webnovel

Mamahalin kita ngayon at magpakailanman

Sa labis na kaba ni Celestine napatalukbong lamang ito sa ilalim ng kanyang kumot.

May nakapasok sa munti niyang apartment.

Naririnig niya mula sa kanyang silid ang hakbang na nag mumula sa labas ng kanyang kwarto.

Kinuha niya ang kanyang telepono sa kanyang tabi at agad na humingi ng saklolo.

Tinawagan niya ang kanyang ina. Ngunit hindi ito maka konekta sa telepono na kanyang ina.

"Ma! Sagutin mo naman please!"