webnovel

C-115: FAMILY REUNION

"Hello?"

"Kumpirmado, Boss! Kasama na niya si Dexter ngayon."

"Tingnan mo nga naman ang pagkakataon, mabuti naman kung ganu'n hindi na pala tayo mahihirapan?"

"Yes Boss, anong gusto mong gawin ko ngayon sa dalawang 'yun?!"

"Alam mo na kung ano ang dapat mong gawin sa kanila. Pareho lang naman silang basura kaya dapat na silang itapon."

"Okay Boss ako na ang bahala sa kanila may tao na ako na kikilos para doon."

"Good! Siguraduhin mo lang na mahuhuli talaga sila sa akto, maliwanag! I don't want to failed this time, okay?"

"Yes Boss areglado, hinding hindi kita bibiguin sa pagkakataong ito." Pangako nito sa Amo.

"Good, aasahan ko 'yan!"

____

Nasa salas na si Lyn ng biglang dumating si Amanda.

"Oh' saan ka galing bakit gan'yan ang itsura mo, totoo pala ang sabi ni Dessa nag-away kayo ni Chloe? Hindi ko akalain na gan'yan kalala ang away n'yo!"

"Ang walanghiyang iyon muntik lang naman akong kalbuhin!"

"Kaya pala si Bossing galit na galit rin kanina. Grabe pala talaga ang ginawa sa'yo ng babaing iyon!

'Pero saan ka ba galing bakit wala ka kanina? Hindi ko makausap ng matino ang mga taong iyon.

'Kung gaano kabilis dumating, ganu'n din kabilis nagsipulasan parang ginawang daanan lang itong bahay!" Sunod-sunod na tanong nito.

"Diyan ako galing sa tapat bahay mamaya ko na lang ipaliliwanag aayusin ko muna ito at maliligo lang ako. Nasaan nga pala ang mga bata at si Dessa nakarating ba dito sa bahay?"

"Oo pinahatid na siya ni Lester kanina pa. Ang kambal naman kasama ni Ate Liway nililinisan pa sa kusina, katatapos lang kasi namin magmeryenda!"

"Ah' sige mag-aayos muna ako baka matakot sa'kin. Mamaya isasama ko sila bumalik sa tapat bahay. Ipapakilala ko na sila sa Ama at Kuya nila."

"Ohh' sure ka?!" Gulat na bulalas ni Lyn, ngunit masaya ito para sa kanila.

"Oo alam na niya!" Tugon ni Amanda.

Saka tumalikod at dumeretso na sa pagpanhik sa itaas ng bahay.

_

"Ma'am Lyn, p'wede bang kayo muna dito sa kambal. Maliligo lang muna ako sandali." Saad ni Liway paglabas ng mga ito galing ng kusina.

"Sige Ate Liway ako na bahala sa mga cuties ko na 'yan! Dali dito kayo..." Nakangiting tawag niya sa kambal.

Lumapit naman agad ang mga ito sa kanya. Malinis na ito at napalitan na rin ng bagong damit kumpara kanina matapos itong kumain.

Magana kasi itong kumain, hindi rin maselan sa pagkain. Kaya naman madali lang pakainin 'yun nga lang medyo makalat.

Sanay na rin kasi ang mga ito na kumain mag-isa. Madali ring turuan at napaka-bibo kaya naman nakakatuwa.

Bukod pa sa malulusog ang mga itong tingnan, pero hindi naman gaanong matataba. Idadag pa na talagang napaka-cute ng mga ito.

S'yempre talaga namang manang mana sa pinagmanahan.

Hay! Hindi talaga maikakaila kung sino ang may gawa. Kung makikita kayo ng Ama n'yo sure ako, hindi na iyon magtatanong kung sino ang Tatay n'yo?

Bulong ni Lyn sa sarili, masaya siyang malaman na makikilala na ng kambal si Joaquin.

Lumalaki na rin kasi ang mga bata at hindi magandang lumaki ang mga ito na walang Ama.

Dahil alam niya ang pakiramdam ng lumaki na walang magulang.

"Ta' abas, alo ami abas!" Pabulol na saad ng isa sa kambal.

"Ta' alo ami iyel abas!" Segunda naman ng isa.

"Oh' sige na nga, maglalaro na tayo sa labas." Kahit paano nakakabuo na ang mga ito ng mga salita.

Kahit paputol putol lang at first or last words basis.

Mabilis rin naman silang matuto at maka-copy ng mga words kapag madalas na nila itong naririnig.

Sinisikap rin nila itong kausapin ng deretsong salita. Para mas madali nilang matutunan ang tamang pagbigkas ng mga salita.

Nakakatulong rin ang paminsan minsang panonood nila ng mga educational program sa internet.

"Yeheyyy!" Halos sabay pang sigaw ng dalawang bata habang nakataas pa ang dalawang kamay.

"Tala na yan, du'n yabas ali!" Tuwang-tuwa saad ni Quiyel sa kambal na si Quian.

"Oh' dahan-dahan lang huwag kayong tumakbo! Sige hindi na tayo lalabas!"

"Da-an-da-an iyel agot Ita'!" Paalala ni Quian sa kapatid na si Quiyel at kunwari namang nagdahan-dahan pa ito habang tumatawa.

Bumungisngis naman ng tawa si Quian at kunwaring nagdahan dahan rin ng lakad.

"Hmmm, kayo talaga tayo na nga!" Inakay na niya ang mga ito sa magkabila niyang kamay.

Dahil siguradong bukas pa sila makakalabas sa bagal naman ng lakad ng kambal.

Talagang malaki rin ang angking kalokohan ng dalawang makulit na batang ito.

Pagdating nila malapit sa Garden saka naman niya binitiwan ang dalawang bata.

Kayà hindi na niya napigilan ng muli itong magtakbuhan.

"Huwag kayong tumakbo baka madapa kayo Quian, Quiyel!"

"Abol iyel akbo!hihihi" Tuwang-tuwa paghabol ni Quian sa kapatid na nauna nang tumakbo.

Napatakbo rin tuloy si Lyn upang sundan ang mga bata.

Hindi tuloy sila nakita ng guard na lumabas habang papasok naman ito ng bahay. Dahil sa kabilang panig kasi ito dumaan.

Habol habol pa rin ni Lyn ang dalawang bata na tuloy tuloy sa pagtakbo at paghahabulan. Halos parehas lang kasi ang luwang ng bakuran nito sa bagong bahay ni Dustin.

Kayà naman kahit paano hindi na nanibago ang mga kambal sa kapaligiran. Sanay kasi ang mga ito sa maluwang na bakuran.

Katulad rin ng kapaligiran na kinalakhang bahay ng mga ito sa London. Kahit pa hindi kalakihan ang bahay nila doon, maluwang naman ang bakuran.

Tuloy tuloy lang ang pagtakbo ng mga ito hanggang sa makarating malapit sa gate. Kaya patuloy lang rin siyang sumunod.

Hindi naman siya nag-aalala dahil sarado naman ang gate bukod pa sa may mga guards na nagbabantay dito.

Ngunit...

Biglang napukaw ang kanyang atensyon sa tunog na likha ng paglangitngit ng gate na tila may kumalampag dito.

"Huh'?" Ilang metro lang ang layo niya mula dito at ang mga bata ay nasa malapit lang rin...

Sapat para makilala niya ang dalawang nilalang na nasa labas ng gate.

Parehong nakaharap ang mga ito at nakatingin sa dalawang bata.

Na ngayon ay parehong natigilan at nakatingin na rin sa mga ito.

"Oh' my..." Napabilis ang pagtakip ni Lyn sa bibig bago pa man may makaalpas na tili sa kanyang lalamunan. Ganu'n din ang mabilis na paglapit niya sa gate.

Tila ba naunahan na nang tadhana ang sitwasyon at wala nang makapipigil pa sa dapat na matagal nang nangyari. 

Ang nakatakdang pagkikita ng mag-aama...

"Iyel ino 'yon?"

"Amuka, a-papa mo!"

"Di, muka a-papa mo!"

"Itaaa, tawo 'yun o!" Biglang baling ni Quiyel sa likuran at balik turo sa may gate.

"Dito muna kayo sandali ha'?"

"Ino 'yun tawo?"

"Basta diyan muna kayo ha'!"

"Hi! Sinundan namin si Angela pero nakapasok na pala siya agad sa loob.

'Can we in?" Saad ni Joaquin ng makabawi na ito at nakita ang paglapit ni Lyn.

"Ah' sure sige pasok kayo, baka naliligo na si Amanda. Kasi alam mo na medyo hindi maayos ang itsura niya ngayon."

"Ah' yes I know, hindi naman niya alam na sumunod kami. Pasensya na sa abala..."

"No, it's okay! Narito na rin naman kayo tuloy kayo sa loob."

Si Lyn na ang nagbukas ng gate sa mga ito, kahit palapit na sana ang isa sa mga guard.

"Ma'am?"

"Ako na, bakit hindi n'yo sila agad pinapasok?"

"Eh' Ma'am kasi?" Tugon nito na napakamot pa sa ulo.

"It's okay naiintindihan ko naman maaaring maingat lang sila and that is good!"

"Pasensya na ha'?"

"It's okay, salamat! Ang totoo hindi ko alam na dito lang pala sila lumipat." Nagsasalita ito ng nakatutok pa rin ang tingin sa kambal.

Parang ayaw na niyang alisin pa ang tingin sa mga ito. Dahil sa takot na baka biglang mawala ang mga ito sa kanyang paningin.

"Actually ngayong araw lang rin namin nalaman na diyan pala kayo sa tapat nakatira." Napansin naman ni Lyn ang kilos niya.

"Ah' I forgot it, I'm Joaquin and you are?" Nang wala na itong masabi saka lang nito naaalalang magpakilala.

"I'm Lyn sa wakas nagkaharap rin tayo, kaibigan ako ng pamilya at s'yempre kaibigan rin ako ni Amanda." Tugon ni Lyn na sinabayan na rin nito ng ngiti.

"A, ah' p'wede ko ba silang lapitan?" Tila hindi na nakatiis pang saad ni Joaquin sa tila nangungusap na mga mata.

"Sure!"

Hindi na nila namalayan na tila nagkasundo na pala ang tatlong bata.

Nagulat pa sila ng makitang niyayakap na nang kambal ang kanilang Kuya VJ.

Habang sabay pa itong hinalikan ng dalawang bata sa magkabila nitong pisngi. Tuwang-tuwa naman si VJ sa ginagawa ng kambal.

Yakap naman ni VJ ang kambal sa magkabila nitong kamay.

Habang si Joaquin nang mga oras na iyon, wala na sigurong pinaka masaya pang Ama nang mga sandaling iyon kun'di siya lang...

Halos maiyak siya habang patuloy na pinagmamasdan ang kanyang mga Anak sa ganitong sitwasyon.

Masaya, magkakasundo habang yakap ang isa't-isa.

What a beautiful scenery that he witnessed today.

A moment that you can't never compared and exchanged to any millions or billions of gold.

The only treasures for him is to be a Father of this three little kiddo's that's why in this moments, his heart's full of fondness.

Unti-unti siyang napalapit sa mga ito at napaluhod pa sa harap ng mga bata upang pumantay siya sa mga Anak.

"Ta' Uya? Abi, Uya amin!hihihi." Saad ni Quiyel

"Tama, siya nga ang Kuya n'yo." Tugon ni Lyn.

"Abi Mama Uya, school." Saad naman ni Quian.

"Kasi umuwi na ako kaya nandito na'ko, kasi tapos na ang school." Tugon naman ni VJ na kahit paano naiintindihan ang sinasabi ng mga kapatid.

"Apos na?" Inosenteng tanong ulit ni Quian.

"Oo tapos na!" Nakangiting tugon ulit ni VJ sa mga kapatid.

"Uya elon, ulat eh'?"

"Talaga?"

"Ili Mamà ko!hihihi"

"Gusto yin, school." Saad naman ni Quiyel.

"Ako yin!" Segunda ni Quian.

"Paglaki n'yo mag-aaral na rin kayo, hindi ba Daddy?" Baling ni VJ sa Ama.

Kanina pa hindi alam ni Joaquin kung paano ba niya i-eentertain ang mga Anak. Tila nabahag ang kanyang buntot at hindi alam kung paano ba magsisimula?

Natatakot siyang magkamali at makatikim ng rejection. Nanatili lang siyang nanonood sa mga ito.

Ngunit naroon ang kasiyahan sa kanyang puso bilang Ama. Bakas sa kanyang mukha ang walang kapantay na saya at ang hindi mabaklas na ngiti sa mga labi.

Kaya nalibang siya ng husto at nagkasya na lang sa panonood sa pag-uusap ng mga Anak.

"Ah' o-oo naman s'yempre mag-aaral din kayo!" Hindi na rin niya nagawang pigilan ang emosyon.  

Kusang nalaglag ang mga butil ng luha sa kanyang mga mata.

"Adi?" Bulalas ni Quiyel.

"Akit iyak, Adi mo?" Inosenteng tanong ni Quian.

"Wag iyak, alit A-mama mo!" Lumapit pa sa kanya si Quiyel at hinaplos ang kanyang mukha.

Kaya naman hindi niya napigilan ang sarili na yakapin ito.

"A-anak ko!" Mahigpit niya itong niyakap ngunit mayroon pa ring pag-iingat na masaktan niya ito.

"Oi akit, akap iyel?"

"Halika Anak, gusto rin kitang mayakap!" Inabot niya ito at sabay na niyakap sa magkabila niyang braso.

Lumapit sa kanila si VJ at niyakap rin sila nito. Tila ba nag-group hug silang mag-aama.

"Uya iyak, adi mo?" Inosenteng tanong ni Quian.

"Hindi siya umiiyak natutuwa lang siya sa inyo, si Papa kasi e'"

Reklamo pa ni VJ sa Ama.

"Abi Ast, wak iyak!" Tugon naman ni Quiyel.

"Yes, Boy not cry Daddy said it too, right Daddy!" Saad ni VJ

"Ash di iyak." Saad rin ni Quian.

"Ash, don't cry!"

Saglit na itinaas pa ni Quiyel ang hintuturong daliri at winagayway kasabay ng pag-iling nito..

"Di iyak, apang ami." Pagmamalaki pa ni Quian.

"Hindi naman umiiyak si Papa mga anak, natutuwa lang ako kasi nakita ko na kayo." Muli isa-isa pa niya itong niyakap at hinagkan.

Iyon ang sandaling naabutan ni Amanda na patungo na ngayon sa kanilang direksyon.

"Mama!" Sigaw ni VJ na unang nakapansin sa paglabas ni Amanda.

Sinalubong ng yakap nito si Amanda.

"Mama mga kapatid ko ba sila?" Direktang tanong nito.

"Oo Anak, hindi ba sabi ko may gusto akong ipakilala sa'yo sa susunod na pagkikita natin?

'Kaya lang bago ko pa iyon nagawa, nalaman ko kanina lang na diyan lang pala kayo nakatira sa tapat bahay." Saad ni Amanda.

"Hey! Sounds strange, mukhang may pagkakasundo na kayong dalawa nang hindi ko yata alam ah'?" Saad nito habang akay ang dalawang bata.

"Mama!" Sabay namang sigaw ng dalawang bata at saka ito tumakbo palapit kay Amanda.

"VJ Anak, sila ang mga kapatid mo. Siya si Quian at ito naman si Quiyel, sa tingin mo makikilala mo kaya sila Anak?"

"Oo naman po Mama, si Quiyel po may nunal sa ilalim ng labi. Tulad ng sa iyo Mama at si Quian naman po ay may maliit na nunal sa gilid ng ilong tulad rin ng sa amin ni Daddy."

"Wow! Ang galing ng Anak ko ah' napansin mo agad 'yun?"

"S'yempre naman po Mama, we are family hindi ba?"

"Hmmm, tama Anak kaya mahal kita eh'..."

"Ehem, kayo lang ba talaga ang pamilya dito? Tayo na mga Anak, tayo na lang ang umuwi sa bahay natin. Mukhang nakalimutan na ako ng Mommy n'yo?"

"Kaw, adi Iyel?"

"Oo Anak, halika!" Binuhat pa ito ni Joaquin at saka hinagkan. "Ako rin ang Daddy mo Anak at ang Daddy ni Kuya VJ mo at Daddy n'yo rin ni Quiyel."

"Kaw Adi, amin?" Tinanguan ito ni Joaquin.

"Mukhang nakasundo mo na agad ang mga Anak ko ah'?"

"Anak mo parang hindi naman, sino bang kamukha?

'God! Bakit hindi mo man lang sinubukang ipaalam sa'kin?" Reklamo ni Joaquin.

"Nangyari na, hindi na natin maibabalik ang nakaraan." Tugon ni Amanda.

Dahil nangyari naman na talaga ang lahat at nanatiling hati pa rin ang kanyang pakiramdam.

Hanggang ngayon hati pa rin sa isip niya na parang gusto niyang magsisisi na parang hindi, na tama lang naman ang kanyang ginawa.

Kung pinili niyang manatili sa tabi nito, awkward lang ang magiging sitwasyon nila ni Liscel.

Pareho lang nilang kailangan si Joaquin ng mga panahong iyon. Alam rin niya na mahahati lang ang atensyon ni Joaquin sa kanila.

Mahihirapan lang si Joaquin na mamili sa pagitan nila ni Liscel. Kahit pa nga sila ang piliin nito, makakaramdam naman ito ng guilt para sa dating nobya at Ina ni VJ.

Maaaring iyon rin ang dahilan ni Dust kaya naman nagawa nitong paglayuin sila.

Naging maganda at maayos ang buhay nila sa tatlong taong nagdaan. Napalaki rin niya ng maayos ang kambal. Ang lahat ay dahil sa proteksyong ibinigay ni Dustin sa buhay nilang mag-iina.

Naging madali para sa kanya ang mamuhay ng tahimik at maayos. Dahil sa mag-asawang Dustin at Angelie, kay Lyn, kay Lester at maging kay Ate Liway.

Kaya ano mang isip niya hindi niya magawang maisip na mali ang lahat. Dahil kung ipinilit pa rin nilang magsama noon.

Magiging sila pa rin kaya hanggang ngayon?

Sigurado namang sa kanilang sitwasyon, hindi maiiwasan na pareho lang nilang masaktan ang isa't-isa kahit pa hindi sadya.

"Siguro tama lang na naghiwalay muna tayo." Dugtong pa niya.

"Kahit pa anong dahilan mo, mali pa rin na itinago mo sila akin? Parang gusto ko tuloy bugbugin ang Kuya mo ng dahil dito!

'Lalo na ang hindi niya pagsasabi sa'kin na dito lang pala kayo lumipat. Talagang pinahirapan pa niya ako ha'.

'Nakakainis talaga ang buwisit na iyon! Talagang gusto niya kayong ilayo sa'kin."

"Ngayon ko lang din naman nalaman at saka siguro, gusto lang munang patunayan ni Dustin na seryoso ka na talaga sa amin?"

"Wow! Talaga lang ha' at sa tingin mo hindi pa ako seryoso nito?!"

"Malay ko, akala ko nga kanina kayo ni Chloe eh' ang lakas kaya ng loob ng babaing iyon. Saka bidang bida ang dating niya sa opisina n'yo. Palagay ko nga ang alam ng lahat kayong dalawa."

"Naniniwala ka ba?" Tanong ni Joaquin. Habang pinupupog ng halik si Quian.

Habang nakatingin lang naman si Quiyel.

"Noong una, konti pero dahil sa presensya ni Liscel sa buhay mo. Ang totoo mas nalilito ako kung paano nangyari?" Magsasalita na sana si Joaquin, ngunit...

"Ato aya adi! Mama, buwat..."

"Meron Anak, nagtampo naman agad ang Anak ko. Halika nga dito nandito naman si Mama oh'.

'Nagseselos, isa lang kasi ang binuhat mo!"

"Ganu'n ba? Naku sorry Anak ah' pareho ko na silang bubuhatin!"

Hindi magkandatutong sagot ni Joaquin, aminado itong nagkamali. Dahil nakalimutan nito ang isa.

Ngayon niya na-realized ang hirap ni Angela sa pag-aalaga ng kambal. Dahil siya nga sa una pa lang kapalpakan na ang kanyang nagawa.

Ang lakas pa naman ng loob niyang magdemand!

Kinuha na niya kay Amanda si Quiyel at binuhat na rin ito.

"Kaya mo ba talaga o gusto mo nang sumuko?" Biro pa ni Amanda.

"Ano bang sinasabi mo d'yan tara na nga uwi na tayo." Saad ni Joaquin.

"Ha' ano at saan naman kayo pupunta?"

"Sa bahay uuwi na kami saan pa? Gumagabi na kaya kailangan na nating umuwi. Magluluto ka pa ng Dinner hindi ba?"

Nakangiting tugon nito at sinimulan nang humakbang.

"Aba ang galing at sinong nagsabing gusto ko nang sumama sa'yo?"

"Eh' di huwag kang sumama pero isasama ko ang mga Anak ko!" Saad nito.

"Aba at bakit?" Hindi pinansin ni Joaquin ang sinabi niya.

"VJ Anak halika na, ayaw sumama sa atin ng Mama mo kaya maiwan na lang siya dito."

"VJ?!" Pigil ni Amanda.

"Sorry Mama, but this time kay Papa ako!" Sumunod at tumabi ito sa Ama.

Habang kalong pa rin ni Joaquin ang kambal.

"Ayo, uwi?" Tanong ni Quiyel

"Wan, Mamà?" Tanong naman ni Quian.

"Oo uuwi na tayo sa bahay natin, marami akong toys ipapakita ko sa inyo maglalaro tayo gusto n'yo ba?" Masayang saad ni VJ sa kambal.

"Ige!"

"Ayo din, Iyel!"

"Oo s'yempre naman maglalaro tayong tatlo. S'yempre love kayo ni Kuya, 'di ba Papa no?"

"Oo naman, love din kayo ni Daddy mga Anak!"

"Kaw, Adi!"

"Lab, Adi!"

"Hahaha, oo naman, love kayo pareho ni Daddy." Tuwang-tuwa tugon ni Joaquin sa mga Anak.

Tuloy tuloy na itong lumabas ng gate at naiwan si Amanda na hindi agad nakakilos.

"Nakita mo 'yun? Nilayasan lang ako?" Hindi makapaniwala saad ni Amanda kay Lyn na naroon pa at nakikinig lang sa kanila.

"Bakit hindi man lang nangilala ang mga Anak ko. Nakita mo ba, sumama na agad sa Ama nila?"

"Nagtataka ka pa? Eh' halos araw araw naman ipinakikita mo sa kanila ang picture ng Ama at Kuya nila. Natural matatandaan ng mga bata iyon.

'Matatalino ang mga Anak mo, hindi naman nakapagtataka 'yun.

'Matalino rin ang mga magulang nila, ikaw rin naman ang may gusto na makilala nila ang Ama nila habang lumalaki sila hindi ba?

'Kaya sige na, huwag ka nang mag-inarte diyan at sundan mo na ang mag-aama mo. Ikaw rin sige ka, baka pagsarhan ka nila ng gate at hindi ka makapasok sa bahay n'yo?!

'Saka magluluto ka pa ng Dinner hindi ba? Sige na ipapasunod ko na lang kay Ate Liway ang mga gamit n'yo.

'Doon mo na rin patulugin si Ate Liway para may makatabi ang mga bata."

"Bakit nandito naman ako ah' ako katabi nila?" Takang tanong pa niya.

"Baka lang kasi iba ang gusto mong tabihan? Para naman walang istorbo..." Nakangisi at pilyang tugon nito.

"Lyndon!" Pero tumawa lang ito ulit at nagsign peace.

Saka ito tumakbo palayo at papasok na sana sa loob ng bahay...

"Sandali Lyn, paano ka dito mag-isa ka?"

"Ano kaba hindi na ako bata, sige na umuwi ka na gabi na okay lang ako dito! Ako na ang bahala kay Bossing, bukas uuwi ako sa kabila." Saad nito.

"Ah' sige huwag ka nang magluto, magpapadala na lang ako dito ng ulam n'yo okay?!"

Nagsign lang ito ng okay at tuloy tuloy na ring pumasok sa loob ng kabahayan.

___

Makalipas pa ang ilang segundo nagpasya na rin siyang sundan ang mag-aama.

Ano pa nga ba ang inaarte niya nakagawa na nga sila ng bata hindi ba at kambal pa!

Kung tutuusin kasal na lang ang kulang, pero ang tanong may balak ba itong pakasalan siya?

Hmmm, bahala na!

Kung kailangang pikutin ko siya e'di 'yun ang gagawin ko!

Anong ginagawa ng magaling kong Kuya? Kaya humanda siya!

Napangiti pa siya sa isiping iyon bago pa muling nagpatuloy sa pagtawid sa katapat na bahay.

Pagtapat niya ng gate agad na siyang pinagbuksan ng guard at magalang pang bumati ito sa kanya.

"Good evening Ma'am!" Papadilim na nga pala ang bilis ng oras alas sais na ng gabi.

"Good evening, ang Sir mo, susundan ko lang sana sa loob?"

"Hinihintay na po nila kayo Ma'am pasok na po kayo sa loob." Saad nito.

"Ah' okay, tuloy na ako?" Alanganin pa niyang tanong.

"Sige po, diretso lang po Ma'am."

Deretso na nga siyang lumakad papasok ng kabahayan. Kahit medyo nag-aalangan pa rin siyang tumuloy.

First time niyang makakapasok sa bahay na ito na kanina lang ay kandahaba pa ang leeg niya sa pagtanaw.

Marahil pinagawa ito ni Joaquin para sa kanila ni VJ, kaya curious talaga siya kanina na makita ito sa malapitan pero hindi naman niya malapitan.

Akalain ba niya na hindi pala matatapos ang araw na ito, na hindi lang pala siya malalapit kun'di makakapasok pa!

Pagtungtong pa lang niya sa mismong pintuan ng bahay.

Bigla na siyang nakaramdam ng kakaibang excitement.

Ang ganda sa labas ng bahay hindi lang niya agad napansin kanila dahil marami pa siyang iniisip.

Halos kapareho ito ng istilo ng bahay nila sa Batangas.

Pakiramdam tuloy niya para na rin siyang nakauwi ng Batangas.

I feel like, I'm home again!

Nakaramdam siya ng paggaan ng kalooban. Tila ba kusa ring nagbalik sa kanyang alaala ang mga masasayang araw nila sa Batangas.

Ngunit pagpasok niya sa loob bigla na lang siyang kinabahan.

*****

By: LadyGem25

     (07-06-21)

Hello Guys,

Magandang Gabi sa inyong lahat! Alam kong sobrang nainip na kayo sa paghihintay ng update. Kaya narito na po tayo ulit sana magustuhan n'yo ito.

Medyo naloka ako sa "baby talk" kaya pasensya na! hahaha...

Sana huwag kayong magsawa sa paghihintay ng bawat kabanata, hanggang sa huli.

Maraming Salamat po ulit sa inyong pagsuporta.

UNTIL NEXT CHAPTERS...

VOTES, COMMENTS REVIEWS AND RATES MY STORY GUYS PLEASE!

STAY SAFE AND GOD BLESS PO SA ATING LAHAT!

SALAMUCH

MG'25 (07-06-21)

LadyGem25creators' thoughts
Next chapter