webnovel

Accidentally fall inlove with my enemy

Heysel_Estoquia · Teen
Not enough ratings
8 Chs

Chapter One

SPAIN'S POINT OF VIEW

"Spain!!!"

Ahhh!!Ang sakit sa tenga ng boses niya.Kainis!

Tumayo ako at binuksan ang pinto.

"Bakit ka ba sumisigaw?"tanong ko sa kanya

"Anong oras na!?"

"Ginising mo 'ko para lang magtanong  ng oras?"

"Hoy Sabrina Pauline Abigail Istacia Nicole!Mag-ayos ka na dahil may pasok ka.Ngayon ang unang araw ng klase mo!"

"Oo na!"

"Bilisan mo,susunduin ka ni Kaycee.Nag-text siya sakin"

Dapat hindi na'ko pumayag sa babaeng 'yon.

Binilosan kong maligo at pagkatapos ay nag-bihis.Pag-baba ko ay saktong pumasok si Kaycee.

"Sakto pala ang dating ko.Tara na!"

"Sandali kumain ka muna Spain!"pigil sakin ni Ate Louisse.

"Hindi ako nagugutom.Let's go Kaycee!"

Santillan International School

Basa ko sa isip ko.Nandito kami ngayon sa main gate ng Santillan Napakalaki ng paaralan na ito.Siguro nasa dalawa o tatlong football field ang sukat nito.Dahil malikot si Kaycee,naglibot muna kami sa buong school.Magkahiwalay ang College at Highschool Building.Nasa harap ang highschool at nasa likod nan ang College.Tapat ang highschool at college at ang napakalaking field.Katabi ng cafeteria ang gymnasium nila,at malaki din ito.Napakaraming silid dito kaya nan malawak ang paaralan na ito.

"Hoy"tawag ko sa kanya."Hanapin na natin ang room natin"

"Mamaya na!Ang daming pogi dito eh"

Kahit kailan kang babaeng ka!

"Bahala ka,iiwan na kita"

"Eto na nga!"

Susunod din naman pala!Tsh!

Pumunta kami sa billboard kung saan nakasulat ang bawat section ng mga estudyante.

"Oh my god!Magka-klase tayo Sab!"

"Wag kang maingay"bulong ko sa kanya

"Oops!I'm sorry"

***

[Knock-Knock]

"Excuse me,eto ba yung star section?"tanong ni Kaycee sa isang estudyante na nasa unahan.

"Eto nga"sagot naman ng estudyante

"Salamat"

Umupo kami sa dulo ni Kaycee dahil iyon nalang ang bakante.Sakto namang pumasok ang first teacher namin kaya tumahimik ang kaninang maiingay na estudyante.

"Goodmorning Class!I'm your Math teacher.My name is Sally Conde.You can call me Miss Sally.At dahil ito ang first subject niyo at ako ang first teacher niyo——bawal ang male-late sa klase ko.Naiintindihan niyo ba?"

"Yes Miss Sally"sagot naming lahat

"Very good!May dala naman kayong mga libro ano?"

"Opo Miss"

"Araw-araw niyo 'yang dalhin dahil nandyan lahat ang ituturo ko"

Kinuha ko ang libro ko sa loob ng bag.Binili ito ni Kaycee bago magsimula ang klase.Lahat ng gamitt ko at pati uniform ay sagot niya lahat.

"Open your book on page 31"

"Sab,ang ganda dito noh?"bulong ni Kaycee

"Shut up"palahaw ko sa kanya

"Psh"

"Okay!Before we start,define quadratic equatiom.Anyone?"

Nasa libro lang ang tingin ko at nagdadasal na sana hindi ako tawagin.

Sana hindi ako.Diyos ko!

"Girl at the back"

Nagkatinginan kami ni Kaycee at nangangapa kung sino sa amin ang tinawag.

"Girl at the left side.Stand up"

"Ako?"tanong ko

"Yes.What's your name?"

"I'm Spain Chavez"

"New student ka?"

"Opo"

"Pati siya?"turo niya sa katabi ko na nasa right side.

"Opo"

"Anong pangalan mo,hija?"tanong niya kay kaycee

"I'm Kaycee Kate Manabat"sagot niya

"Parehas pala kayong new student.Welcome to Santillan International School"naka-ngiti niyang bati samin."By the way,what's your answer Ms.Chavez?"

"A quadratic equation is an equation of the second degree,meaning it contains atleast one term that is squared.The standard form is ax² + bx + c = 0 with a,b and c being constants or numerical coefficients,and x is an unknown variable"

"Very good,Ms.Chavez.Again what is the stand form?"naka-tingin ito kay Kaycee kaya naman tumayo ito at sumagot.

"The standard form is ax² + bx + c = 0"sagot ni Kaycee at umupo agad ito.

"Very good Ms.Manabat"

"Give me example of quadratic equation.Boys at the back!"sigaw ni ma'am sa grupo ng mga kalalakihan."Are you listening to me?"

"Yes Miss Sally"sabay-sabay nilang sagot

"Mr.Quinn,what's your answer?"

"6x + 11x - 35 = 0 Miss"

"Very good!Sitdown.You!"turo niya sa katabi ng lalaki."Give me another example"

"Ako Miss?"

"Oo Mr.Briones!Sino pa ba!?Kain ka ng kain!Unang araw ng klase at wala kang ginawa kundi ang kumain ng kumain,nasa klase pa man din kita!Sagot!!"

"2x² - 8x - 18 = 0"

"Sitdown!Ikaw!"

"3x² + 4x + 2 = 0 " sagot ng katabi ni Briones

"Ikaw Mr.Young!What's your answer?"

"5x² - 2x - 9 = 0"

"Ikaw?Wala kang balak tumayo?"tumayo agad ang lalaki at sumagot ito.

"-x² + 6x + 1——"naputol ang pagsagot niya ng mag-salita Miss Sally.

"Sinabi ko bang 'yan ang isasagot mo?"

"Pero 'yon ang topic ngayon,Miss"

"I know!What kind of term the Ax²?tanong nito sa huling lalaki

"Quadratic term"

"The bx?"

"Linear term"

"How about C?"

"Constant term"

"Very good.Kayong limang lalaki sa likod,kapag nahuli ko pa kayong nagdadaldalan,ibabagsak ko kayo!Okay that's all for now."

"Sab!Sila yung mga poging nakita kanina habang naglilibot tayo"kinikilig niyang sabi

"Who cares?"

"Wala lang sinabi ko lang.As if naman na magkaroon ka ng interest sa lalaki"inirapan niya ako at tumingin sa harap.

Ang arte nito!

Pumasok ang pangalawang teacher namin at bumati ito samin.

"Good morning Star section!I'm Georgina Torres,your english teacher!

Hindi muna ako magdi-discuss since first day of school naman.Ipakilala niyo muna ang sarili niyo.Sa likod tayo mag-uumpisa."tumayo ang isang lalaki at nagpakilala ito.

"I'm Mark Jay Quinn"

"Ivan Cee Briones"

"Zymer Jhean Dizon"

"Sean Lei Young"

"David Adrian Reign Kyle De Vera Santillan,but you can call me Dark for short"

Santillan?Kung ganon,siya ang may-ari ng school na 'to.

"It's your turn Ms."nakatingin siya kay Kaycee

"I'm Kaycee Kate Manabat"

"Ah...I'm Sabrina Pauline Abigail Istacia Nicole Villafuerte Chavez,Spain for short"

Pagkatapos kong magpakilala ay nag pakilala na rin ang iba pa naming mga kaklase.Pagkatapos ng english subject  ay namin ay sumunod naman ang araling panlipunan.Nag-discuss lang kami ng kaunti tungkol sa ekonomiya.