webnovel

Chapter 20

"Anong nangyari sayo?" Aikoh asked.

Pagkapasok nila sa bahay, hinila ni Hiro si Aikoh papasok sa study room dahil may paguusapan silang importante.

"Let's leave it for last. Kwento mo muna nangyari sayo ngayon," Hiro intercepted.

Aikoh rolled his eyes when he heard this bago siya nag umpisang mag narrate sa mga nangyari.

"He is a loose end para sayo. You should get rid of him as soon as you can," Suggestion ni Hiro matapus niyang marinig lahat nang nangyari.

"I know. The problem is kung pano ko siya hahanapin," Sabi ni Aikoh habang nakasandal sa kanyang upuan.

"Di mo naman siya kailangan hanapin eh. He will come looking for you," Sabi ni Hiro habang nakangiti pero di nagtagal, napalitan ang kanyang ngiti nang isang seryusong expression.

"Isa na akong mortal ngayon,"

Natulala si Aikoh sa kanyang narinig. Ang balitang ito ay walang pinagkaiba sa isang maulang araw tapus bigla kang babalitaan ng katabi mo na mainit sa labas.

"Wag kang magbiro, wala ako sa mood para sa mga biro mo Hiro," When the idea sunk into Aikoh's brain, he immediately rejected it.

"Di ako nagbibiro Aikoh. Isa na kong mortal," Pagkumpirma ni Hiro. Aikoh was speechless nang marinig niya ito.

Kilala ni Aikoh si Hiro dahil nakasama niya ito sa luob ng hindi na mabilang na panahon. Kahit childish and unreliable siya most of the time, alam ni Aikoh kung kelan siya nagbibiro at kailan rin siya seryuso.

Suddenly, napatingin siya kay Hiro with an expectant look dahil sa idea na nag pop out mula sa kanyang isip.

"Yung parusa ko?" Hopeful na tanong ni Aikoh. Umaasa siya na since isa nang mortal si Hiro, mawawala narin ang kanyang parusa.

"Wag mo hayaang pumasok ang idea na yan sa isip mo. Kaming mga dios ay ginagamit ang mga batas nang buong kalawakan bilang kapangyarihan para just in case a God would perish, hindi maapektuhan ang takbo nang buong kalawakan. This rule applies sa situation mo," Bago pa magsink in sa utak ni Aikoh ang idea na baka wala na ang parusa sa kanya, Hiro's statement burst his bubble.

"Pano ka ba naging mortal?" Aikoh asked with a dissapointed expression.

"Since time immemorial, pinagbawalan na kaming mga dios na umibig sa mga mortal. Ang kaparusahan ay ang pagbawi nang aming imortalidad at kapangyarihan." Sagot ni Hiro sa tanong ni Aikoh.

"Ibig sabihin, nagmahal ka nang mortal," Tiningnan ni Aikoh si Hiro sa mata habang nagaantay ng sagot.

"Tama ka," Pagkumpirma ni Hiro. Huminga nang malalim si Aikoh. Aminin man niya o hindi, sa kailaliman ng kanyang puso, naiingit siya kay Hiro. Gustong gusto ni Aikoh ang magpahinga dahil pagod na pagod na siya pagkatapus nang hindi na mabilang na taon. Pinanuod niyang mawala isa isa ang mga taong naging mahalaga sa kanya. You can't imagine the loneliness and the pain Aikoh must have felt through the years.

"Kung dadating ang panahon na babalik kana sa pagiging mortal, kaya mo bang iwan si Yasumi?" Biglaang tanong ni Hiro that caught Aikoh off guard.

"Hindi ko alam," Kahit di niya alam kung ano talaga nararamdaman niya para kay Yasumi, sigurado naman siya na mahalaga si Yasumi para sa kanya.

Kinabukasan sa school.

Pumasok si Yasumi kasama si Aikoh na tila ba walang nangyari kahapon.

Kagabi, nahirapan si Yasumi na tanggalin sa isip niya ang lahat nang nangyari. Di niya malimutan ang takot at pagkabigla na naramdaman niya. Buti nalang at nakumbinsi niya ang kanyang sarili na ilagay na lang ang lahat sa likod ng kanyang isip.

Pagkaupo na pagkaupo ni Yasumi sa kanyang upoan, kinalabit agad siya ni Akaza.

"Anong nangyari sayo? Ba't ang bigat ng mukha mo ngayon?" Tanong ni Akaza nang makita niya ang eyebags ni Yasumi.

"Ikukwento ko sayo mamaya," Simpleng sagot ni Yasumi.

"Sige, may ikukwento din ako sayo mamaya," Naging excited naman ang mukha ni Akaza nang maisip niya ang nangyari sa kanya kahapon.

It didn't take long para magumpisa ang kanilang klase and like the usual, natapus ang kanilang klase ng hindi namamalayan ni Aikoh. Well, ano ba iniexpect mo mula sa isang decoration?

Kumakain ngayon si Aikoh and Yasumi sa kanilang favorite spot, ang soccer field. Ang pagkakaiba lang is kasama nila si Akaza ngayon. This past few days, madalang na nilang makasama si Akaza. Para bang napakabusy niya sa kung anong bagay.

"Ano ba kwento mo?" Habang kumakain, biglang nagtanong si Akaza.

Huminga nang malalim si Yasumi bago niya ikinuwento ang nangyari sa kanila. Dahil sa gulat, she unconsciously covered her mouth with her hand.

"Okay ka lang ba?" Umusod nang kunti si Akaza papunta sa tabi ni Yasumi to take a closer look kung okay lang ba si Yasumi.

"Okay lang ako, wag kang magalala," To show na she's really okay, pinakita ni Yasumi ang kanyang sweetest smile.

"Ikaw? ano ba sasabihin mo sakin?" Tanong ni Yasumi.

"May jowa na ako,"

Halos matapon ang mga pagkain sa bibig ni Yasumi nang marinig niya ang sinabi ni Akaza.

"Talaga Za? Sino?" Yasumi asked. Tumango si Akaza bilang sagot.

Tiningnan ni Akaza si Aikoh na tahimik lang na kumakain.

"Si Hiro," Nabilaokan si Aikoh sa kanyang narinig. Dali daling kumuha si Yasumi ng tubig para ipainom kay Aikoh.

Napatitig si Aikoh at Yasumi kay Akaza.

"Hiro? Yun ba yung bata? Kala ko ba kapatid mo yun?" Tanong ni Yasumi kay Akaza bago niya tinapunan ng isang questioning look si Aikoh.

"Hindi ko siya kapatid,"

"Hindi siya bata,"

Hindi sinasadyang magkasabay sila ni Aikoh at Akaza sa pagsagot.

Napatango tango naman si Yasumi habang nagsisink in sa kanyang isip ang lahat.

Simula nung lunch time, naging mas better pakiramdam ni Yasumi dahil sa kakulitan ni Akaza.

The entire day went on without any hitch.

"Uy, sa inyo ako matutulog ngayon, okay lang?" Habang naglalakad sila palabas ng campus, biglang nagtanong si Akaza kay Yasumi.

"Sige ba tapus kwento mo sakin pano naging kayo ha," Tumango tango si Yasumi habang nagsasalita. Curious siya kung pano naging jowa ni Akazak ang batang yun!

Habang nagkukwentohan sila Akaza and Yasumi, tahimik lang na nakasunod sa kanila si Aikoh.

Bzzt! Bzzt!

"Mauna na kayo babe, I'll just answer this call," Paalam ni Aikoh nang mapansin niya ang vibration mula sa phone niya. Tumango si Yasumi bilang sagot bago naglakad ulit kasabay si Akaza.

Kinuha ni Aikoh phone niya at chineck kung sino ang tumatawag. Bukod kay Joakim and Yasumi, wala na siyang alam na possibleng tumawag sa kanya.

Unregistered Number.

Sumimangot mukha ni Aikoh nang makita niya ang nakalagay sa phone niya.

"Sino kaya to," Bulong ni Aikoh bago niya sinwipe ang answer button.

"Naaalala mo pa ba ako?" Isang pamilyar na boses ang kanyang narinig mula sa cellphone.

"Akae," Mahinang sabi ni Aikoh.

"Tama, ako nga, hehehe,"

"Anong kailangan mo?" Kalmadong tanong ni Aikoh. He's not the least bit afraid.

"Magkita tayo nang tayo lang dalawa. You've ruined majority of my business and you want me to stay away from Yasumi. How about tapusin natin to once and for all. Winner takes all?"

Napaisip si Aikoh tungkol sa sinabi ni Akae. Akae is a loose end para kay Aikoh. Ayaw niyang icompromise safety ng mga tao sa kanyang paligid. This is a great opportunity to get rid of such threat.

"Saan ba?" Sagot ni Aikoh na nagpagiggle naman kay Akae sa kabilang dako ng linya.