webnovel

A Spoken Poetry

Kalipunan ng mga tulang nailimbag sa himbing ng gabi. Sana'y makaabot sa inyo ang mensahe ng bawa't taludtod.

El_Dono · Teen
Not enough ratings
4 Chs

Ikaapat

"FANGIRL"

Kumusta na?

Nakakakain ka pa ba?

Nakakatulog ka ba ng mahimbing kahit ang dami mong pasanin?

Masaya ka pa rin ba kahit nakakapagod na?

Sana.

Sana masaya ka. 'Yan ang natatangi kong hiling sa mga tala sa dilim.

Alam mo bang ikaw ang laging laman ng aking isipan?

Mapa-umaga, tanghali, hapon hanggang sa ang buwan ay akin nang masilayan,

at kahit sa panaginip ko ikaw pa rin ang kasama, sinusulit mga oras na tayo'y magkahawak ng kamay, mga oras na ngiti mo'y aking nakikita at mga oras na ako lang,

ako lang ang dahilan ng ngiti mong para akong pinapalutang.

Kumusta na?

Teka, tama ba ang salitang 'kumusta na?'

Bigla akong natauhan, nabalik sa kamalayan

Kasi oo nga pala, sa ating dalawa,

Ako lang ang nagmamahal, nasasaktan at patuloy ka pa ring minamahal kahit na 'di mo ko kilala.

Alam mo ba 'yung feeling na na alam ko na ang buong pagkatao niya, and'yan ako parati na parang baliw na laging sumusuporta, tahimik na kinikilig pagnasilayan ka,

kahit na alam ko ang katotohanan.

Katotohanang may salitang ikaw at ako pero walang tayo,

katotohanang nasa iisa tayong mundo pero kapalarang nakatadhana sa ati'y napakalayo.

At katotohanang mahal kita,

At hindi na ito masusuklian pa.

Minsan pinilit ko na 'ring sumuko

Pinilit kong bumaling sa ibang tao,

Pero sadyang 'di na mapigil 'tong pagtibok ng puso ko,

Na sa bawa't pagtibok,

pangalan mo ang isinisigaw nito.

Tanggap kong 'di talaga tayo para sa isa't isa

Ngunit kung sakali man,

Kung sakali lang naman,

Na istoryang aking hiling ay maipasa sa limbagan, kung sakaling matupad ang mga hiling ko,

Huwag kang magalala.

Andito pa rin ako. Ang pinaka sa pinaka-fangirl mo,

patuloy kang mamahalin,

hanggang sa marating mo ang iyong happy ending.