webnovel

Chapter Four

Condo

Matagal tagal ko na din pinagisipan ito. I have to tell them about my plans. Kung pwede ko silang pilitin ay gagawin ko, makaalis lang muna dito pansamantala.

Kumalas ako sa yakap at humarap sakanila.

"I have something to tell you po.." simula ko.

Nakita ko ang pagkunot ng noo ni daddy. Nagkatinginan naman sila at muli'y ibinalik ang tingin saakin.

"What is it, iha?" Si mommy.

"Is this about—"

"No, dad." I cutted him at baka mapunta nanaman sa ibang usapan.

I shooked my head at looked at them.

"Gusto ko munang tumira doon sa condo, iyong binili niyo po para saakin."

"Paan—"

"Please? Ngayon lang po ako humihingi ng pabor sainyo."

"Bakit, anak, may problema ba? Pwede natin itong pagusapan. Kung dahil ito sa nangyari kanin—"Pinutol ko agad si mommy sa iniisip niya.

"My, it's not about that, It's about me, okay? kailangan ko po ito. Please, hayaan niyo na muna ako. Gustong-gusto ko munang bumukod sainyo pansamantala."

Sa mukha palang ay alam kong hindi sila sang-ayon sa gusto ko. Naintindihan ko naman iyon. I'm just really so desperate right now. Gusto ko munang umalis at mapag-isa.

"I don't wanna say this..pero hangga't andito po ako, mahihirapan lang ako lalo. Ayokong umabot sa puntong may magawa akong mali sakanya."

"Aera.." bumuntong hininga si Mommy.

"Don't worry about me. Kaya ko na po ang sarili ko." I assured them.

"Kung gusto mo magpadala nalang ako ng tauhan para ligtas ka talaga." Si Daddy.

"Huwag na po, Daddy. Gusto kong subukan mag-isa. Gusto kung gawing proseso itong buhay ko. Kahit ngayon, gusto kong tulungan ang sariling maibalik sa dati."

I held their hands at ngumiti sakanila ng pilit. Nagkatinginan sila dalawa at nakita ko ang dahan-dahang pagtango ni daddy. Napangiti ako doon at agad silang niyakap.

"Basta magingat ka lagi?

"Opo!" Agap ko sa gitna ng yakapan namin.

Kumalas ako sa yakap at napansin ang itsura ni mommy at alam kong hindi parin niya nagustuhan itong plinaplano ko. Umangat ang kamay niya at hinaplos ang buhok ko. Bumuntong hininga ito.

"Alam mo naman na ayokong umalis ka, 'diba? Pero kung ito ang nagpapasaya sayo, sige, papayagan na kita, but in a one condition you have to answer our calls and texts para hindi kami mag alala ng daddy mo."

Tumango ako at niyakap sila ulit.

"I love you both!"

"We love you too, Aera. Always remember that."

Tumango ako at hindi maiwasang makaramdam ng pagkamiss sakanila. Ayoko man iwan sila dito, pero wala akong magawa. I know it's hard for me and for them. Pero kung ito lang ang paraan para makaiwas ng gulo, ako nalang ang aalis.

I wanna slip away. Iyong walang makakilala saakin, iyong wala akong maalala.

I want to divert something new. Gusto ko mahanap ang sarili ko, yung walang iniisip. Baka sakaling umalis ako sa bahay na ito ay mabubura ko na ang lahat saakin.

However, sometimes, just sometimes I wish I could forget forever what I don't want to remember.

I wish genie was true. 'di sana matagal ng natupad ang mga hinihiling ko.

Pagkatapos namin mag-usap ay napagdesisyunan narin nila bumababa muna para silipin siya sa salas at makapaghanda narin sa kakainin.

Nang tuluyan na silang umalis at mag-isa nalang ako ulit sa kuwarto ay napagisipan kong kunin nalang ang maleta at para makapag-ayos at maihanda ko na ang pag-alis ko mamaya. Hindi ko alam ilang oras o minuto ang naubos ko sa pag-aayos ng damit. Kung hindi ko lang narinig ang katok sa labas ng pinto ay baka nakalimutan ko narin kumain.

"Pasok."

Bumukas ang pinto at dumungaw Doon si Manang estera. Ang kapatid ni Maylene na mas mabata pa sakanya. Matagal narin silang nagsisilbi saamin. Kung pwede, isama ko si Manang estera saakin doon sa condo. Pero pag-iisipan ko pa iyon.

"Iha, tinawag ka ni Sir Vino. Handa na ang pagkain."

"Susunod nalang ako, Manang."

"O siya, bilisan mo diyan." Tumango ito at isinara ulit ang pinto.

Mabilis ko naman isinara ang maleta at tumayo na para puntahan sila sa baba. Nang makababa na ako sa hagdan ay agad ko siyang nadatnan habang nakakandong kay daddy. Tumingin ito saakin, pero agad din iniwas ang mukha na parang bang multo ako rito. Biglang nanikip ang dibdib ko dahil sa nakita at hindi ko alam bakit naramdaman ko ito.

Nagtiim bagang ay lumapit ako sakanila. Tahimik na umupo ako at kumuha ng pagkain sa harap. Bago ko pa maisubo ang kanin sa bibig ko ay napahinto ako nang bigla itong magsalita sa harap.

"Mommy..a-are you still mad at me? I'm sorry mommy..sabi ni grandpa at grandma masakit lang daw ulo mo kaya ka naging dragon." Nakayuko na sabi nito at naramdaman ang pagsisi sa ginawa kina.

Ibubuka niya na sana ulit ang maliit at manipis niyang bibig nang may ibinulong si daddy sakanya kaya niya iyon tinikom.

"Oww..okay grand pa! I'm sorry." Sabay hagikhik niya. Hindi ko alam kung anong sinabi ni daddy sakanya pero nagpapasalamat ako doon at nawala na ang atensyon niya saakin.

Ewan ko kung napapansin ba nila ang mabilis na pagkilos ko. Kaonti lang rin ang kinain ko dahil ayoko ng magtagal dito. I'm sure she won't stop bugging me pagmanatili ako rito ng matagal. At ayokong maulit iyon nangyari kanina. Tumayo na ako agad at nagpaalam na sakanila.

"Maliligo na po ako." Paalam ko.

Tumango sila saakin. Habang paakyat ako sa hagdan ay naririnig ko ang pagtatanong niya kay daddy at mommy. Hindi ko alam bakit kailangan ko pang huminto para marinig iyon nang maayos.

"Where is she going, grandpa?"

"May pupuntahan lang ang mommy mo."

"Can I go with her?" Malungkot ang boses na tanong niya.

Umigting ang panga ko. Hindi ko narin natiis ay pinagpatuloy ko ang pag-akyat sa itaas.

Agad naligo ako at nagbihis pagkatapos. Sa sobrang atat ko na makaalis rito ay naging mabilis rin ang pag-aayos ko sa sarili. I'm wearing my favorite stripe gingham pants and black strap with matching my gucci mule shoes. Tinignan ko muna ang sarili sa salamin bago tumalikod at nagpasyang lumabas na.

Bitbit ang maleta ay lumabas na ako. Hindi pa ako nakababa ay agad nakita ko sila sa sala habang pinapanood iyong nakakatakot na palabas. Biglang sumagip sa isipan ko iyong ala-ala namin noon. Iyong kami lang ang magkasama at halos maubos na namin iyong mga palabas. Hindi ko maiwasang mamiss iyon. Kung pwede lang sana maibalik ko ang dating gawain namin noon pero alam kung hindi na iyon pwede. Hindi na ako iyong nakakasama nila sa ganitong bagay, kung hindi siya.

I took me seconds before I realized na nakaangat na pala ang ulo nila saakin. Nang mabalik ang sariling ulirat ay mabilis na bumababa ako sa hagdan para malapitan sila.

"Dad, Mom.." simula ko.

Ayaw man nilang sabihin ay alam kong nalulungkot sila sa gagawin kong ito at napipilitan lang para sa mga plano ko. Pero ayoko ng umatras pa. Ito na talaga ang gusto ko. Buo na ang loob ko sa desisyon kong ito.

Pilit na ngumiti ako nang maharap na sila. Masakit din naman saakin ito. Masakit na iwan sila dito.

Napansin ko rin ang pagtataka ng bata habang sinulyapan ako at mukhang hindi na napipigilang na magsalita sa harapan namin.

"Mommy..where are you going? Bakit may dala kang ganyan?" Habang turo-turo niya ang maleta ko. Hindi ko siya pinansin at nakitang si daddy nalang ang kinukulit niya.

"Grand pa, bakit may dalang ganyan si mommy? Aalis ba siya, grand pa?" Tumingin si daddy sakanya at mabilis na tumango para sa tanong niyang iyon.

Lumabi ito sa naging sagot ni daddy.

"Babalik din si mommy, okay? 'Diba mommy babalik ka?" Tumingin si daddy saakin at pilit akong kinumbense na sumang-ayon sa tanong niya.

Wala akong magawa kung hindi tumango. Agad din naman iniwas ang tingin at parang may bumara pa sa lalamunan ko.

"Mommy..huwag ka alis. Hindi mo ba ako mamimiss? Hindi mo na ba ako love, Mommy?" Sunod-sunod niyang tanong saakin na ikinagulat ko. Ni hindi ko inasahan maririnig ito galing sakanya. Umigting ang panga ko at umiwas nalang ng tingin. Hindi kayang matignan ito.

Sa bilis na pangyayari ay naramdaman ko nalang ang maliit niyang kamay at braso na nakapalibot sa binti ko. Nakaawang ang labi ay bumababa ang tingin ko doon at nakompirmang siya nga. Ni hindi ko alam paano siya nakawala kay daddy.

Pumikit ako ng mariin at pilit na pinakalma ang sarili. Gusto ko man siyang alisin ay hindi ko magalaw ang buong katawan ko.

"Mommy..hindi na ako magiging bad na bata at mangugulit sa'yo. Just don't leave me, Mommy,"

Sobrang higpit ng pagkahawak niya at mukhang ayaw niya talaga akong bitawan. Tumingala pa ako para pigilan ang mga litseng luhang ito. Damn it!

A tear was forming and I wouldn't let it fall. I don't want to see them that I'm affected with her. Kagat ang labi ay umiling-iling ako. Hindi na mapaliwanag itong naramdaman ko.

"Mommy..pleasee don't leave me. I love you Mo-mmy.." patuloy parin ang paghikbi niya habang mahigpit ang pagka-yakap niya sa mga binti ko. Hindi ko inasahan ito..

Naghari na ang emosyon ay tuluyan ng bumagsak ang mga luha ko. Mabilis na umangat ang mga kamay ko at pilit na inalis siya doon pero mukhang ayaw niya talaga akong pakawalan.

"My..dy..pleasee." paghingi ko ng tulong sa kanila. Kumilos agad si daddy pero nahirapan siyang kunin ito dahil sa higpit ng pagkayap niya sa binti ko. Nang magtagumpay ay agad na umalis ako at mabilis na pinatunog ang kotse para mabuksan iyon. Tinulungan din ako ni Kuya Gardo maipasok ang maleta ko sa backrest.

"Mommy! Huwag ka alis! Mo-mmy!" She called at the top of her lungs like wanting the world to hear it.

Narinig ko ang pagtawag ni Mommy saakin at agad na nilingon ko ito kahit ramdam kong babagsak na ako dahil sa panghihina. Kahit nakapasok ay naririnig ko parin ang pag-iyak at tawag niya sa pangalan ko.

"Mommy!"

Isang lingon ulit ang ginawa ko sakanila bago tuluyan ng pinaandar ang kotse.