webnovel

Above your time

TIME DUOLOGY #1 Cosette was the perfect representation of being God's favorite child. She's blessed with everything; looks, fame and fortune, and even brains. Being a well known architect and self made billionaire looks easy on her. She had everything she dreams of and she has nothing more to ask for. Her life was indeed perfect and peaceful and currently at it's peak of success not until she decided to take a break and visit the very popular landmark of Manila - Intramuros. What will she do if an unexpected accident that happend at that time suddenly transported her back 14 years ago?

SEIRUS · Teen
Not enough ratings
11 Chs

NINE

🕐🕐🕐

__________

Isang buwan narin ang nakalipas. Hanggang ngayon ay stuck parin ako sa taong 2016 at wala parin akong ideya kung makakabalik pa ba ako sa panahon kung saan ako nararapat. Malapit lapit naring mawala sa isip ko na hindi naman talaga ako taga rito.

Half day ngayon dahil bukas ang gaganaping out reach program. Kalahati lang samin ang makakasama bukas dahil hindi nila inaasahan na kailangan pa palang tumawid ng bundok, ilog, at sapa para lang makarating sa lugar na bibigyan namin ng donasyon. Ang iba ay hindi pinayagan habang ang iba naman ay nag bago ng isip.

Nandito ako sa kwarto ngayon habang kumakain ng pansit canton na maanghang. Pinagalitan pako ni lola kanina dahil kumakain ako ng half cooked na pansit canton. Unti unti akong nasasanay sa presensya ng mga taong nasa paligid ko na siyang kinakatakot ko.

What if dumating yung araw kung kelan ayoko na umalis dito ay saka ako ibabalik sa hinaharap. Natatakot akong dumating yung araw na mas gugustuhin ko nalang na manatili sa panahong to. Panahon kung saan kasama ko ang mga taong mahal ko.

"May problema ka ba apo?"

Sa lalim ng iniisip ko ay hindi ko namalayang pumasok si lola Mercy sa kwarto ko. Kung hindi pa siya nagsalita ay baka hindi ko pa nalaman na kanina ko pa pala siya katabi.

"Wala po la. Iniisip ko lng po yung itsura ng lugar na pupuntahan namin bukas."

Mukhang naniwala naman siya sa sinabi ko at lumabas narin agad sa kwarto ko. Nag ayos nalang ako ng back pack na dadalhin para bukas. Saktong laki lang na back pack ang dala ko. Kumuha ako ng tatlong extra na damit, dalawang extra jogging pants, isang jacket, at tsinelas na gagamitin ko para bukas. Naghanap narin ako ng first aid kit sa gamitan ko at nilagay ko yon sa bag. Higit sa lahat nag pack ako ng ilang biscuit at junk foods na pede kong kainin sa biyahe.

Kinabukasan~

Halos lahat ay nandito na. Ang iba ay bumili lang ng snacks nila para sa biyahe. Inaantay nalang namin si Reysi at Grey na napagalaman naming nagsabay pa pala. Automatic na lumipad ang kamay ko sa sentido ko at napa face palm nalang dahil nagsabay pa pala ang dalawang makupad kumilos. 14 lang kaming lahat na sumama. Syempre hindi mawawala si Mika, Miel, at Rion na kakakita ko lang kanina pero para nanamang naglahong bula ngayon.

Nang dumating na si Grey at Reysi ay pasimpleng binatukan ni Sir Andy si Grey. Panay naman ang kwento ni Reysi na kinailangan pa niyang pumunta sa bahay ni Grey. Halos mamula ang mukha niya habang kinikwento na nadatnan niya daw si Grey na mahimbing pa ang tulog. Nalaman namin na nasa iisang street lang pala sila kaya kilala nila ang isa't isa.

Inabot din ata ng apat o limang oras ang biyahe namin. 10 van din ata ang gamit ng school ngayon na kasya ang 15 na tao sa loob nito. Hindi nga nag loloko si Sir ng sabihin niyang kailangan naming tumawid ng ilog para lng maka punta dito. Nasa liblib kaming bayan na kaduluduluhan na ata ng bulacan dahil dito napili ng school na ibigay ang donasyon namin.

Pagkarating na pagkarating namin dito ay binigay na namin agad ang sadya namin. Lahat ay busy sa paglalabas ng donations habang kami naman ay busy sa paglilibang sa mga tao dito. Hindi ko inakala na maraming lugar ang katulad ng lugar nila. Walang kuryente, mga bahay na gawa sa pinagtagpi tagping kahoy, at ang tangi lang nilang lugar na pinagkukunan ng tubig ay ang Ilog na kaninang dinaanan namin. Kahit na ganon pa man dito ay mababakas mo parin sa mga ng mga tao ang saya at kagalak dahil narin siguro sa mga bagong mukhang nakikita nila ngayon.

"Coco pakuha nga yung ibang box sa likod ng van."

Dahil tapos naman nako sa ginagawa ko ay kinuha ko na to. Papalapit palang ako sa van ng mapatid ako ng ugat ng malaking puno. Napatingin lahat sakin kaya naman agad kong tinulungan ang sarili ko.

"Okay ka lang ba?"

"Anak ka ng ding dong."

Para nanamang sasabog ang puso ko sa gulat ng makita kong nasa tabi ko na agad si Rion habang inaalalayan ako tumayo. May lahi atang kabute to eh bigla bigla nalang nasulpot. Naramdaman ko naman na may mahapdi sa tuhod ko kaya tinignan ko ito. Bigla nalang inangat ni Rion ang pants ko at tumambad sakin ang malakas na pag agos ng dugo dala ng pagkaka dapa ko.

Iniwan niya ako saglit sa naka usling ugat ng puno kung saan ako nadapa. Pag balik niya ay may dala dala na siyang first aid kit. Umupo siya sa harap ko para mapantayan ang sugat ko sabay buhos dito ng mineral water.

Pinanood ko nalang siya habang nililinis ang sugat ko. Sobrang gaan ng kamay niya habang ginagawa yon. Para bang takot na takot siyang masaktan ako. Tinitignan din niya ang reaksyon ko bawat hawak niya sa sugat ko. Naramdaman ko na ang hapdi ng sugat na natamo ko pero hindi ko alintana ang sakit na dulot nito.

Kung ako si Cosette 14 years ago malamang sa malamang kanina pako hindi makahinga dahil sa nakikita kong dugo ngayon. Ang Cosette 14 years ago na may phobia sa dugo.

🕐🕐🕐🕐🕐🕐

@SEIRUS