko na lang ako dahil alam kong wala akong takas kahit magsinungaling man ako

"Ma..sorry. May hindi lang pagkakaintindihan hanggang sa lumala. Huwag kang mag-alala, ma, 'di naman masakit hehe.."

Tinitigan naman ako ni mama na parang sinusuri ako hanggang sa...

"Aray!"

"Kita mo na! Anong hindi masakit eh umaray ka nga"

"Paano ako hindi aaray ma eh kinurot mo yung sugat ko" nakanguso kong sabi pero kita ko pa rin ang galit sa mata nya

Lagot.

"Sabihin mo sakin kung sino 'yang nakaaway mo at susugurin ko 'yan sa university nyo! Naku Eliana ha!"

"'Wag na, ma. Nakausap naman na kami ni Dean. Maaayos din 'yun"

Binigyan pa nya ako ng isa pang matalim na titig saka ipinagpatuloy ang pagluluto.

Patuloy pa rin sya sa paghahalo nang magsalita sya "Nasabihan mo na ba si Ethan na pumunta dito mamaya?"

Muntik pa akong masamid habang pumapapak ako ng luto ni mama. Paano ko imbitahin eh wala na kami?!

Wala naman talagang kami. And I mean.. wala na yung deal. Tapos na.

"Eh yung mga kaibigan mo ba, inimbitahan mo?"

"Opo, sinabihan ko na sila Juliana. Kaya apat lang po bisita ko ah"

Paano kaya si Ethan? Pagpapanggapin ko ba ulit sya?

"Saglit lang 'ma. Itetext ko lang sila para mapaalalahanan ko kung anong oras sila pwede pumunta" palusot ko dahil alam naman na nila Juliana ang oras at medyo malelate lang sila.

Nang matapos kong makausap si Ethan ay napa 'yes' na lang ako. Hindi pa kasi ako handang magdahilan na wala na kami ni Ethan. Bakit ba kasi nagpakilala pa yun sa parents ko? Naging legal tuloy kami sa kanila kahit na biro lan naman ang relasyon namin.

Bumalik na lang ulit ako sa kusina pagkatapos saka ipinagpatuloy na muli ang niluluto kanina nang biglang pumasok sa kusina si Lolo para kumain kaya biglang sumagi sa isipan ko si Manang Olivia

Totoo kaya ang mga sinabi nya tungkol sa unica hija ng Dela Franco? Paano kung pumunta na lang kaya ako mismo sa mansion ng Dela Franco? O kaya tingnan kong maigi si Veronica kung may balat ba ito sa batok at sa pulsuhan?

Huwag na nga lang. Baka masapak pa ulit ako nun. Kababaeng tao ang galing makipag away. Pero syempre mas magaling si Juliana hahaha

<3