webnovel

0 Jin Kurie: The Great Librarian

" Ako si Jin Kurie, hindi ako isang bayani, hindi rin naman ako isang mandirigma o sundalo, pero bakit narito ako sa mundo ng Alphian?"

Nagising nalang si Jin Kurie sa lugar na hindi niya alam, napakaganda, napakatahimik ng lugar na ito. Sariwa ang simoy ng hangin at kitang kitang niya ang mga berding damu at mga halaman. Nasa lilim siya ng isang maliit na puno, sumisikat ang araw pero hindi ito mainit. Nakikita niya sa mga damuhan ang iba't ibang uri ng hayop na pinapastol ng mga pastol. May nakita siyang mga baka, kambing, mga tupad kahit mga kabayo. Ipinikit niya muli ang kaniyang mga mata, sa pag aakalang ito ay isang panaginip lang. Peru nagising siya ng may gumising sa kaniya. Napakaganda ng boses, isang babae ang gumigising sa kaniya.

" Jin Kurie, gumising kana, pumunta na tayo sa bayan. Kanina pa kita hinahanap, narito ka lang pala." sabi nung babae. Ibinuka ni Jin Kurie ang kaniyang mga mata, wala namang babae, baka imahenasyon niya lamang iyon.

Nabigla siya nang bigla na lamang itong sumulpot sa mga kaniyang harapan, isang babae, na kasingliit ng kaniyang daliri, isang fairy. Nanlaki ang kaniyang mga mata sa takot at pagkabigla, hindi niya alam kung nananaginip ba siya o totoo na itong nangyayari sa kaniya.

Ipinaliwanag naman ng fairy, na nasa mundo siya ng Alphian. Sa mundong ito napupunta ang mga bayani sa ibang mundo pagkatapos na sila ay mamatay. Sa mundong ito ay wala ng digmaan, gulo o kahit na anong uri ng kasamaan. Ito ang Mundo ng mga Bayani.

Tumingin si Jin Kurie sa paligid, unti unti ng bumabalik sa kaniyang isipan ang mga nangyari noong siya ay nabubuhay pa.

" Ako Jin Kurie, hindi naman ako isang bayani, hindi rin naman ako isang mandirigma o hindi rin ako isang sundalo, bakit ako narito sa mundo ng Alphian?" tanong niya sa fairy.

" Hindi mo ba talaga alam, nang ikaw ay mamatay, tinanghal kang isang bayani...." sagot ng fairy.

" Anu ba nagawa ko sa mundo na pinanggalingan ko, paanu ako naging isang bayani pagkamatay ko?" tanong ulit ni Jin Kurie sa fairy.

" Hay naku, mas mabuti siguro na ipakita ko sa iyo ang mga pangyayaring naganap sa buhay mo" sagot ng fairy. At kinuha nito ang kaniyang stick, at sumigaw siya ng "hologram"... at nagbago ang kapaligiran.

Nakita ni Jin Kurie ang kaniyang ama at ina, nasa isang maliit na kubo sila, masaya silang dalawa. Ito ang bahay nila Jin Kurie, pinakadulo sa bayan ng Erun, sa kaharian ng Elhon, sa mundo ng Nebiryu. Nakita niya ang kaniyang ama at ina, ginagawa nila ang ginagawa ng mag-asawa at alam niyo na iyon. Sinabihan naman siya ng fairy na huwag mag alala, walang makakakita sa kanila o makakarinig man. Sila ay mga observer lamang sa nakaraan na hindi na pweding baguhin ng kahit sino.

Ito ang simula ng buhay ni Jin Kurie. Isang mahirap na pamilya lamang ang pinagmulan ni Jin Kurie, subalit ganun pa man ay masaya sila na namumuhay sa pinakadulong bahagi ng bayan. Isang daang taon ang lumipas mula nang matapos ang tinatawag na Grand Catastrophe, ay ipinanganak si Jin Kurie. Ang kaniyang ama na si Shin Kurie, at ang kaniyang ina na si Sue, ay masayang masaya, ito ang bunga ng kanilang pagmamahalan.

Sampung taon na ang lumipas at sampung taong gulang na din si Jin Kurie, ay nakitaan siya ng kaniyang ama ng husay sa pangangaso. Higit sa lahat sa pagbasa at pagsulat. Dahil nasa pinakadulong bahagi na sila ng bayan, marami ditong dumadaan na mga mandirigma o mga sundalo na nagbabantay sa bayan ng Erun, tinatawag silang mga adventurer. Sila ang isa sa dahilan kaya natapos ang Grand Catastrophe. Tumatambay sila sa bahay nila Jin Kurie, at isa sa kanila ay si Philip Mortiza. Lagi niyang kakuwentuhan si Jin Kurie tungkol sa naging mga paglalakbay niya bilang adventurer at lalo sa pakikipaglaban sa mga halimaw na tinatawag na Dark Beast. Dinadalhan din siya nito ng mga libro na pwede niyang basahin. Si Philip Mortiza din ang nagsabi kay Jin Kurie tungkol sa World Library.

Peru iyon na ang huling pagkakataon na nakita ni Jin Kurie si Philip Mortiza, inaabang abangan niya ito para marinig ang mga bagong kwento nito. Peru hindi na ito muling dumating sa kanilang bahay. Nalungkot si Jin Kurie dahil wala siyang kakuwentuhan ukol sa mga bagay sa labas ng bayan. Nakita siya ng kaniyang ama, nalungkot din ito para sa kaniya. Kaya nilapitan siya nito at nagsimula na ding magkuwento. Si Shin Kurie pala na ama ni Jin Kurie ay isang adventurer na lumaban sa mga Dark Beast sa panahon ng Grand Catastrophe.

Taong 115 AGC o After Grand Catastrophe, ay labinlimang taong gulang na din si Jin Kurie, napagpasyahan ng kaniyang mga magulang na siya ay papag aralin sa paaralan ng kanilang bayan. Tuwang tuwa naman si Jin Kurie sapagkat kahit minsan ay di pa siya nakapasok sa bayan ng Erun, natatanaw niya lang ito mula sa dulong bahagi ng bayan sa may mga kagubatan. Dinala ni Shin Kurie si Jin Kurie sa bayan at ipinasok sa paaralan kung saan dito narin siya titira hanggang sa siya ay makapagtapos ng pag aaral.

Taong 118 AGC, may dumalaw sa paaralan ng Erun na mga Apprentice librarian mula sa World Library. Naghahanap sila ng mga batang mag aaral na may potential para magtrabaho sa World Library bilang mga apprentice at doon na din papag aralin. Nakita nila si Jin Kurie at isa siya sa pitong napili para maging apprentice librarian sa World Library. Sa wakas makikita na rin niya ang World Library na laging kinikwento sa kaniya ni Philip Mortiza. Nagpaalam siya sa kaniyang mga magulang at nagtungo sa Geru City, ang capital city ng Elhon Kingdom at dito rin matatagpuan ang World Tree, at ang World Library sa ilalim nito.

Nang makapasok na siya sa bayan ay nakita niya ang napakalaking puno sa gitna nito. Nakita rin niya ang palasyo ng Elhon Kingdom. Peru dumiritso na sila sa World Library, pagpasok palang na nalula na sila sa laki nito. Siguro humigit kumulang isang daang trilyong libro ang narito sa World Library at ang gumawa nito ay sigurong napakatalino. Mula sa pinakamaliit na libro na kasingliit ng isang organismo na kailangan mo pang gamitan ng microscope para mabasa hanggang sa pinakamalaking libro na kasing laki ng palasyo ay makikita dito sa World Library. Dito pinagsama sama ang lahat ng mga aklat mula pa sa pinakaunang panahon hanggang sa kasalukuyan at mula pa sa iba't ibang mundo na may kaugnayan sa mundo ng Niberyo.

Binasa ni Jin Kurie ang lahat ng aklat sa ground floor ng World Library sapagkat dito lang pweding magtrabaho ang isang apprentice librarian. Kapag tumaas ang ranggo ng isang librarian, tataas din ang palapag na kaniyang pagtatrabahuan sa World Library.

Taong 123 AGC, ay kumuha si Jin Kurie ng advancement exam para maging isang Common Librarian na nagtatrabaho sa Second floor ng World Library. Naubos na niya kasing basahin lahat ng aklat sa ground floor. At nakapasa siya sa exam. Sa taon ding ito ay nakatanggap si Jin Kurie ng masamang balita, ang kaniyang ama na si Shin Kurie ay nagkaroon ng malubhang karamdaman na walang lunas. Nabahala si Jin Kurie sa kalagayan ng ama, at napag alaman niya na ang sakit nito ay ang tinatawag na Beast Curse na nakuha ng ama sa pakikipaglaban sa mga Dark Beast sa panahon ng Grand Catastrophe. Wala pa ngang natutuklasang lunas sa sakit na ito at isang daang taon na itong pinag aralan ng mga manggagamot sa kaharian ng Elhon. Ito rin ang ikinamatay ng hari na si Aries, na nanguna sa pakikipaglaban sa mga Dark Beast sa panahon ng Grand Catastrophe.

Nabasa na ni Jin Kurie ang lahat ng libro sa sa second floor peru wala siyang mahanap na aklat na nagsasabi ng tungkol sa Beast Curse. Kaya napagpasyahan niya na kumuha ng advancement exam para maging isang Elite Librarian na nagtatrabaho sa ikatlong palapag ng World Library. Hindi madali ang exam para maging isang Elite Librarian, kailangan mo munang kabisadohin lahat ng aklat sa ground floor at second floor ng World Library sapagkat ang lahat ng tanong sa oral exam na sasagutin mo on the spot ay mula sa bilyon bilyong mga aklat sa ground floor at second floor. Kaya ang karamihan sa mga common librarian ay mas pinili nalang manatili sa second floor dahil sa hirap ng exam para maging Elite Librarian. Pero sisiw lang ito para kay Jin Kurie sapagkat nabasa na niya lahat ng aklat, kahit tuldok o kudlit ay hindi niya makakalimutan. At gaya ng kaniyang inaasahan ay nakapasa siya sa advancement exam.

Hindi na nagpatumpik tumpik pa sa Jin Kurie, agad niyang binasa ang mga aklat sa ikatlong palapag sa pag asang mahahanap niya sa palapag na ito ang lunas sa karamdaman ng ama. Nabasa niya ang tungkol sa Beast Curse at napag alaman niya na ito ay isang sakit na nabubuo sa loob ng katawan ng tao na tinamaan ng Dark Energy ng isang S rank Dark Beast. Isang halimbawa nito ay si Necro, isang S rank Dark Beast na nanguna sa mga Dark Beast sa panahon ng Grand Catastrophe, at hindi lang ang kaniyang ama ang nagtataglay ng ganitong sakit, kundi napakarami pang mga adventurer at maging mga sibilyan. Pero wala man lang binabanggit na gamot o lunas sa sakit na ito. Kaya muli ay nabigo si Jin Kurie sa ikatlong palapag. Baka sa ikaapat o ikalimang palapag o kahit sa pinakamataas na palapag matatagpuan ang kasagutan na hinahanap ni Jin Kurie.

Taong 130 AGC, tatlumpong taong gulang na si Jin Kurie. Palubha ng palubha Ang kalagayan ng ama niya, ang Beast Curse ay parang isang parasite na nabubuhay sa katawan ng ama niya at humihigop sa kaniyang life force araw araw. Samantalang si Jin Kurie ay nasa Ikalimang palapag na ng World Library at isa na siyang Grandmaster Librarian. Peru hindi niya pa rin mahanap ang kasagutan kahit nabasa na niya ang lahat ng aklat sa mga palapag na dinaanan niya, kahit pinakamaliit na detalye ay hindi niya pinalampas. Peru wala talaga siyang makita, isang palapag nalang ang natitira, ang ikaanim na palapag kung saan nagbabantay ang Ten Great Sage ng mundo ng Nebiryu. Peru hindi niya alam kung paanu ang maging isang Great Sage. Walang advancement exam, o walang kinakailangang merit para maging Great Sage. Wala rin binabanggit sa mga aklat na kaniyang nabasa kung paanu. Ang tanging clue niya lang ay ang nakasulat sa isang aklat na lahat ng Great Sage ay may nasugatan na isang tanong sa Board of Problems na makikita sa ikalimang palapag.

Pinag aralan na mabuti ni Jin Kurie ang mga problemang ito, ang iba sa mga ito ay hindi niya pa narinig o hindi niya pa ito nabasa kahit kailan, ni kahit anino ng mga problemang ito ay hindi na pa nakikita. Peru ang nakakuha ng interes ni Jin Kurie ay ang bugtong na ito: "Ano ang Higit sa Diyos, mas masahol pa sa kasamaan, ang mahihirap ay mayroon nito, ang mayayaman ay nangangailangan nito at kung kakainin mo ito ay mamamatay ka?" napaisip si Jin Kurie sa katanungan ito. Natanong niya sa kaniyang sarili, " may hihigit pa ba sa Diyos? may mas masahol pa ba kaysa sa kasamaan? anong bang mayroon sa mga mahihirap? at ano bang kailangan ng mga mayayaman?" ...Dito ay napagtanto niya na ang lahat ng sagot sa kaniyang katanungan ay Wala. Wala ng hihigit pa sa Diyos, Wala ng mas masama pa kaysa sa kasamaan, Walang mayroon ang mahirap na kailangan ng mga mayaman sapagkat nasa kanila na ang lahat... ang panghuli, kapag wala kang makain, mamamatay ka. Ito ang isinagot ni Jin Kurie sa tanong at bigla siyang nag teleport papuntang six floor.

Dito ay nakita niya ang Ten Great Sage, labing isa na sila ngayon kasama si Jin Kurie. Siya ang pinakabata na naging Great Sage sa edad lamanng na tatlumpong taon. Tinangnan niya ang paligid, isang aklat lamang ang narito, ito ang pinakamalaking aklat sa World Library. Hindi alam ni Jin Kurie na dalawa pala lahat ng aklat dito sa ikaanim na palapag, ang pinakamaliit at pinakamalaking aklat sa World Library. Ang nakikita niya lang ay ang pinakamalaking aklat, binasa niya ito. Tinitingnan lang siya ng ibang Great Sage.

Natapos ni Jin Kurie na basahin ang aklat na ito, Whole New World ang title nito, napag alaman niya na isinulat ito ng isang higante na nagtanim sa World Tree bago pa man ang Grand Catastrophe. Peru iba ang hinahanap niya, gamot sa Beast Curse, wala siyang nakita. Wala na bang pag asa na gumaling ang kaniyang ama? Nakita ng ibang Great Sage ang lungkot sa mga mata ni Jin Kurie. Itinuro nila ang isa pang aklat, ang pinakamaliit na aklat, na may title na Tiny World. Subalit nang matapos itong basahin ni Jin Kurie ay wala rin siyang nasumpungang kasagutan sa aklat na ito. Nalungkot siya, at nawalan ng pag asa. Baliwala ba lahat ng kaniyang pagsisikap, pagod at pagtitiis para lang makahanap ng lunas sa karamdaman ng kaniyang ama?

Biglang may bumaba sa gitna nila, isang liwanag, at bigla itong nagsalita.... " Ako ang World of Memory, ang namamahala sa buong World Tree at World Library. Nakita ko ang pagsisikap mo Jin Kurie, nabasa mu ang lahat ng mga aklat sa World Library, sa trilyon trilyong mga aklat kahit Isa wala kang pinalampas, alam ko ang dahilan ng iyong pagsisikap at pagtitiis, kaya bilang gantimpala ay ipagkakaloob ko ang isa sa iyong kahilingan kapalit ng iyong buhay at ialay ang iyong sarili bilang bahagi ng World Tree." Agad na hiniling ni Jin Kurie na pagalingin ang lahat ng may karamdaman kasama na ang dinapuan ng Beast Curse. At sa isang iglap ay gumaling ang lahat ng may karamdaman kasama ang kaniyang ama. Maging si Jin Kurie ay gumaling din mula sa overfatigue at exhaustion na nakuha niya dahil sa walang tigil na pagbasa sa lahat ng mga aklat sa World Library.

At bilang kapalit ay hinigop ng World Tree ang kaniyang buhay at hinigop naman ng World of Memory ang kaniyang isipan at sa pagkakataong iyon ay namatay si Jin Kurie sa edad na tatlumpong taon. Tinanghal naman siya na bayani at binigyan ng titulong " The Great Historian of the World Library ". Dahil sa kaniyang sakripisyo ay napagtagumpayan ng mundo ng Nebiryu ang krisis mula sa Beast Curse na dulot ng Grand Catastrophe.

At iyan ang iyong naging buhay Jin Kurie, isa kang bayani, dahil sa iyong katapangang ialay ang iyong buhay para sa lahat hindi lamang para sa iyong mahal sa buhay. Hindi ka naging makasarili. Kaya nandito ka ngayon sa mundo ng Alphian, ang Mundo ng mga Bayani. Napaluha nalang si Jin Kurie habang pinapanuod niya ang kaniyang naging buhay, at hinangad niya na lang maging masaya ang kaniyang mga magulang sa kaniyang katapangan.

Tinawag ng fairy ang isang dragon para maging sasakyan ni Jin Kurie papunta sa Bayan ng Alphian kung saan nagkakatipon ang lahat ng mga Heroes mula sa iba't ibang mundo. Habang nasa taas siya ay nakita niya ang napakalawak na lupain at magagandang tanawin maging mga nilalang sa libro ng World Library niya lang nabasa, syempre Isa na ang dragon na kaniyang sinasakyan. Pagdating sa bayan ay nagtungo agad sila sa Registration Hall. Dito nagpaparehistro ang mga hero na kakarating palang sa mundo ng Alphian. Siya ay pang isang daang bayani na nakarating dito sa Alphian. Siya ang kauna unahang Historian na naging bayani. Kaya binigyan siya ng isang Bayan na para lamang sa kaniya. Lahat ng bayani sa mundo ng Alphian ay may isang bayan na pinamamahalaan, Siya ay sa pang isang daang bayan, ang Bayan ng Masador. Pinalitan ito ni Jin Kurie, at tinawag na Library of Heroes.

At mula ngayon, isusulat ko ang kasaysayan ng mga bayani noong sila ay nabubuhay pa at ilalagay ko dito sa Library of Heroes.