webnovel

AN EMPTY NIGHT (ATHANA MANJUAREZ)

As I was writing this, I would like to share and tell you about depression. Depression is not joke. So please, if you're depressed, try to talk to someone. Talk to non-judgmental family, relatives and friends or you can approach me. Please don't hesitate to talk to me. I'am a phone call away, if anyone needs an ear.

--

ATHANA MANJUAREZ

May nakakapansin kaya saakin? May nakakaalam ba sa kalungkutan ko?

Yes, I'm happy outside, but deep inside I was in pain and tortured by my own thoughts.

Nakakapagod maging masaya sa harap ng maraming tao. Nakakapagod ngumiti at magpanggap na masaya kahit alam ko naman na gusto ko ng tapusin ang buhay ko sa mundong ito, but part of me told me to be strong.

"Athana, okay ka lang?" Tanong ni malaine saakin.

Masayang tumango ako sakanila.

"So ano na ba ang gagawin natin ngayon?" Masaya na tanong ko. Isinintabi ko muna ang mga iniisip at pilit na maging masigla sa harapan nila.

Ayokong may nakakaalam dahil pakiramdam ko pagtatawanan lang nila ako at huhusgahan. Ayokong maulit iyon, ayokong ginawang katatawa lang ang mga sinasabi ko. I once told my mom about it, but I was disappointed of what did she told me.

"Mommy..Napapagod na po ak-"

"Sus. Ayan na naman tayo. You're just being so dramatic, athana. Tawagan mo nalang kaya ang kuya mo at kumain na tayo."

Hindi ko akalain ganun lang ang matatanggap ko sakanya. I thought she will cheer me up or talk to me about my own negative thoughts, pero hindi pala. Akala ko si mommy lang ang makakatulong sa nararamdaman ko, pero nagkakamali ako. Pakiramdam ko wala akong kwenta sa buhay na ito, pakiramdam ko walang makikinig saakin, pakiramdam ko nag-iisa lang ako sa mundong ito. I don't know what's wrong with me. Hindi ko alam bakit naramdaman ko ang mga bagay na ito. Sinubukan kong maging masaya, pero nilulunod ako ng kalungkutan pag nag-iisa na ako.

Is there anyone can notice my sadness?

I looked like in complete despair. Nawawalan na'ko ng gana sa mundong ito. Hindi ko alam bakit hindi ko parin magawang tapusin ang buhay ko. I don't know..but there's just something or someone stopping me from what I doing.

"O, sige, mauna na ako ha? Ingat kayo. Text niyo nalang ako kung anong ganap niyo." Nakangiting sabi ko.

"You take care, athana. Goodbye!" They waved at me. I nooded and smiled brightly.

Ang galing kong magpanggap, hindi ba?

"Kayo din." Sabi ko bago pumasok sa kotse.

Natatakot akong umuwi sa bahay dahil alam kong mapupuno lang ang katawan ko sa kalungkutan. I tried to get away from these. I've struggled with depression my entire life, and this is not joke. Depression is one of those illnesses that you pretend that you are doing fine when your insides are screaming out in pain ang sadness. Gusto ko man sabihin itong nararamdaman ko, pero ayokong madamay sila saakin. Something I never like to burden others around me.

No one can even feel my sadness, right? Kasi akala nila okay ako. Kahit ang mga kaibigan ko ay hindi napansin iyon, kahit ang pamilya ko hindi ako kayang tanungin kung okay ako, kung kamusta ako. No one even cares at me. Nagiisa lang ako.

Pagkarating ko ay agad nadatnan ko si mama at daddy sa salas habang masinsinang naguusap. Lumapit ako at nagmano.

"Andito kana pala." Si daddy.

"Get ready at may lakad tayo ngayon, thana." Si mommy.

"Ayoko pong sumama."

"Dapat mong sumama, anak. May meeting tayo sa mga alvanzo ngayon."

Wala naman akong magagawa, hindi ba? Kaya tumango nalang ako sakanila at umakyat na sa taas pagkatapos. See, Even my mom and dad can't even ask me if I'm okay or not.

Pagkapasok ko ay ramdam ko agad ang kalungkutan na bumabalot sa loob ng kwarto ko. It feels like I'm nothing..Wala akong kakampi, wala akong kasama sa bahay na ito. Walang kahit nakaintindi saakin. Napaupo ako sa kama at agad napasubsob dahil sa bigat na nararamdaman ko.

"Just..d-damn it.." I murmured.

Pagod na pagod na ako. Punong-puno na ako, walang masasabihan. I just want their attention, pero hindi nila magawa or maibigay saakin. Kahit isa man lang, maglaan sila ng oras para sa mga anak nila, saakin. Sana hindi nalang kami ganito, idi sana hindi ganito ka busy si daddy at mommy sa business namin. They didn't even notice my achievements at puro kamalian lang ang napapansin saakin.

Yes, I can really be good in something, but there's just someone whispered me like I'am a sucker, that I'am indeed a failure.

Self doubt, insecurities, fear, sadness are killing me inside.

"I can't do this anymore..I'm just too tired para ipagptuloy pa ang buhay ko.."

Biglang napaisip ako sa tali na ginamit namin ni kuya. Slowly I walk towards my cabinet and opened it. Kinuha ko agad ang tali na iyon.

I first wiped my tears at madami ng tumatakbo sa isip ko. I know killing myself can't resolve anything, but my own thoughts told me to do it. Ayokong manatili at parusahan lang ng kalungkutan ang sarili ko.

Bago ko pa maitali ay isang katok na ang narinig ko mula sa labas. Biglang nabitawan ko ang tali sa gulat at napatingin mula sa pinto. Bumukas iyon at iniluwa doon si daddy.

"Athana, are you ready? Kailangan na nating umalis, anak."

I act normal and acting like I didn't do something. Huminga ako nang malalim at tumango.

"I'm ready, daddy." I smiled and walk towards him.

Bakit ngayon pa, ngayong handang-handa na ako. Wala naman na akong silbi dito para mabuhay pa dito. I should plan it next time. Yung walang tao at nakakadisturbo saakin.

Nang makarating kami sa Jao restaurant ay agad na pumasok kaming tatlo, wala si kuya at may pinuntahang hindi ko malaman kung saan.

"Andito na sila." Bulong ni mommy kay daddy.

Agad nakita ako ang isang matandang lalaki at babae na may kasamang isang lalaki na siguro'y matanda lang saakin ng isang taon. I don't know, maybe. Seryoso at nakakuyom ang mga panga niya na nakatitig sa malayo. Hindi ko maiwasang matitigan siya sa malayo.

"You're here, mr and mrs manjuarez! Ito na ba ang anak niyo?" Bati ng mag-asawa. Kahit matanda na ito ay makikitang maganda at gwapo nga ang mga lahi ng alvanzo. I can't blame the guy kung ganito nga siya kalakas sa mga babae.

"Yes, this is athana, my daughter. Athana, this is adeline alvanzo and mondrick alvanzo."

Nahihiyang ngumiti naman ako.

"Hello po.."

"Ang ganda naman ng batang ito. Ito nga pala ang panganay ko na si Aldrick Ari Alvanzo."

Tumayo ang lalaki at seryosong tumingin saakin na para bang tinitimbang ang mga kilos ko. Kinabahan naman ako nang konti. Slowly his lips brightened.

"Hello po sainyo." Muli ay bumaling siya saakin at ngumiti "hello, athana." Inabot niya ang kamay saakin. Napasinghap naman ako sa ginawa niya. Wala akong magawa kung hindi abutin nalang ang kamay nito.

"Hello, aldrick.." I startled.

Sa gilid ng mga mata ko ay alam kong nakatingin siya saakin. Naiilang at nahihiya naman ako sa paraan ng pagtitig niya. Gusto ko nalang magtago sa ilalim ng mesa.

"So, what should I do about the rate, mr manjuarez?" Tanong ni tito mondrick.

"We should decrease the price."

Nang matapos na akong kumain ay napagisipan ko nalang na tumayo muna sa kinaupuan ko dahil wala naman akong maitutulong sa usapan nila. Sana iniwan nalang ako ni mommy at daddy sa bahay. Or maybe, there is the reason why I'am here today. Para ano? Para pigilan ako sa binabalak ko?

"May I excuse myself po, may kukunin lang ako sa kotse." Palusot ko.

"Okay, darling. Hintayin mo nalang kami ng daddy mo." Si mommy.

Ngumiti naman ang mag-asawa saakin. Kahit ang lalaki ay kunot noo na tumingin saakin na parang tinitimbang talaga ang kilos ko. Damn it! His mysterious eyes makes me tremble!

Mabilis na nakaalis ako mula sa restaurant.

Bago ko pa gawin ang pagtakas ko ay may humablot na sa mga kamay ko.

"What the f—"

"Where are you going?"

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang makita siya sa harapan ko.

"Bakit ka andito?" Gulantang na tanong ko.

"Isn't obvious?"

"Bumalik ka na doon." Inalis ko ang kamay niya na nakahawak saakin at sinubukang iwasan ang mga tingin niya. There's just something wrong the way his eyes gazing at me. Naiilang ako!

"Okay ka lang ba?"

Napasinghap ako sa tanong niya.

"Of course!" Sagot ko.

"I surely say that you're not difinitely okay."

"Paano mo naman nasabi? Hindi mo'ko kilala."

"But I can sense and feel it."

Napaawang ang mga labi ko.

"Wala kang alam."

"Nevermind. Just give me your phone."

"And why would I do tha—Hey give me back my phone!"

Natarantang sabi ko nang bigla niya itong hinablot. Nakakainis talaga!

"Wait!"

Tumigil ako sa pag-abot at inaabangan ang binabalak niyang gawin.

"What the hell are you doing?!" I almost yelled at him. "Sino ba yang tinatawagan mo?!"

This guy is so really damn annoying! Kanina lang ang tahimik niya, ah.

"Damn it! Just give me back my phone! Ano ba kasi ang ginagawa mo?!"

"Saving your number."

"What?!"

"Here, thank you." Agad na binalik niya saakin ang cellphone ko.

"You're crazy! Hindi kita kilala para kukunin mo lang nang basta-basta ang number ko!"

"You know what, huwag mong ipunin 'yan..you have to spill it and share it to someone."

Kumunot ang noo ko.

"Hindi kita maintindihan!" Umirap ako.

"I can be your listener, athana. Nakakasama na isasarili mo lang 'yan."

"I don't really get you. Pwede ba, bumalik kana doon." Sabi ko. Pero nginitian lang niya ako.

Alam ko ang gusto niyang iparating saakin, at hindi ko alam bakit pakiramdam ko may alam siya.

"Andito lang pala kayo dalawa, aldrick, we have to go. Tumawag na saakin ang lolo edu mo."

Biglang pagsulpot nila tita at tito. Nakasunod naman si mommy at daddy sakanila.

"Yes, ma."

"Iha, umalis na rin tayo. Mauna na kami sainyo mr and mrs alvanzo. Next time then?" Nakangiting sabi ni daddy sakanila.

"Sure thing. Aasahan namin iyan."

Hindi ko na pinakinggan ang pinag-usapan nila at bumaling na sa lalaking kanina pa nakangiti saakin. Why does he always gave me that weird look. Nakakairita na siya.

Dahil sa iritasyon ko ay pumasok na ako sa kotse namin.

"Asshole." Mura ko.

Mabilis kami nakaabot sa bahay. Hindi pa nakapagbihis ay isang mensahe na ang natanggap ko.

Unknown number?

"Please, smile. Huwag mo gawin kung ano 'yang nasa isip mo."

I already had idea kung sino ito. Sino paba? That guy took my phone number without my permission. Hindi ko alam kung bakit parang may alam siya saakin. Siguro iba lang ang gusto niyang iparating? He's really so familiar to me. Hindi ko alam kung saan ko siya nakita.

Napansin ko naman ang tali na ginamit ko kanina. Kinuha ko iyon at napaisip sa gagawin. Biglang naalala ko ang sinabi ni aldrick saakin.

"I can be your listener, athana. Nakakasama na isasarili mo lang 'yan."

Ngayon ko pa lang siya nakita pero pakiramdam ko kilala niya na ang pagkatao ko. Tinapon ko nalang sa gilid ang tali at dumiritso na sa banyo para maligo at makatulog narin pagkatapos. Hindi ko alam bakit pakiramdam ko ay may pumipigil saakin na gawin ang gusto ko.

Kaumagahan maaga akong pumunta sa skwelahan para tapusin ang ginawang business plan namin.

"Gawin mo nalang yung executive summary, allyza at ikaw naman kate sa swot analysis." Sabi ni lourdes.

Saakin naman pinaggawa ang financial statement. Tahimik at seryoso namin sinusulat at binabasa ang papel na nasa harapan namin. Minsan din ay nagtawanan at nag-uusap din kami.

"O, sige. Mauna na kami sa'yo, athana."

"Ayaw mo ba talaga sumama saamin?" Tanong ni allyza saakin.

I shooked my head.

"Tatapusin ko nalang ito."

"Ikaw bahala. Mauna na kami, ah?"

Ngumiti ako at tumango. Nang makaalis na sila ay ibinalik ko ang tingin ko sa harap ng laptop.

"Laro tayo." Isang boses ang sumulpot bigla sa tabi ko.

Umawang ang labi ko at hindi makapaniwalang nasa harapan ko ang lalaking ito. Impossibleng dito rin siya nag-aaral!

"A-aldrick?"

"Yes." Umupo siya sa tabi ko at biglang kinuha ang laptop ko nang walang paalam.

"Ano ba! Bakit kaba nangingialam ng gamit ko!"

Hindi siya sumagot kaya hinampas ko ang braso nito.

"Aldrick!"

"Game."

Kumunot ang noo ko at napatingin sa harap ng laptop ko. Dala rin nito ang laptop niya. Napatingin ako sa harap.

Rules of survival?!

"Alam mo bang tinatapos ko pa ang business plan namin?!" Pagalit na sabi ko.

Humarap ito at matapang na nakikipagtitigan saakin. Dahil sa lapit ng mukha namin ay may pagkakataon akong mapagmasdan ang buong mukha niya.

"I know, so?"

"You're crazy!"

Sa huli ay umiwas na ako ng tingin. He's too perfect for me.

"Bakit mo ba ginagawa ito?" Tanong ko habang nasa laptop ang tingin ko.

"I just want you to be happy. I want to see you laugh and smile, athana." His staid voice makes me stiffened.

Naramdaman ko ang kaba sa dibdib nang sinabi niya iyon.

"Masaya naman ako, ah?"

"No, you're not. I want to see the real one. Alam kong hindi mo ako napapansin, pero sa malayo, I know you've been carrying the pain for so long. Alam ko. I'm hundred percent sure about it. And if you're planning to kill youself then I'm begging you to stop."

"B-Bakit mo alam?"

"I also suffered from depression, athana. I have very low self esteem and I suffered from anxiety too. It's really hard to make people understand what you're going through, kaya naintindihan kita. You'll never realized that depression will take away everything that you have. Thank God and he took away my sadness."

"Stop. I don't wanna hear it anymore."

Tumitig lang siya saakin nang matagal at umiwas rin kalaunan. Pinigilan kung hindi maiyak sa harapan niya. Ayokong makita at bumigay itong sarili ko.

"I have to go.."

"Athana.."

"Aldrick, stop. Hindi mo pa'ko kilala."

Mabilis na tumayo ako at hindi na nagpaalam sakanya. Nang makalayo ay doon na bumagsak ang mga luha kong kanina ko pa pinigilan. Hindi ko akalaing maririnig ko ang mga salitang iyong galing sa anak ng mga alvanzo. He suffered from depression? With that looks? Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya.

I know we have our own story to tell. Pero...si aldrick ari alvanzo suffered from depression? How? Gusto ko siyang tanungin kung bakit..

Hindi narin tumigil ang luhang pumapatak sa pisngi ko.

"Athana!" tawag niya saakin pero kahit isa ay hindi ko man lang ito nilingon.

Patuloy parin ang paghabol niya saakin. Mabilis ko naman na inalis ang luha ko sa mga mata. Bullshit!

"Athana!"

Bago pa ako makapasok ay nahablot niya na ang braso ko. Right, just right..damn!

"Ano ba!" I pushed his hands away from me. "Sino kaba? hindi naman tayo magkakilala. Will you just please stop following me?"

Hindi siya kumibo at napansin ko ang pagkuyom ng mga panga nito habang pabalik-balik ang pagtitig sa mga mata ko.

"I care for you, Manjuarez, that's why. Isipin muna ang lahat tungkol saakin, I just want you to spill it. Ayokong matulad ka saakin noon". 

Nangingilid ang mga luha kong umiwas sa mga mata niya. Natatakot akong makipagtitigan sakanya dahil pakiramdam ko ay nababasa niya lahat kung ano itong nasa isip ko.

"Ano ba.."

"Alam kong nalilito ka na ngayon saakin. Just please, let me help you."

Sa pagkakataong ito ay naitulak ko na siya palayo saakin.

"Hindi ako naniniwala sa'yo!"

Hinding-hindi ko paniniwalaan ang isang alvanzo na dumaan din sa sitwasyon ko.

"Depression can happen to anyone, athana.  I had everything..everything, athana, but I never expected this one, will hit me. Yes, it was really hard to function. It was hard to face someone and pretend that you're happy, when deep inside you were attack by your own thoughts. Trust me, I know what you're going through. And so do millions of other people. I've struggled through horrible periods of deep depression, and I know how sad and how low you can get. Please don't let your sadness eats you."

Hindi ko na napigilan ay pumatak na ang mga luha ko sa harapan niya. Hindi na ako pumiglas pa nang bigla niya akong hinila at niyakap sa mga bisig nito. I found myself relieved. Biglang gumaan ang pakiramdan ko nang marinig ang mga salitang iyon mula sa taong hindi ko pa masydong kilala.

Sa dami rami ng kilala ko, siya lang ang nakapansin sa kalungkutan ko. Mas naramdaman ko pa ang pag-alala ng ibang tao, kesa sa pamilya ko.

Hindi ko alam kung ilang oras naging ganoon ang position namin. Kung hindi lang tumunog ang cellphone ay baka hindi na talaga ako kumalas sa yakapan namin.

Medyo nakaramdam naman ako ng hiya dahil sa ginawa.

"Magingat ka." sabi nito bago ako pumasok ng kotse.

Hindi pa ako nakapasok ng bahay ay rinig na rinig ko na ang bangayan ni daddy at mommy sa loob. Sa kaba ko ay mabilis na napatakbo ako doon.

"Mommy, daddy, anong nangyari dito?!"

"Andito na pala ang matalino mong anak, eduardo." Diiin na pagkasabi ni mommy.

Kumunot naman ang noo ko at palipat-lipat ang tingin sakanilang dalawa.

"Athana, Ms. Joan, called me." Mommy gave me a disappointed look

Alam ko na kung saan papunta ang usapan na ito. Hindi ako kumibo at hinintay ang susunod niyang sasabihin.

"You got two failed subject, athana. mygod!"

"Mommy.." hindi mapigilang bumuhos ang mga luha ko.

I disappointed them again.

Tanga naman talaga ako at bobo. Pero sana maintindihan nila ako ngayon. Mainitidihan sana nila na napapagod din ako. They have no idea how screwed my life is and I cannot tell them about it in great detail, dahil hindi naman sila nakikinig saakin.

Noon paman gusto ko na talagang sabihin ang tungkol dito, but nangunguna ang takot at kaba ko pagnakita ko na ang magiging reaction nila sa sasabihin ko. I'm afraid they won't listen to me, I'm afrraid they will push me away dahil may anak silang bobo.

"I'm sorry, ma.."

"Wala akong anak na bobo!"

"Adella, stop it!" pagpigil ni daddy kay mommy.

"Wala naman kaming pagkukulang sa'yo, ah."

Wala nga ba? napatawa ako.

" Wala nga ba? Kahit kailan ba ma, tinanong niyo ako sa gusto ko? tinanong niyo ba saakin kung okay ako? You both never dared to ask me those things!" hindi ko na napigilang tumaas ang boses ko.

"Athana your voice!" si mommy.

"Mygod, athana! matanda kana para isipin ka pa namin. Stop being so childish and dramatic. We're talking about your failure here!"

Pilit na tumawa ako sa harap nila. Why my life is so unfair?

Parang isinaksak ang puso ko sa salitang binitawan ni mommy sa harap ko. Hindi ako makapaniwalang kaya niyang sabihin iyon saakin. Akala ko sila lang ang makakatulong saakin para bumangon muli, pero hindi. They're the one who putting me down. Pinaramdam nila saakin na mahina ako, na wala akong kwento dito.

"Iyon na nga ma, e, Mas napapansin niyo pa ang mga kamalian ko sa buhay! Sana naman maintindihan niyo ako... sana maramdaman niyo rin na kailangan ko rin kayo sa buhay ko!"

Sa hindi inaasahan, Isang malakas na sampal ang natanggap ko mula sakanya.

"Adella!" agad na hinablot ni daddy si mommy.

Kahit anong punas ko sa sarili ay patuloy parin ang pag agos ng mga luha ko. Hindi ko na alam itong nararamdaman ko, sobrang bigat at mukhang gusto ng sumuko sa lahat.

"Kahit ngayon lang intindihin niyo ako. Just once, iparamdam niyo saakin na anak niyo ako. Napapagod rin ako, mommy, daddy..At kayo ang kailangan ko ngayon..pero ni isa hindi niyo saakin iyon pinaramdam dahil puro kamalian lang ang isinusumbat niyo saakin!"

Nakita ko ang pangingilid na luha ni mommy. Hindi ko na hinintay ang sagot niya at tumakbo na sa itaas. Mabilis na sinara ko naman ang pinto. Dahil sa bigat na nararamdaman ay napagsak ako sa sahig at humagulhol doon. I covered my face with my palm.

"Fuck!"

Ang dami ng tumatakbo sa isipan ko..alam kong mali ito pero ayoko ng ipagpatuloy pa ang buhay ko..

Kinuha ko ang cellphone ko at nagtipa doon ng mensahe sakanya.

"Pagod na ako, aldrick..pagod na pagod na ako, ayoko na..."

Hindi pa nag iilang minuto ay tumunog agad ang cellphone ko para sa isang mensahe.

"I've been to where you are now, I know how much it hurts. You are not alone, athana, I'm here."

Mabilis na nagtipa ulit ako ng mensahe para sakanya.

"I just want to end my life now, aldrick, I'm sorry..."

Isang panibagong text muli ang natanggap ko galing sakanya.

"Please don't even consider ending your life. You are so important to people, even if you don't know it. "

Hindi na ako sumagot sa mga text niya at tumayo na. Wala sa isip na kinuha ko ang blade at tinitigan iyon saglit.

Narinig ko naman ang pagtunog ng cellphone ko. Hindi ko na iyon pinansin at binalik ang tingin sa hinahawakan ko.

I'm useless. Wala ng nakikinig saakin, wala na akong silbi dito.

"Athana! open the door.." si daddy.

"Athana.." narinig ko naman bigla ang boses ni mommy sa labas ng pinto.

bumuhos ang luha ko nang maalala ang sinabi niya saakin kanina.

"Wala akong anak na bobo!"

Totoo nga siguro ang sinabi ni mommy. Mahina ako.

"I'm sorry, ma, daddy..I'm not worth it." I murmured.

I positioned the blade on my wrist and felt the blade slice though my skin. Napasigaw ako sa sakit. Hindi pa nakontento at dinamay ko rin ang isang kamay ko. Naramdaman ko na ang panghihina ng katawan ko. Isang kalabog bigla ang narinig ko mula sa labas.

"Athana, it's me aldrick. open the god damn door!"

Halos hindi ko na maibuka ang bibig ko at mabilis na napabagsak sa sahig.

"Athana! Fuck! Athana!"

Iyon lang ang huling narinig ko galing sa labas ng pinto bago ako napapikit at hindi na naramdaman ang paggalaw ng katawan.

---

ALDRICK POV

Nang mabasa ang text na iyon galing kay athana ay hindi na ako nagdadalawang isip na puntahan sya. She didn't answer my calls! damn it!

Alam ko ang nararamdamn niya dahil napagdaanan ko narin ang bagay na iyan. I think I survived because I was curious about what the future held, and I wanted to see what life could be. Ayokong sayangin ang oras at isipin ang mga bagay na nakapagsisira lang sa buhay at isipan ko. My family and friends gave me reason and purpose to drag myself out of it. Not for myself, but for those around me.

Noon pa man napapansin ko na ang mga kilos niya, noon pa man kilala ko na si Athana Manjuarez at hindi ako makapaniwalang magkikita kami sa araw na iyon kasama ang pamilya ko at ang pamilya niya. Sa layo pa lang, alam na alam ko na sa mga mata at kilos niya. Alam ko at sigurado akong may mabigat na siyang nararamdaman.

I want to help her. Gusto kong makita siyang masaya..Gusto ko siyang makitang ngumiti, iyong totoo sana.

Nang makarating ako sa bahay nila ay hindi na ako nagpaalam at pumasok na sa loob. Laking pasalamat ko at binigay ni papa ang address ng manjuarez saakin kaya mabilis ko itong nahanap. Pagkapasok ko ay walang ibang tao sa salas. May nakita akong hagdan kaya agad na umakyat ako doon. Ramdam ako ang bigat at kaba sa dibdib ko.

Alam kong hindi niya gagawin ang bagay na iyon.

"Athana.." Nakita ko sa harap ng pinto ang mommy at daddy niya. Agad napatakbo ako. Hindi ko na pinansin ang gulat sa mga mata nila.

"aldrick?"

"Si athana po? ano pong nangyayari?" tanong ko at hindi pinansin ang tanong nila saakin.

"Nagkasagutan kami kanina, iho. Sobrang nagsisi ako.." naiiyak na sabi ng mommy niya.

Fuck!

"Please open the door, athana!" sigaw ko pero kahit isa ay walang sumasagot sa loob.

"Tito, where's the fuvking key!" nataranta kong sabi.

Dahil sa taranta at kaba ko ay buong lakas na sinipa kona  ang  pinto kaya napabukas ito.

"Athana! athana!"

"Anak.."

Nang makita namin ang nakabukas na banyo ay mabilis na tumakbo ako doon pero napatigil rin sa nakita. Halos mawalan ako ng hininga at hindi makapaniwala ang nakahandusay na si athana manjuarez habang madaming dugo ang naubos sa kamay niya.

"Athana!!" napaluhod ako at mabilis siyang binuhat saakin. "Fuck!" mura ko.

"Omygod! Eduardo! eduardo! athana!" nataranta at mangiyak-ngiyak na sigaw ni tita.

Tumakbo na kami sa ibaba at mabilis siya pinasakay sa loob ng kotse. Hindi ko na maipaliwanang itong naramdaman ko. Natatakot akong meron possibleng mangyayari sakanya.

Mabilis na sinundan ko ang kotse nina tito at nanginginig na pinaharurot ang sasakyan.

"Why, athana! gad damn it!" sabay hampas ko sa steering wheel.

I feel like I'm having bad anxiety and blaming myself that might bad happen to her.

Hindi ko alam ilang oras ang hinintay namin na magising si athana. I don't even fucking know why I'am here and worried like hell about her. Sobrang nagalala ako para sakanya.

"Mabuti nalang at mabilis niyo siyang nadala dito, kung hindi baka hindi na naagapan pa." sabi ng doctor.

"Ano pong nangyari, doc? Bakit niya po nagawa iyon?" Ang mangiyak-ngiyak na tanong ng mommy ni athana.

"You should ask your daughter about that. Malaki ang possibilidad na may maraming tumatakbo sa isip niya. Depressed, void or attention. May napapansin ba kayong kakaiba sakanya?"

Hindi nakasagot si tito eduardo at tita adella sa tanong.

"We had a little fight earlier."

The doctor shooked his head.

"Pagnagising siya, kailangan niyo siyang kausapin. You daughter needs you." Sabi ng doctor bago nagpaalam saamin.

Huminga ako nang malalim at humarap sakanila.

"Alam kong hindi ako dapat ang nagsasabi nito, but athana is really so depressed and down, tita. She really needs you, both of you.

"What?" Gulantang na sabi ni tita.

"Paano mo iyan nasabi, Mr. Alvanzo? At bakit mo nga ba nalaman ang bahay namin?" Nalilito na tanong ni tito eduardo.

"I can sense and feel how she wants your attention. I can feel and sense her pain and sadness. The feelings of failure and loss and trapped in a difficult and complicated situation." I looked at them intently. "Bago po nangyari ang lahat na ito, nagkausap po kami. She even texted me."

Kinuha ko ang cellphone ko at inabot sakanila. Nakita ko ang gulat at nangingilid na luha habang binabasa ang text mula kay athana.

"O..athana..our angel..eduardo, Kasalanan ko ito.." Hindi na napigilan ay humagulhol na si tita.

"Mommy, dad!" Biglang may dumating na isang lalaki na sa pagkakaalam ko ay kapatid ni athana. Halos may kahawig din sila ni athana.

"Ma, dad! Anong nangyari kay athana? Why the hell did she took her life? Damn it!"

"This is my fault.. I'm sorry.. ni wala man lang akong kaalam-alam na may pinagdadaanan ang kapatid mo. Ni hindi ko man lang tinuonan siya ng pansin." Si tita.

Agad naman na hinila ng kapatid ni athana si tita para yakapin.

"Shh..andito na tayo. Hindi na natin siya iiwan, mama. Ipaparamdam natin sakanya kung gaano natin siya kamahal. I'm so stupid and didn't even call her this pas few days dahil sa sobrang busy ko sa trabaho. I badly want to see her, mommy.."

See, they love you, athana. They really do love you. Depression is just a lie. Paano mo nagawang tapusin ang sarili mo nang ganun-ganun lang.

"I love her so much..I really do love her.." her mother murmured under her breath habang nakayap sa asawa at sa kapatid ni athana.

Halos magtatlong oras din ang hinintay namin bago nakita at napansin ang paggising ni athana. Natarantang tumayo kami at dumalo sakanya. Even her classmate and friends are here.

"Athana..anak.."

Umungol siya ng ilang sandali bago tumingin saamin isa-isa. It took her a seconds before she realized everything.

"Mommy, daddy..aldrick?" Inilibot nito ang nga mata niya at nakaawang ang labi na tumingin saamin isa-isa.

"Anong nangyar—"

Hindi na natapos ay niyakap na siya ni tita adella at tito eduardo. Even her kuya mael didn't stop from kissing her on the forehead at parang sabik na sabik ng makausap ang kapatid.

"I'm sorry..we're very all sorry for what we've done, mga pagkukulang namin sa'yo. Sorry for being so insensitive with your feelings, anak. Inaamin kong hindi ako naging mabuting ina sainyo ng kapatid mo at puro trabaho lang ang inaatupag namin ng daddy mo.."

"Ma.." tanging lumabas lang sa bibig niya.

Hindi ko akalain makikita ko ang bagay na ito. Even her friends are crying while looking at them.

"Sorry..please, don't you ever took your life again dahil hindi ko makakaya na mawala ka saakin.." si tita adella na puno ng pagsisi sa sarili.

"Sorry, athana, sorry..we're very sorry.." yumuko ang daddy niya at hinalikan siya sa noo.

"Sorry, daddy, mommy, kuya...Hindi ko na alam anong gagawin ko sa oras na iyon. It just someone pushes me to do it.. hindi ko alam bakit nagawa ko iyon. Sobrang pagod na pagod lang talaga ako.."

"Dad, mom, athana must undergo in psychiatrist." Her kuya interrupted.

"Oh..athana.." yumakap ulit ang ina niya sakanya.

Pakiramdam ko ay sasabog na ang puso ko sa sobrang saya para sakanya. Siguro nga hindi pa ang oras na ito para tapusin pa ang buhay niya. Athana deserves to be happy, she doesn't deserves this heartaches and pain.

Sana pagkatapos nito ay maging masaya na lsiya sa buhay niya kasama ang pamilya niya.

---

ATHANA MANJUAREZ

That old athana manjaurez was gone. The girl who pretends to be happy, when deep inside I had void and my heart was hurting. For them, it seemed like I had it all, when the reality is I didn't feel whole and fullfilled.

Pero ngayon, it was just all a past. Kinalimutan ko na ang araw na iyon.

Pills and therapy helped me but love is the most essential aspect in life. I was cured by love and acceptance. Day by day, I became stronger and tough. I realized that our greatest turning point in life can be messy, bad, painful and hateful but we were only given one life so let's make it count. Let's make it worth it.

Laking pasalamat ko sa mga kaibigan, pamilya at lalo na kay aldrick na binigyan ako ng rason para mabuhay pa sa mundong ito. My happiness rightnow is indeed priceless. Hindi mapapantayan ang saya ko ngayon. Naging mabuti na rin ang samahan ko kay mommy at daddy. I always make each day worth it when I'm with them.

Isang taon na ang lumipas at hindi parin ako makapaniwalang umabot ako sa mundong ito. Sa isang taon na ito ay hindi mo akalain magiging malapit din ako kay aldrick, and guess what, I'am in a happy realtionship with him. I was very so grateful and thankful for aldrick for saving me when I couldn't save myself.

After all this time, it's hard for me to explain how much aldrick means to me. Hanggang ngayon pinaramdam niya saakin na hindi ako nagiisa. I never felt this to anyone kung hindi sakanya lang. He was always there for me through good times and bad times. Minsan nga tinawanan ko nalang ang araw na iyon, noong araw ma sinubukan kong tapusin ang buhay ko.

Ang dami kong natutunan pagkatapos sa nangyari. I have become more and more vocal about my current battle with anxiety and depression. Gusto kong gawin inspirasyon nila ang kwento ko or make it a learning experience.

People showed me that life is the most precious thing in life. Kaya sa pagkakataong ito, hindi ko na sasayangin ang buhay at oras ko.

People who have depression doesn't need your opinion and judgment, all they want is acceptance. All they want is to be taken care of, they want someone who will listen to them and who will accept them whole heartedly.

To those who are battling with depression, you don't have to stay broken. You are beautiful, You are enough, you are stronger than thanus and it is never too late.

This is not just your fight, this is our fight.

Always remind yourself that it's okay not to be perfect, this world isn't perfect, and we have to be free.

THE END

I really had enjoyed wrting this one as much as you do. Thank you so much for letting me to share my stories to you. And I would love and appreciate to hear words from all of you.

Avamrllecreators' thoughts