webnovel

PROLOGUE

*Amazia ~ A Perfect Land of Magics*

PROLOGUE:

    Lumubog na ang araw,madilim na ang paligid at wala na ring mga tao sa kalsada.Ito na ang oras ng kanyang paglilibot.

     Lumabas siya sa kanyang pinagtataguan at lumipad siya sa ere na parang ibong nakawala sa kanyang hawla.Lumangoy siya sa hangin na parang isang isda.Nilibot niya ang buong bayan ng Pavlov hanggang sa siya ay makarating sa isang paaralan.Ito ay ang paaralang nagngangalang Ripley Roman College.Sa paglilibot sa paaralan ay kanyang napansin ang isang dalagang wari'y nagbabasa ng isang libro.Pumasok siya sa kwarto ng dalaga mula sa bintana ng hindi siya napapansin nito.Pinanood niya ang bawat galaw nito.Ibinaba ng dalaga ang libro at nakangiting ipinikit ang mga mata at nagsalita na parang ginagaya ang nabasang libro.

    "Isa kong prinsesa at bawat prinsesa ay may sariling prinsipeng magliligtas sa kaniya!"

     Napahagikhik siya sa ginawa ng dalaga dahilan upang mapansin siya nito.Sa pagmamadaling lumabas ng kwarto ay nahulog niya ang kaniyang bag na naglalaman ng floating pills mula sa kanyang matalik na kaibigan para gamitin upang makalipad ang ulilang batang mortal na kaniyang dadalhin kung sakaling siya ay may makasalubong na ulila.

         Sa kabilang banda,nagtataka at naguguluhan ang dalaga sa mga nangyari.Nagulat siya sa binata kanina at ni hindi manlang niya napansin ang presensya nito.Napaisip siyang bigla sa nangyari.

          "Nakakalipad siya kahit walang pakpak.May sapatos siyang tulad ng isang duwende.Kulay luntian at kayumanggi ang kanyang kasuotan...Teka lang...Siya ba Si Peter Pan?Si Peter Pan ba yun?Kung gayon ay totoo pala siya!Ang akala ko ay kwento-kwento lang siya.Sayang naman,hindi manlang ako nakapagpakilala sa kanya."nalulungkot na aniya ng dalaga.Nilibot niya ang kanyang paningin sa buong kwarto at natigil ang kaniyang paningin sa isang bag na nasa sahig malapit sa bintana.Dinampot niya ito at di sinasadyang bumukas ito at nagkalat sa sahig ang laman nito.Nagtataka siyang napatitig sa mga nakakalat sa sahig.

       "Ano ang mga ito?Parang mga kendi na kulay ginto."

       "Pagmamay-ari niya ba ang mga ito?"pagtutukoy niya sa binata kanina.Iniligpit niya ang mga nagkalat sa sahig na floating pills at ibinalik sa bag na lagayan nito kanina.Itinago niya ang bag upang ibigay sa binata sa oras na ito ay magbalik.

Samantala....

     "ANO??Naiwan mo ang floating pills sa mundong iyon??Alam mo namang napakahirap gumawa ng mga iyon tapos iiwanan mo lang sa Mundo ng mga mortal??Ethan Paxton naman!!"

     "Sorry na Aquila.Babawiin ko yun bukas,Pangako!"

     "Siguraduhin mo lang Ethan.Alam mong aabutin pa ng libo-libong taon bago ako makagawa ulit ng mga katulad noon dito sa Amazia."

     Amazia,ito ang mundong kinabibilangan ng binatang si Ethan Paxton.Isang immortal na hindi alam ang lahing kinabibilangan.Hindi niya kilala kung sino ang kanyang ama at ina.May kakayahan siyang lumipad,maglaho,at makipaglaban.Siya ang itinuturing na tagapagligtas ng Amazia mula sa kasamaan.

At ang Amazia ang kaniyang tahanan.