webnovel

Chapter 4

Kakadating lang namin ni Mika sa mall. Saktong sakto dumating ang oras ng alas dose. Nahirapan kasi kami sa pagsakay kanina. Halos naghintay pa kami ng isang oras.

"Kain muna tayo Thalia. Para mamaya hindi tayo magugutom." kaya nga sabi konga. Kakain muna kami.

"Oo tama nga yan. Kakain muna tayo. Medyo maliit lang din kasi ang nakain ko kanina sa beakfast." habang palinga linga ako sa mall. Ewan ko pero na eh excite ako sa hindi malamang dahilan.

May kakaiba akong nararamdaman ngayon. Feeling ko may magandang mangyayari. Pero dahil hindi naman ako manghuhula. Syempre hindi ko alam. As if naman si Mika tanongin ko diba. Eh kelan pa naging manghuhula yan.

"Doon nalang tayo oh! Sabi nila Sheila mura daw jan pero nasarap naman mga putahe nila." sabi niya habang tinuturo ang isang kainan.

"Ikaw na bahala. Hindi naman ako mapili sa mga pagkain eh." hindi naman talaga ako mapili pagdating sa pagkain. Naranasan ko kasing maghirap well my family. Naranasan namin maghirap na dumating sa point na wala na kaming mauulam.

Na wala na kaming pambili ng bigas kahit wala ng bigas sa bahay. Kaya dumadating at hindi talaga namin naiiwasan dati ang mangutang. Nawalan kasi ng trabaho si papa nun.

Kaya nangutang si mama sa tindahan sa kapitbahay namin na may tindahan. Wala namang problema dahil nagpapautang naman ito. Lalo pat close ang may ari at si mama. Actually ang bait nga nun eh.

Nakakaintindi kasi siya sa nararanasan ng isang tao. Kahit hindi mo sabihin na naghihirap kayo mahahalata niya. Mahahalata namn talaga ng kahit sino eh.

Sana nga ganun padin halos lahat ng tao ngayon eh. Anlakinkasibng mga pinagbago ng mgabtao ngayon sa mga tao noon. Ang mga tao noon binibini at ginoo pa ang tawagan.

Sa mga panahon na yun ang mga bata maging man din ang mga matatand ay hindi pa marunong mag mura. Eh ngayon? Ngayon kahit nga limang taon kahit ano-ano na ang mga sinasabi na mga masasamang salita.

Na eh influence sila ng mgs toxic na tao sa paligid nila. Most na nag eh influence ngayon mga sariling magulang pa. Sisigaw ng mga masasamang salita hindi alam na a adopt na pala ng mga anak niya.

Dapat ang mga magulang ay mga modelo. Isang mabuti at ka aya-ayang modelo. Hindi yung kung ano-ano ang tinuturo sa isang bata.

"Tara bhie dun tayo oh! Kita mo! Naka sale pala sila ngayon na day." naputol ang mga iniisip ko dahil kay Mika. Tinuturo niya yung mga naka display na mga branded clothes na naka sale pala ngayon.

"Hoi bakit di ka pumipili? Ang gaganda oh! Swerte pala natin eh,tama lang talaga na ngayong araw tayo pumunta. Mukhang ilan lang din ang naka alam na mag sa sale sila ngayon" daldal niya.

"Atsaka tingnan mo oh! Ang ganda-ganda kaya pumili kana jan at bilisan mo diba kasi may lakad ka mamaya. Eh dapat wala pang 1pm naka uwi kana." yep,dapat wala pang 1pm naka uwi na ako.

Mag re ready pa ako para sa game mamaya. Kulang lang ang isang oras para sa pag re ready ko. Baka ma late pa ako nu. Ayaw ko kayang ma late!

"Hoi pumili kana jan. Yung bagay sayo para sa game mamaya. Libre ko promise. Kaya bilisan mo na jan para maka uwi kana ka agad. Pwede mo naman akong iwan lang dito" sabi niya habang busy padin sa pagtingin sa mga clothes na naka sale.

"Iwan ka dito? Bakit may balak ka bang libutin tung buong mall? Akala ko din ba may lakad ka din?" nagtatakang tanong ko sa kanya. Yun yung sabi niya kanina sa umaga eh.

Kaya nga pinapabilis niya yung pag gawa ng project kasi may lakad din daw siya. Eh siguro mag da date lang sila ng jowa niya dito sa mall mamaya eh. Siguro pupuntahan nalang siya ng jowa niya mamaya.

Baka din uuwi sila ng Cavite. Taga Cavite kasi si Mika. Eh sa Manila siya nag sta stay. Same lang naman kami eh. Actually ako ang re rent lang ko ng condo. Taga South Cotabato kasi ako.

Gaya nga ng sabi ko taga province lang ako. Andito lang ako para mag aral sa manila. Anlayo kaya ng South Cotabato sa Manila. Si Sheila taga Gensan siya. Magkalapit lang kami.

Sadyang si Mika lang talaga ang naiiba. Astaka gaya nga ng sabi ko mayaman sila Mika. May bussiness mga magulang niya. Actually retired pilot nga papa niya eh.

Siguro kapag graduate na siya susunod siya sa mga magulang niya sa ibang bansa. Yung mga kapatid niya professional na sa mga napiling kurso. Pinagbabawalan nga si Mika na mag jowa-jowa hanggat hindi pa graduated eh.

Kaso sadyang matigas lang talaga ang ulo ni Mika. Kaya only girl lang din siya dahil nag jowa padin siya. Nung una patago ang relasyon nila ng jowa niya. Pero hindi nagtagal nalaman ng mga kapatid niya tapos sinumbong siya sa magulang niya.

Umuwi nga yung kuya niya eh. Yung pinaka matanda sa magkakapatid. Umuwi dito sa Pilipinas kahit galing pa sa US. Pag ka uwi dito binugbog yung jowa ni Mika.

Pagkabukas naging okay naman. Nilegal na talagani Mika yung jowa niya kinabukasan. So ayun. Okay na sila. Sana all nga eh may jowa na kagaya sa jowa ni Mika.

Yung jowa niya mabait,gwapo,masipag. Yung tinuturing niya talagang prinsesa si Mika. Yung tipong walang matutulog sa kanila hanggat hindi nagkaka ayos.

Yung kahit ikaw ang may kasalanan siya padin ang mag sosorry. Yung time on time kang chinecheck.

"Ay Mika wait lang ha. May bibilhin lang ako sa book store." sabi ko at agad pumunta sa NBS. Malapit lang naman sa lwesto namin kaya madali lang akong naka pasok agad.

Bibilhin ko pala yung bagong published na book ni Inksteady. Punta dito. Punta doon. Tingin dito. Tingin doon. Hindi ko makita kong saan banda ang row ng mga books ni Inksteady. Sakto may dumaan na sales lady kaya tatanongin ko nalang.

"Miss saan dito yung mga books ni Inksteady?" tanong ko. Kahit anong libot ko hindi ko makita eh.

"Ah maam doon po sa dulo sa taas pi na tray naka assigned." nakangiti niyang sabi.

"Ah sige salamat. Nasa pinaka dulo pala,kaya pala diko mahanap dito nasa dulo pala. Sige ah thankyou ulit" masayang sabi ko.

Pinuntahan ko yung tinuro niya at andito nga.

"Shocks ganda." ang ganda. Mabuti nalang talaga napag ipunan ko to.

Kaso sobrang taas. Mukhang malabo kong maabot. Gaya ni Theodore. Sobrang taas niya nankahit anong pagmamataas ang gawin ko sa sarili ko hindi ko talaga siya maabot.

Pilit kong inaabot pero hindi ko talaga kaya. Tumingkayad ako kaya medyo nahawakan kona ang libro.

"Ano bayan bat kasi ang taas. Pupunta pa ako sa game ni Theodore eh!" halos pasigaw na sabi ko. My ghad mag wa 1pm na.

Bigla kong hinila ang libro pero nay limang nasama sa paghila ko. Napapikit nalang ako at hinihintay na ma hulogan ako. Pero ilang segundo pa ng wala talaga akong naramdaman ay binuksan ko ang mga mata ko. At laking gulat ko ng may isang lalaki. Matangkad hindi sobrang tangkad ang nakahawak sa limang libro na mahuhulog sana sa akin.