webnovel

Unang Pahina

Singhal dito, sigaw doon ingay sa paligid na hindi huni ng mga ibon kundi tunog ng mga taong nagkakagulo.

"Wala kang pakinabang hayop ka! lumayas ka sa pamamahay ko ni isang kusing wala ? Otep naman!" sigaw ng kapit bahay ko na si Aling Nenita, may sakit nanaman kasi itong si Joshella at itong si Mang Otep natanggal nanaman sa trabaho dahil sa taas ng pride.

"Hoy! ikaw na bata ka! utang na loob wag kanang mag-aral magtrabaho ka nalang! wala kang pakinabang! tingnan mo itong si Joey yung anak ni kumareng Pasita aba eh nakakapundar na ng bahay at lupa may sasakyan pa" hiyaw naman ni Aling Perla sa anak nitong si Fred nakakalungkot nakakawalang gana ang mga salitang sinabi ni aling Perla gayong hindi nito alam na itong si Joey na kanyang pinupuri ay hindi sa malinis galing ang kinikita.

"eh girl bakit naman dito mo naisipang magdorm?" tanong ng kaibigan ko ng makita nya kung anong estado sa tinutuluyan ko.

"ok naman haha, kesa naman sa bahay ako be baka mautas lang ako don sa dami ng reklamo sa buhay ng pamilya ko eh ni hindi kona nga naintindihan kung pano ako nakagraduate ng college" sagot ko, pinipilit wag magdamdam.

"Hayst... bakit naman kasi sayo na lahat? anong ginagawa ng nanay at tatay mo eh hindi naman sila ang nagpaaral sayo?" nangungunti nitong singhal. Haley Jean my best friend since I learned how to speak sabay kaming natutong lumakad dahil bukod sa magkumare ang nanay namin segundo lang ang pagitan ng pagiri samin. Kaya para nadin talaga kaming magkapatid.

"You know what best? kain nalang tayo sa labas lika dali may malapit na kainan dyan lang sa malapit" walang pasabing hinihit ko sya ng makuha ang bag ko. Tumigil lang ako sa pagtakbo ng makalabas na kami ng eskenita.

"isa din sa dahilan kung bakit ako nagtitiis sa lugar na yon ay dahil sa kailangan kong magtipid," sabi ko ng makapagbuntong hininga, hingal dahil sa pagtakbo.

"oh eh bakit naman nagtitipid ka pa girl eh pera mo naman na yan"