webnovel

Lormak,ang batang pinuno nang Tribo nang Ormak.

Gabi.Isang nakakabinging katahimikan ang bumabalot sa buong kagubatan.Mga huni nang iba't ibang mga insekto lang ang maririnig.Balot nang kadiliman ang kapaligiran at liwanag lang nang buwan ang tanging nagbibigay liwanag dito.At sa oras na ganito, ang opurtunidad nang mga mandaragit o mga mababangis na mga nilalang na maging agresibo upang umatake sa kanilang biktima.

Ngunit alam ito nang isang nilalang na nakaalerto at tahimik na nakamasid sa paligid upang protektahan ang kanyang buong Tribo.Ang Tribo nang Ormak,isang Tribo nang mga nilalang na kung tawagin ay Markun o aswang sa ibang katawagan.Ang mga Markun o aswang ay isang nilalang na malupit at agresibong mga nilalang sa mundong ito.Ang kanilang pisikal na kaanyuan nang mga lahi nang Markun ay may kalakihan at katamtamang katawan.Ang kalimitang kulay nang balat nila ay kulay abo na tilang walang mga dugo.Pero ang mas kilanlan sa kanila ay ang maraming ngipin na nakalabas sa kanilang mga bibig.

Ang Tribo nang Ormak ay isang Tribo na mula sa silangang bahagi nang Akiham na napilitang magpalipat lipat nang matitirhan upang makaiwas sa mga ibang lahi na gustong sakupin ang buong Akiham.Na naging sanhi nang unang malawakang digmaan sa mundong ito.

Alertong nagbabantay pa rin ang isang Markun sa paligid upang protektahan ang Tribo nang Ormak.Siya ay si Lormak ,isang batang Pinuno nang Tribo nang Ormak.Bata pa lang ay sinalo na ni Lormak ang bigat nang responsibilidad bilang isang Pinuno nang kanilang Tribo nang iwanan ito nang kanyang ama na dating Pinuno na umalis nang walang paalam.Dahil sa responsibilidad na ito naging isang malakas at malupit na mandirigma ang batang Pinuno.Agresibo at malupit sa pakikipaglaban.Walang kinatatakutan kahit pa ang kamatayan.Wala siyang hangad kundi ang madala ang kanyang Tribo sa isang maganda,tahimik at payapang lugar na permanente nilang matitirhan at mamuhay nang payapa dito.

Ngunit ang Akiham ay isang mundo nang pakikibaka at pakikipagsapalaran sa buhay.Alam nang batang pinuno na sa ngaun ay mananatiling pangarap muna ang hangad niya sa kanyang tribo dahil sa kanyang puso malakas ang determinasyon at pagasa na ito ay matutupad,dadating ang panahon na yun.

Naalimpungatan mula sa kanyang pagiisip si Lormak nang makarinig nang isang kaluskos mula sa isang madilim na bahagi nang kagubatan.Mahigpit niyang hinawakan ang kanyang dalawang palakol upang maghanda sa nagbabadyang panganib.Nakiramdam mabuti.Pagala gala ang mga matang matalim na nahihintay lang nang nakakaawang biktima.

Hindi nagkamali ang batang pinuno,may mga nilalang ngang nakapaligid sa kanilang buong Tribo.At tilang madami ang mga ito.Madaming madami.Nakangisi ang mga nilalang at unting unting naghagikgikan na parang nakakainsulto.Mula sa mahinang tawa hanggang napuno nang nakakabinging tawa ang buong kagubatan.

"Mga pesteng Mansulik..."tiim bagang na sabi sa sarili ni Lormak.

Ang mga Mansulik o mga Tiyanak ay isang maliit na nilalang na palaging nakatawa.Dahil sa kanilang itsura, nagkakamali ang iba na sila ay hindi mapanganib na nilalang ngunit ang katotohanan ay malupit at agresibo rin ang mga ito.

Palakas nang palakas ang tawa nang mga Mansulik.Ilang sandali lang biglang tumigil ang mga ito.Hudyat yun nang simulang pagsugod pero alam ito ni Lormak dahil marami na ring Mansulik ang nakasagupa at nakalaban niya.

"Maghanda na kayo,ngaun na sila susugod mga kasama....."sigaw ni Lormak upang hudyatan ang mga katribo.

Sumugod na ang madaming Mansulik nang sabay sabay sa buong Tribo nang Ormak.Sa dami nang mga Mansulik kung saan saan nagsusulputan ang mga ito.Halos sampu laban sa isa ang labananan.Sa dami nang kalaban nahihirapan ang mga Markun.Ngunit hindi nagpadaig ang mga mandirigma nang Tribo nang Ormak matapang nilang hinarap ang mga Mansulik.Ginamit nila ang kanilang angking lakas at kaalaman sa pakikipaglaban.Pinangunahan ni Lormak ang laban nang mga Markun,bawat hampas at taga nang kanyang palakol siguradong may isang Mansulik na nawalan nang buhay.Ngunit hindi rin magpapadaig ang mga maliit na nilalang ginamit nila ang kanilang bentahe ang kanilang bilang.Nakita ito ni Lormak unti unti silang nagagapi sanhi nang dami nang mga kalaban na halos parang hindi nauubos.Nakita Ito nang batang pinuno na pinanghihinaan na nang loob ang lahat nang kanilang mga mandirigma.Dahil na rin sa pagod, sa tumatagal na labanan at mga sugat nang mga kasama.Alam ni Lormak na kailangan niyang palakasin ang loob nang mga katribo.Mula sa paghingal dahil sa sobrang pagod,biglang sumigaw nang napakalakas si Lormak "LABANNNN PAARAAA SAAA OOORRRMMMAAAAKKKK!!!"

Mula sa kanyang malakas na sigaw tilang may mahikang pumasok sa mga katawan nang mga mandirigma nang Tribo nang Ormak.Sabay sabay din sumigaw ang lahat nang mandirigma nang Tribo

"PPPAAARRRAAAAA SAAAA OOORRRMMMAAAAKKK!!!

Dahil dito lumakas at tumibay muli ang mga loob at katawan nang mga kasama ni Lormak upang magpatuloy sa pakikipaglaban at protektahan ang kanilang Tribo.Dahil doon ay lumamang sa laban sila Lormak unti unting napaatras ang mga kalabang Mansulik.Tumakbo ang mga ito at biglang naglaho sa loob nang kagubatan.Nagsigawan ang buong Tribo nang Ormak dahil sa kanilang tagumpay.Nagtagumpay silang proteksyunan ang kanilang Tribo.Ngunit habang pinagmamasdan ni Lormak ang resulta nang natapos na labanan, hindi niya maiwasang maging malungkot dahil sa mga buhay na nawala sanhi nang labanan.Nasayang na buhay nang mga Mansulik at higit sa lahat sa buhay nang kapwa Markun.Hangad niya sa kanyang Tribo ay mapayapang pamumuhay ngunit handa siya,handa siyang ipagtanggol ito sa sinumang mananakit o sasakop dito,Siya ay si Lormak ang batang pinuno nang Tribo nang Ormak na mula sa lahi nang Markun o Aswang.