webnovel

C-108: THE SHOCKING CONFRONTATION

Kanina lang niya naintindihan ang ibig ipahiwatig ni Gavin. Ibang klase rin ang pinsan niyang iyon.

Kaya pala todo bilin sa kanya ng bwisit na 'yun! Alam na niyang dito rin nakatira si Joaquin pero hindi nito sinabi sa kanya.

Kaya naman sigurado rin siya na alam din ito ni Dust.

Pero si Lyn hindi niya alam kung paniniwalaan ba niya ito na hindi nga ba nito alam?

"Ha' ano? Sino 'yung nakatira sa tapat bahay natin?!" Gulat na tanong nito napatayo pa ito at saka sumilip sa bintana.

"Sigurado ka bang hindi mo talaga alam?" Hindi na niya natiis na hindi itanong.

"Hindi talaga maniwala ka man o hindi, pero alam kong mag-ama 'yun nakatira diyan sabi ni Manong guard. Mula kasi ng lumipat sila Dustin sa kabila hindi na ako napunta ulit dito.

'Bakanteng lote pa 'yan nang umalis sila dito at ang alam kong may-ari ng lote na 'yan ay 'yung transgender na fashion designer.

'Madz Soliven yata ang pangalan niya may bahay din 'yun sa kabilang street. Kaya nga ang akala ko sa kanya din ang bahay na 'yan at may mag-ama lang na diyan muna pinatira."

"Ah' ganu'n ba, kaya naman pala? Malapit si Tita Madz sa mga Alquiza kaibigan rin siya ng Pap... ah', I mean ng Papa ni Joaquin.

'Pero sigurado akong alam ni Gavin na sila ang nakatira diyan.

'Kaya maaaring alam din 'yun ni Dust. Saka teka sandali mag-ama, bakit mag-ama lang?!"

"Tama, maaaring alam nga nila pero sigurado naman ako na naghahanap lang si Boss ng tiyempo para sabihin 'yun sa'yo?" Paiwas na sagot nito at halata rin na pinagtatanggol nito si Dust.

"Tiyempo, sigurado ka ba? Parang ang dami naman talagang inililihim sa'kin ng Boss mo ah'."

"Huwag mo nang isipin 'yun, may dahilan naman si Bossing kung bakit niya 'yun nagawa sa'yo."

"Hmmm, diyan ka na nga muna, titingnan ko lang muna kung anong lunch natin." Naalala niyang tanghali na, siguradong naghahanda na nang lunch ang mga kasambahay.

"Okay sige sarapan mo ah' alam mo bang lahat kami doon hindi nakakain kahapon wala ka na kasi sa bahay." 

"Bakit dinala ko ba 'yung rice cooker, hindi naman ah'?"

"Ikaw talaga, magluto ka na nga!"

Bahagya niya itong tinawanan bago niya ito iniwan na sa salas.

Tama ayaw na muna niyang dagdagan pa ang galit niya kay Dust. Dahil baka hindi na niya ito mapatawad pa at makalimutan na niya ang mga magagandang pinagsamahan nila.

____

Pagdating nila sa Falcon building natanaw na niya agad si Dessa na naghihintay sa labas sa ibaba ng building.

Gaya ng dati hindi pumayag si Lester na hindi niya ito kasama. Hindi na lang siya nakipagtalo pa, dahil alam naman niyang hindi niya ito malulusutan.

Pagdating sa bagay na ito hindi niya ito kontrolado si Dustin pa rin ang sinusunod nito.

Pagbaba niya ng sasakyan nakita na rin siya ni Dessa at agad na nilapitan.

"Good afternoon po Ma'am!" Agad na salubong na pagbati sa kanya ni Dessa.

"Hinintay ko na po kayo Ma'am nahihiya na po kasi akong bumalik ng mag-isa eh'."

"Bakit ka naman mahihiya Dessa wala naman tayong ginawang masama ah' meron ba o baka may ginawa ka ba?" Paniniguro pa niya dito.

"Naku Ma'am, wala po talaga! Dumating po ako dito naka-pull out na po tayo."

"Ganu'n naman pala eh' at saka 'yun na nga eh' nakakainis at nakakainsulto sila wala naman tayong ginawa! Pero imbes na tayo ang magwithdraw sa kanila tayo pa ang na-pull out.

'Pagkatapos malalaman ko pa na may tao sa likod nito?"

"Pero Ma'am kinakabahan naman po ako sa inyo! Hindi n'yo naman po balak makipag-away sa kanila, hindi po ba?"

"Hindi! Bakit naman ako makikipag-away kakausapin ko lang sila at s'yempre may gusto lang akong malaman. Kaya sige na halika na!"

"Okay po Ma'am!"

____

Pagdating nila sa itaas deretso sila ng CS office, naiwan na si Lester sa labas at silang dalawa na lang ni Dessa ang pumasok sa loob.

"Good afternoon po Ma'am Chit, narito po ako ulit kasama ko na po ang...." Hindi na siya nito hinintay na matapos sa sasabihin agad na itong nagsalita.

"Oh' bakit narito ka na naman may nakalimutan ka pa ba? Ibinigay ko na sa'yo lahat ng kopya ng kailangan mo ah' para nga hindi ka na bumalik!" Tila may pagkayamot na tugon nito.

"Eh' Ma'am kasama ko po kasi ang Boss ko narito po siya."

"Bakit mo pa siya sinama dito hindi naman na magbabago ang pasya namin na i-pull out kayo at saka nagbabawas talaga kami ng mga kliyente masyado na kasing marami." Tugon ulit nito na para bang hindi siya nakikita at wala siya sa harapan nito.

Imposible namang hindi siya nito nakikita, naliliitan ba ito sa kanya? Gayung alam naman nito na naroon lang siya. Hindi rin nito magawang tumingin sa kanya ng maayos at tila ba nakaismid pa ito.

Iba ang kanyang pakiramdam para bang may kakaibang tingin ito sa kanya na hindi niya alam at hindi maintindihan.

Isa pa may isang babae na, napansin niyang bigla na lang tumawag sa phone ng makita sila nito. Malakas pa rin ang kutob niya kahit hindi pa siya sigurado.

Maaaring may kaugnayan sa kanila ang tawag nito? Hindi na rin tuloy niya natiis na hindi umimik at magsalita.

"Good afternoon po Ma'am, gusto ko lang naman po talaga kayong makausap. Ano po ba talaga ang nangyari may problema po ba at bakit kailangan n'yo po kaming i-pull out?" Singit na niya sa pag-uusap ng mga ito.

Para kasing binabalewala siya nito o sadyang nais nitong hindi siya pansinin.

"Hindi pa ba malinaw ang sinabi ko sa assistant mo?

'Naipaliwanag ko na sa kanya ang lahat at sa tingin ko naman nasabi na rin sa'yo ng assistant mo ang lahat ng tungkol dito.

'Kaya wala na akong dapat pang sabihin, mas makakabuti kung maghanap na lang kayo ng ibang malilipatan.

'Kung gusto n'yo ng karagdagang paliwanag? P'wede bang sa ibang araw na lang kayo bumalik.

'Hindi ko na kasi kayo magagawa pang harapin sa ngayon. Dahil marami kaming ginagawa at hindi kami dapat mag-aksaya ng panahon, kaya sige na bumalik na lang kayo sa ibang araw."

"Excuse me po Ma'am, hindi n'yo ba naisip na pare-pareho lang naman po tayong naaaksaya ang oras ngayon at naaabala?

'Huwag po kayong mag-alala Ma'am, hindi ko naman balak na ipagsiksikan pa ang sarili namin sa inyo.

'May mga gusto lang sana akong malaman at itanong sa inyo kaya sandaling oras lang ang hihingin ko." Maayos na pakiusap pa rin niya kahit nakakaramdam na  siya ng inis.

"Palagay ko hindi na kailangan nasabi ko na sa assistant mo ang lahat ng dapat mong malaman. Kaya kung maaari naman sana tanggapin n'yo na lang ang naging desisyon ng kompanya."

"Desisyon ba talaga ito ng kumpanya n'yo parang napaka unfair naman po yata na wala kaming makitang magandang paliwanag. Dahil ba maliit na expenses lang ang nakukuha n'yo sa amin kaya kami ang napili n'yong i-pull out? Kung ganu'n pala maaari bang kausapin ko na lang muna ang CEO n'yo! Kung ito nga ba talaga ang desisyon ng kompanya n'yo?"

"Miss pinagdududahan mo ba kami? Ang mga ganitong bagay hindi na kailangan iparating pa sa nakakataas.

'Saka siguro naman alam n'yong sobrang busy ni Mr. Alquiza para magawa pa niyang harapin kayo.

'Kaya naman hindi na natin siya dapat na abalahin pa at saka hindi rin naman niya kayo mapapansin." Saad pa nito sa tila ba nakakainsultong paraan.

Tiningnan pa siya nito mula ulo hanggang paa. Kaya naman lalo lang nag-umigting ang pagkainis sa kanyang sistema.

"Ma'am wala naman po sigurong masama kung hangarin kong makausap ang Boss n'yo. Kung hindi man niya ako bigyan ng panahon problema ko na 'yun!

'Bakit hindi n'yo na lang kaya ituro sa akin kung nasaan ang kanyang opisina at para hindi na rin po kayo maabala, ako na po ang kakausap sa kanya."

"Tila ang lakas naman yata ng loob mo akala mo ba may magagawa pa ang paglapit mo sa kanya.

'Nagdecide na kami na i-pull out kayo at hindi na iyon magbabago pa, kahit kausapin mo ang CEO!" Tugon nito sa malakas ng boses.

"Saka Ma'am wala rin po dito si Mr. Alquiza lumabas po siya kanina at hindi pa bumabalik." Nakisali na rin ang isa pang empleyadong lalaki na naroon ng mga oras na iyon.

"Ma'am tayo na po!" Nataranta namang bulong na sa kanya ni Dessa.

"Hindi! Hindi tayo aalis dito hangga't hindi natin nakakausap ang Boss nila. Kahit maghintay pa tayo ng matagal." Sadyang inilakas pa niya ang boses at itinaas ang kanyang noo.

Desidido na talaga siyang maghintay kahit ano pa ang mangyari! Nasagad na kasi ang pasensya niya. Dahil sa lahat ng ayaw niya yung pakiramdam na minamaliit siya.

Habang sa isip niya wala siyang ginawang masama kaya bakit naman siya yuyuko at susuko sa mga ito?

"Aba at talaga nga pa lang malakas ang loob mo! Hindi ka ba marunong mahiya may pinag-aralan ka naman siguro hindi ba?" Mataginting na salita nito na maaaring kanina pa rin naiinis sa kanya.

Pero wala siyang pakialam naumpisahan na niya kaya naman pangangatawanan na niya ito kahit na ano pa ang mangyari!

"Misis, ang sabi ko lang po gusto kong makausap ang Boss n'yo at sa tingin ko hindi na kailangang pag-aralan pa 'yun!"

"Gan'yan ba talaga kakapal ang mukha mo para sagot sagutin mo ako?

'Ngayon hindi na ako nagtataka kung bakit binitiwan ka ni Mr. Torres kakaiba naman talaga ang ugali mo!"

"Ma'am wala pong kinalalaman ang pagbitaw sa'kin ni Mr. Torres sa pinag-uusapan natin ngayon. Labas po ito sa personal kong problema."

"Kaya nga binibitiwan ka na nang ARC dahil sa pagbitaw sa'yo ni Mr. Torres at dahil sa hindi magandang reputasyon na nalaman namin tungkol sa iyo!"

"Hindi magandang reputasyon? Eh' di lumabas din ho ang totoo pine-personal n'yo po ako. Dahil lang sa may isang tao na nanira sa akin kaya ni-reject n'yo kami!

'Alam ba nang Boss n'yo ang ginagawa n'yong ito sa kliyente n'yo?" Tanong niya na puno pa rin ng pagtitimpi.

"Bakit naman kailangan pa niyang malaman?"

Sabay-sabay pa silang napalingon sa pinanggalingan ng tinig.

"Ma'am Chloe!" Tila natataranta pang lumapit dito ang babaing kausap nila. Muntik pa siyang mabunggo nito kun'di pa siya maagap na nakaiwas.

Hmmm, anong meron? Tanong sa isip niya.

Isang tiyorya ang tila naglaro sa kanyang isip. Kasabay ng isang tanong, sila na ba?

Ah' kaya ba malakas ang babaing ito dito at nagawa nitong sirain siya at ipaalis dito ng ganu'n lang kadali?

Bwisit ka Joaquin! Huwag kang magkakamaling kampihan ang babaing ito sa harap ko. Dahil talagang sasamain kayo sa'kin.

Pakiramdam niya daig pa niya ang pinagtaksilan. Kahit pa nga malinaw naman sa kanyang isip na wala silang relasyon.

Kailangan pa ba nila ng relasyon may Anak sila dalawa pa, ah' hindi tatlo. Nagpaubaya siya kay Liscel pero hindi sa babaing ito!

Hindi ba noong isang araw lang nakipaghalikan pa ito sa kanya?

Ang walanghiyang lalaking iyon humanda kayo sa'kin... 

Puno ng pagbabanta ang isip niya ng mga oras na iyon.

"Bakit naman hindi?" Matatag niyang tanong sa kaharap na niya ngayong si Chloe. 

Kung noon nagagawa siya nitong sindakin, hindi na ngayon.

"Kung ako sa'yo aalis na ako ng tahimik para naman hindi ka na mapahiya." Maarteng tugon nito.

"Bakit naman ako mapapahiya? Wala naman akong ginawa na dapat kong ikahiya." Taas noo niyang tinuran.

"Ibang klase rin talaga ang kapal mo! Alam mo bang si Joaquin mismo ang nagpaalis ng services nila sa inyo?

'Dahil sa nangyari sa kanila ni Dustin noong isang gabi. Ayaw na niyang magkaroon pa ng kaugnayan sa iyo kaya iniutos niyang i-pull out kayo dito!

'Kaya kung ako sa'yo hindi na ako aasa sa isang bagay na imposible namang mangyari.

'Siguro naman malinaw na sa'yo ang ibig kong sabihin, kaya umalis na kayo dito. Huwag mo nang hintayin na si Joaquin pa mismo ang magpalayas sa'yo!"

Hindi niya alam kung totoo ba ang sinabi nito at kung maniniwala ba siya o hindi?.

Kaya naman ilang segundo rin ang lumipas na nanatili lang siyang nakatingin kay Chloe.

Saglit na inaanalisa pa niya kung tama ba na makinig na lang siya sa sinabi nito? Kagaya rin noon, bigla niyang naalala na minsan na siyang nilinlang nito.

Nasaan na ba ang tapang na inipon niya kanina para harapin ito ngayon?

Bakit ngayon pakiramdam niya mas gusto pa niyang umiyak na lang ng dahil sa mga sinabi nito sa kanya.

Bakit ba para siyang nasasaktan sa mga sinabi nito?

'Ano ka ba Amanda paiiralin mo na naman ba ang kahinaan mo?

'Hindi, huwag ngayon hindi ka dapat magpakita ng kahinaan sa harap ng babaing ito.'

'Lalo ka niyang pagtatawanan! Mula noon hanggang ngayon, kayang kaya ka pa rin ba niyang talunin.'

'Hindi ka dapat pumayag, hindi na ikaw ang dating Angela may sarili ka nang pagkatao. Dahil ikaw na ngayon si Amanda at hindi ka na dapat nagpapasindak pa sa kanya.' Lìhim na kastigo niya sa sarili.

"Bakit naman ako maniniwala sa iyo, sino ka ba?" Lakas loob na niyang tanong.

"Huwag kang magpanggap na hindi mo alam kung sino ako sa buhay ni Joaquin. O baka naman may amnesia ka na naman at nakalimutan mo na?

'Sabagay d'yan ka nga pala magaling sa pagpapanggap, hindi ba? Dapat yata ako pa ang magtanong.

'Sino ka na nga ba, Angela ba, o Amanda pero bakit ngayon ikaw naman si Alona?

'Sino ka nga ba talaga, sa dami kasi ng ginagamit mong pangalan nakakalito na rin ha' at nakakairita!" Dugtong pa nito na tila gusto talaga nitong ipahiya siya.

"Ano ba ang pakialam mo, buhay ko ito kaya wala kang pakialam!"

Hindi na tuloy niya nagawa pang magtimpi at napalakas na rin ang kanyang boses ng dahil sa inis.

"Aba, Ma'am huwag po kayong sumigaw wala po kayo sa sarili n'yong opisina. Nobya po ni Mr. Alquiza ang kausap n'yo kaya sana naman magbigay galang naman kayo!" Sabat ulit ng isang empleyadong lalaki na naroon.

Biglang napataas tuloy ang kanyang kilay sa loob loob niya, mga sipsip!

"Narinig mo, hindi ako, kung sino lang dito. Kaya kung gugustuhin kong paalisin ka magagawa ko ano mang oras na naisin ko!"

"Ah' ganu'n ba, ano naman kung nobya ka ng CEO, kailan pa ba nagkaroon ng batas na bawal sigawan ang nobya ng CEO na nag-utos na ipa-pull out ang kliyente nila sa mga sipsip niyang alipores?

'Kasuhan mo na lang ako kapag meron na ha' pero ngayon kung gusto ko mang sumigaw, sisigaw ako!

'Sila na rin ang nagsabi, hindi ito ang opisina ko at ni-reject na kami dito! Kaya wala nang silbi na magbigay pugay pa ako sa mga katulad n'yo.

'Pasensya na ha' pero hindi ako ipokrita at hindi rin ako sipsip na tulad ng mga alipores mo na maninikluhod sa'yo na parang aso!

'Saka narinig ko nga nobya ka, nobya ka lang hindi asawa! Pero kung pumapel ka wagas...

'Anong malay mo naman mag-iba pa ang ihip ng hangin at ang swerte liparin sa'kin! Ano kaya sa palagay mo?" Sadyang iniinis niya ito.

"Hindi, hindi mangyayari 'yun! Dahil aalisin muna kita sa landas ko buwisit kaaa!" Galit nang sigaw nito sabay tulak sa kanya.

"Ayyy! Naku po, Ma'am." Mabuti na lang maagap siyang nasalo ni Dessa at napigilan pa nito ang muntik na niyang pagsadsad sa sahig.

Ngunit hindi pa rin siya nagpatalo, hindi inasahan nito na agad siyang makakabawi. Gigil na itinulak rin niya ito at wala na rin siyang pakialam mali man ang kanyang ginawa.

Ngunit agad naman itong nasalo ng sabaderong empleyado. Kaya hindi man lang ito nasaktan.

Nakakainis!

Reklamo ng isip niya, halos magngalit ang ngipin niya sa sobrang inis ng mga sandaling iyon...

"Ma'am tama na po, umalis na tayo dito!" Pakiusap na ni Dessa.

Napabuntong hininga na lang siya at pilit kinalma ang sarili.

Tatalikod na sana siya upang sumang-ayon na lang kay Dessa.

Subalit nagulat siya ng bigla na lang may humila sa kanyang buhok.

"Halika ditong hayup kang punyeta ka!"

Hindi rin niya inasahan na gagantihan rin siya ni Chloe.

Dahil sa bilis ng pangyayari wala man lang siyang nagawa ng hilahin siya nito at pasubsob na idinukdok sa ibabaw ng mesa.

"Ayyy, naku po... Ma'am Chloe tama na po maawa po kayo kay Ma'am Alona!"

Puno ng pag-aalala at naiiyak nang pakiusap ni Dessa.

"Huwag kang makikialam kung ayaw mong pati ikaw tamaan sa akin, bwisit ka!

"Ma'am pakiusap tama na po aalis na lang po kami. Tama na po Ma'am!" Labis labis na ang pakiusap nito.

Habang nakadukdok pa rin siya sa lamesa at walang magawa para ipagtanggol ang kanyang sarili.

Hindi siya makagalaw, bukod kasi sa nakasusob siya sa mesa nakatukod rin ang tuhod nito sa likod niya.

Hindi p'wedeng ganito bulong niya sa sarili, ngunit kahit anong gawin niya hindi niya maigalaw ang katawan.

Lalong idinidiin nito ang tuhod sa kanyang likod sa tuwing tatangkain niyang gumalaw.

Bukod pa ang pagdiin ng dibdib niya sa gilid na bahagi ng lamesa at nasasaktan na siya.

Dahil dito kailangan niyang itukod ang kamay upang hindi siya gaanong masaktan.

Ang mga paa naman niya ang bumabalanse sa buo niyang katawan para hindi siya tuluyang bumagsak.

Nahihirapan na talaga siya pero wala siyang magawa.

Buong buhay niya hindi siya nakipag-away, hindi kasi siya kasing tapang ni Amara.

Noon sa tuwing may mambubuli sa kanya sa school si Dustin ang nakikipag-away para sa kanya.

Hindi nito hahayaang masaktan siya o makanti ng kahit na sino pa man.

Babae man o lalaki.

Bigla tuloy niyang naalala si Dust ang lahat ng ginawa at sakripisyo nito para sa kanya. Pero ano ba ang isinukli niya dito pagkatapos ng lahat ng kabutihan nito sa kanya.

`Kuya tulungan mo ako...`

"Siguro naman magtatanda ka na ngayon. Dahil masama akong magalit, kayang kaya kitang ipatapon kahit saan ko gustuhin, punyeta ka!"

"Bitiwan mo'ko walanghiya ka!" Ngunit mahigpit pa rin siyang pigil pigil nito.

"Bitiwan ano ka sinusuwerte? Tuturuan muna kita ng leksyon!"

Kaya lalo pa siya nitong idinukdok sa lamesa.

"Ma'am, tama na po maawa naman kayo, tulungan n'yo kami!" Ngunit nakatulala lang ang lahat sa ginagawa ni Chloe.

Tila takot ang mga ito na makialam.

"Tumahimik ka umalis ka d'yan!" Saad nito na sinabayan pa nang pagtulak kay Dessa.

Napaupo tuloy ito sa sahig at shock pa sa nangyari kaya hindi agad nito nagawang tumayo.

"Dessa!" Gulat na tawag niya dito. "Walanghiya ka Chloe tama naaa!" Hiyaw na niya.

"Ano nakikiusap ka na ba? Okay sige pagbibigyan kita. Pero bago 'yun may naisip ako, bakit nga ba ngayon ko lang naisip?

"Tama pagagandahin muna kita bago kita bitiwan hindi ba mas masaya 'yun?!"

"A-anong ibig mong sabihin?"

"Kumuha kayo ng gunting bilis!"

Utos nito...

"A-anong gagawin mo? Walanghiya ka Chloe bitiwan mo nga ako!" Nagpupumiglas na siya ngunit nahihirapan pa rin siyang makagalaw.

"Nasaan na ang gunting, bilisan n'yo ang babagal!" Inip na turan pa nito.

Alanganin naman ang isang staff na naroon hindi malaman kung tama bang iabot dito ang gunting.

"Ano tanga ka ba? Sinabi nang akina na ang gunting!" Tila naman lumalabas na ang tunay nitong ugali.

"Pero Ma'am?" Alanganin pa rin ito at nalilito.

"Ano ba boba, gusto mong ikaw ang kalbuhin ko?!" Kaya naman napilitan na rin itong ibigay dito ang gunting.

"Naku po!" Si Dessa na takot na takot na nang mga sandaling iyon. Bigla itong napatayo at napaurong na lang sabay takbo palabas.

Napangiti naman si Chloe ng makita nitong umalis na si Dessa.

Dahil sa isip nito maaaring natakot na ito. Saka ito lumingon sa mga naroon.

Dahil nang mga oras na iyon nagkakagulo na sa loob ng opisina ng Chief Supervisor.

Puno na rin ng anasan at konotasyon ang paligid ng opisina at nakatawag pansin na rin sila sa katabing department.

Alam kasi ni Chloe na wala sa opisina ang mga Big Boss.

Nag-out of town si Mr Real at nasa labas naman si Joaquin at Russell.

Kaya naman sa isip nito ito na ang magandang pagkakataon para sa kanya.

Kailangang maidispatya na nito si Angela bago pa dumating si Joaquin. Kaya naman dapat na itong magmadali.

"Ma'am Chit?"

"Bakit po Ma'am?" Kinakabahang lumapit din ito.

"Halika mas maganda kung ikaw ang gugupit sa kanya, halika!"

"Pero Ma'am, bakit po ako?"

"Dahil gusto ko! Ano mas gusto mo bang mawalan ng trabaho?"

"Hindi po Ma'am!"

"Ganu'n naman pala eh' halika gupitan mo na siya, dali naaa!"

"O-opo!" Sinimulan na nga nitong lumapit sa kanila.

"A-anong gagawin n'yo? Huwaag bitiwan n'yo ako, ahhh!"

Narinig pa niya itong tumawa habang pilit na naman siyang nagpupumiglas.

Ngunit lalo pa nitong diniinan ang kanyang likod. Halos hindi na siya makahinga, shock siya sa mga nangyayari.

"Ano pang hinihintay mo gupit na.…!" Narinig niyang utos ni Chloe.

Ngunit wala siyang magawa at wala isa man ang naroon ang gustong tumulong sa kanya!

Gusto na niyang umiyak.....

Kasabay ng pagpatak ng kanyang mga luha ang pagkakita rin niya sa pagkalaglag ng mga buhok niya sa ibabaw ng mesa.

Pakiramdam niya unti-unti na rin siyang nauubusan ng lakas ng mga sandaling iyon...

`JOAQUIN... KUYA TULUNGAN N'YO AKO, DUSTIIIN!`

*****

By: LadyGem25

(05-31-21)

Hello Guys,

Dahil hindi pa tayo gaanong bc kaya nakatapos ulit ng isang chapter, sana magustuhan n'yo ulit ito.

Umiinit na po ang eksena sing init ng panahon at ng pakiramdam ng lola n'yo, nakakapawis ng kili-kili!hahaha

Medyo malapit lapit na po tayo sa ending. Kaya mga 65yrs na lang ang inyong ipaghihintay? hahaha...char!

Konting tiyaga na lang guys!

VOTE, COMMENTS, REVIEWS AND RATES MY STORY GUYS PLEASE!

STAY SAFE & HEALTHY AND GOD BLESS PO SA ATING LAHAT!

SALAMUCH

MG'25 (05-31-21)

LadyGem25creators' thoughts
Next chapter