webnovel

C-111: THE TRUTH WAS REVEALED

Mabibilis ang mga hakbang na lumabas si Dessa sa opisina ng Chief Supervisor.

Hanggang sa makarating siya sa hallway ng 5th floor. Nagpalinga linga pa siya sa paligid na tila may hinahanap.

Alam niyang hindi na maganda ang nangyayari at mangyayari pa kapag hindi napigilan si Miss Chloe pero anong gagawin niya?

Walang sino man sa opisinang ito ang gustong sumaway kay Miss Chloe. Kaya naisip niyang tawagin na si Lester pero wala ito sa labas ng opisina kahit sa buong hallway.

"Nasaan na 'yun, anong klaseng bodyguard ba 'yun? Kailangan pang hanapin, a-anga-anga siya nakakainis!"

Naikot na niya ang buong hallway ng 5th floor pero hindi niya ito makita. Ilang minuto na siyang pabalik balik ng lakad ngunit wala pa rin ito.

"Saan kaya nagpunta ang bwisit na iyon? Hay! Nakakainis ang sarap niyang sipain sa mukha. Ano kayang gagawin ko ngayon?"

Kanina pa niya ito tinatawagan pero busy ang linya nito kaya hindi niya ma-contact. Hindi rin niya matawagan si Mr. Torres. Dahil alam niya magkagalit ang dalawa. 

Nakakainis naman naturingan pa itong may bodyguard wala naman pa lang silbi! Kapag may nangyari kay Ma'am malalagot ang bodyguard na 'yan!

Hanggang sa makarating siya malapit sa may elevator, naisip niya hindi kaya ito bumaba?

Naisip rin niyang baka nasa sasakyan na ito at doon sila hinihintay.

Bahala na kailangan muna niyang bumaba at makatiyak!

Natagpuan na lang nito ang sarili na nasa tapat na nang elevator at hinihintay itong bumukas upang sumakay pababa at hanapin si Lester.

Iyon lang ang magagawa niya para kay Miss Alona. Hindi rin niya magawang labanan si Miss Chloe natatakot rin siya para sa kanilang dalawa ng kanyang Boss.

Bakit ba kasi nauwi sa ganito ang lahat paano na ngayon?

Punong puno ng kaba nitong pahayag.....

___

JOAQUIN

Matapos nilang makapag-usap ni Dust tila ba biglang gumaan ang kanyang pakiramdam.

Ang dami nilang napag-usapan ngayong araw, ah' hindi ilang oras lang pala ang nakalipas.

Ngayon mas naging malinaw na sa kanya ang lahat.

Napaniwala siya ni Chloe sa kasinungalingan nito. Bakit nga ba ang tanga tanga niya, ang tagal siya nitong naloko.

Alam naman niya na hindi ito mapagkakatiwalaan pero bakit ba naniwala pa rin siya sa lahat ng sinabi nito na puro naman kasinungalingan lang lahat.

Napakalaki niyang hangal para maniwala siya sa babaing iyon.

Bakit ba hindi niya naisip na matagal na nitong ginugulo ang relasyon nila ni Angela.

Kaya bakit pa siya magtataka na nagawa siya nitong lokohin?

Kung nalaman lang sana niya agad ang totoo noong una pa lang sana hindi na nagtagal at magkakasama na sana sila ngayon.

Sana buo na sila ngayon at magkakasama, si Angela at ang kanilang mga Anak.

'VJ Anak maghintay ka lang iuuwi ko na ang Mommy mo at may additional pa. Sigurado akong matutuwa ka sa mga kapatid mo.'

Para niyang na-iimagine ang mga mangyayari?

Ang sarap sa pakiramdam, ang saya saya ng puso niya. Para bang gusto na tuloy niyang hatakin ang oras.

Ibinigay sa kanya ni Dust ang number ni Lester ang sabi nito kung nasaan si Lester naroon din si Angela.

Naisip niyang pagdating nila sa opisina saka niya ito tatawagan.

Nasasabik na talaga siya pero konting oras na lang naman. Kailangan lang magreport muna siya sa opisina.

Kapapasok pa lang niya kaya kailangan muna niyang bumalik doon at bigyan ng instructions si Lucille tungkol sa meeting nila kanina.

Panay ang hugot niya ng malalim na paghinga napapangiti na lang si Russell sa mga ikinikilos niya mula pa kanina.

Alam nitong masayang masaya siya ngayon...

"Boss relax ka lang makakarating rin tayo doon. P'wede mo naman siyang tawagan ngayon pa lang!"

Suhest'yon ni Russell sa kanya ano pa nga ba hinihintay niya p'wede naman talaga. Bakit ba ngayon pa yata siya natataranta?

'Aaminin ko na---- super excited na talaga ako!' Bulong pa nang isip niya.

"Tama sige tatawagan ko na sila, magkakasama na kami sa wakas! Ang tagal kong hinintay ang pagkakataong ito, naiintindihan mo ba?

'Ngayon wala na talaga akong dapat pang ipag-alala at siguradong matutuwa rin si VJ." Saad niya habang idinadayal ang number ni Lester.

Ngunit busy ang linya nito...

"Bakit Boss?" Tanong ni Rusell ng bigla siyang tumigil.

"Busy! Magkausap pa siguro sila ni Dustin." Nasabi kasi nito na tatawagan rin nito si Lester pag-alis nila para alam na nito ang pakay nila.

Napabuntong hininga na lang siya..

"Sige na pagdating na lang natin sa opisina saka ko na lang ulit siya tatawagan." May bahagyang lungkot niyang tinuran.

"Buti pa nga malapit naman na tayo Boss sandali na lang....."

"Okay!"

___

LESTER

Papanhik na sana at babalik na ulit si Lester sa hallway sa labas ng opisina ng CS ng tumunog ang kanyang cellphone.

Kaya naman muli siyang tumalikod at nanatili sa may hagdanan ng 5th floor.

Kanina pa kasi siya tinitingnan ng guard sa pag-aalala na baka sitahin siya ng mga ito. Kaya naman naisip niyang lumayo muna at maglakad lakad.

Hanggang sa nakarating siya sa may hagdanan malapit lang ito sa may elevator. Naisip niyang wala naman sigurong magiging problema kasi nasa loob naman sila ng building at nasa opisina.

Kaya dito na lang muna siya tumambay pagkagaling niya sa opisina ng CS.  Tiyak naman na makikita rin niya kung sakaling pauwi na ang dalawa.

"Hello, Boss!" Agad na sagot niya sa kabilang linya ng makita na si Dustin ang tumatawag.

Nakatalikod siya sa may hallway kaya hindi niya pansin ang mga dumadaan.

"Nasa bahay ba kayo ngayon? Huwag kayong aalis diyan ha'!"

Tugon ni Dust.

"Ah' eh' ano po Boss? Kasi wala na kami sa bahay ngayon eh'!" Napakamot sa batok na sagot ni Lester kay Dust.

"Ano, bakit nasaan kayo?!" Biglang napuno ng pag-aalalang tanong nito.

"Nandito po kami ngayon sa opisina ng ARC Boss! Pinuntahan namin si Dessa."

"Ha' bakit, Ah' sandali nakausap n'yo na ba si Joaquin?" Nalilitong tanong nito.

"Ah' hindi Boss, hindi ko rin alam kasi sila Ma'am lang po at Dessa ang pumasok sa loob eh'. Para kasing pinabalik lang ni Ma'am si Dessa saka kami sumunod.

'Kakausapin yata nila ang Chief personel. Kaya sila pumunta dito parang may problema po yata si Ma'am sa office Boss."

"Ano at bakit naman siya magkakaroon ng problema du'n okay naman sa office ah'?"

"Hindi ko po gaano maintindihan si Ma'am, Boss narinig ko lang na nag-uusap sila na parang may problema. Hindi ko naman kasi matanong si Ma'am. Baka po kasi sungitan ako eh'?" Nakangisi ito kahit hindi naman nakikita ng kausap.

"Oh' sige ganito na lang hindi pa ba tumatawag sa'yo si Joaquin?"

"Bakit naman po ako tatawagan ni Mr. Alquiza Boss. Hindi rin naman niya alam ang number."

"Alam na niya dahil ibinigay ko!" Walang gatol nitong saad.

"Ano po Boss, bakit n'yo naman po ibinigay?"

"Gusto niyang makausap ang Ma'am Amanda mo kaya ibinigay ko kung saan ka mako-contact?"

"Pambihira Boss! Bakit hindi mo na lang sinabi na tumawid na lang papunta sa bahay?"

"Hayaan mo nga siya! Gusto ko ring makausap muna niya si Amanda. Kung pumayag si Ma'am mo na makipagkasundo sa kanya eh' di mabuti.

'Maswerte siya?! Pero huwag mo munang sabihin sa Ma'am mo ang sinabi ko ha'.

'Mabuti naman pala na nariyan na kayo, kapag tumawag si Joaquin sabihin mo na lang na nariyan na kayo. Okay?"

"Okay sige po Boss!"

"Sige na, pupunta na lang ako sa opisina mamaya titingnan ko kung anong problema du'n?"

"Mabuti pa nga po Boss, parang narinig ko rin kasi na nabanggit nila si Miss Chloe."

"Ano, bakit naman nila napag-usapan ang babaing iyon?" Nagtatakang tanong nito.

"Hindi ko nga rin po maintindihan Boss pero kapag may pagkakataon aalamin ko!"

"Sige gawin mo 'yan tawagan mo ako agad kapag nalaman mo?!"

"Areglado Boss!" Matapos ang ilan pang instructions na ibinilin nito kay Lester pinatay na nito ang linya.

Ngunit hindi pa man nagtatagal ng muli na namang tumunog ang cellphone nito.

"Si Alquiza!" Bulong nito sa sarili.

"Hello?"

"Hello Lester, right?"

"Yes, who's this?" Paniniguro pa rin nito kahit pa nakilala na ang kausap.

"Joaquin Alquiza! Gusto ko sanang makausap ang Ma'am Amanda mo kasama mo ba siya ngayon?

'Ang sabi ni Dustin lumipat na kayo ng bahay at hindi na sa bahay niya kayo nakatira.

'Pwede ko bang malaman ang address ng tinutuluyan n'yo ngayon?" Sunod-sunod na tanong ni Joaquin na puno rin ng antisipasyon.

"Ah' hindi na po kailangan Sir!" Sagot ni Lester.

"Ha' bakit, paano ko kayo mapupuntahan kung hindi ko alam ang address?

'Hindi mo naman siguro ako balak pahirapan na tulad ng ginagawa ng amo mo, right?!"

"Ah' hindi naman ho Sir, narito na kasi kami sa opisina n'yo Sir kaya hindi na kayo mahihirapan!

'Nasaan na ba kayo Sir?"

"Ha' ang ibig mong sabihin nariyan kayo ngayon sa opisina k-kasama mo ba si Angela?"

"Oho Sir, si Ma'am Amanda po ang kasama ko. Kanina pa kami dito Sir kausap ni Ma'am ang CS n'yo Sir!"

"Ha' bakit naman kausap niya si Mrs. Solis ano naman kaya ang pinag-uusapan nila?" Curious na tanong ulit ni Joaquin.

"Hindi ko ho alam Sir eh' pero parang may problema po yata sa negosyo ni Ma'am?"

"Ah' ganu'n ba, okay sige tingnan ko kung anong magagawa ko. Kung ano man ang problema d'yan?

'Narito na rin kami papanhik na kami ng elevator magkita tayo!"

"Sige ho Sir, sasalubungin ko na kayo malapit lang din ako sa elevator." Nagsimula na nga ulit itong humakbang papanhik ng hagdan....

"Okay!" Pinatay na ni Joaquin ang linya pagpasok niya sa elevator.

Ilang minuto na lang magkikita na sila ni Angela. Pakiramdam niya hindi sumasayad ang paa niya sa sahig ng elevator. Para siyang nakalutang sa sobrang excitement.

Sabik na sabik na talaga siyang mayakap itong muli. Kapag nakaharap na niya ito yayakapin niya ito ng mahigpit wala na siyang pakialam kahit nasa opisina sila.

Ano bang pakialam nila opisina ko naman ito.

"Excited ka Boss ah'!"

"S'yempre naman ang tagal kong hinintay ang pagkakataong ito na makasama namin siya ulit!

'Tapos hindi lang pala siya may bonus pa, kung papayag nga siya pakakasalan ko na siya agad, kahit bukas!"

"Wow! Grabe ka talaga Boss!"

Natawa na siya ng may tunog, tunog na nakakahawa ang saya.

Ngunit mas higit na nakaagaw ng kanilang pansin ang tunog na nagmula sa elevator. Hudyat na nakarating na sila sa 5th floor.

Tila ba biglang nagkaroon ng pakpak ang kanyang mga paa na tila ba handang handa nang itong lumipad palabas...

___

DESSA

'Ano ba ito, kung kailan naman nagmamadali ka bakit ba maski yata ang elevator ayaw pang makisama sa kanya?'

"Bumukas na kayo please!" Bulong ni Dessa, dalawa ang elevator doon ngunit parehong loaded.

Pabalik balik siya sa dalawang elevator hanggang sa tumapat na siya sa isa, na sa tingin niya may lalabas dito sa 5th floor ayon sa monitor nito.

Bumukas ka na please...

Ting!

Ayun.

Bumukas na nga ito sa harap niya lulan nito ang isang napaka gwapong lalaki na naka-gray suit at sky blue na long sleeves polo.

Na kahit hindi na maayos ang pagkakasuot nito ngayon. Hindi man lang nakabawas sa taglay nitong kaguwapuhan.

Nagulat pa si Dessa ng bigla itong magsalita ngunit lumagpas sa kanya ang tingin nito.

"Lester!"

"Sir Joaquin!"

Sa tingin ni Dessa napagitnaan siya ng dalawang lalaking nag-uusap. Ngunit mas higit na tumimo sa isip niya ang nagsalita sa kanyang likuran. 

Huh' si Lester? Tila muling nanumbalik sa kanya ang totoong pakay!

Mabilis ang kanyang naging pagkilos nawala na sa isip niya ang lalaki sa elevator.

Bigla kasi siyang bumiling sa kanyang likuran. Kaya hindi na niya nakita ang pagkabagot sa mukha ni Joaquin. Dahil bigla kasi niya itong naharangan at naunahan sa pagsalubong kay Lester.

"Lester, saan ka ba nagpunta kanina pa kita hinahanap ah'! Halika na, kinakatay na si Ma'am sa loob bakit ngayon ka lang nagpakita?!"

"Ano bang pinagsasabi mo diyan Dessa?!" Pabulyaw na saad ni Lester, bigla na rin kasi itong kinabahan.

Dahil ang katumbas ng sinabi nito ay ang malinaw niyang kapabayaan. Hindi ito maaari!

"Basta halika na tulungan natin si Ma'am! Baka kung ano na ang nangyayari sa kanya sa loob?" Saad ulit ni Dessa.

"Sandali anong nangyayari?" Pagkalito naman at pag-aalala ang mababakas sa mukha ni Joaquin.

"Linawin mo nga Dessa!"  Punong puno ng pag-aalala na sigaw na ni Lester.

"A-ano po kasi, si Ma'am Alona pinagtutulungan na nila sa loob kasi...!" Hindi na nito natapos ang sasabihin at nagulat na lang sa reaksyon ni Joaquin.

"ANO? DAMN IT! ANONG GINAGAWA NIILA..."

Mabilis na tinakbo  at tinahak ni Joaquin ang hallway patungo sa opisina ng CS.

Alona Santillian, ang sabi ni Dust ito ang gamit niyang pangalan ngayon. Kaya hindi na rin siya nagtanong alam niyang si Angela ang tinutukoy nito.

"Bwisit, nalintikan na! Bakit hindi mo ako tinawag agad?!"

Patakbo rin sumugod si Lester kasunod si Rusell na napailing na lang sa nangyayari.

Napabuntong hininga na lang si Dessa at walang nagawa kun'di sumunod na rin sa kanila.

Pagdating sa bungad ng CS office naabutan pa ng tanaw ni Joaquin ang nagmamadaling pagpasok ng mga guards.

Nangangahulugan lang na may kaguluhan nga na nagaganap sa loob.

Biglang nagngalit ang ngipin ni Joaquin sa nakikita niyang sitwasyon.

Anong nangyayari?!

___

SA LOOB NG OPISINA

"Ano ba, sinabi nang bitiwan n'yo akooo!" Pilit na kumakawala si Amanda sa pagpigil ng tatlong empleyadong may hawak sa kanya.

"Huwag n'yo siyang bibitiwan sasamain kayo sa'kin!"

"Alam n'yo ba, kung ano ang ginagawa sa babaing haliparot at malanding tulad ng babaing ito?

'Sa isang kabit!"

"A-anong gagawin mo, bitiwan n'yo ako ano baaahh?!"

Ngunit humalakhak lang ito at nagpatuloy....

"Chloe, please....." Nagsimula na siyang kabahan desperado na rin siya!

Ngunit lalo pa itong tumawa.

"Ano pa ba sa tingin mo ang gagawin ko? Dahil ito ang bagay sa'yo!"

"HUWAAAG!" Malakas niyang sigaw.

Dahil walang salitang hinatak ni Chloe ang harapan ng kanyang damit na naging dahilan ng pagturitan ng mga bitones nito kung saan saan.

Shock ang lahat sa ginawang iyon ni Chloe hindi ito inasahan ng lahat. Kaya wala isa man ang nakakilos para maawat ito.

Ngunit mas nakakagulat ang mga sumunod na pangyayari.....

Humangga sa pandinig ni Joaquin ang sigaw ni Amanda.

Ang eksenang inabutan nito ng mga sandaling iyon. Ang babaing kanyang pinaka-mamahal hawak ngayon ng dalawang babae at isang lalaking empleyado ng ARC.

'Habang sa harap nito si Chloe na tuwang-tuwa na hinatak ang harapang damit ni Angela upang ipahiya talaga ito sa lahat?

"HINDI!"

"ANONG GINAGAWA N'YO?!"

Malakas niyang sigaw na ikinagulat ng lahat ng naroon at sabay sabay na napalingon sa kanyang direksyon...

"Joaquin?" Nagitlang bigkas ni Chloe.

Biglang sumulak ang galit ni Joaquin at hindi na nito nagawa pang pigilan ang sarili!

"MGA PUT***INA N'YOO!"

Kung gaano karahas ang kanyang bibig ganu'n rin karahas ang kanyang naging paghakbang.

Punong puno ito ng galit sa dibdib, kaya inilang hakbang lang nito ang paglapit kay Angela.

Kasabay ng mabilis na paghubad niya sa suot na coat.

Gulat na gulat naman si Chloe nang makita nito ang presensya ni Joaquin. Hindi nito inaasahan na ganito ang mangyayari.

*****

By: LadyGem25

     (06-13-21)

Hi Guys,

Alam kong magrereklamo kayo sa maikling update.

Pero sana magustuhan n'yo pa rin, may kasunod pa ito. Inaayos ko lang muna bago ipost.

Maraming Salamat ulit sa inyong suporta sana i-review at bigyan ng rates ang story na ito. Need rin po natin 'yan!

VOTES, COMMENTS, REVIEWS AND RATES MY STORY GUYS PLEASE!

KEEP SAFE AND HEALTHY EVERYONE GOD BLESS PO SA ATING LAHAT.

SALAMUCH...

MG'25 (0613-21)

= Have some idea about my story? Comment it and let me know.

LadyGem25creators' thoughts
Next chapter