webnovel

PROLOGUE

"Watch your back, Agent." Agad akong napalingon sa likod ko ng marinig ko iyon kay Francine; also known as agent Lustrous.

Itinutok at kinalabit ko gatilyo ng baril na hawak ko sa kalaban na siyang nasa likod ko.

"Idiot, pare-pareho tayong agent dito."  Sabi ko rito at hinugot ang baril na nasa binti ko.

"Oo nga, pero ikaw lang ang nasa mismong battle zone. At saka tatlo lang tayong agent dito, Entice."

"Masyado kasing bilib sa atin ang nakatataas kaya tatlo lang tayong pinadala sa mission na ito." Sabi ko rito at itinutok ang dalawang baril sa magkabilang gilid ko at kinalabit ang gatilyo niyon. This wasn't the first time that we're sent in an impromptu mission

"Well," sabi nito na may pagmamayabang ang boses. I can visualize her shrugging her shoulder with a smirk in her face.

"Agent Tart, how are you there?" Tanong ko sa isa pang kasama namin na siyang may hawak sa sniper; nagbabantay.

We are all conversing through nano-pod, that made by Francine. It's nano, so it can't be seen easily. It also has an microphone in it.

"Busy snipping." Maikling sagot nito.

Muli kong kinalabit ang baril na hawak ko sa kalabang nasa harapan  ko.

"Ilan na lang sila, Lustrous?" Tanong ko kay Francine.

I asked her instead of Tart, she can see me by CCTV that she hacked by the way.

"Hmm... One.. Two.. " sandaling tumahimik ito bago muling magsalita. "Ten, dapat twenty, kaso Tart sniped them so, yeah."

Inilibot ko ang paningin. Lima silang nakapalibot sa akin ngayon. Two on the east, one on the south, north and west.

"The stage is yours, Entice." Sabi sa akin ni Tart. Mukhang napatumba niya na ang lima.

Inabot ko ang laylayan ng dress ko at pinunit iyon hanggang kalahati ng binti ko. 'There, more comfortable,'

Mabilis ang kilos na binaril ko ang nakapalibot sa akin. Nang isa na lamang ito ay saka naman ako nawalan ng bala.

Agad akong dumapa at sinipa ang paa nito na siyang dahilan ng pagkatumba nito. Nawala ang baril sa pagkakahawak nito.

"Is this the last, Francine?" Tanong ko habang sinisipa ng baril na nabitawan ng kalaban. Hinawi ko ang buhok ko at kinuha ang kutsilyong nakaipit sa holster na nasa binti ko.

"Yes," sagot nito sa akin.

Ginilitan ko sa leeg ang lalaking nakadapa sa harapan ko.

"Mission completed, nasa akin na rin ang USB." Sabi ko kay Francine. Kinuha ko ang purse na nabitawan ko at doon inilagay ang USB saka kinuha ang cellphone na siyang ginagamit ko pangaraw-araw.

Idinial ko ang numero ng ka-date ko bago ako pinatawag sa mission na ito. It was an impromptu mission. Kaming tatlo lang ang malapit sa location kaya kami ang isinalang.

Aalis na dapat ako sa restaurant kanina nang tinawagan ako ng nakatataas. Ilang segundo pa bago ako sinagot. "Hyacinth, bakit mo ako iniwan dito sa restau—"

Agad kong pinutol ang mga dapat na sasabihin niya. "We're done, I hate momma's boy." Sabi ko at pinatay ang tawag.

Kaagad kong tinanggal ang sim sa aking cellphone at tinapon iyon.

I dated him because I thought he's good, but hell! Buong date namin ay kausap niya sa cellphone ang nanay niya at kulang na lang ay i-video call ito at isama sa date namin.

Lumabas na ako sa hide out ng sindikato na naging misyon namin.

I'm tired, sana naman maayos ang maging susunod kong misyon.