webnovel

WAKAS

Acceptance and love is the greatest power to forgive everything. This is the final chapter of her story. I hope you have learned something from her story. Thank you so much for letting me to share this story to you. Stay safe, everyone!

Wakas

Ilang araw bago kami pinayagan ng doctor na umuwi na. Naging masaya rin kami sa balitang nagiging okay na ang kalagayan ni anna. Hindi ko naman maiwasang matuwa at maexcite na makakasama ko na siya sa araw na ito, kasama si matteo.

Bumisita rin si tita Nori, tita Viki at tito Van dito. Nalaman din nila ang pagbubuntis ko. Naging masaya naman sila sa balita. Kahit ang pagpapakasal ay naikwento ni matteo. Hindi naman sila tutol at excited na nga para doon.

"I will tell everyone na magiging ate na ako!"

Ngumiti naman ako at lumuhod para mapantayan ito.

Akala ko magtatampo siya tungkol sa batang dinadala ko. Pero nagulat ako nang makita kung gaano ito kasaya. Halos bibig niya nga ang tungkol sa pagiging ate niya.

"Magiging ate na ako! Mommy, magiging ate na ako! I'll be good ate at hindi ako magiging bad."

"Are you really happy?" Tanong ko kahit alam ko naman talaga na masaya nga ito.

"Yes, mommy!"

Ngumiti ako.

"Can you give mommy a one peck of kiss?" Pumiyok pa ang boses ko.

Mabilis na lumapit ito saakin at hinalikan ako sa labi. Hindi ko alam na ganito pala ang pakiramdam na magiging ina. Ang mahalikan ng sarili mong anak ay parang nanalo ka narin sa lotto.

"I love you, anna.."

Ngumuso ito at mukhang nagtataka pa. Tumawa ako. Lumapit ito muli at niyakap ako. Kinandong ko naman ito sa paanan ko.

"I love you too, mommy.."

Hindi maiwasang maalala ang lahat. Ang ilang taon na pagtaboy ko sakanya. Mga araw na hindi ko kayang matingnan siya sa mga mata, like they were a fire on it. But now, her eyes is one of the reason why I want to live. Gusto ko pang makita ang mata na ito.

"Will buy everything you want. You want that, don't you?" Ngumiti ako.

Nagtaka ako kung paano niya ako tiningnan sa mga mata at mukhang hindi parin makapaniwala sa nangyayari ngayon.

"Dapat ganito ka lang lagi, mommy. I'm scared you'll get mad again, but I promise hindi na ako magiging bad."

"Oh, anna.."

Nanginginig ang mga labi ko at hindi na maipigilan ang pumatak ang mga luha ko.

Hindi ko akalain na sasabihin niya ang mga bagay na ito sa harapan ko. Kung pwede lang palitan ko ang mga ala-ala na iyon ng saya. Hindi ko alam na malaking takot pala ang binigay ko sakanya.

Hinaplos ko ang buhok nito. Ang maliit niyang mga kamay ang pumunas sa mga luha ko. Ngumiti ako. Parang sinasalamin ko na rin ang sarili ko.

Totoo nga ang sabi nila, magkamukha nga talaga kami.

"Hindi na ulit iyon mangyayari.."

She nodded and her smile widened more.

"I love you, mommy!" She throws her arms on me.

Hinayaan ko munang maglaro si anna kay nico habang kinakausap ko muli ang doctor.

"Kung pwede, iwasan muna ang paggalaw ng bata."

"Yes, doc. Thank you po!" Ngumiti ako.

Nagpasya narin kaming umuwi pagkatapos. Hindi ko na nakita si matteo. Ni hindi naman siya nagtext o tumawag saakin. Baka may inasikaso lang.

"Aera, put some lipstick. You look so pale." Si tanya nang makapasok kami sa kotse. Kumunot naman ang noo ko. Wala akong magawa kung hindi kunin nalang ang lipstick at maglagay ng kaonti sa labi ko. Hindi naman ganoon ka putla, ah!

Nataranta naman ako nang makita ang paglalaro ng dalawa.

"Anna, don't move too much at baka ma paano yang braso mo!" Pag-alala ko.

"Yes, mommy!"

Nakita ko naman ang paninitig ni mommy saakin.

"I'm really happy for you, aera."

Bumuntong hininga ako at hinawakan ang mga kamay niya.

"Words aren't enough how thankful I'am to have you, mommy.."

Hindi ko inasahang darating ako sa buhay kong matatanggap ko ang lahat ng ito. People arounds me help me to open my mind. My family always there for me during a time, when I feel defeated and lost. Kung hindi dahil sakanila, hindi ito mangyayari ngayon.

Halo-halo ang sayang nararamdaman ko. Lalo na nung dumating at tinggap ako ni matteo. At magkakaanak pa kami.

Hindi ko maiwasan mamiss siya ngayon kahit magkasama naman kami kanina.

"I miss you.."

Ngumiti ako at binaba na ang cellphone ko. Paniguradong, wala na siyang oras para pagtuonan ako ng pansin. I can already imagine him wearing his suit, right now.

Mga ilang oras din bago namin narating ang bahay. Mabilis naman nakababa ang lahat.

Tinawag ko naman si anna dahil biglang tumakbo ito at hindi man lang ako hinintay.

"Anna, be careful!"

"Yes, mommy!"

Umiling-iling ako. Siguro, ito ang araw ko para simulan ang pagiging ina ko sakanya. Bumaba na rin ako ng kotse. Napatigil ako nang mapansing nakapatay ang mga ilaw sa loob ng bahay.

Bakit madilim?

Agad nataranta ako sa nakita ko. Mabilis akong tumakbo at tinawag ang pangalan nila isa-isa.

"Mommy! Anna!" Tawag ko. "Anna!" Tawag ko ulit.

Bago ko pa mabuksan ang ilaw ng bahay ay umawang ang mga labi ko. Biglang umilaw iyon at laking gulat ko nang makita ang nakalatag na kandila sa sahig. A rose petals were all over my house!

"Anna!" Tawag ko ulit kahit may ideya na ako ano ang nangyayari ngayon.

Nangingilid ang mga luha ay tinahak ko ito. It was a long way to our garden area. May ideya na akong kung sino ito, pero ayoko naman umasa.

Para akong hinihili habang naglalakad. Unti-unti ay naaninag ko sila sa malayo. Hindi ako ako makapaniwalang plinano nila ito lahat!

Para ba talaga saakin ito?

"Mommy..para saan po ito?"

Ngumiti lang sila saakin at hindi ako sinagot.

Biglang nagbigay sila ng espasyo at laking gulat ko nalang nang sumulpot doon si matteo, kasama si anna. Hindi ko na napigilan ay bumuhos na ang mga luha ko sa tuwa.

Lumapit ito habang nakahawak si anna sa mga kamay niya.

"Go, daddy!" Si anna at lumapit saakin. Lumuhod ako at hinawakan siya sa pisngi. "I love you, anna rei." Hinalikan ko ito.

"I love you too, mommy, but daddy has something to say!" Masayang sabi nito.

"Sweetheart.."

Narinig ko naman ang mahinang tilian sa gilid. Umangat ang ulo ko at sumulyap sakanya. Pinagmasdan ko siya nang mabuti. His wearing his long white sleeve, habang nakatupi ito hanggang siko. His legs were too long and define.

"Matteo..I thought.." hindi ko na natuloy dahil naramdaman ko ang pagbasag ng boses ko sa sobrang saya.

Totoo ba talaga ito?

I couldn't thank him enough for everything he has been doing for me.

Kinabahan agad ako at hindi halos makahinga nang lumuhod ito.

"Matteo!" Medyo napataas ang boses ko sa gulat. Is this really happening? Oo, alam kong pumayag na akong magpakasal sakanya, pero hindi ko akalain, gagawin niya pa ito. I never ask him to do this for me!

Akala ko sa susunod pa na linggo ang kasalan!

"Aera, I've been telling the whole world even jupiter and mars how much I love you.." Huminto ito at tumitig sa mga mata ko. He flashed a huge smile and I was overcome by how handsome he was.

"Matteo.."

"I love you, aera..I want to do everything with you. I want to marry you and have kids with you and get old with you, sweetheart."

Hindi ko narin napigilan ang sariling damdamin at umiyak na sa harapan ng lahat.

"I promise, I'll do everything to make you happy, to make anna happy. I can't even wait to see how our baby looks like. " namumula ang mga mata nito at alam kong tuluyan ng babagsak ang mga luha niya.

"Oh, matteo.." hindi ko akalain sakanya ko lang mararamdaman ang kapayapaan at kay anna.

"You are my life now, aera." Nakita kong humugot ito nang malalim na hininga at mukhang kinakabahan talaga sa mga pakulo niya. Bahagyang napangiti ako. "Aera Rei Fumilla, will you be my Mrs. Alvero?"

Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at mabilis na tumango. Tumayo ito at niyakap ako nang mahigpit.

"I do, matteo! I really, really do!"

"I love you, sweetheart! Oh god.."

Narinig ko ang iyakan ni mommy sa gilid ko. Mabilis rin tumakbo si anna at niyakap kami pareho.

"Mommy, daddy!"

I never thought I would this be happy again. I guess my heart has learn to forgive everything.

It's no secret that life can get really messy and complicated. Things aren't always easy and clear-cut. Parang alon itong buhay ko. They were up and sometimes down. Heartaches, pain are too much. But at the end of time, we will sooner be healed kahit natagalan man ito.

Siguro nga ganoon nga. May mga bagay na darating sa atin na hindi natin inasahan. Minsan naging leksyon na iyon sa atin. Or maybe a test from him kung gaano ba talaga tayo ka tatag para harapin ang lahat ng pagsubok.

I'm blessed and I thank God for every day for everything that happens for me.

Even during the storms of life, I've learned that you should make a decision to focus on the beauty of our life. You need to keep your focus on all the right things and leave out the ones that are hard or bad.

Each day counts, every step counts. At itong araw na ito, I'll make each day worth it kasama ang mag-ama ko. Muli, tatayo ako ng bagong buhay at babawi sa araw na nasayang ko.

And this how I slipped. Slipped from those heartbreaks and pain.

And now, I've finally slipped from everything.