webnovel

A Little White Lie (Omorfos Band Series #1)

youngkore · Realistic
Not enough ratings
12 Chs

Prologue

Prologue

The Pont des Arts is a place for lovers.  Sa tulad kong nag-iisa, hindi. Maybe it was once when I was still in love. At siguro hanggang ngayon, oo.

The Pont des Arts filled with romantic vibes. Kahit ilang beses kong puntahan ang lugar, kahit ilang beses kong pagmasdan ang Île de la Citê mula sa kinatatayuan ko at ang mga street musician na nag-iingay sa mapayabang gabi, I could only feel gladness with an ounce of sorrow.

"Chen!" 

Lumingon ako sa babaeng tumawag sa'kin.

I waved my hand at Dexie. Nagmamadali siyang lumapit sa'kin at hinihingal pa nang makahinto.

"Kanina ka pa?" she asked.

"Kakarating ko lang. Gutom ka ba? Kain muna tayo. "

Bumitaw siya sa hawak at umiling sa'kin. "Akala ko ba pumayag ka na sa offer kong blind date? Bawal ng mag-back out! Nakakahiya sa lalaki!"

Napabuntong-hininga ako. Binubugaw niya ako sa mga lalaking kakilala niya, mapa-French, Pilipino o ano pang lahi.

I wanted to refuse. But wala namang masamang mag-try.

"Oo nga, pumayag na nga ako! Pero kain muna tayo!" muli ko siyang hinila pero lumayo naman siya.

"May date din kasi ako. Next time nalang, Chen. Pinuntahan lang kita dito dahil akala ko dumating na 'yung lalaki. "

"Mamaya pa 'yun. Kinakabahan ako kaya kain muna tayo. "

Umiling siya. "I really have to go. Next time na lang talaga, libre ko pa. Ingat ka. "

Wala na'kong nagawa nang tumakbo siya palayo. Hindi kalayuan ay may dumating na sasakyang Coupe. Nangunot ang noo ko sa pagtataka.

I never seen her with someone else since her last heartbreak. Ni ka-fling, wala siyang nasabi.

Napailing-iling nalang ako at naupo. Minutes passed by and I received a message suddenly. Tiningnan ko ang cellphone.

From Unknown Number:

I'm sorry I can't make it. Let's date next time.

Hindi na'ko nagreply. Mabilis akong tumayo at naglakad na pabalik sa Hotel.

Gusto kong sabihin kay Dexie ang nangyari pero naisip kong 'wag na lang. Baka kulitin pa niya ang lalaki na bukas mismo gawin ang naudlot na blind date.

I was finding my room card when I heard foot steps coming. Lumingon ako at napamaang nang mapagsino ang naglalakad.

Primo Yuchengco, wearing his yellowish-brown trench coat with a newsboy cap on his head. May katawagan siya habang naglalakad.

Mukhang hindi niya pa ako nakita kaya bago pa ako mahagilap sa paningin niya, humarap na'ko sa pintuan ko.

Kagat-labing niraramdaman ko ang presensiya niya. He wasn't speaking when he passed by behind me. Parang sinadya niyang manahimik.

Did he saw me? Napansin niya bang ako si Cheyenne kahit nakatalikod na ako?

I was stunned when he opened a room, revealing the girl who was wearing only a white robe.

Muli akong napamaang lalo nang maghalikan sila papasok sa loob. Hindi ko alam kung sinadya niya ba 'yun para pagselosin ako o sadyang hanggang ngayon, gago pa rin siya.

He didn't changed at all.

He's still the smug guy I met, hated and loved before.

--

A/N:

This is my first ever story here so haha. Follow me in Wattpad @youngkore. Thanks!