1 Prologue

January 1, 2069

Napakasaya ng mga tao noong mga araw na iyon. Maingay. Maliwanag. Walang bahid ng lungkot at problema sa kanilang mga mukha dahil bagong taon. Pati mga kapitbahay ay nakikisaya din sa pamamagitan ng paggamit ng mga paputok: kuwitis, fountain, sinturon ni Hudas, piccolo, fireworks at iba pa. Kahit 2069, na ay uso pa rin ang ganitong tradisyon nating mga Pilipino tuwing bagong taon.

Naaalala ko pa noon na may ubo ako noong araw na iyon kaya naka-face mask ako at nasa loob lang ng bahay, nakahiga habang nakatitig sa cellphone. Ngunit kahit nasa loob ako ay kitang-kita ko sila mama at papa sa bintana ng aking kwarto na masayang-masaya habang kumakanta sa videoke. Buwan ni Karlos Labajo. Sana chorus na siya ng kanta ng bigla siyang napahawak sa kanilang leeg, na para bang sinasakal, at ganoon din si papa. Si Tito. Si Lola. Lahat sila. Dali-dali akong lumabas ng bahay upang alamin kung ano ang nangyayari sa kanila ngunit huli na ang lahat. Wala na silang buhay. Tinawag ako ni Tita Martha na nasa loob din ng bahay na pumasok na ako. Bakas din sa mukha niya ang kalungkutan ngunit nagawa pa rin niyang maging kampante.

"Tita, anong nangyayari?", hagulgol kong tanong. Di ko din alam Dustine, sagot naman niya. Mas mabuti pang wag muna tayong lumabas. Napatango na lang ako sa sinabi tita. Hanggang ngayon iniisip ko pa din ang dahilan ng pagkamatay nila. Dahil ba sa ininom nila? Sa kinain nila? Di ko alam, isa lang akong estudyanteng walang ibang alam kundi ang mag-cellphone buong araw. Sinubukan ni titang tumawag ng ambulansya ngunit walang sumasagot. Sinubukan din namang tawagan ang police station ngunit wala ring sumasagot. Ano na ba ang nangyayari?

Pinilit ni tita na pagaanin ang loob ko pero di iyon gumagana. Sino ba namang ng magiging kampante kapag nakita mo na namatay ang mga magulang mo.

Tita ano na'ng gagawin natin?

Di ko alam. Bagong taon pa naman.

Sila mama, papa, paano sila?

Magiging okay din ang lahat. Basta ang mahalaga nandito at nandito ako. Matulog ka na muna at tatawag ako ulit sa ambulansya.

Pero tita...?

'Wag ng makulit. Sige na, pumunta ka na sa kwarto mo at matulog. Gigising kita bukas pag natawagan ko na ang mga pulis.

Si...Sige po.

Dahan-dahan akong pumunta sa aking kwarto na nasa ikalawang palapag. Pagkadating ko ay humiga agad ako sa kama ko at nagkumot.

Iyon ang araw na hinding-hindi ko malilimutan. Di ko mapigilang umiyak. Bakit ganoon? Kung kailan bagong taon saka nawala ang mga mahal ko sa buhay. Kung kailan bagong taon saka naman dumating itong bagong pagsubok sa buhay ko. Parang kanina lang sinesermunan pa ako ni mama dahil nakahiga lang ako. Di ko man lang nasabi sa kanila na mahal ko sila. Huli na ba ang lahat? Tulong po ninyo ako Panginoon. Patawad po sa gagawin ko. Dahan-dahan akong lumakad. Dinama ko ako ang hangin na dumadampi sa aking balat. Palamig ng palamig. Pabilis din ng pabilis. Palayo ng palayo. Palapit din ng palapit. Nandiyan na ako...

∆Author's Note

Hi guys. This is my second story na ginagawa. Sorry di ako active dito eh hahahaha. Gumagawa lang ako pag may idea ako. By the way, this story is inspired by COVID-19 and The Purge. Kung din ninyo alam iyan, search kayo sa Internet dahil doon ako kumuha ng background sa story ko hahahaha. Yung isa ko nga palang story di ko alam kung tatapusin ko pa ba o hindi. The Village ang pamagat. Please support me guys and I am open for suggestions and comments dahil bagong writer pa lang naman ako eh. Happy reading!!!

avataravatar