webnovel

Chapter 8

Magkatabing naglalakad si Yasumi at Akaza ngayon sa hallway para maglunch.

"San ba tayo maglulunch?" Tanong ni Yasumi kay Akaza.

"Tanong mo sa jowa mo," Sabi ni Akaza with a teasing look sabay siko sa tagiliran ni Yasumi.

"Huh?" Di naman magets ni Yasumi tong kaibigan niya kaya nagtanong siya pero sinagot lang siya ng isang nguso mula kay Akaza pointing towards a specific direction.

Sinundan ito ng tingin ni Yasumi at ayon nga, sa exit ng hallway, nakasandal sa pader si Aikoh na tila ba may inaabangan.

Napansin ni Aikoh ang papalapit na sina Yasumi at Aikoh pero tiningnan niya lang ito bago bumalik sa pakikinig ng music.

"Lapihmpphphphph" Di natapos ni Akaza sasabihin niya nang tinabunan ni Yasumi bibig niya bago hilain papunta sa ibang direction.

Pero bago pa siya makalayo naramdaman niya na may humatak sa kanyang kamay mula sa likod.

"Iiwasan mo ba boyfriend mo sa unang araw niyo? What kind of girlfriend are you?" Walang kaflavor flavor na sabi ni Aikoh habang nakahawak sa kamay ni Yasumi.

"Alam nating in-name lang pagiging magjowa natin Aikoh. You can't force me to do anything," Yasumi flicked Aikoh's hand away while glaring at Aikoh.

"Sige iwan ko muna kayo ha~" Sabi ni Akaza sabay takbo palayo. She made sure na nasa malayo siya incase magsapakan ang dalawang to.

"Teka Za~" Pipigilan niya sana si Akaza pero kahit anino di na niya naabutan.

"You were saying?" Aikoh asked with a grin.

"Alam mo nakakaasar kana Aikoh huh. Diba dapat tahimik ka lang sa isang sulok ng classroom? Diba dapat display ka lang dun? Nasanay nako eh! Bakit ngayon binubully mo na ko? Kahapon kapa eh~ nagtatake advantage ka sa kahinaan ko! Dapat pala di mo nalang ako niligtas," Di napigilan ni Yasumi inis niya habang namamasa gilid ng mata niya, indicating na she's on the verge of tears!

Tiningnan ni Aikoh si Yasumi ng derecho sa mata.

"Well, I guess I saved the wrong person," Aikoh said while throwing a mocking glance kay Yasumi. Pagkatapus niya yung sabihin, tumalikod si Aikoh at nagumpisa nang maglakad palayo, leaving Yasumi behind.

"T~teka," Sigaw ni Yasumi trying to stop Aikoh from leaving.

Nang marinig ito ni Aikoh, huminto siya sa paglalakad, letting Yasumi catch up.

"Aikoh, I'm sorry kasi di ko napigilan sarili ko," Paghingi ng tawad ni Yasumi. Kinakabahan siya na baka nagalit si Aikoh sa kanya. Pag nangyari yun, she is repaying kindness with enmity.

Aikoh let out a sigh before rubbing Yasumi's head, messing her hair up na nagpapout naman kay Yasumi.

"Tanghali na. Sabay na tayong kumain," Sabi ni Aikoh.

Di naman siya nagantay na sumagot si Yasumi bago niya ito hilain papunta sa cafeteria.

SA CAFETERIA

Magkasabay na pumasok si Aikoh at Yasumi.

Pinaupo ni Aikoh si Yasumi sa isang bakanteng table bago kumuha ng pagkain sa food counter.

Habang nagaantay si Yasumi na bumalik si Aikoh, may tatlong lalaki na lumapit kang Yasumi.

Base sa suot nilang uniform, mga upper classmen sila.

"Ahm~ miss, may kasama ka ba dito sa table?" Tanong nang lalaking may kahabaan ang nguso na nagsisilbing leader nilang tatlo.

"Meron,"

"Ah, ganon ba? Wag ka magalala kami bahala dun, hehe" Sabi ng isa na may tigyawat sa ilong sabay upo sa tapat ni Yasumi. Sumunod naman yung dalawa.

Yung isa umopo sa tapat ni Yasumi katabi ng may tigyawat sa ilong habang yung upperclassman na medyo mahaba ang nguso, umupo sa tabi ni Yasumi. Nagsitayuan balahibo ni Yasumi ng umakbay si Mr. Nguso sa kanya.

"Excuse me, maiwan ko muna kayo ha," Sabi ni Yasumi bago siya tumayo at nagtangkang umalis pero bago paman siya makatayo ng tuloyan, pinigilan siya ng upperclassman na mahaba ang nguso at pinabalik sa pag upo.

Nanlamig katawan ni Yasumi ng may maramdaman siyang matulis na bagay na nakatutok sa kanyang tagiliran.

"Samahan mo nalang kami miss, mageenjoy ka rin naman sa gagawin natin," Sabi ng lalaking may tigyawat sa ilong habang nakangiti. Nagsitawanan ang mga kasama niya habang namumutla at pinagpapawisan na sa takot si Yasumi.

Natatakot rin siyang sumigaw dahil sa kutsilyo na nakatutok sa kanyang tagiliran. Baka magkaroon pa siya ng instant gripo sa gilid.

"Aalisin mo yang kamay mo o babaliin ko leeg mo?" Nagulat naman ang tatlong lalaki nang biglang may dumating at nagsalita.

Nung nilingon nila kung sino, nakita nila ang isang binatang nasa edad 18-19, medyo mapayat at maputla ang balat na parang sakitin. Maiitim na buhok at pitch black eyes. Halatang freshmen. Nakahinga naman sila ng maluwag.

"Miss ito ba sinasabi mong kasama mo?" Pagtatanong ni mr. nguso sabay tawa nilang tatlo.

"Mukhang iyakin naman to eh," Sabi ng may tigyawat sa ilong sabay nilibot ng kanyang paningin ang katawan ni Yasumi mula tenga, labi hanggang sa dibdib ni Yasumi. Kung wala lang siguro ang lamesa baka umabot pa tingin niya sa baba.

"Uulitin ko, bitawan mo siya," Aikoh's face is soo cold, freezing up the ambiance.

"Anong gagawin mo pag di ko siya binitawan?" Di nagpatinag ang upperclassman na naka akbay kay Yasumi.

Pero bago pa sila makapagreact gumalaw na si Aikoh.

Gamit kamay niya, he pressed the person sa sandalan ng upuan, inabling him to stand up. Di nagpatalo ang upperclassman. Gamit ang kutsilyo na itinutok niya kay Yasumi, he moved his hand para saksakin ang tagiliran ni Aikoh pero nagulat siya nang sinalubong ni Aikoh ang kutsilyo gamit ang sarili niyang kamay!

"Hehe~ Bobo," Sabi niya habang nakangiti pero nawala ngiti niya kinalaunan dahil hindi nangyari ang kanyang inaasahan.

Instead na tumagos sa palad ni Aikoh ang talim ng kutsilyo, pinadaan niya lang ito sa gitna ng kanyang mga daliri before clenching the enemy's hand.

Sinubukan ng upperclassman na hatakin pabalik kamay niya pero di na niya ito magalaw.

CRACK!

The sound of bones breaking echoed na narinig lahat ng nasa mesa.

Aikoh twisted the upperclassman's hand upward, breaking the joints na nagkokonekta sa kanyang kamay at braso. Dahil sa biglaang pangyayari, nabitawan ng kalaban ang patalim na sinalo naman ni Aikoh

Sisigaw na sana siya sa sakit nang tinakpan ni Aikoh ang bibig niya sabay tutok ng kutsilyo sa leeg. Threatening to cut it open. Napakabilis ng pangyayari. Napakabilis to the point of hindi na nagkaroon ng pagkakataon ang dalawa pang kalaban na gumalaw.

"Sige, sigaw, nang malagyan ko ng butas leeg mo at malaman ng lahat na hindi talaga kayo mga estudyante dito at nagpapanggap lang kayo para makapangharas ng mga babaeng estudyante," Bulong ni Aikoh na narinig naman ng dalawa pang natitira, including Yasumi.

"Babe, tumawag ka ng guard," Utos ni Aikoh kay Yasumi na tulala dahil sa nangyayari.