webnovel

Above your time

TIME DUOLOGY #1 Cosette was the perfect representation of being God's favorite child. She's blessed with everything; looks, fame and fortune, and even brains. Being a well known architect and self made billionaire looks easy on her. She had everything she dreams of and she has nothing more to ask for. Her life was indeed perfect and peaceful and currently at it's peak of success not until she decided to take a break and visit the very popular landmark of Manila - Intramuros. What will she do if an unexpected accident that happend at that time suddenly transported her back 14 years ago?

SEIRUS · Teen
Not enough ratings
11 Chs

FIVE

🕐🕐🕐

_________

Ramdam sa buong classroom ang akwardness namin ni Rion na hindi lang nagtagal ng isang araw. Infact isang buwan na simula ng mangyari yon at hanggang ngayon ay hindi ko pa uli siya kinakausap.

"Ano magtititigan nalang tayo? Ano bang balak niyong gawin sa classroom guys. Start na ng pag ddecorate ng room bukas para sa 50 aniversary ng school pero wala parin tayong naiisip." Stress na sabi ng President namin.

"Ayaw niyo bang magtinda tayo ng school merch para madali?" suggest ng isa naming kaklase.

"Nagiisip ka ba? Sa tingin mo may magkakainterest na estudyante diyan? Buti sana kung gaya ng big 4 university ang school natin diba?" pambabara ng isa dahilan para mawalan na sila ng pagasa.

Habang naiistress ang mga batang kasama ko ngayon ay nagisip din ako ng massuggest ko. Maka bata ka eh ikaw din naman bata. Pang gugulo ng utak ko. Naalala ko tuloy na ilang beses ako tumatakas sa bahay noon para lang mag milk tea kasama ang mga kaibigan ko bang may gusto kaming pagusapang nakakaintriga. I wonder kung uso na ba ang milk tea ngayong 2016.

"Spill the tea." wala sa sariling sabi ko sa kanila.

"Ha?"

"Hakdog." pambabara ko sa kaklase ko. Tila hindi naman nila maintindihan ang sinabi dahilan para tumawa ako. Soon maiintindihan niyo rin yan hahaha.

"Ang sabi ko Spill the tea. Magtayo tayo ng tea shop with a twist syempre hindi lang basta pangkaraniwang tea shop. Kapag umorder sila ay pede silang magsend ng anonymous letter satin na babasahin natin sa madla habang on going ang program. Tayo ang magiging DJ ng programa dahil habang nag aantay syempre magpapatugtog tayo ng malakas na rinig sa buong campus. Kahit anong letter pa ang mapunta satin, kahit pa na nageexpose ng sikreto ng isang tao o pedeng sikreto nila ay ilalabas parin natin yon. Syempre gagawin natin yon without exposing yung sender at yung ineexpose niyang tao. Magiiwan lang tayo ng clue para masaya. Tutal uso naman na ngayon ang chismosa diba." Mahabang paliwanag ko sa kanila.

Mukha namang nasiyahan silang lahat dahil panigurado ay dudumugin kami. Sa dami ba naman ng mga malalandi ang gustong magsend ng anonymous letter para sa mga crush nila diba. Isama mo pa ang mga totoong mag kakalat ng sikreto at mga taong gustong magbigay ng opinyon tungkol dito.

Ilang araw ang lumipas at dumating narin ang araw na pinaka aantay namin. Ang araw ng program kung saan magtatagal ito ng isang linggo gaya narin ng utos ng principal. Napagdesisyonan ng lahat na ganon na nga ang gawin namin at grabe talaga ang paghahanda nila. Merong mga naka toka sa pag gawa ng milk tea. Meron namang naka toka sa pagsserve at pag kuha ng costumer. Apat kaming naka toka sa pag recieve ng mga anonymous letter. Ako, si Mikahela president namin, si Miel na gumaganap na leader ng buong Serpens which is section namin, at ang huli ay si Reysi ang taong maasahan mo pag dating sa chika. Sa kabutihang palad naka toka si Rion sa pag aassist sa mga paparating na customer.

Naka sama ang special na papel kasabay ng pagbigay ng order para sulatan. Pagkatapos nilang sulatan yon ay pede na nila yong ihulog sa box na diretso samin. Sampung papel kada round ang babasahin namin pagtapos ng tatlong kantang patutugtugin namin para hindi boring. Si Mika ang unang naka toka sa pag babasa sumunod si Miel na sinundan ni Reysi habang ako ang huli. Kailangan namin itong basahin ng nakakaaliw dahil mabbored ang mga audience samin. Inshort samin nakasalalay ang magandang takbo ng booth namin.

"Maguumpisa na po kaming magbasa ng mga anonymous letters niyo pero una sa lahat gusto kong pasalamatan ang lahat ng tumangkilik sa aming booth." bati ni Mika dahilan para magpalakpakan ang mga tao.

"Ang buena manong sulat ay galing kay Thegirlwhobleedssilently. Tinangka akong gahasain ng mismong tatay ko." unang basa palang ni Mika ay madami na agad ang napasinghap kasama narin ako.

Sumunod namang nagsalita si Miel.

"Ang sulat ay galing kay Jina Cool. Nakita kong may kinakamang lalake ang ate ko. Makalipas ang ilang araw. Nakita ko ang lalakeng yon dito sa campus. Ps. 25 years old na si ate."

Nabigla ang lahat sa mga nag bigay ng entry pero bakas sa mukha ng lahat ang kuryosidad sa iba pang entry kaya nagpatuloy kami. Dumami rin ang customer namin na gusto ring magsend ng kani kanilang entry.

"Ang susunod ay galing kay Joneelll. I saw my mom died when I was 5 years old. I told everyone but nobody believed that my dad (Jonel) was the person who killed her.."

Ako na ang sumunod na kumuha pero pagkakita ko agad ng pangalan ng sender ay napakunot agad ang noo ko.

"Ang sulat ay galing kay 2030 :). May kilala akong taong galing sa hinaharap. Ps. nasa paligid lang siya."

Alam kong ako ang pinapatamaan ng sumulat pero hindi ko alam na may nakakaalam. O baka hindi lang ako ang taong narito ngayon na galing sa future..

🕐🕐🕐

@SEIRUS