webnovel

1 Mythical Race and Legendary Class

" Welcome sa Alpha World..." ang bumungad sa lahat ng player sa loob ng waiting room nang naging zero na ang timer. Ito ang pagsisimula ng larong Alpha World.

" Ako ang isa sa mga Game Master sa larong ito, at ang trabaho ko ay ang e welcome kayong lahat at ipaalam sa inyo ang mga pangunahing impormasyon tungkol sa larong ito." sabi ng Game Master na boses lang ang naririnig at hindi nila nakikita.

Ipinaliwanag ng Game Master ang tungkol sa larong Alpha World, " ang larong ito ay isang Virtual MMORPG na nakaset up sa isang mundo na tinatawag na Alpha. Ang mundong ito ay binubuo ng 10 malalaking kontinente, at ang bawat isang kontinente ay kinukuntrol ng isang makapangyarihang race sa mundo ng Alpha. Bawat isang player ay magkakaroon ng pagkakataon na palitan ang kanilang race at class sa pamamagitan ng pakikipagsapalaran. Mahalaga ito sapagkat may malaking kinalaman ang race sa lugar kung saan ka magsisimula o ang starting point ng isang player. Halimbawa, kung ang race ay human, magsisimula ang player sa Erun, Town of Beginning, sa kontinente ng Homon na kinukuntrol ng mga tao. Bawat isang player ay magsisimula sa level 1 at kailangan ng experience points o XP para maglevel up. Ang XP ay makukuha sa pamamagitan ng pagpatay ng monsters, pag completo ng quest o pwede ring sa mga achievements. Mayroon ding mga items na magagamit sa pakikipaglaban, pagtatatrabaho at maging paglalakbay. Ang mga item na ito ay mula sa common rank hanggang sa mythic rank katulad ng mga class. At panghuli, bawal maglaban, lalo na ang pumatay sa loob ng mga city, maliban nalang kung naka PvP mode o duel mode. Pweding pumatay sa labas ng city, subalit mayroon itong penalty." pagpapaliwanag ng Game Master sa lahat ng mga player.

" Simulan na natin ang laro, kapag tinawag ko ang inyong pangalan ay mangyaring pumasok sa loob ng magbubukas na pintuan. Hihintayin ko kayo dito sa loob ng room para sa karagdagang impormasyon. Ang pagtawag sa inyong pangalan ay nakabatay sa pagkakasunod sunod sa account number na nasa inyong game card." sabi ng Game Master. Tinawag niya ang pangalan ng unang player, " Alpha_00001, Darius Lucas Mer, mangyaring pumasok sa pintuan." Biglang may bumukas na pintuan at dito ay pumasok ang unang player na si Darius. Pagkapasok ni Darius ay muling nagsara ang pintuan.

Kalahating oras ang lumipas at tinawag na ang kasunod na player. " Alpha_00002, Alexander de Madera, mangyaring pumasok sa pintuan." At naglakad si Alexander patungo sa pintuan at nagsara ito pagkapasok niya. Bumungad kay Alexander ang isang tunnel na may mga ilaw na tulad sa torch. Sa dulo nito ay may silid na ang ilaw ay napakaliwanag. Naglakad si Alexander papunta sa silid, dito ay nakita niya ang isang magandang babae.

Nakaupo ito sa itaas na bahagi ng silid na para bang nasa isang pidestal siya. May isang desk sa harap nito at may computer. Habang si Alexander ay nasa baba nakatingin sa kaniya.

Biglang nagsalita ang babae, " Welcome sa Alpha World, Ako nga pala ang Game Master na nagsasalita kanina doon sa starting point. Tawagin mo nalang akong GM_00005, at ako ang sasagot sa lahat ng katanungan ng mga player dito sa starting point." Hindi na nakapagsalita si Alexander habang nakatingin siya sa Game Master, hangang hanga siya sa kagandahan na taglay nito. Pero hindi niya alam na ang mga Game Master na may codename na GM ay mga AI o artificial intelligence at hindi totoong mga tao.

" Sabihin mo ang salitang ' Status Window ' at lalabas ang isang blue screen sa harap mo. Sabihin mo ang salitang ' Inventory ' at lalabas naman sa harap mo ang isang green screen na nagpapakita ng mga items na mayroon ka." dagdag ng Game Master.

Nagsalita si Alexander, " Status Window ", at lumabas sa kaniyang harapan ang isang blue screen na nagpapakita ng kaniyang impormasyon. Ito ang nakalagay sa blue screen:

[ Status Window

Account No.: Alpha_00002

Account Name: Alexander de Madera

Race: Human

Class: None

Occupation: None

-----------------------------------------------------------------

Level: 1

XP: 0/100

Health: 1000

Mana: 500

Physical Attack: 100

Magical Attack: 0

Defense: 100

Agility: 50

Endurance: 50

-----------------------------------------------------------------

Ability: None

Unique Ability: None

Special Ability: None

Racial Ability: None

Passive Ability: None

------------------------------------------------------------------

Namangha si Alexander sa kaniyang nakita, di niya akalain na magkakatotoo ang mga nilalaro niya dati na RPG. At siya na mismo ang nasa loob ng laro at hindi isang character o avatar. Nagsalita naman siya ng ' Inventory ' at lumabas naman sa kaniyang harapan ang isang green screen. At wala itong laman.

Nagsalitang muli ang Game Master, " ngayon ay eseset up natin ang iyong pangalan, race at class, maging ang iyong Unique Ability at Special Ability." Pagkasabi nito ay may biglang lumabas na red screen sa kaniyang harapan at ito ang nakalagay " Would you to edit your information? Yes/No." At pinindot ni Alexander ang ' Yes ' button, biglang lumitaw sa kaniyang harapan ang screen na may edit settings. " Would you like to change your name? If yes, please edit your name and press OK button, if no, then press the skip button." Pinalitan niya ang kaniyang pangalan ng Alexander the Great at pinindot ang OK button.Pagkatapos ay lumabas naman sa kaniyang harapan ang screen na may nakasulat na " Would you like to change your race randomly? Yes/No." Kailangan niyang pumili ng kaniyang race, pero ito ay random at kailangan niyang makipagsapalaran. Kaya pinindot niya ang ' Yes ' button, biglang may lumabas na roleta, na dito ay nakasulat ang mga race na pwede niyang mapili. Ito ang percentage ng mga race na pweding makuha sa roleta: Human 20%, Giant 15%, Dwarf 15%, Orc 10%, Goblin 10%, Mermaid 5%, Elf 5%, Fairy 3%, Lizardman 3%, Snakeman 3%, Harpy 3%, Druid 3%, Angel 1%, Demon 1%, Dragon 1%, Vampire 1% and Werewolf 1%. Pagkakita sa roleta ay pinindot agad ni Alexander ang roll button ng walang pag aalinlangan. Nagsimulang umikot ang roleta nang napakabilis, titigil lamang ito kapag nagsalita siya ng ' stop '. " Stop " sigaw ni Alexander at dahan dahan itong tumigil. Nanlaki ang mata ni Alexander ng tumigil ito sa Dragon na 1% ang posibilidad na makuha. " Yes, isang Mythical Race, isang maswerting araw ito para sa akin" tuwang tuwa si Alexander habang pinipindot niya ang OK button. Pagkatapos ay may lumabas na naman sa kaniyang harapan na screen, " Would you like to choose your class? Yes/No." Pinindot niya ang ' Yes ' button at isang roleta na naman ang lumabas. Random din pala pagpili ng class at ito ang percentage na pwedi niyang makuha sa roleta: Dragon God 1%, True Dragon 5%, Dragon Warrior 10%, Dragonoid 15%, Wyvern 20%, Half Blooded Dragon 25% and Normal Dragon 24%. Pinindot niya ang 'Roll' button at nagsimula na namang umikot ang roleta, napakabilis nito at tumigil ito nang nagsalita siya ng ' Stop '. Nanlaki na naman ulit ang mata ni Alexander at talagang hindi siya makapaniwala, Dragon God ang kaniyang class. Biglang lumabas sa harap niya ang screen na may nakasulat na

[ Congratulations on achieving the ' First Dragon ' unique achievement.

You have received 1000 Experience points and 1000 Golds.

Effect: Permanently increase of Physical Attack by 1000 and Agility by 500. ]

Pagkatapos nito ay may lumabas ulit na screen sa harapan niya na may nakasulat na

[ You are the second player to receive unique achievement.

You have received 1000 Experience points, 1000 Fames and 1000 Golds.

Effect: Permanently increase of Magical Attack by 500 and Defense by 500 ]

Ang occupation naman niya ay pwedi niyang makuha sa loob ng laro, ganon din ang ability. Ang Unique Ability at Special Ability naman ay na depende sa Race at Class niya, maging ang Passive Ability.

" At dito nagtatapos ang pag set up natin sa iyong impormasyon. Good luck!" sabi ng Game Master habang nakangiti sa kaniya. Biglang may bumukas na pintuan sa ilalim ng inuupuan ng Game Master. Dito lumabas si Alexander, at namangha siya sa kaniyang nakita, ang bayan ng Icarus, the Dragon Nest.