webnovel

BB6:

Ilang araw din ang lumipas, ng matanggap nina Xairah ay Pandora ang results ng interview.

Ms. Xairah Agustin,

Greetings!

We regret to tell you that you didn't passed the interview. However you did great in the interview, but there are just—

Hindi na tinapos ni Xai ang pagbasa ng email sa kanya. Naiiyak na lang sya, parang bula ng naglaho ang nag- iisa nyang pag- asa.

Si Pandora naman ay sobrang saya dahil nakapasa sya. Pinuntahan nya si Xai na naabutan naman nitong humihikbi.

"Bes, anong nangyari?" tanong nito sa kaibigan.

Nakita nya ang phone nito na may email kaya binasa nya ito. Di rin sya makapaniwala dahil ang alam nya ay makapasa ito.

"Pano nangyari yun?" Naitanong nito sa kaibigan.

"E- ewan ko..." Sabi nito habang nakatungo.

"Alam na ba 'to ni Lola?"

"Hindi... Ayokong malaman nya na di ako nakapasa baka masaktan lang yon dahil umaasa rin sya na makakapasa ako," tugon ni Xai.

"Naku bes, pano yun?" Dagdag pa ni Pandora na may halong awa.

"Ewan ko, hayaan mo na lang," Saad ni Xai.

Niyakap ni Pandora ang kaibigan, ramdam ang lungkot na nararamdaman nito. Inihatod nya na lang ito sa kwarto nito upang magpahinga na lang muna ito.

"Magpahinga ka na lang muna dito bes, tsaka dito ba lang muna ako magbabasa," wika ni Pandora sabay kuha ng libro sa dala nyang bag.

"Sige bes, kapag nagugutom ka kuha ka lang dyan sa cabinet, meron akong mga pagkain dyan," ani ni Xai.

"Sige, sige."

Umupo si Pandora sa may table malapit sa bintana, tiningnan nya rin ang mga libro na nasa shelf. Karamihan nito ay nabasa nya ang introduction pero hindi ang mismong kwento kaya kinuha nag ilan sa mga nagustuhan nya.

Lumipas ang kalahating oras, halos masakit na ang leeg ni Pandora sa kakabasa kaya naisipan nyang mag unat. Napansin nyang mahimbing natutulog ang kaibigan. Binuksan nya ang cabinet na sinasabi ni Xai para kumuha ng pagkain ng makita nyang halos lahat ng ito ay junk foods, mga chips at candies.

"Hay bessy talaga, kaya di ka tumataba e," bulong nito.

Nasa kalagitnaan na sya ng pagbabasa ng biglang tumunog ang phone ni Xai. Katabi lang 'to ni Pandora kaya tiningnan nya at may nakitang email, kaya binasa nya ito.

"In fairness di naglalagay ng password," turan nito.

Napasigaw sya ng mabasa nya ito dahilan upang magising si Xai.

"OMG!!!! Bes, look!!" Sigaw nito sabay abot ng cellphone sa naalimpungatang kaibigan.

"Anong meron?"

Ms. Xairah Agustin,

Greetings!

We are sorry for some technicalities. We are happy to tell you that you passed the interview, next to that is we want to tell you that your sponsor is Mr. and Ms. Van, CEO of CharmInc. We also wanted to tell you that by the week after next week is your enrollment. Gladly want to see you there and bring all your documents as listed below —

"Forda real?" Nasambit na lamang ni Xai.

"Oo bes, ano ba yan? Sayang luha mo, hahaha," biro ni Dora.

"OMG, di ko alam ang sasabihin ko," wika ni Xai.

Nagkayakap ang magkaibigan sa tuwa.

"Ano ba yan? Tsk... Grabe naman magpadala ng email yang Crimson pamali mali," wika ni Pandora.

"Hayaan mo na, baka marami lang talaga silang ginagawa," kontra ni Xai sa kaibigan.

"Baka nga," maikling tugon ni Pandora.

"Anong oras na ba? Gutom na ko," sabi ni Xai sabay tayo mula sa kama.

"Mag e-eleven- thirty," sagot ni Pandora.

"Sama ka sakin, puntahan natin si Lola sa karinderya, iwan mo muna yang gamit mo dito," ani ni Xai habang nagbibihis ng damit.

"Okay."

Mainit sa labas kaya nag tricycle ang dalawa papuntang Melissa's Eatery. Malayo- layo rin ang karinderya mula sa village nila. Habang nasa byahe ay nagkuwentuhan ang dalawa hanggang sa maisingit ni Xai ang nalaman nito ng mag search ito tungkol sa Crimson.

"Talaga?" Di makapaniwalang tanong ni Pandora.

"Oum, tsaka kahit sa Filipino language ko i- search wala pa ring nalabas, as in description lang ng school then pagkatapos nun wala na," paliwanag ni Xai.

"Baka masyadong confidential ang school, alam mo naman mga bigatin ang graduates dyan, e malay ba natin kung anong meron sa Crimson," sabat ni Pandora.

Natahimik si Xai at nag isip kung ano pa ang mga nalaman nya.

"Tsaka alam mo naman, karamihan sa mga anak ng graduates dun pinapag aral ang mga anak, security and confidentiality rin," dagdag pa ni Pandora.

"Hmmm, sabagay," naisagot na lang ni Xai sa kaibigan.

Mga ilang minuto pa ay nakarating ba sila sa karinderya. Marami rin ang customer kaya di sila napansin ni Lola Melissa.

"In fairness ang daming tao dito," Saad ni Pandora.

"Nagpapasalamat nga ako at marami parin ang nabili dito, by the way dito ka na rin kumain," wika ni Xai.

"Sure, thanks."

Pumasok sila sa kusina at nakita ang matanda na nag aayos ng mga order ng customer.

"Lola!!!" Sabay na tawag ng dalawa.

"Oh? Anong ginagawa nyo dito?" Gulat na tanong ng Lola.

"Di ba pwedeng namiss ka lang? Haha," wika ni Xai.

"Actually Lola may sasabihin po kami sayo," simula ni Xai.

"Ano yun?" tanong ni Lola Melissa.

Nagkatinginan ang dalawang magkaibigan at sabay na nagsalita.

"Pasado po kami!!!"

Natigilan si Lola Melissa, di sya nagkamali na makakapasa itong dalawang ito.

"Sinasabi ko na nga ba e, napakahusay nyo talaga," tanging tugon ni Lola na may namumuong luha sa gilid ng mga mata.

"Ay kumain na ba kayo?" Tanong pa ni Lola Melissa.

" Hindi pa po," sagot ni Xai.

"Sandali lang tapusin ko lang itong mga order nila at ipaghahain ko kayo," Ani ng matanda.

"Ay huwag na po Lola, kami na po bahala dito tapos pwede nyo na pong ipagpatuloy ang order nila," pahayag ni Xai.

"Sure kayo? O sya sige, kayo na bahala dyan mabilis lang naman 'tong mga order nila," tugon ni Lola Melissa sa apo.

Tumulong narin si Pandora sa paglilinis ng kusina. Madami rin kasing kalat sa loob at mga hugasin na nakababad pa. Samantalang si Xai ay inaayos ang mga kakainin nila.