webnovel

Chapter 5

Sa kasalukoyan, isang black na BMW ang bumabaybay sa high way.

"Nalinis mo ba ng maayos Joakim?" Tanong ni Aikoh na nakaupo sa passenger's seat katabi ng driver.

"Nalinis ko po ng mabuti ang lugar. We were never there and we don't know anything." Joakim responded while looking at the back seat through the mirror.

"Naiintindihan ko, tsaka utang ko rin sayo buhay ng kaibigan ko," Seryusong sabi ni Akaza mula sa back seat.

Katabi ni Akaza ngayon si Hiro na tahimik lang na nakikinig sa pinaguusapan nila. Walang sino man ang nakakaalam sa kung ano ang nasa isip niya ngayon. Nakasandal naman sa kabilang gilid ni Akaza si Yasumi na tahimik na natutulog.

"Alam mo Aikoh, ikaw ang pinakamysteryusong tao na nakilala ko, parang napapalibutan ka ng napakakapal na fog. Wala sino man ang may kakayahang basahin ka," Sabi ni Akaza.

"I know and I prefer to keep it that way," kalmadong sagot ni Aikoh. Nilingon naman ni Akaza si Yasumi na nakasandal sa kanya.

"Seryuso? Nagkagusto ka sa halimaw nato?" Sabi ni Akaza sa isip niya. Nang maalala niya yung mga nangyari kanina, nagsitayuan lahat ng buhok niya sa katawan.

Nang makarating na sila sa bahay ni Yasumi, di na bumaba sila Aikoh at hinayaan nalang si Akaza na humarap sa mga magulang ni Yasumi para di na makakuha pa ng mga unnecessary attention.

Sinalubong naman si Akaza ng mga nagaalalang magulang ni Yasumi.

"Okay lang po siya, nakatulog lang sa bahay kanina habang gumagawa kami ng project po," Explanation ni Akaza. Since gabi na, pinili nalang ni Akaza na makitulog sa bahay nina Yasumi. At first nanibago si Akaza dahil first time niya makatulog sa ganitong uri ng bahay. Kahit di naman siya super yaman, modern concrete naman bahay nila, kinalaunan nakapagadjust narin siya.

Meanwhile...

Sa isang pribadong kwarto sa bahay ni Aikoh, magkaharap na nakaupo si Aikoh at Hiro.

"Ba't mo ginawa to?" Flat na sa sabi ni Aikoh.

"Ang alin?" Painosenting tanong pabalik ni Hiro.

"You were indirectly in control of everything. Sinadya mung dalhin ako dun sa lugar na yun for the purpose of saving that girl. You also purposely appeared in front of that lad, Akaza just to delay her to make your plan perfect but you have one mistake, you appeared with Akaza." Aikoh voiced his deduction out. Nang makita niya na magkasama si Akaza at Hiro na dumating, naintindihan niya na ang lahat ng nangyari ay plano ni Hiro.

"Talino mo parin hanggang ngayon, no wonder wala pang 'tao' ang nakakatalo sayo," Nakangiting papuri ni Hiro.

"Ba't mo ginawa yun?" Seryusong tanong ni Aikoh. Sa pagkakaalam niya, bawal manakit or magcause ng kapahamakan sa ibang tao ang mga katulad ni Hiro.

"Di mo parin ba naiintindihan Aikoh?" Tanong ni Hiro kay Aikoh na tila ba naaamuse siya sa naivety nito.

"Hindi ito tungkol sayo Aikoh. Tungkol ito sa babaeng yun," Dagdag ni Hiro na lalo lang nagpagulo sa isip ni Aikoh.

"Anong ibig mung sabihin?" Tanong ni Aikoh.

"Nung ipinatong ko sayo ang parusa, binigyan ka ng mahalagang paalala ng tagatanaw sa kinabukasan. Para matapos ang parusa kilangan mong mahanap ang sagot sa kailaliman ng puso mo," Paalala ni Hiro kay Aikoh.

"Ang babaeng yun ang susi para mahanap ang sagot sa katanungan mo," Bigla namang nagulat si Aikoh sa sinabi ni Hiro.

"Sa babaeng yun makikita ang sagot sa katanungan ko?" Pagulit ni Aikoh sa tanong.

"Oo, kaya kung ako sayo, ihanda mo na sarili mo," Yan ang huling sinabi ni Hiro bago ito tuloyang nawala like he wasn't here before.

Hindi naman mawala sa isip ni Aikoh ang sinabi ni Hiro.

"Si Miss Hiroyo? Susi?" Bulong ni Aikoh sa kanyang sarili.

"Kelangan kong obserbahan sa malapitan ang babaeng yun. Baka totoo ang sinasabi ni Hiro tungkol sa kanya."

KINABUKASAN

Sabay na pumasok ng maaga si Yasumi at Akaza.

Nang dumating sila, hindi mapakali si Yasumi na tila may hinahanap pero nang napadako tingin niya sa upoan ni Aikoh, she became dissapointed.

"Wag ka magalala Yan, maaga pa naman eh. Baka maya maya dadating nayun," Sabi ni Akaza mula sa likod habang tinatapik tapik balikat ni Yasumi. Tumango naman si Yasumi bilang sagot.

Nung nagkamalay siya, kinwento ni Akaza lahat ng nangyari except sa point na Aikoh brutally killed the people who harmed her.

Simula nun, di na siya makatulog ulit hanggang nagumaga. Utang niya buhay niya kay Aikoh. Kung di pa siguro dumating si Aikoh, baka kung ano na ang nangyari sa kanya.

Unfortunately for her, natapus ang buong araw sa skwela ng hindi dumarating si Aikoh.

"Za, puntahan kaya natin siya sa bahay nila?" Yasumi looked towards Akaza with pleading eyes.

"Eh~ pano? Di ko alam san bahay nila, Yan," Nagkamot naman ng ulo si Akaza. You must remember ni si Aikoh ang pinakamysteryusong tao na nakilala nila. Walang sino man sa kanilang classmates ang nakakaalam sa kung saan nakatira si Aikoh. Well, may records naman siya sa school registrar pero malabong makuha nila yun.

Out of nowhere naalala naman ni Yasumi ang lugar kung saan sila nagkabanggaan ni Aikoh. Nangyari ang mga accidenting yun sa dalawang magkakahiwalay na lugar, pero hindi ito nagkakalayo. Each time na nagkakabanggaan sila ni Aikoh, Aikoh seems to come from the same direction and that is the eastern edge ng city!

Full force na umaandar ngayon ang utak ni Yasumi. Gusto niya talagang makabawi sa ginawa ni Aikoh or else di siya malalagay sa tahimik.

"Mukhang may idea na ako kung saan tayo magsisimula, let's just hope na tama naisip ko" Sabi ni Yasumi habang tumatakbo at hila hila si Akaza.

"Waaaaaaiit~ san ba? Dahan dahan!" Wala naman nagawa si Akaza bukod sa mag go with the flow.

SA BAHAY NI AIKOH

Tahimik lang ang buong bahay ni Aikoh sa lahat ng oras. Dadalawa lang naman kasi sila ni Joakim nakatira rito eh pero kung tahimik sa ibang parte ng bahay, di naman mawala ang tunog ng pagbuklat ng papel sa study room ni Aikoh.

Sa loob ng study room, nakaupo si Aikoh sa isang table na may lamp at sangkatutak na libro habang focus sa pagbabasa.

Nakatayo naman sa likod niya si Joakim habang nagaantay ng utos.

"Mukhang busy ang batang to ngayon ah," Nagulat naman si Jaokim ng may biglaang nagsalita sa tabi niya. Walang iba kundi si Hiro.

"Ginoong Hironaga, para po kayong kabuti na kung saan saan sumusulpot," Sabi ni Joakim habang nakangiti.

Hiro's face twitched. Hindi niya alam kong matatawa ba siya o maiinsulto. This guy can insult someone with a smiling face!

"Ano ba binabasa niya?" Para maiba yung topic nagtanong nalang siya sa kung ano ang binabasa ni Aikoh. Well curious din naman kasi siya as to bakit isang araw nang nagbabasa ng mga libro si Aikoh.

"Tungkol po ang mga librong yan sa 'dating'," Simpleng sabi ni Joakim. Kahit nakapoker face si Joakim, halata parin sa galaw ng kanyang mata at adam's apple na nagpipigil siya ng tawa.

"Pffft~ HAHAHAHAHAHAHAHA," Di napigilan ni Hiro sarili niya na tumawa.

Umitim naman ang expression ni Aikoh nung marinig niya tawa ni Hiro bago niya ilapag ang libro sa mesa.

"Gusto ko lang malaman sagot sa tanong ko at makukuha ko yun pagnapalapit ako sa kanya. Tama ba ko hironaga?" Tiningnan niya sa mata si Hiro bago nagsalita. Nagkibit balikat naman si Hiro na tila ba sinasabing 'ewan ko sayo'.

"Speaking of, andito na siya, hinahanap ka Aikoh. Hehe," Hiro spoke in a teasing manner.

Napalingon naman sa kanya si Joakim at Aikoh.

Tinangoan ni Aikoh si Joakim. Lumabas naman si Joakim nang kwarto para salubongin ang kanilang papalapit na bisita.