webnovel

Chapter Two

Pain

Hindi ko alam ilang oras ako natapos sa loob ng banyo. Kinuha ko agad ang roba at isinuot iyon sa katawan ko. Pagkalabas ko ay wala narin doon si mommy. Nakahinga ako nang maluwag.

Akala ko hinintay niya pa ako at pag-usapan ang naputol na topic kanina. Hindi na nag-abalang magsuot nang maayos ay lumabas na agad ako ng kuwarto. Kanina lang din pabalik-balik si manang ida sa kuwarto ko para sa breakfast namin sa baba.

Pagkababa ko ay siya agad ang napansin ko sa mesa na iyon. Nanlamig agad ako at naramdaman ang panunuyo ng lalamunan. Sa huli, napag-isipan ko nalang na magpahatid kay Manang ida ng pagkain sa kuwarto ko. Kesa naman makasama ko siyang kumain diyan. Mawawalan lang ako ng gana. Tumalikod agad ako at balak na sanang bumalik sa itaas nang marinig ko ang pagtawag ni daddy saakin. Napamura ako at pumikit nang mariin.

"O! Aera, andito kana pala. Kanina ka pa namin hinintay."

Nagtiim bagang ako at walang magawa kung hindi ibalik ang sarili sa harapan.

"Halika na dito." Si mommy.

Gusto ko man sabihin na ayaw ko, pero ayokong maging bastos sa harapan nila at baka pag-awayin nanaman namin ito. Sa huli ay tumango ako at nilapitan sila doon.

"Goodmorning.." walang gana na bati ko.

Lumapit ako sakanila at hinalikan sila pareho sa pisngi, maliban lang sakanya. Nagulat nalang ako nang magsalita ito.

"What about me, mommy. My kiss and my goodmowning?"

Umigting ang panga ko sa narinig at naramdaman ang pagkuyom ng kamao. Hindi ko alam anong gagawin ko, kung aalis o manatili rito. Maintindihan naman siguro nila ako kung gagawin ko talaga iyon.

"Ma.." tawag ko dito at alam niya agad anong ibig kong sabihin.

Napansin nila ang galit at iritasyon ko sa buong mukha. Nakita ko ang pag-iling ni daddy. Si mommy naman ay malungkot na napasulyap saakin.

"Anna, maybe later okay? Huwag mo muna natin kausapin ang mommy mo kasi nagiging dragon siya. 'diba takot ka sa dragon?" Pabirong sabi nito.

Umiwas ako ng tingin at laking pasalamat nang makuha ni mommy ang atensyon niya. I should be thankful then at baka nasira niya na ang umaga ko!

She nooded at parang naniwala talaga sa sinabi ni mommy. Uto-uto. Umirap ako.

Umalis muna ako sa kinatatayuan ko at pumunta sa kitchen para kumuha nang maiinom. Kahit dito ay naririnig ko ang maliit niyang boses at ang pagtawa sa biro ni mommy. Nakakairita!

"Ow! Okay granny."

Hindi ko napansin ay kanina pa pala ako nakatayo sa gilid at wala man lang balak na bumalik doon kasama sila. Napansin nila iyon kaya nagulat ako nang tumayo na sila kaagad. And I felt guilty for making this thing complicated because of me.

"Aera, kumain kana." Si daddy na agad binuhat ang bata sa braso niya.

Tumango ako at nakahinga nang maluwag dahil alam nilang ayaw ko talagang makasama ang bata na iyan. Sila lagi ang nag-aadjust saakin. Kaya minsan, nagiguilty rin ako.

Lumapit na ako doon at agad na umupo sa harapan. Dahil sa naamoy ko ay kumulo agad ang sikmura ko.

Binagalan ko ang pagsubo ko sa pagkain dahil wala naman akong gagawin sa araw na ito. Kung meron man, baka pagsusulat lang ang kakaabalahan ko.

Sa gitna ng pag-iisip ko ay naramdaman ko ang isang maliit na kamay na tumusok bigla sa braso ko. Bumaba ang tingin ko doon at biglang nanlamig ang buong katawan nang makita ko ang maliit niyang hintuturo.

Umigting ang panga ko at pumikit nang mariin.

Why is she here?!

Why the hell is she here?!

Sa isip ko ay gusto ko ng magmura at sumigaw kung bakit andito siya sa gilid ko ngayon!

Hininto ko ang pagsubo at dahan-dahan kong inangat ang mata ko para makompirmang siya nga ito.

Hindi man lang niya ba napansin na ayaw ko sakanya? Na hindi ko siya gusto! O sadyang manhid lang ang batang ito. Damn it!

I saw how she smiled at me genuinely. Ito ang kauna-unahang makita siya nang ganito ka lapit. Gusto ko siyang itulak at paalisin sa harap ko, pero kahit ang paggalaw ng kamay ko ay hindi ko magawa. Hindi ko alam bakit ang laki ng epekto niya saakin. Nanginginig ang kamay ko at gustong umiyak sa iritasyon.

"Mommy..Are you okay, mommy?"

Hindi ko siya pinansin at umiwas sa binigay niyang ngiti saakin.

I felt her poking near my elbow again. I let her touched me.

Ang kulit!

Dahil sa pabalik-balik niyang pagtusok sa braso ko ay hindi ko na maiwasang makaramdam ng iritasyon at inis. Mariin na binalingan ko siya.

Nakita kong unti-unting naglaho ang ngiti niya sa labi dahil sa ginawa ko. Hindi ko alam bakit parang gusto kong sumabog ngayon sa harap niya. Naiirita ako sa batang 'to!

"Get off your hands." Mariin ang bawat salita ko.

Parang walang narinig at patuloy parin ang paghawak saakin. Pumikit ako nang mariin at hindi na napigilan ang sarili.

"Pwede ba, umalis ka sa harapan ko!"

Nanlaki ang mata nito at napaatras sa ginawa ko.

"Sorry, mommy.." yumuko ito.

"Move and let me leave!--"

Hindi na nadugtungan ang susunod kong sasabihin nang marinig ko ang kulog na galit sa boses ni daddy.

"Aera!" His voice boomed like a thunder.

"Grand pa.."

Nakita ko ang mabilis na pagtakbo niya palayo saakin at yumakap kay daddy na para bang nakakita ito ng multo. Tinagilid ko ang ulo ko at nagmura. Hindi ko alam anong mararamdaman ko nang makita ko kung paano niya isiniksik ang sarili sa leeg ni daddy na mukhang takot na takot talaga saakin.

And now I feel so guilty!

Nagtiim bagang ako at nanginginig sa galit. Kung hindi sana siya nanggulo sana hindi ito nangyari!

"Aera! Ano nanaman ba ang ginawa mo!?" Si daddy.

Dumalo rin agad si mommy sa bata at malungkot akong sinulyapan at mukhang disappointed pa ito sa ginawa ko.

"My..please, huwag niyo naman hayaang makalapit siya saa—"

"Hindi mo masisi ang bata, Aera. Please, huwag naman ganito, huwag mo sigawan yung bata.."Pagmamakaawa ni mommy saakin.

Pumikit ako nang mariin dahil sa narinig. Tangina!

Fine! Labanan niyo siya! Siya naman lagi ang tama para sainyo! Bakit ba hindi nila maintindihan na ayoko nga mahawakan ang batang 'yan o mahawakan ako!

This is bullshit!

Kung sana tinapon nalang dapat!

Hindi ba pwede yon?

Hindi ba nila alam kong ano ang nararamdaman ko pag nasa tabi ko siya?

Nanginginig ako sa takot at galit habang nakikita ko ang batang iyan! Putangina!

Gusto kong magsalita, gustong-gusto kong malaman nila itong nararamdaman ko araw-araw, pero hindi ko iyon magawa. At alam kong maririnig niya rin ang lahat pagnagsalita ako rito. Ayoko rin naman masaktan si daddy at mommy dahil sa gagawin kong ito. Kahit puno ng galit itong puso ko ay nirerespeto ko parin ang pagmamahal nila sa batang yan.

Pabalik-balik ang tingin ko sakanila at pilit na kinalma ang sarili.

"I don't...fuck!" hindi na natuloy at mabilis silang nilagpasan. Ayoko nang makipagtalo at manatili doon at baka ano pa ang masabi kong hindi maganda.

Hindi pa nakapasok ay narinig ko ang kalabog at galit sa boses ni daddy.

"Aera! Kinakausap pa kita! huwag kang bastos!"

"Vino..please, hayaan na natin ang anak mo." Si mommy na pilit aluin si dad.

Hindi ko na nasundan at narinig ang pinag-usapan nila nang tuluyan ko nang isinara ang pinto at nagkulong doon.

Araw araw lagi nalang ganito.

Nakakapagod..

Paano ko makakalimutan ang lahat kong siya mismo ang nagpapaalala saakin.

Paanong hindi ko maalala iyong nangyari saakin noon, kung lagi kong nakikita ang pagmumukha ng batang iyon!

I want this pain to cease.

Kahit pilit kong hindi siya pansinin ay hindi ko maiwasang ibuntong sakanya ang lahat.

Namanhid ulit ang buong katawan ko. Sa huli ay bumagsak ako at napa-upo sa kama. Bumuhos ang matinding luhang kanina ko pa pinigilan.

"Fuck..Hindi ko sinasadya.."

Pumikit ako nang mariin at hinilamos ang mukha. Hindi ko maiwasang maalala ang takot sa buong mukha niya kanina. Hindi ko naman sinsadyang sigawan siya ng ganoon.

Bakit ba lapit siya ng lapit saakin! Manhid ba siya? Hindi niya ba napansin na ayokong makausap o mahawakan siya?! Kung ayaw niyang masaktan, lumayo siya! Ganoon lang naman iyon!

Should I confront her and tell her to stay away from me? Iyon ba ang gusto niya?!

I just couldn't bear the pain. Hindi ko kayang madikit sakanya. Hindi ko kaya..

I can't control my self when I'm with her..Hindi ko maiwasan maibalik ang ala-alang iyon pagnakikita ko siya.

Gusto kong intindihan nila ako. Nahihirapan din ako. Hindi lang sila.

My body is slowly split apart. Hindi ko alam kung ano ang kailangan kong gawin para mawala ang takot ko sa mundong ito.

There are moments that I wish I could turn back time when everything is perfect. Wishing to stop the time and turn the clock back without worries and fear, but I can't..

This surely will suffer me, everyday.

Hindi ko na namalayan ay nakatulog na pala ako sa sobrang hapdi at pagod sa kakaiyak.