webnovel

A MAN FROM MY PAST (BOOK 1)

Romantic and Tragic Si Cally Marie Garcia ay isang maarti at pasaway na babae,hindi niya alam kung tama ang kanyang ginagawa basta makuha lang niya ang gusto niya, Nagsimula ang bangongot ni cally nung napatay niya yung ex boyfriend niyang si jacob pero akala niya na patay na ang kanyang man from my past, akala niya na minumulto siya nito.. Pero naghihiganti lang pala ang kanyang man from my past sa kanya.. Pero sino kaya kina Jake at Jacob ang dalawang magkambal ang pipiliin ni cally. Si Jake Fredirick Azarcon ay kambal ni Jacob Fredirick Azarcon na siyang man from my past ni cally , Paano kaya maghaharap si Jake at Cally,matatanggap pa rin ba ni Jake si Cally kapag malaman niya na ex ni cally si jacob . Pero di natin alam kung ano talaga ang puno't dulo ng lahat ng to ,buhay pa ba talaga si Jacob o isa na lamang siyang multo na nagpaparamdam kay cally .. Sino ang ppipiliin sa kanila ni cally ang PAST niya o ang PRESENT niya Hindi lahat ng pag ibig ay may happy ending, ganun ba ang mangyayari kay cally magkakaroon ba siya ng happy ending o sad ending. All right reserved November 05,2020 Author: Kevin Dy Alaon

Kevin_Alaon_Dy_77 · Realistic
Not enough ratings
15 Chs

CHAPTER 9:TRUE MOTIVE

JAKE's P.O.V:

Haysss ! ano ba ang nangyari sa akin ngayon ang dami kung nalaman ,akalain mo yun prinsipe pala ako at ako pala ang tagapag mana ng companya ng boss ko este tatay ko pala pero di ko lang muna ipagtatapat sa kanya lahat ,mag tratrabaho lang muna ako sa kanya bilang empleyado niya ayokong masira plano ko ,gusto ko ipag higanti kapatid ko di naman siya mamatay nun kung hindi dahil sa babaeng kinabaliwan niya at niloko siya at alam ko na ngayon kung sino ang babaeng yun walang iba kundi si cally .

Ayun pinuntahan ko na si paul sa kanilang bahay at sakto lang ang pagdating ko kasi pa alis na siya

Ako: oyyy ! pare san ka pupunta .(sigaw ko kay paul habang busy sa kanyang phone)

Paul: jake ? ba' t andito ka ?

Ako: malamang kasi nakikita mo ako,may nais sana akong itanong sayo basta pare marami ang itatanong ko sayo ,cancel mo muna lakad mo tara pasok na tayo sa loob.

Paul: pare naman ,wrong timing ka na man ,pupuntahan ko kasi si mama

Ako: sige sama na ako sayo

Paul: sigurado ka ?

Ako: oo pre ,tara asan na motor mo .

Paul: ayun tara na.

Kaagad na pinaharorot ni paul yung motor niya kaya ilang minuto lang ay ayun na nakapunta na kami kay tita nelia ,mama ni paul ,andun pala siya sa bahay ng lola niya kaya dito nalang kami nag usap ni paul.

Paul: pare umupo ka muna dun ,kuha lang ako ng pagkain natin.

Ako:(at ako ay umupo) sige pre ,salamat !

Kaagad kumuha ng pagkain si paul at maya maya ay nakita ko siyang may dalang lechon at kanin ang sarap naman.

Paul: ito na pagkain (nilapag niya sa mesa)nga pala pre ,salamat nga pala sa pagliligtas sa akin ha ! sa susunod ako naman ang magliligtas sayo asahan mo yan

Ako: okey lang yun pare ,para na tayong magkapatid at buti nalang ex girlfriend mo yung manager sa andy's restaurant.

Paul: ha ! anong ex girlfriend pare ? Sino ?

Ako: ikaw ha ! akala ko mag bestfriend tayo bakit di mo sinabi sa akin na naging gf mo si nicole.

Paul: si nicole ? HAHAHA (malakas ang tawa) sorry pare ! lihim kasi yun eh ! pero alam muna man ngayon diba ? hehehe

Ako: loko ka talaga at teka nga pala ,ba't kayo nagkakilala ni cally ,totoo ba sinabi ni nicole na dahil kay cally nagkahiwalay kayo.

Paul: .pare ,di ko alam na magkakilala pala kayo ni cally at oo pre ,dahil sa kanya nagkahiwalay kami ni nicole.

Ako: bakit pre ?

Paul: ganito yun ,nagkakilala kami ni cally dahil palagi akong pumupunta sa companya ng tito niya at dun ka din diba pre nagtratrabaho

Ako: oo pre ,tapos ?

Paul: tapos ayun nakita niya ako at nakipag usap siya sa akin ,humingi siya ng favor sa akin pag di ko raw siya pagbigyan ipapatanggal niya sa trabaho yung papa ko .

Ako: ano ! sinabi niya yun (gulat kung sambit kay paul) grabe talaga yung babaeng yun

Paul: oo pre ,kaya ako naman sumunod sa kanya kasi nawalan ng trabaho nun si mama ,tanging si papa nalang ang may trabaho nun ,ako naman ay di pa nakakahanap ng trabaho.

Ako: pre ,ano ba pinagawa niya sayo ?

Paul: magpanggap bilang boyfriend niya in one year.

Ako:( napasigaw) ano ! ginawa rin niya yun sayo.

Paul: hoy pre ! wag kang sumigaw ,grabe ka maka react ,bakit pre pinagawa rin ba sayo yun ni cally.

Ako: sorry pre ,nabigla lang ako at oo yun ang pinagagawa niya sa akin ngayon pero tumanggi ako akala niya siguro matatakot ako sa kanya ,pero pre bakit niya kaya yun pinagawa sa anong dahilan.

Paul: buti naman pre ,uhm ! kasi pre ,ganito yun pano ko ba sasabihin sayo tiyak magugulat ka.

Ako: pre ,sige na sabihin muna baka abutin tayo ng gabi dito .

Paul: kasi ,ewan ko kung maniniwala ka eh !

Ako: ano nga yun pre ,sige na !

Paul: sige ,kasi gusto niya kasing makalimutan ang ex niyang namatay ,palagi kasi nagpapakita sa kanyang panaginip yun eh !.at sinabi ng ex niya sa panaginip na titigilan raw lang niya ito kung meron na siyang boyfriend kahit isang taon lang na seseryosohin niya ewan ko pare ,minumulto raw siya ng ex niyang namatay kahit umaga man o hapon nagpapakita sa kanya at akalain mo pre ,pinadalhan pa siya ng ex niya ng sulat na papatayin raw siya.

Ako:???(wala tulala lang ako ewan ko ba kung maniniwala ba ako)

Paul: hoy ! pare ,gumalaw ka na man diyan(sabay tulak sa akin pero mahina lang)

Ako: pre ,baka naman buhay pa yung ex niya .

Paul: bakit mo naman nasabi yun

Ako: eh ! bakit pinapadalhan siya ng sulat so ano nagsusulat yung multo ,sige nga at nasabi ba sayo ni cally kung sino ex niya.

Paul: oo nga ano pre ,ba't di ko yun naisip ,uhm ! pero diba pre pwedeng makahawak ng bagay yung isang multo at hindi eh ! di niya sinabi di ko alam kung sino yung ex niya baka si CASPER ,HAHAHA

Ako: Gagu !! yun ang aalamin ko ,sana buhay pa talaga ex niya at okey lang pre ,gagawin ko na lang yung hinihingi niyang favor sa akin .

Paul: bakit naman pre gusto mong mabuhay yung ex niya at sigurado ka pre na gagawin mo yun baka mainlove ka sa baliw na cally na yun.

Ako:basta ! malalaman mo na lang yun kung bakit at oo pre ,sige mauna na ako pre ,may pupuntahan lang ako ,ikaw kung gusto mo sumama sa akin.

Paul: wow ! may ganyan ka nang nalalaman ha ! hahaha ! sige san ba ang lakad mo ?

Ako: pupuntahan ko si nicole

Paul: bakit naman ?

Ako: basta ano sasama ka ba ?

Paul: oh ! sige sige sasama ako ,paalam muna tayo kina mama at lola

Ako:oh ! sige

At ayun nagpa alam na kami kay tita at sa lola niya at pinaharorot niya na yung motor niya habang nag mamaneho si paul ay bigla kung nahagilap yung kapatid kung si trisha dun sa may waiting area at teka si andrew ba yung nakikita kung kasama niya na inaakbayan pa siya, gagong yun ha ! agad kaming lumapit sa kanila.

---