webnovel

A Little White Lie (Omorfos Band Series #1)

youngkore · Realistic
Not enough ratings
12 Chs

Chapter 7

Chapter 6

"Where's the next spot, Bianca?"

Tiningnan ko ng maigi si

Isacc na kanina pa lapit ng lapit sa Tour Guide namin. Ate Bianca seems aware that Isacc is flirting. Pati ba naman sa Tour package, hindi nauubusan ng malalandian.

"I'll tour you to Marseille's Street art. Secure your pockets, wallet, cellphone, money and other essentials things. Marseille is known as the most criminal city in France kaya kailangan mag-ingat tayo ng maigi. Walang hihiwalay sa'tin. We won't parted ways this time. Baka kung ano pang disgrasya ang mangyari sa'tin. "

Tahimik ako sa isang tabi. My mind's still occupied on what Primo said earlier. Hindi ko alam kung sadya bang hindi ko lang talaga siya maintindihan o pinipigilan ko lang ang sarili na intindihin siya.

I don't want to assume things but that's what he's making me feel.

Nakarating na kami kahit saan sa Marseille simula kaninang umaga. Mahaba ang byahe galing Deauville pero worth it naman. Kakagaling lang namin sa mga museums, Basilique Notre-Dame de La Garde, mga beaches at kung anu-ano pang magagandang tourist pots ng syudad. Nothing unwholesome happened. Pakalat-kalat din kasi ang mga Police.

Buntot ng buntot si Primo sa'kin. Paminsan-minsan, siya pa ang kumukuha ng mga pictures ko.

"You'd surely make money kung dinala mo ang pininta mo dito tapos binenta mo. Mas bebenta pa 'yun kaysa sa croissants na ginawa mo. " narinig kong sabi ni Isacc kay Primo.

Primo baked a croissants? Was it successful? May filling? I doubt that.

"Tanginamo, ang ingay mo. Ano bang painting pinagsasabi mo diyan?" bulong ni Primo pero rinig na rinig ko pa rin.

Nagpatiuna akong maglakad sa kanila. Kanina ko pa sinubukang makinig sa mga sinasabi ni ate Bianca pero ang lalakas talaga ng mga boses nila Primo sa likuran ko.

Si Aikem ay panay kuha din ng litrato sa'kin, umiiwas nalang ako dahil baka singilin na naman ako.

"Yung nude painting mo. Sino ba 'yun? Ang laki ng boobs, Primo. "

"Ah, 'yun." tumawa si Kade. I rolled my eyes. "Ibebenta ko kay Aiken 'yun. Tantiya kong magbabayad 'yan ng higit isang daang libo. "

Naiirita ako sa pinag-usapan nila. Mas  binilisan ko pa ang paglakad hanggang sa makatabi ko si Acel. I smiled at him. Hindi kami nag-usap dahil abala din siya katulad ko sa mga magagandang tanawin sa paligid.

The little streets sheltered with great paintings, stencils, stickers, posters at kung anu-ano pang hindi ko maintindihan. Some paintings has confusing message which I couldn't comprehend easily.

Ganoon talaga minsan. I don't know if it required to know the artists first para maintindihan ang mga gawa nila. Noong nagpunta akong Musée d'Orsay, I saw Vincent Van Gogh's Garden of the Asylum. Naintindihan ko agad ang painting dahil alam ko ang nangyari kay Van Gogh. Pero 'yung iba, hindi ko alam.

Maraming magulo. I appreciate arts but sometimes, it gives me pain in the head. O sadyang bobo lang talaga ako magcomprehend ng mga obra maestra? I don't even also understand Primo.

"Aalis pala kayo ni Acel mamaya. Saan punta niyo?"

Natigilan ako nang marinig si Primo sa tabi ko. Mabilis ko siyang tiningnan. Nakatingin lang siya sa pintor na nagpipinta sa isang batang nakaupo sa maliit na bangko.

"Hindi ko alam. "

"Narinig mo ba ang sinabi ng Tour Guide kanina? Maraming krimen sa Marceille. Wrong timing naman masyado ang date niyo. "

"Hindi naman siguro kami lalayo. May alam ka bang safe na puntahan?"

"Really, Chen?" hindi makapaniwalang lumingon siya sa'kin. "Sa akin mo tinatanong kung saan pwedi kayong mag-date? Wala kang makukuhang sagot sa'kin. "

Kunot ang noong pinagmasdan ko si Primo na naglalakad palayo. Bad trip na naman siya.

We stop at the Old Port and Boulevard Oldchamp after. Maaga kaming natapos dahil maaga pa kaming babalik bukas. May night tour din naman ulit pero hindi na naman ako sumama.

"May ka-date pala tong si Acel, eh. Hulaan niyo kung sino?" nang-aasar na ngumiti sa'kin si Chaz.

Kumakain na kami at nagsisisi akong hindi sa kabilang table ako sumama. Ang ingay-ingay talaga nila.

"Si Aiken. " nakangising sabi ni Kade.

Napanguso ako. Sobrang bitter niya. Nasamid tuloy si Aiken. Acel just rolled his eyes. When he looked at me and caught me staring at him, he smiled.

"Respeto, Primo. Kumakain ako. Nakakadiri ka. " reklamo ni Aiken.

"Hindi mukhang couple sila Aiken at Acel. Para silang mag-ama. " Isacc teased.

"Shut up. Nakakadiri kayo. "

Mabuti nalang hindi na binanggit kung sino ka-date ni Acel. Matutukso kami kapag nalaman pa ng mga kasama namin. May mga matatanda pa namang ang lakas makatukso sa mga bata.

"Oh, saan ka, Acel? Tapos ka na?" Chaz asked.

"Oo, may ka-date nga ako, 'diba? I should be preparing now. I'll get going. "

Tumingin sa'kin si Acel bago siya naglakad palayo. Kinilig ako sa simpleng paganoon ni Acel. Akala ko siya yung tipong takot at nahihiyang ipagbunyagan na may kikitain siya mamaya. God, I feel so special.

Palihim akong siniko ni Ate Bianca habang ang mga mata ng apat na lalaki sa harapan ko ay nasa akin.

"Wala na, may panalo na. " I heard Chaz said.

Sa huli, tinukso ako nila kasi it's getting obvious daw. Sila pa ang nagpumilit na umalis na ako't magbihis ng bagong damit. Except Primo.

He was just silently eating his food and did not even throw glances at me. Mas nauna pa siyang tumayo kaysa sa'kin. Sumunod kami nila Isacc, Chaz at Aiken sa kaniya.

"Bad trip si Master. " bulong ni Isacc.

"May ginawa ka ata, Madame Chen." tinuro ako ni Aiken.

I pointed myself. "Me? Wala, ah. Tinopak na naman siguro 'yun. "

"Sure ka?" Chaz raised a brow.

"Hindi. " umismid ako. "Pero bakit naman siya maba-badtrip sa'kin? Parang kanina lang, ang kulit-kulit pa niya. Seriously, ang hirap niyang espillingin. "

Nasa corridor na kami ng floor namin nang huminto kami para makapag-usap. Maybe Acel can wait naman. Mabilis lang naman akong makapili ng damit.

"Nasa casino 'yun kagabi, eh. Do'n sa Deauville. Tapos umuwing bad trip. Problemang babae siguro. " lumingon si Aiken sa'kin.

"Pota, hindi niyo ba napapansin? He likes Madame Chen. " kalmadong sambit ni Isacc.

Naubo ako bigla at sinamaan siya ng tingin.

"Ewan ko sa inyo. Dahil sa kagaguhan niya kaya siya namo-mroblema. Anyway, pasok na'ko. Baka may pickpocket pang palaboy-laboy dito. " pananakot ko pero hindi nila ako pinansin.

Nag-usap usap lang ulit sila pero nang may papalapit na lalaking naka-sumbrero ay nagsipasukan sila agad sa mga kuwarto nila. Akala ata mandurukot nga.

I stopped fixing my hair when I heard knocks. Bumungisngis ako at mabilis na kinuha ang sling bag saka nagmamadaling binuksan ang pintuan. There, I saw Acel.

He looked at me from head to toe like it's his first time seeing me wearing plain clothes. It's not that plain. Naka-long sleeve tops lang ako, tailored pants at dressier flip-flops sa paa.

I wanted to wear the Dior loafers ko na bigay ni Primo pero pakiramdam ko ay hindi magandang ideya iyon.

"Hi. I'm sorry ang tagal ko. " ngumiti ako kay Acel.

"It's alright. " muli niyang pinasadahan ng tingin ang suot ko. "You won't bring your scarf with you?"

"Hindi naman masyadong malamig. Ayos lang, Acel. "

He nodded but still hesitating. Sabay kaming lumabas ng Hotel. Naabutan pa namin si Ate Bianca at Isacc sa lobby, mukhang nagkamabutihan na.

Hindi na namin sila pinansin. Hindi ko alam kung saan kami pupunta pero naglakad-lakad lang kami ni Acel habang nag-uusap.

"May Café doon. Why don't we eat?" sambit niya.

Tiningnan ko ang Café na tinuro niya at saka napahawak sa tiyan.

"I'm still busog. Ikaw? Gusto mo bang kumain?"

"Suggestion ko lang naman. " tumawa siya. "Sa Longchamp tayo. "

Napamaang ako nang hulihin niya ang braso ko at hinila. Napatitig ako doon, saka sa kaniya na parang hindi aware na nababalisa na ako sa paghawak niya sa'kin.

He looked at me and continued to grab me. Napangiti ako sa sobrang saya.

Malapit lang sa Longchamp Boulevard ang Hotel na chineck-in namin kaya nalalakad lang. We went here kanina pero hindi rin nagtagal dahil nagpunta agad kaming Old Port at saka nag-kayaking adventures. 

"Walang pangit sa France. Grabe. " bulong ko.

I've seen twin row of plane trees from different places pero talagang iba ang karisma ng Boulevard na'to. Ang ganda sa pakiramdam maglakad-lakad.

Tingin kami ng tingin ni Acel sa mga kabahayan hanggang sa nakarating kami sa Canebière Station. Huminto kami saglit dahil sa pagod.

"I'll buy you something to drink. What do you want?" sabi niya nang maupo kami sa may bench.

"Tubig nalang. " sagot ko. "Samahan na kita. Saan ba tindahan dito?"

Tumayo ako at naghanap ng maaaring pagbilhan. Hindi tumayo si Acel kaya nilingon ko siya.

He's just intently looking at me with a little smile plastered on his face. Parang gusto kong kapain ang puso ko, baka kasi nasa dibdib na niya 'tong lechugas na puso ko.

"No. Dito ka na lang, magpahinga ka. Pupunta tayong Palais pagkatapos." he smiled sweetly.

"Sure ka? Pera mo ba gagamitin? I can lend you mone-"

"Chen, 'wag na. Ako ang nag-aya kay ako magbayayad. Pinagod pa kita kakalakad. This date... is it okay with you?"

Pinagmasdan kong gumalaw ang adam's apple niya.

"Is this a date? " tanong ko.

He nodded and gave his lips a lick.

"I would've asked you to date me inside a restaurant but you're any longer hungry. Kaya dito nalang kita dinala dahil bakit hindi? But... are you having fun? "

"Oo naman!" maligayang bulyaw ko. Ngumiti ako ng malaki at inangat ang dalawang kamay. "I had so much fun kahit paglalakad at tingin-tingin lang ginawa na'tin, 'no! I would run and shout around just to make you assure I had really enjoy this, Acel. "

I jumped a bit and he laughed. Bukod sa magagandang landscape ng Boulevard, nakaka-draw attention din 'yung mga couples na sobrang sweet. Everything in France are all romantic to me.

"This won't be our last then. " nakangiting sabi niya.

"What do you mean? May next time pa ba?"

"Well..." he licked his lips again. "Do you have anything to do better after this tour package?"

"Uuwi ako ng Pilipinas saka mag-eenroll. Ikaw ba?"

"Same. Let's see if we could still go out like this. " he tilted her again, glaring intently at me. "Bibili pa pala ako ng tubig. Sumigaw ka lang kapag may nagbabalak na masama sa'yo. "

Tumango ako. Pinanood ko siyang maglakad palayo. Nang makalayo na siya ay pinakawalan ko ang mahinang tili. Naupo ako sa bench na parang tanga, mag-isang nakangiti.

To date Acel is a dream come true. I don't know what's gotten into him why he's acting like this pero sana genuine siya.

I was tapping my shoes to the ground when I felt someone behind me. Sisigaw na sana ako pero tinakpan ng tao sa likod ko ang bibig ko. Nagtataka lang ako kung bakit pumulupot sa baywang ko ang braso niya. Parang gusto kong maiyak sa kilabot na naramdaman.

God, hindi ako mayaman!

"Miss..."

I stiffened when I heard Primo's voice. Agad ko siyang siniko pero hindi parin siya lumalayo sa'kin. Tinanggal niya naman ang kamay niya sa bibig ko pero nakapulupot parin ang braso niya sa baywang ko.

"Gago! Tinakot mo ako! Walang hiya ka, lumayo ka sa'kin! Nandidilim paningin ko!" muli ko siyang siniko.

Narinig ko ang daing niya pero ayaw parin lumayo. Malakas ang talbog ng puso ko. Akala ko legit akong mapapahamak ngayon!

"Miss, holdap 'to. "

"Stop it! Sisigaw ako kapag hindi mo parin ako binibitawan!"

"Holdap nga 'to. Matakot ka naman."

Kinuha ko ang sling bag at hinampas sa ulo niya. Dumaing siya sa sakit.

"Gago, nakahithit ka ba?" I tried hitting him again with my bag. "Kausapin mo'ko ng maayos, hindi 'yung nangyayakap ka bigla. Gosh, what's with you?!"

"Tatawag ako ng police. " bulong niya. "May kinuha ka sa'kin. Mababaliw ako kapag hindi mo parin sinasauli iyon, Chen."

"Primo, let me go. And I didn't stole something from you. Sinauli ko na yung Vegan Gryphon mo, 'diba? Or if you're talking about the Dior loafers, you gave me those willfully. Tanga ka ba?"

Hindi siya tumugon. A silence engulfed as for a moment. Bumaba ang tingin ko sa isa pa niyang brasong pumulupot sa'kin hanggang sa humigpit ang kapit niya.

I couldn't push him this time. Ang hininga niyang tumatama sa leeg ko ay nagpapahina sa'kin.

"Good job, Chen. Hindi mo sinuot ang sapatos na bigay ko. I'd be the craziest if I caught you wearing my shoes while dating other guy. "

Umirap ako at sinubukang wakliin ang braso niya bago pa kami makita ni Acel na nasa ganitong posisyon. It would be awkward.

"Primo, bumitaw ka muna. " pagmamakaawa ko.

"Tatakas ka pag bibitaw ako. May kasalanan ka pa sa'kin. "

"What did I do wrong? Ha? Ano?!" I literally almost shouted.

Nang mawala ang braso niya sa'kin ay napabuntong-hininga ako. Pero tumayo naman si Kade sa harapan ko. Tumingala ako sa kaniya dahil matangkad siya at nakaupo lang ako.

"Gustong-gusto mo ba siya?" he asked.

"Sino? Si Acel? "

Umigting ang panga niya at nakangising suminghap habang nag-iiwas ng tingin.

"I like him, yes. "

I don't know why I felt guilty upon seeing his bloodshot eyes staring at me again. Nawala sa isipan ko saglit kung sino ang unang kasama ko sa lugar na'to.

"Kailangan bang turuan kitang makalimutan ang nararamdaman mo sa kaniya, Chen? Kailangan mo ng tutor? E'di kung ganoon, nasa harapan mo na. "

"Baliw ka, Primo. " iling-iling na sabi ko. "I told you not to fall inlove with me! "

He pursed his lips and slowly nodded, like he's giving up.

"Papunta palang ako doon, binalaan mo na naman ako. " tumawa siya. Hindi ako makatawa dahil sa usapan namin ngayon.

His actions and words were telling me he likes me though it's still doubtful. Ayokong maniwala agad. Lalo na dahil si Primo 'to.

"Stop it. "

"Stop what?" nakangising sabi niya.

"Stop playing around, Primo. Gusto ko si Acel at hindi mo'ko makukuha sa mga ganyanan mo. Umuwi ka na bago pa niya tayo makita dito. "

Nawala ang ngisi niya at madilim na tumitig ng ilang saglit bago siya tumalikod. Napakurap-kurap ako habang pinagmamasdan siyang prenteng naglalakad, nakasuksuk pa sa bulsa ng pants niya ang magkabilang kamay.

Was he really saying the truth? Hindi na ba ka mag-uusap pagkatapos ng pinag-usapan namin? Paano ang Dior loafers?

"Hey. " sumulpot bigla si Acel. "Sorry I took so long. "

"Ayos lang. " tinanggap ko ang nilahad niyang bottled water. "Punta na tayo ng Palais. Or gusto mo pang magpahinga muna?"

Nag-isip isip siya saglit. I looked around to see if Primo's still here but he's nowhere in sight.

"Pupuntahan na natin agad. Let's go?"

Tumango ako. Nang magpunta kaming Palais ay sa entrance lang kami, hindi na nakapasok sa mismong Palasyo. The Palais longchamp has two museums, a botanical garden and an observatory.

Hindi ko alam kung bakit hindi namin pinuntahan 'to kanina sa tour. May mga renovations din kasi kaya may mga places na closed in public sa ngayon.

Nagpicture-picture nalang kami sa mga tigers at lions sa entrance. Pagkatapos, naglakad na kami pauwi. Medyo malayo-layo na rin ang napuntahan namin kaya pagod kaming nakauwi sa Hotel.

"Trust me when I say I had so much fun. Iyon nga lang, hindi tayo nakapasok sa Palais. " malungkot na napangiti ako.

"You could still visit once the renovation's done. " tinapik niya ako sa balikat. "Go sleep early. Good night, Chen. "

"Good night, Acel. Thank you so much."

Pinagmasdan ko siyang buksan ang pinto ng room ko saka iginiya pa papasok.

"There's always a next time, right?" tanong niya.

"Oo naman! Sa Philippines tayo. E-tour mo'ko at eto-tour din kita. Saan mo gusto?"

"Bohol. " tipid niyang sagot.

Nagsalubong ang kilay ko. "I don't know where Bohol is. "

"You don't?" hindi makapaniwalang tanong niya. "Taga doon si Chaz. We could make him as our tour guide. I'll be rooting for that moment, Chen."

Nag-usap pa kami hanggang sa tuluyan na'kong nakapasok sa kuwarto ko. Malawak ang ngiti habang nakahiga ako sa kama. Hanggang sa kinabukasan, nabulabalog ang tulog ko sa magkasunod na katok.

Si Primo ang nakita ko sa labas.

"Let's go. " nakangiting sabi niya.

Bumaba ang tingin ko sa suot ko. Hindi pa nga ako nakakaligo. Mabuti nalang inayos ko na ang bagahe ko kagabi.

"Good mood, ah?" sabi ko sa kaniya.

"Bakit naman ako maba-bad mood?" he smirked.

"Akala ko ba galit ka? I didn't know you're a soft type when it comes to me, Kade. "

"You're assuming too much now." sabi niya at tinulak ang pintuan ko para makapasok siya.

Nataranta ako. Sinara ko ang pinto bago pa may makakita sa'ming magkasama sa iisang kuwarto.

"Kade, lumabas ka na! Maliligo na'ko agad! "

Humarap siya sa'kin at humakbang palapit. Nag-iwas ako ng tingin. Baka may muta pa'ko!

"I don't remember I got mad on you, Chen. I was never and will never be. Naiintindihan mo?"