webnovel

A Sinful Love

Si Cassian ay nangarap lamang ng isang magandang buhay kasama ang babaeng pinakamamahal niya, hanggang sa dumating ang araw na hindi na sila puwedeng magkita pa dahil ang babaeng kaniyang iniibig ay isang anghel. At ang pag-ibig sa isang anghel ay mahigpit na ipinagbabawal. Sa kagustuhang mabawi ni Cassian si Camiell ay inialay niya ang kaniyang kaluluwa kay Satanas at sa pamamagitan nito ay naging isa siyang ganap na demonyo. Wala siyang maisip na ibang paraan kundi ang wasakin ang mundo. Hanggang sa dumating si Cassiel - ang kaisa-isang babaeng nakakakita sa kaniya. Nagsimulang gumana ang kaniyang kuryosidad dahil wala ni isang tao ang makakakita sa kaniya, depende kung gugustuhin niyang magpakita at kung hindi tao ang nilalang na 'yon. Nagsimula siyang makaisip ng paraan at sa mga planong naisip niya ay kasama si Cassiel. Napag-isipan niyang gagamitin niya ang babae upang makamit at magtagumpay ang lahat ng plano niya. Ngunit, paano kung nag-iba bigla ang takbo ng mundo? Paano kung ang puso niya'y biglang nag-iba ng direksyon? Ipagpapatuloy niya pa rin ba ang pagsira ng mundo?

Princerandell · Fantasy
Not enough ratings
5 Chs

Mahalagang Paalala:

Ang istoryang ito ay gawa-gawa lamang ng makulay na imahinasyon ng may akda. Ang mga pangalan, lugar at pangyayari na kahalintulad sa tunay na tao at nangyari sa totoong buhay ay hindi sinasadya at nagkataon lamang.

Ang piyesang ito ay kathang-isip lamang at hindi nangyari sa totoong buhay. Naglalaman din ito ng maseselang bagay ukol sa relihiyon ngunit hindi nais ng manunulat na baguhin ang inyong paniniwala.

Ang pagkopya at paglathala sa istoryang ito nang walang permiso ng may akda ay mahigpit na ipinagbabawal.

ISANG KRIMEN ANG PAGKUHA NG ISANG AKDA!