webnovel

A MAN FROM MY PAST (BOOK 1)

Romantic and Tragic Si Cally Marie Garcia ay isang maarti at pasaway na babae,hindi niya alam kung tama ang kanyang ginagawa basta makuha lang niya ang gusto niya, Nagsimula ang bangongot ni cally nung napatay niya yung ex boyfriend niyang si jacob pero akala niya na patay na ang kanyang man from my past, akala niya na minumulto siya nito.. Pero naghihiganti lang pala ang kanyang man from my past sa kanya.. Pero sino kaya kina Jake at Jacob ang dalawang magkambal ang pipiliin ni cally. Si Jake Fredirick Azarcon ay kambal ni Jacob Fredirick Azarcon na siyang man from my past ni cally , Paano kaya maghaharap si Jake at Cally,matatanggap pa rin ba ni Jake si Cally kapag malaman niya na ex ni cally si jacob . Pero di natin alam kung ano talaga ang puno't dulo ng lahat ng to ,buhay pa ba talaga si Jacob o isa na lamang siyang multo na nagpaparamdam kay cally .. Sino ang ppipiliin sa kanila ni cally ang PAST niya o ang PRESENT niya Hindi lahat ng pag ibig ay may happy ending, ganun ba ang mangyayari kay cally magkakaroon ba siya ng happy ending o sad ending. All right reserved November 05,2020 Author: Kevin Dy Alaon

Kevin_Alaon_Dy_77 · Realistic
Not enough ratings
15 Chs

CHAPTER 14:Hometown Bridge

Cally's POV:

Ayun na nga,papasok na sana ako sa opisina ng may nakita akong taong nakatakip ang mukha ,parang sa akin naka tingin ,ayun nilapitan ko.

Ako: Hello po ,ako po ba ang tinitingnan mo .

Malumanay kung tanong kay kuya na parang ninja turtle.

Stranger: pinapapunta ka ni boss ,ito yung lugar kung san .(inabot sa akin yung papael)

Ako: wow ,ano to ?.parang nasa pelikula lang tayo ha ! may pasulat sulat pang nalalaman, love letter ba to, hehehe, teka sino ka ba at sino yang boss mo .

Stranger: sige po ,alis na ako

Kaagad siyang nagmamadali, napaka bastos naman niya, kinakausap ko pa bigla akong nilayasan.

Ako:hoy ! halika dito .(sigaw ko sa kanya)

Ayun tumakbo na siya ,grabe sino kaya yun at sino boss niya ? ano ka ba naman cally ,basahin mo kasi kung anong nakasulat sa papel ,hehehe ! ayun binasa ko na ito.

"Cally ,si jacob ito ,sana makapunta ka dito sa hometown bridge kung saan ako na aksidente ,sana makapunta ka ! pag hindi ka pumunta ,alam mo naman kung anong gagawin ko sayo".

Syempre nagulat ako biglang tumayo mga balahibo ko ,shock na shock ako eh ! anuuu umagang umaga magpapakita ang multo ni jacob sa akin .Whaaat !! lord huhuhu .im scared ,ano to ? anong ibig sabihin niya baka nga tama si andrew buhay pa si jacob ,pero bakit ? paano ? natatakot ako ,ano ba to ,umagang umaga ganito agad lord ,pinaparusahan mo ba ako .

Biglang may kumalabit sa akin

Amy: beessss ! ano bang ginagawa mo diyan bakit nagsasalita kang mag isa ,hala besss kailan pa hahaha, baka matokhang ka niyan.

Ako:ay kabayong nirape ng sampung tikbalang ,(gulat kung sabi) ano ba bess ,ginulat muna man ako ,ito na ngang may problema ako ,dumadagdag ka ba at anong matokhang pinagsasabi mo, gaga !

Amy: hay naku ,maya na natin yan pag usapan ,tara na pumasok na tayo sa loob at late na tayo baka pagalitan tayo ni boss.

Ako: ah .besss ! sabihin mo na lang kay boss na di lang muna ako ngayon makapasok .

Amy: bakit nman ,eh ! andito ka na sa labas, ano may sakit ka ba bess ,wag mong sabihin may taning na buhay mo kaya pala nagsasalita kang mag isa .huhuhu ! besss ..(bigla niya akong yinakap)

Ako: loka ,matagal pa akong mamamatay. Mauuna ka pa sa akin bess ,(iniwas ko ang pagkakayakap niya)

Amy: aray naman bess ,bakit kasi ?

Ako: may pupuntahan lang ako bess ,importante lang di kasi ako makatulog eh .

Amy: oh .siya ! sige ,ako ng bahala kay boss ,basta chika tayo ha pagkatapos .

Ako: salamat besss ,mahal talaga kita, hehehe sige bess .bye !

Nagbeso beso muna kami bago ako umalis at ayun na nga pupuntahan ko na si jacob ,habang ako ay naglalakad may nakabangga sa akin,wala kasi ako sa sarili ko kasi natatakot ako.

Jake:ano ba !.doling ka ba ! (galit na galit gustong manakit)

Pagtingin ko kung sino ang nakabunggo sa akin ay.

Ako: jake (gulat kung sabi sa kanya) grabe binangga muna naman ako ,ikalawa na to at ako pa talaga ang sinabihan na doling.

Jake: grabe talaga ,bahala ka ,male late na ako sa trabaho ! bahala ka diyan !

Ako: teka jake (hinawakan ko kamay niya) jake mag usap muna tayo may importante akong sasabihin sayo ,please !

Jake: ano ba naman yan ,cally .

Ako:pwede mo ba akong samahan ?

Jake: mag isa ka ,papasok na ako sa trabaho .

Ay nireregla yata ngayon tong kumag na to,ang sungit!!

Ako: jake ano ba ,alam ko at alam mo na kilala mo si jacob.

Jake:ano bang pinagsasabi mo diyan di ko nga siya kilala ,bitawan mo nga ako !

Ako: jake please ,sige na naman ,please pumayag ka na sa favor ko ,okey lang kung di ka sumama sa akin basta pumayag ka na. Lahat gagawin ko jake ,basta pumayag ka lang.(pagmamaka awa kung sabi sa kanya)

Di ko namalayan na tumulo na pala luha ko.

Jake:tama na nga yan ,wag ka ngang umiyak, baka sabihin ng mga dumadaan dito sinaktan kita.

Nagulat ako kasi pinunasan ni jake yung luha ko ,hinayaan ko na lang na punasan niya luha ko.

Jake: sige na pumapayag na ako ,bitawan muna kamay ko at late na ako sa trabaho.

Ako:talaga jake ,yesss ! salamat jake (nakangiti kung sabi sa kanya) thank you talaga(niyakap ko siya)

Jake: ano ba bitawan mo nga ako .

Ako:(binitawan ko siya) yess ,thank you talaga jake ,simula ngayon your my boyfriend.

Jake: ikaw rin your my FAKE GIRLFRIEND,sige na pasok na ako sa trabaho ,umalis ka na

Ako: sige boyfie ,ingat ka ! bye .i love you !

Jake: ewan ko sayo .

Ayun umalis na nga si jake ,yess grabe ang saya saya ko talaga ,sinagot na ako ni jake ,este pumayag na siya sa favor ko ,thanks lord .Bakit pala siya biglang pumayag ,ay ewan di ko na yun iisipin pa ,basta ang importante kami na .yess ! teka muntik ko ng makalimutan ,pupuntahan ko pala si jacob ,ngayon di na niya ako matatakot pa ,may boyfriend na ako, hahaha !

Yesss ! sa wakas pumayag na rin si jake ,grabe ang saya ko ,biglang nawala ang takot ko kanina ,ewan ko bakit ang saya saya ko ,ayun na nga sumakay na ako ng taxi ,,grabe ang saya ko talaga ,imbes na matakot ako kasi magpapakita ulit si jacob sa akin pero bakit ang saya ko .hehehehe ! ng may biglang may nagtext sa akin ,teka number lang to ha ..

Unknown #: bakit siya pa ang ginamit mong maging boyfriend mo ,talaga bang hindi ka natatakot .

Nung nabasa ko yun ay oh my god ,eto na naman tayo ,back to normal nagulat na naman ako ,kailangan ko na yatang uminom ng gamot baka atakihin na ako nito sa puso sa sobrang magugulatin ko, teka sino to ,wag mong sabihin cally ,si jacob ang nagtext sa akin ,oh my ! ano to ? grabe pati sa phone kaya niya ng magtext ,huhuhu ! ayun bigla na naman akong natakot ,bakit anong problema magkilala ba sila ni jake ,wag mong sabihin mag kambal sila ni jake ,wag naman sana .

Driver: miss ,bakit po kayo nagsasalita ng mag isa.

Ako: kuya ,magmaneho ka na lang diyan ,ganito talaga ako ,talking to myself and i .

Driver: aba matindi ..

Ako: shut up ka na kuya ,please ..

Grabe si kuya ha ..pero ano to .grabe ,parang talagang cctv tong si jacob .bakit ayaw niya pa akong tigilan ..teka may tumatawag sa phone ko ,number lang ,sino to ,si jacob ba to ,heto na naman, nanginginig na ako sa takot .

Driver: miss ,ako na ang sasagot ng phone mo ,kawawa naman di mo sinasagot.

Ako: kuya ,,di mo alam kung sino to .natatatakot talaga ako.

Driver: naku baka stalker mo yan miss ,kung ako sayo mag iba ka na ng number mo.

Ako: oo nga po kuya ano ,sige po pero sasagutin ko po ba tool.

Driver: ikaw ,kung ako yan sasagutin ko para malaman ko kung sino ang tumatawag.

Ako: okey po kuya ,ito na po sasagutin ko na.

Ayun sinagot ko na at nagulat ako sa nagsalita.

Unknown #: hello ,cally my loves ,sa wakas sinagot mo rin.

Familiar ang boses niya ,si jacob to ,di ako nagkakamali, it means buhay siya.

Ako: he.he..he.llloo..lloo .jacob iii..iiikaw baa to.

Grabe nanginginig yung mga kamay ko

Unknown #: di mo pa talaga nakakalimutan boses ko cally my loves ,,whahahahahaha

Ako:hello ? jacob ikaw ba to , hello !

Ayun pinatay niya ang tawag grabe si jacob ba yun at biglang tinigil yung taxi .

Ako: kuya ,bakit po niyo tinigil ,may problema ba.

Driver: miss ,bumaba ka na ,sige na ,kahit di ka na magbayad .

Ako: aba bakit naman po kuya ,ang layo pa ng pupuntahan ko ,kanina lang ang saya mong kausap tapos ngayon papababain mo ako .aba wag naman kuya, its hurts..

Driver: misss ,gusto ko pang mabuhay ,mahal ko mga anak ko ,kahit ipa reklamo mo ako ,wala akong pakialam ,sige na bumaba ka na ,kung alam ko lang na ganito mangyayari di na kita pinasakay.

Ako: kuya .bakit ano ba nangyari ..

Biglang lumabas yung driver at kinaladkad ako palabas.

Driver: pasensya na miss ,yung boyfriend mo kasi ,sorry talaga ! sige.

Ako: teka kuya ,anong boyfriend sinasabi mo .kuyaaa !(sigaw ko sa kanya)

Ayun umalis na yung taxi grabe ano ba sinasabi niya ,anong boyfriend ,sino si jake mababaliw na ako ,paano ako nito makakapunta sa hometown bridge teka may tumatawag na naman ,number ulit ,kinakabahan na tuloy ako nito, parang ayoko ng may tumatawag sa akin,si jacob na naman ba to ,sasagutin ko na lang.

Unknown #: wag ka ng pumunta dito.

Ako: hello ? jacob .ikaw ba to .

Ayun pinatay na naman niya yung tawag, grabe nakakabastos na ,si jacob yun di ako nagkakamali pero bakit ,buhay pa ba siya at siya ba ang nanakot sa driver kung bakit ako pinababa ,dahil ayaw niya na akong pumunta dun .pashneya ! ano ba to ! mababaliw na ako nito ,dito pa talaga ako binaba sa kunti lang ang dumadaan ng sasakyan mababaliw na ako .Jacob bakit mo to ginagawa sa akin .huhuhu ! kulang pa ba yung muntik na akong mamatay dahil sa ginawa mo sa akin ,kulang pa ba yung di ako makatulog sa gabi dahil binabangongot mo ako ,jacob bakit (bigla akong sumigaw)

At biglang may nagtext sa akin

Unknown #: yan pa nga lang sumusuko ka na ,kulang pa nga yan ,ang gusto ko patayin kita kaso gusto kita pahirapan muna.

Nireplayan ko siya

Ako: sige mas mabuti pang patayin mo na ako para wala ka ng problema !

Unknown #: wag muna ,ang aga naman para patayin kita.

Ako: jacob ,bakit ?

Ayun naghintay ako ng reply niya pero di na siya nagreply .Paano na to ? dapat nga tigilan niya na ako kasi may boyfriend na ako.

Itutuloy.