webnovel

Chapter 3

6:30 AM.

This time sinigurado na ni Yasumi na hindi na ulit siya malalate pero nang tingnan niya relo niya, mukhang sumubra naman ata siya sa paninigurado.

6:30 pa pero nasa labas na siya nang bahay naglalakad papuntang eskwelahan.

"Hay nakoo~ Pambihira ka talaga Yasumi," Bulong niya sa sarili niya.

Dahil maaga pa naman, naglakadlakad na muna siya bago pumunta sa eskwelahan. Ayaw na niya maging center of attraction ulit.

Nang magsimula na siyang maglakad, naalala niya si Aikoh at ang malalamig na mata nito. Pagnaiisip niya palang na parang hinihigop kaluluwa niya, kinikilabutan na siya.

"Anong klaseng mata ba meron siya?" A stupid question that has no answer available for her.

Hindi dumaan si Yasumi sa kung saan sila nagkabanggan ni Aikoh. Okay lang naman magdetour kasi maaga pa naman.

Liliko na sana siya sa kanto nang may nakabanggaan nanaman siya.

"Aray naman!" "F*ck!"

Kinabahan si Yasumi dahil familiar sa kanya ang pangyayaring to!

Tumingala siya para tingnan kung tama ba hinala niya~

Nang makita niya kung sino ang nakabangga niya, nanlaki ang kanyang mga mata at nanlambot ang buo niyang katawan.

Those eyes! Those cold, brutal dark eyes!

Aikoh Jūkichi! Siya nanaman?! Isang Dejavu!

"Sa susunod tumingin ka sa iyong dadaanan miss Hiroyo." Aikoh said plainly before walking away.

Nataohan si Yasumi nang marinig niya ang walang kabuhay buhay na boses ni Aikoh.

"T~teka!" Sigaw ni Yasumi para pigilan si Aikoh.

Huminto naman si Aikoh di kalayuan kay Yasumi.

"Pasensya kana sakin  kasi~ kasi ano~ ahm~ si~ sinundan kita kahapon," Nahihiyang sabi ni Yasumi habang pinipihit ang gilid ng kanyang palda.

Nang marinig ito ni Aikoh, lumingon siya at tinitigan si Yasumi. Nang magsalubong ang tingin nilang dalawa, Yumuko si Yasumi para iwasan ang mga mata ni Aikoh.

Dahan dahang humakbang si Aikoh papalapit kay Yasumi na nagpaatras naman sa dalaga. Every step Aikoh takes forward is a step Yasumi takes backward.

"A~anong gagawin mo?" Kinakabahang tanong ni Yasumi.

"Are you afraid of me, Miss Hiroyo?" Deriktang tanong ni Aikoh kay Yasumi.

"Ahm Ha~hala! 7 na. Ma~malalate na ako. Sige mauna na ako ha!" Kinakabahang sabi ni Yasumi bago kumaripas ng takbo!

"Nakalimutan niya siguro na parihas lang ang schedule namin," Bulong ni Aikoh sa kanyang sarili bago nagumpisa naring maglakad.

DURING CLASS

"Za, pwedi palit tayo nang upoan?" Kinalabit ni Yasumi si Akaza para makipagpalit ng upoan.

"Huh?" Nagtaka si Akaza kung bakit biglang ginusto ni Yasumi na makipagpalit nang upoan pero di sinasadyang napunta tingin niya sa 'may sariling mundo' na si Aikoh.

"Ayee~ di pwedi," Akaza spoke with a giggle bago tinalikuran si Yasumi.

"Uy Zaza, sige na naman oh," pagmamakaawa ni Yasumi. Naaawkward siya kay Aikoh dahil sa nangyari kanina.

"Miss Hiroyo, can you explain to the entire class what is the difference between Anatomy and Physiology?" Yasumi was still begging Akaza when out of nowhere tinanong siya nang kanilang professor. Namutla naman bigla si Yasumi.

"Ah~ Eh~ A~ano kasi sir,"

"You don't know Miss Hiroyo?" Sapaw ng kanilang professor.

"I was expecting na masasagot mo tanong ko since you were discussing something else,"

Napayuko na lamang si Yasumi. Nahiya siya sa sinabi nang kanilang professor.

Ba't ba kasi palagi nalang ako napapahiya sa room? Ang malas ko naman!

"Since that's the case, I want you all to write an essay about the difference of Anatomy and Physiology," Sabi ng professor nila.

"Sir teka..." Magsasalita na sana si Yasumi kaso namutla siya nang nakita niya ang masasamang tingin ng kanyang mga kaklase.

"Sir, what if I can answer that question for her? Can you cancel the punishment?" Isang bored na boses ang sumira sa katahimikan ng lahat.

Lumingon si Yasumi to check kung sino yung nagsalita but she was dumbfounded dahil ang nagsalita ay walang iba kundi si Aikoh Jūkichi. Ang pinakatahimik at mysteryusong tao na kilala niya.

Nagulat din ang kanilang professor dahil sa reaction ni Aikoh. Sa mga time naglelecture siya, natoto na siyang idedma ang behaviour ni Aikoh na walang pakialam sa class, infact kahit ganyan behavior niya, hindi naman siya nabebehind sa mga activities and quizes.

"Can you answer my question Mr. Jūkichi?" The professor asked to probe Aikoh's reaction pero walang hint ng hesitation kahit kunti mula sa mukha ni Aikoh.

"Okay let's have a bet, if you can't answer the same question I asked miss Hiroyo, You will have to write Yasumi's essay, but if you'll win, I'll have to give you an extra credit of points sa class record ko and the essay would be cancelled for everyone." The professor teased Aikoh, trying to act superior.

"Deal," Aikoh answered flatly.

"What's the difference between Anatomy and Physiology?" Tahimik lang ang lahat habang nakikinig from the sideline. Nakasalalay dito kung kelangan paba nila sumulat ng essay or not.

"Anatomy is the study of any biological specimen's bodily structure while Physiology is the study of those structure's functions," Aikoh answered without hesitation.

Speechless ang lahat ng sumagot na si Aikoh.

"Nakikinig pala ang lalaking to?" Yan ang nasaisip ng lahat.

"Very good, since I have my pride as a teacher, I won't go against my promise. Everyone is excused sa paggawa ng essay, and Aikoh I'll give you an extra 100 points for your oral participation." Naghiyawan ang lahat nang marinig nila ang proclamation ng kanilang professor bago ito umalis ng classroom.

"Muntik na tayo mapahamak dahil kay Yasumi na yan! Buti nalang anjan si Aikoh,"

"Eh~ ang cool ni Aikoh,"

"Tsk~ pasikat din to eh,"

"Alam nyu ba may gwapo daw sa kabilang deparment,"

"Talaga?"

Kanya kanynag discussion na ang lahat pagkalabas ng kanilang prof.  May mga bad comments tungkol kay Yasumi, meron ding nagaadmire kang Aikoh, meron din haters at syempre meron ding mga malalandi!

Despite the noises and nonsense flying around, nakayukong lumapit si Yasumi kang Aikoh at tulad nang lage niyang ginagawa, pinipihit niya gilid ng palda niya to keep herself calm.

"Ahm~ A~aikoh, maraming salamat for saving me," Sincere na sabi ni Yasumi habang nakayuko.

"Don't bother, di ko yun ginawa to save your ass. Its just that I'm confident and tinatamad ako magsulat ng essay. Yun lang yun. Don't overthink." Plain na pagkasagot ni Aikoh. Wala man lang bahid ng kahit anong flavor.

Nang marinig ni Yasumi ang sinabi ni Aikoh, di niya maintindihan kung bakit may kunting kirot siyang naramdaman.

"Dissapointed ba ko?" Sabi ni Yasumi sa isip niya.

"Ah~ Sige sige," Hilaw na sagot ni Yasumi.

"Uy~ ano daw sabi ayeeeee~ kayo ha!" Nang makabalik na si Yasumi sa kanyang upoan, sinalubong naman siya ng hyper na si Akaza.

"Wala," Yasumi spoke with a frown na napansin naman ni Akaza.